K A B A N A T A 2 8 Blood donor HALOS hindi ko mabuksan ang wallet ko para dumukot ng pamasahe nang makarating kami sa ospital na kinaroroonan ng anak ko. Agad akong umibis at hindi na hinintay ang sukli ko. Saktong pagkababa ko nang makita ko si Sanya na kababa lang din ng kotseng sinakyan niya kagabi. Walang salitang namagitan sa amin at sabay kaming nanakbo patungong emergency area. Naabutan ko si Nana at Nanay na magkahawak ang kamay sa waiting area at sinisilip ang maliit na bintana sa loob ng ER. “Nay!” “Jusko, Meredith! Ba’t ba hindi ka matawagan—” “Si Ash?! Kumusta iyong anak ko?!” Umiling ang Nanay at humikbi na mas ikinatakot ko. Napunta ang tingin ko sa puting damit niya at tila may sumuntok sa sikmura ko nang makitang may bakas ng dugo ang suot niya at maging ang