48

1071 Words
Third Person's POV Tatlong taon na ang nakakalipas mula ng ideklara ng presidente ng Pilipinas ang pagbabago ng pangalan ng planeta. Ang pagbabagong ito ay pinag-usapan daw umano ng mga natitirang buhay na bansa sa iba't ibang panig ng mundo na nakakaranas rin ng pandemyang 'yon. Tatlong taon na rin, ngunit hanggang ngayon ay walang magawang bakuna para rito. Ang dahilan? Ito ay dahil sa pagkawala ng source ng kuryente, at maging produksyon ng mga makabagong teknolohiya na naantala at hindi na nagkaroon ng bagong gawa dahil sa pandemyang ito. Dahil sa kakulangan sa mga hilaw na materyales, maging sa angkop na pasilidad ay tuluyan na ngang bumagal ang pagbuo ng bakuna para sa lahat. Pero 'yon ang akala ng lahat. "Dr. Xi, bakit hindi mo pa rin ilabas at isapubliko ang tamang sangkap sa pag-gawa ng antidote?" tanong ni Dr. Reyes, isang dalubhasa sa larangan ng medisina, lalo na sa pagpapaanak at pangangalaga sa mga kababaihan, isang OB-Gyne. Agad n'ya itong sinundan pagkatapos magkainitan ng mga kapwa doktor sa board meeting. Napaiwas lamang ng tingin sa Logan at tumitig sa bilog na bilog na buwan. Nasa balkonahe sila ngayon sa Palawan, kung saan nasa harapan n'ya ang isang sikat na beach noong araw. Sobrang payapa ng gabi, ang dampi ng hangin sa kanilang balat ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Tinanggal n'ya ang pagkakaipit ng kanyang nakapusod na buhok at hinayaang isayaw ng magaslaw na hangin. Nagbuntong hininga muna ito bago nagsalita. "I have my own reasons as to not tell them the exact formula," sambit nito. Napapatanga namang ngumanga si Dr. Reyes dahil sa gulat. "Ano? Seryoso ka ba? Pero you promised! You promised in front of everyone the pledge of loyalty and honesty! Ipinangako mo 'yan noong binigyan ka ng degree ng presidente dahil sa nagawa mo noon!" hindi makapaniwalang bulalas nito. "Alam ko, okay?" sagot nito. Kumuha ito ng isang stick sa kaha ng sigarilyo at saka sinindihan. "I know that I promised before," dugtong pa n'ya, "not until I learned their real plan about this sht," bulong nito na tanging s'ya lamang ang nakakarinig. Hinithit n'ya ang yosi at ibinuga sa hangin. Napasimangot naman si Dr. Reyes ng malanghap ang mabahong amoy ng usok nito. Napailing na lamang s'ya bago talikuran ang binata. Ngunit bago 'yon ay nagsalita muna s'ya na nakapagpatigil kay Logan sa paghithit ng sigarilyo. "Make sure that you can keep that secret of yours longer, bago ka man maungusan ni Dr. Merced at gawin ng hindi mo magawa ngayon," huling sabi nito bago tuluyang umalis sa balkonahe at iniwan s'yang nag-iisa. Napailing na lang si Logan sa nangyayari at saka ay inapakan ang yosing wala man lang sa kalahati ang bawas. "I won't let that happen," bulong nito sa sarili. Kung titingnan mula sa persepsyon ng mga nakakakilala sa kan'ya, kapansin-pansin ang malaking pagbabago ng binata. Mula sa pananalita na purong ingles noon, marunong na rin itong magsalita ng tagalog, maging ang umintindi nito kahit pa wala na ang translating device sa kanya. Nagkaroon na rin ito ng bisyo, na dati naman ay wala. Noong mga unang buwan lamang ay labis s'yang nababahala at nape-pressure dahil umaasa ang mga kapwa doktor sa kan'ya. Sa totoo lamang ay hindi pa dapat s'ya doktor ngayon dahil hindi pa s'ya nakakapagtapos pag-aaral ng medisina. Ngunit dahil sa 'new normal' at successful nilang pagkakagawa ng antidote noon ay nabigyan s'ya ng tyansa na magkaroon kaagad ng degree sa medisina. Degree na lalong nagpainit ng dugo ng ibang doktor sa kanya. Hindi matanggap ng mga ito na makukuha agad nito ang pinaghirapan nilang bunuin ng ilang dekada, dahil lamang sa kanilang successful na invention. Napailing na lamang s'ya sa naiisip. Hindi n'ya rin naman ito gustong mangyari. Ang tanging gusto n'ya lamang ay tumulong upang malutas na ang problemang ito ng bansa, o maging ng buong mundo. Iyon ang gusto n'ya, noon. Oo, noon. No'ng mga panahong hindi n'ya pa alam ang tunay na binabalak ng bagong samahan ng lider ng bansa. Hindi n'ya naman talaga malalaman ang tungkol doon, kung hindi lamang s'ya palihim na sumusunod kay Meaghan noon para lamang makasilay dito bago s'ya umalis. Ilang araw lamang ang pagtigil nila sa isla dahil kinailangan na nilang pumunta sa Palawan kung saan nandito ang pasilidad na tinutukoy nila. Masyado silang minadali na paalisin ng mga opisyal doon para lamang masimulan na ang pagbuo ng antidote. Narinig n'ya ang pagtatalo ng heneral at kung sino man sa isang kwarto kung kaya't nagtago s'ya sa labas ng pinto at nakinig sa nandoon. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya't dinig niya ang pinag-uusapan sa loob. Pagkaalis ng mga ito ay hinalungkat n'ya ang papeles na iniwanan at doon n'ya nabasa ang research title na nagpalito sa kanya. 'Humanoid Robots? For what?' tanong n'ya sa sarili. Muntik na s'yang mahuli no'n, mabuti na lamang at agad s'yang nahila ni Meaghan at idinahilan na may pinag-usapan sila. 'Yon na ang huli nilang pagkikita, at hindi n'ya na alam kung anong nangyayari sa kanila ngayon dahil pagkalipas nito ay tuluyan na silang umalis ng isla. Kaya hangga't maaari ay hindi n'ya hinahayaang magawa, o mabuo agad ang antidote kagaya ng naunang pangako n'ya. Hindi lamang dahil kulang sila sa pasilidad, kung 'di totoong may kulang silang sangkap. Sangkap na hindi mahahanap o magagawa ng kung sino man. Ang sikretong sangkap, ang nzambi. Napapikit ito habang inaalala ang naging paglalakbay nila para lamang makuha ang sangkap na 'yon. Ang sangkap na naging simula ng lahat ng pagbabago at pagkasira ng kanilang samahan. Napapikit s'ya at dinama ang malamig na hangin na humahampas sa kan'yang balat. Nakatanaw s'ya ngayon sa bilog at maliwanag na sikat ng buwan, katulad noong sila'y magkakasama pa tatlong taon na ang nakakaraan. "Earth is almost gone, embrace our last day on earth tonight." Tandang-tanda n'ya pa 'yon. Ang mga salitang sinambit n'ya ng sandaling 'yon nang sila'y masaya at magkakasama pa. "I hope you're okay in there, Kiel," bulong n'ya sa hangin habang inaalala ang namayapang kaibigan. Tumulo ang luha sa kan'yang mga mata, na hindi n'ya na inatubli pang punasan dahil sa mga alaalang unti-unting bumabalik sa kanya. Ang masasaya nilang alaala bilang magkakaibigan. Ang mga pag-iyak ni Benj... Ang misteryosong si Kiel... At higit sa lahat, Ang maganda at palaban na si Meaghan Abeita. "Sana mabuo pa tayong muli," tanging hiling n'ya habang nakatitig sa buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD