KABANATA 8 Magkaibang mundo “TALAGA bang hindi ka na magpapapigil sa pagpunta sa party na iyon, Meredith?” tanong ng Nanay habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok. “Ang nanay naman, nakabihis na nga ho ako ‘eh,” pagtawa ko’t pilit itinatago ang kaba ko. Tumayo ako at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Sukat na sukat sa katawan ko ang ibinigay na formal white dress na ibinigay sa akin ni Ashton. Humahakab sa katawan ko ang makinis na tela no’n. Tanging powder at lipstick na nabili ko pa sa tiangge nang nakaraang buwan ang kolorete ko sa mukha. Pero mukha naman akong tao at presentable…hindi ko naman siguro mapapahiya si Ashton sa pag-imbita sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ni Nanay ang kuwintas na nasa leeg ko. Napalunok ako dahil hinubad ko ito buong araw kaya ng