KABANATA 11 Back TULUYAN nang lumubog ang araw saktong makadaong kami sa Isla. Mahigpit ang kapit ko sa backpack na sumunod ako kina Ashton pababa ng yate. Tila hindi nila pansin ang presensya ko na may binulong si Maria sa tenga ni Ashton na ikinatawa nito. Sila na ba—ano bang pakialam ko? “Salamat sa pagsabay niyo sa akin,” sabi ko nang maabutan ko sila. “No problem, we’re family, Mer? Right?” nakangisi niyang saad sa akin pero naglaho iyon nang mapatingin sa malayo. Pilit na ngiti lang ang isinagot ko kay Maria at wala na talaga akong lakas na kibuin pa siya dahil sa tumitinding sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung sa gutom o pagod ang dahilan nang tila umikot ang paligid ko. Walang makakapitan na inasahan ko nang babagsak ako pero may may sumalo sa akin mula sa likod ko. Mariin an