KABANATA 9 Mine "Ayos ka lang ba, Mer?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Maria sa likod ko. Sa sobrang lalim nang iniisip ko'y hindi ko namalayang sinundan pala ako ng pinsan ko sa palikuran. Hinanda ko ang matamis na ngiti sa labi ko nang harapin ko siya. "Oo naman! Wala namang dahilan para hindi ako maging maayos, Maria. Ang sarap nung pagkain, Ano bang tawag doon-" Niyakap ako nang mahigpit ni Maria dahilan para matigil ako sa pagsisinungaling ko. Ang totoo, ay hindi ako ayos. Ang gabing inakala kong magiging masaya ako katulad kahapon ay hindi nagkatotoo. Ang gabing ito ang gumising sa akin mula sa isang panaginip. Sinampal sa akin ngayong gabi ang katotohanan. Mula kay Nanay hanggang sa mga narinig ko mula kay Trinity. Ayon ang mga senyales na dapat ko nang ibaon