K A B A N A T A 2 9 Mine Our son? Bakit malayo sa inaasahan ko ang naging reaksyon mo? Hindi mo ba kukuwestiyonin kung ikaw ba ang tunay na ama ni Ashriel? Mariin akong napapikit. Hindi dapat ayon ang nasa isip ko ngayon. “Mer? Tapos ka na bang magpalit?” Mula sa matagal na pagtitig sa salamin ay madali akong lumabas sa rest room ng hospital. “Bakit? May problema ba kay Ash?” Mabilis na umiling si Sanya at kinuha ang plastic na pinaglagyan ko ng gown ko. Dahil malapit lang naman ang bahay niya sa hospital ay sumaglit siya sa kanila at ipinagdala ako ng pamalit. “Walang problema, sinasalinan pa din siya ng dugo, Mer. Halika na, sumaglit muna tayo sa canteen, kailangan mong kumain tapos uminom ng gamot—” “Ayos lang ako, San,” paos ang boses kong saad dahil sa pananakit ng lalamun
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books