MABILIS na lumayo si Bornok mula sa kanyang bisor. Ang paghawak nito sa kanyang harapan ng suot na pantalon ay isang bagay na kailangan niyang mapigilan. Pumasok din kaagad sa isip niya si Trixie at marahil kung hindi dahil dito ay may malaking tsansa na matukso siya sa mga pwedeng mangyari sana. Nagulat naman nga si Suzette sa inasal niya, hindi makapaniwala ang dalaga na gagawin ito ng pangit na lalaking ito. “M-ma’am, may gf po ako,” nangingiting wika ni Bornok at lumayo siya lalo kay ma’am Suzette niya na seryoso lang na nakatingin sa kanya nang oras na iyon. Balak na nga sana niya itong takasan, kaso nalaglag ang mga papel na hawak ng dalaga at nakita niyang may luha sa gilid ng mata nito ang umagos pababa sa pisngi nito. “M-ma’am… U-umiiyak po kayo?” sambit ni Bornok at doon