KABANATA 26 Gala “I see…you don’t have one but you’re not interested?” tanong niya nang lumipas ang segundong hindi ko pa rin siya sinasagot. Tumango ako. “Sakit lang sa ulo…” Tumawa siya at tumango-tango rin na tila sinasang-ayunan ang sinabi ko. “Well, sakit nga talaga sa ulo ang pakikipagrelasyon minsan but still at one point it made us happy and complete, right? That magical moment when your heartbeat started beating fast as you look at the person you love…” Minasdan ko ang ngiti ni Giovanni at hindi iyon tulad ng ngiti niya kanina. Hindi iyon umabot sa mga mata niya. It’s like he’s longing for that person that he’s thinking right now. Iniwas ko ang tingin sa kanya at mapait na napangiti’t napatango rin. “Hmmm, tama ka, kaya din siguro minsan hindi natin mapakawalan iyong taon