49

1169 Words
Kat's POV Sikat na ang araw ng dumaong ang bangkang aking sinasakyan. Galing pa ako sa bayan ng Tanay, Rizal upang mang-hunting ng mga high class zombies. "Oh Katarina, mukhang malaki na naman ang makukuha mong dibs ah?" puri ni Adler sa akin. Hawak ko sa kamay ang pugot na ulo ng isang witch, isa sa special zombies na hina-hunting namin. Ang ganitong uri ng zombie ay matatagpuan lamang sa mga liblib na lugar, kagaya ng gubat o sapa kung saan hinalay bago iniwanan ang katawan ng mga ito at makagat ng zombie, at 'yon ay ayon sa pag-aaral na sinasabi ng mga propesyonal dito. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nga ba gano'n? Paanong nagmu-mutate sila depende sa nangyari sa kanila? May ilang haka-haka mula sa mga matatanda rito sa kampo na ang mga 'yon daw ay mga kababaihan na ginahasa at pinatay, pagkatapos ay muling binuhay ng mga demonyo upang maghiganti sa kapwa. Dahil sa pandemyang ito ay hindi ko na alam ang papaniwalaan ko. Ang mahalaga ay makapag-ambag ako sa pagsugpo sa mga ito, kahit pailan-ilan lamang. "Dapat lang, alam naman nilang mapanganib ang pag-hunting sa mga witch na 'to," sagot ko rito. Tinanguan ko na lamang s'ya bago tumuloy sa zombie trading center. Ang center na ito ay pinamumunuan ng mga eksperto, sa militar man o mga mediko. Ang mga zombie, lalo na ang mga special zomzoms na nasa annihilate list nila ay binabayaran ng dibs, kapalit sa ulo nito, katibayan sa nagawang kagitingan. Ang mga dibs na ito ay nakadepende ang dami sa kung gaano ka-rare ang napatay mo. Mas malakas at mas mahirap talunin, mas malaking kita. "Oh, witch na naman, Katarina? Konti na lang papalitan mo na ang title na 'witch hunter' ni Meaghan," sambit ng kahera saka tumawa. Napairap na lang ako habang inaantay ang ibibigay nitong pabuya. Ang Meaghan na tinutukoy nito ay walang iba kung 'di ang anak ng heneral na si Meaghan Lewis Abeita. Ewan ko ba sa babaeng 'yon, kumalat ang balita sa aming isla na pinagpapatay n'ya lahat ng nahuhuling witch mula sa kanilang mga trainings and all. Nang tanungin naman ito ay hindi s'ya sumagot at nilayasan lamang ang mga tao. Ngunit may mga haka-haka na umikot na nagsasabing witch daw ang dahilan kung bakit ito may peklat sa kanyang pisngi. Na kahit ilang taon na ang lumipas ay halata pa rin ito. At dahil doon ay nakuha n'ya ang titulong 'witch hunter' dahil sa pagkaunti ng lahi ng mga ito, na naging dahilan para mas malaki ang dibs na makuha. At 'yon ang isa sa mga dahilan ko kung bakit madalas na witch din ang hinuhuli ko, dahil alam kong bihira lamang ito at mataas ang demand, na nangangahulugang mas malaking kita para sa 'kin. "Oh, ito na," sambit nito at inilapag ang bag ng dibs sa lamesa. Agad ko itong kinuha at walang lingon na umalis. Naglakad-lakad ako sa aming munting isla sa Mal-Cal. Isa ito sa pinakamaliit na bayan sa isla ng Cardona. "Oh Kat, nakabalik ka na pala?" tanong ni Aling Suzy na nagpatigil sa 'kin sa paglalakad. Ngingiti-ngiti pa ito sa akin na akala mo'y nanloloko. Hinarap ko ito at inirapan. Bago pa man ito makapagsalita ay dumukot na 'ko ng halos kalahati sa laman ng bag na bitbit ko at iniabot sa kanya. Nanlaki naman ang mata nito sa tuwa dahil sa dami ng dibs na inabot ko dito. "Madali ka naman palang kausap e! Ay s'ya, sa susunod na buwan ulit!" sambit nito bago maglakad palayo. Hindi pa siya tuluyang nakakalayo ng huminto ito at nagsalita. "Mukhang madami nga kayong pera ng kapatid mo," sambit nito at saka tumawa. Ikinaway pa nito ang kamay bago tuluyang umalis sa harapan ko. Napabuntong-hininga na lang ako habang sinisilip ang kakarampot ng natira sa aking kinita. Si Aling Suzy ang tumatayong mayora ng lugar na ito. Hindi ko nga alam kung bakit at paano. Masyado lang s'yang self-proclaimed at binubuwisan at hinihingian ng bayad sa renta ang mga nakatira dito. Magreklamo man kami ay walang silbi dahil palagi n'yang pinagmamalaki na 'yong 'kapit' n'ya raw sa taas. Ibinulsa ko na lamang ang natitira bago pa man ito makuha ng iba at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa matigil ako sa tapat ng aming bahay. "Liliane, gising ka na ba?" sigaw ko mula sa labas. Pilit kong sinisipat kung may gumagalaw na sa loob ngunit wala akong nakita. 'Baka tulog pa,' sambit ko sa sarili. Kinuha ko ang spare na susi at ipinasok sa door knob, bago ito tuluyang pinihit upang mabuksan ito. Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa akin ang magulong sala. "Tsk," reklamo ko. Inihagis ko ang dalang bag sa maliit na sofa saka sumilip sa kusina. Malibag rin ito, at ang mga hugasin d'yos ko! Hanggang ngayon ay nakatambak pa rin sa lababo! Inis akong napapadyak at agad tinungo ang kwarto ng kapatid. "Hoy, Liliane! Kailan ka pa naging balahura sa bahay ha?!" sigaw ko habang kinakatok ang pinto. Wala pa ring rumeresponde rito na nagpadagdag sa aking inis. Pinalagutok ko ang daliri sa kamay maging ang sa leeg bago buong lakas na kinalampag ito. "Liliane, ano ba?! Ilang araw lang akong nawala tapos ito ang aabutan ko?" sigaw kong muli habang patuloy ang pagkalampag dito. Halos masira na ito sa lakas ng kalabog ko kung kaya't tinigilan ko na. May naririnig akong kaluskos mula sa loob kung kaya't inantay ko itong pagbuksan ako. Napa-cross arms ako ng magbukas ito ng maliit na siwang sa pinto, sapat lamang upang sumilip ang kanyang mukha. "N-Nandito ka na pala a-ate," utal na tugon nito. Kitang-kita ko ang paglagok nito at ang paglikot ng mga mata. "Oo, nandito na ako," sagot ko dito, "at bakit hindi ka naglilinis ha? Hindi tayo tinuruan nila nanay na maging dugyot! Mahirap lang tayo pero hindi malibag!" sigaw ko pa. Napatungo lamang ito, ayaw salubungin ang mga tingin ko. "Sorry ate, masyado lang akong naging busy dahil malapit na ang--" napatigil ito sa pagsasalita at nanlaki ang mata ng biglang may magsalita mula sa kwarto. "Lil, bakit ka nand'yan? Hindi pa nga tayo tapos," ani ng baritonong boses ng isang lalaki. Halos mawalan ng kulay ang kapatid ko at sinipat ang loob ng kwarto. "Sinong nasa loob?!" galit na sigaw ko. "W-wala, hindi ka p-pwedeng pumasok Ate!" nanginginig na sagot nito at iniharang ang sarili sa pinto. Mas lalong nagngalit ang kalooban ko sa kan'yang ginawa at sapilitan itong itinulak. "Lumayo ka jan, Liliane Ruby Cortes!" sigaw ko dito at buong lakas na itinulak ang pinto. Napasubsob s'ya sa sahig dahil sa lakas ng impact ngunit hindi ko ito pinansin at iginala ang mata sa paligid. Natuon ang aking atensyon at tuluyang nandilim ang aking paningin ng makita ang isang hubad-barong lalaki sa kwarto n'ya. Walang pag-aalinlangan ko itong isinandal ng pabalya sa pader at saka sinigawan. "Sino ka?!"

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD