47

2747 Words
Third Person's POV "Magiging okay din tayo anak, malayo na tayo sa kanila," ani ng isang nanay sa kanyang natutulog na anak. "Pagkatapos ng pandemyang ito ay ipaparanas ko sa iyo ang buhay na dapat para sa'yo, at babawian ang mga walang kwentang nanira nito!," pangako ng ginang sa sarili. "Handa na ba s'ya?" tanong ng doktor sa kanya. Tumango lamang ang ginang at hinayaan silang kuhain ito. "Magiging okay kaya s'ya?" tanong ng asawa nito. Napailing na lamang ang babae at taimtim na nagdasal. "I hope that our sacrifice will be worth it," dalangin nito. — "S-Sino po kayo? I'm sorry pero kailangan ko lang po talagang umalis doon," tanong ng isang binata sa kanyang kaharap. "Ikaw talaga boy, mapagsama ka. Paano kung iba masamahan mo? Pasalamat ka ay medyo mababait kami sa mga bagitong kagaya mo," ani ng kausap n'ya. Mahaba ang bigote nito na tila ilang buwan nang walang ahit. Ang ilan sa kanyang kasamahan ay ganoon rin. Ang ilan ay madumi pa ang damit dahil sa natuyong dugo na hindi n'ya alam kung saan nagmula. "Anong pangalan mo bata?" tanong ng isa ring maskulado ang katawan. Puro tattoo ito at may hikaw sa kaliwang tainga. "A-Ako po si," napatigil ito, nagdadalawang isip sa kaharap. Napansin ito ng mga bandido at nagkatinginan isa-isa. Humakbang palapit sa kan'ya ang pinaka lider nila. Ang lalaking balbasin na tinutukoy n'ya kanina. "Dahil ayaw mo naman sabihin ang pangalan mo, simula ngayon, ikaw na si Caiden ha?" saad nito. Napatingin ito sa kawalan na tila may naaalala. "Si Caiden ay anak ko, kaso namatay sya ilang buwan lang ang nakakaraan," mahinang kwento nito. Napatingin sa kanya ang kaharap na tila alam ang sintimyento ng una. "Zombie po ba ang dahilan kaya s'ya nawala?" tanong nito ngunit iling lamang ang natanggap n'ya. "Ang lintek na gobyerno, hindi man lamang maawa sa amin. Ni hindi kami tinulungan para maging ligtas dahil na rin sa katayuan namin! Kung hindi dahil sa kanila, hindi mawawala si Cai sa akin!" bulyaw nito. Ramdam ng kanyang kaharap ang hinagpis na nararanasan n'ya, kung kaya't niyakap n'ya ito upang aluin. "Wag po kayong mag-alala, tutulungan ko po kayo," sambit ng binata bago maging matalim ang mga tingin. — "Aaaah wag po! Patawarin n'yo po ako! Gusto ko lang naman pong makapitas ng makakain namin!", paumanhin ng dalagita sa kanyang kaharap. "Wag nyo po akong kainin! Kailangan ko lang pong buhayin ang pamilya ko," pakiusap pa nito. Puno ng takot ang dalaga lalo na nang magsimulang lumakad mula sa madilim na sulok ang isang anino. Hindi pa man n'ya ito naaaninag mula sa dilim ay alam na n'yang malaki ito. Nawala ang kanyang takot ng marinig ang mahinang pagtawa nito. "Ano ka ba, Miss? Mukha ba akong nangangain ng tao?" nang-aasar na tanong nito bago tuluyang lumapit sa nakalupaging dalaga. Napakurap naman ang dalaga at agad tumayo sa sobrang inis sa kaharap. "Nakakainis ka! Tinakot mo ako! Bakit ka ba kasi nandyan sa dilim ha? Pange—" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng bumungad sa kanya ang isang makisig na binata. "Oh my gosh, ang gwapo aaaah!" di mapigilang tili nito. Tila natauhan s'ya sa sinabi at agad kinastigo ang sarili. "Gwapo ba? Ha ha matagal ko na ring hindi naririnig ang mga salitang 'yan. Alam mo na, puro tanim, hayop at zombie ang kasama ko dito ha ha," anito at binirahan muli ng tawa. Napatigil ang babae ng marinig ang salitang zombie, lalong lalo na nang marinig ang ungol nito sa di kalayuan. Napuno ito ng takot nang magsibalik ang madilim na alala na tinuturing n'yang bangungot ng nakaraan. "Z-Zombie?! Aaaaah!" muling hiyaw nito kasabay ng pag-akap sa binata. Ilang sandali pa lamang ay lumabas nga mula sa dilim ang ilang zombies na lalong nagpanginig sa kanyang kasama. 'Hay nako,' isip ng binata. Agad n'yang inilabas ang bolo at pinagtataga ang kung sino mang lumapit sa kanila. Sa kabilang banda, natatakot man ay puno ng mangha ang dalaga sa nasasaksihan n'ya. Bahagyang nawala ang takot na kanyang nadarama lalo na no'ng maramdaman n'ya ang init ng bisig ng binata. Napailing na lang s'ya upang maitago ang pamumula. "Oh miss, wala na 'yong mga zombies. Pwede ka na ulit yumakap sa akin," asar muli nito. Napapadyak na lamang ang dalaga upang maitago ang kahihiyan. "FYI lang mister ha, natakot lang ako kaya kita niyakap! Ang assuming mo naman!" balik banat nito. Inirapan n'ya ang lalaki bago muling nagsalita. "At FYI ulit, may pangalan ako! Kiarra," pagpapakilala nito, "Kiarra Manlapas, Kia for short," dugtong nito bago naglahad ng kamay. Tiningnan muna ito nang binata bago ngumiti at tinitigan s'ya ng diretso sa mata. "Benjo, Benjo Jacox." — "Bakit ako nandito?" agad na tanong ni Aaliyah pagkabukas pa lamang ng mata. Agad naalimpungatan si Nathan dahil sa ingay at hinarap ang kakagising lamang na dalaga. "Hailey," panimula nito. Tila nabigla ang kaharap sa pangalang itinawag sa kanya. "A-Anong sabi mo?" gulat na tanong nito. Natauhan naman ang binata sa sinabi ngunit agad ding nakabawi. "Aaliyah," pambawi nito. Hindi na lamang sumagot ang kanyang kaharap at nakinig sa sasabihin n'ya. "Oras na para tanggalin natin 'yan,' anito at hinawakan s'ya sa pisngi. Napigil n'ya ang hininga nang halos isang dangkal na lamang ang layo nila sa isa't isa. "A-Anong ginagawa mo Nathan?" nanginginig na tanong nito. Pilit n'yang iniiwas ang tingin ngunit nakapirmi ang hawak ng binata sa kanya. Dahan dahan nitong tinanggal paikot ang bendang nagtatago sa kanyang mukha. Mabagal, mahinhin, na lalong ipinagtaka ng dalaga. Dahil sa pagkakakilaa n'ya sa kaharap ay bara-bara ang kilos nito at walang pag-iingat, hindi kagaya ng ginagawa n'ya ngayon. Makalipas lamang ang ilang sandali ay tuluyan ng natanggal ang nakabalot dito. Matagal n'yang pinagmasdan ang dalaga na tila ngayon lamang ito nakita. "Ang ganda mo pala talaga ano? Kamukhang kamukha mo si tita Lorraine," mas lalong nangunot ang noo ni Aaliyah sa narinig. Agad n'yang kinapa ang mukha at nanlaki ang mata sa napansin. "A-Ang m-mukha ko," utal n'yang sambit. Agad kinuha ni Nathan ang salamin na nasa bed side table at iniabot sa babae. Nanlaki ang mata ni Aaliyah nang makita ang sarili. Ang totoong sarili. Nilandas ng kanyang kamay ang bawat kanto ng kanyang mukha. Hindi pa rin s'ya makapaniwala sa nakikita. Ang kanyang mukha. Ang kanyang orihinal na mukha ay bumalik na! Walang pagsidlan ang kanyang tuwa at agad napayakap sa binata. Doon s'ya umiyak ng umiyak sa hindi n'ya malamang dahilan. "Nagbalik na ang aking dating anyo," sambit nito sabay hagulgol muli sa kaharap. — "Sir, marami pong nag aaklas laban sa atin. May mga tumutuligsa po sa inyong mga gawa, at mayroon rin na naniniwalang may iba pa tayong pakay ukol dito," ulat ng kanyang kaharap. Nakapamulsa naman s'yang naglakad lakad sa silid bago muling magsalita. "Pabayaan mo sila, as long as hindi pa lumalabas ang katotohanan, ay wala tayong problema," paniniguro n'ya sa kaharap. "Pero sir, sa tingin ko ay magkakaproblema tayo doon sa bagong salta," napatigil ang lalaki at hinarap ang kanyang tauhan. "Sino?" naguguluhang tanong nito. Hindi n'ya alam kung sino ang pwedeng maging hadlang sa mga plano nila. Maliban na lang kung... "Yung babae po na anak ni General Abeita, mukhang kakaiba rin po kasi s'ya katulad ng ama n'ya," sagot nito. Napaisip s'ya at inalala kung sinong tinutukoy ng kaharap. Napamulat s'ya kaagad ng maalala kung sino ito. Si Meaghan Lewis Abeita. Napapansin n'ya nga ito na patingin tingin palagi sa gawi nila, nag-aabang ng pagkakamali na maaaring ikasira nila. Tila nagmamatyag, bago pa man ito ilipat ng distrito na nagpatigil sa gawain nito. Dahil alam n'yang hindi lang s'ya ang nagdududa sa kanya. "Wag kang mag-alala Rainiel, kagaya ng dati, kapag may humarang, agad n'yong patumbahin," huling utos nito bago paalisin ang kausap. — "Sigurado ka bang sasali ka sa mga ipapadala nila sa labas?" tanong ng isang kinse anyos sa kanyang kapatid. "Oo Liliane, kailangan para mabigyan nila tayo ng dibs. Malaking dagdag din iyon upang maibalik ka sa eskwelahan," tugon ng dalaga sa tanong nito habang ineempake ang mga damit. Agad kumapit ang tinawag na Liliane sa shirt ng kanyang kapatid na waring pinipigilan ito sa pag-alis. "Anong silbi ng pag-aaral kung hindi ko naman ito magagamit sa panahon ngayon?" tanong nito. Napatigil ang dalaga at hinarap ang nakababatang kapatid. "Tandaan mo, hindi permanente ang kaguluhang ito. At gusto ko na kapag dumating ang tamang panahon na maayos na ang lahat, ay matupad ko ang pangako kila inay at itay na mapagtapos ka bago sila mawala okay?" paliwanag n'ya. Agad n'yang pinalis ang luhang lumandas sa kanyang mga mata nang maalala ang tungkol sa kanilang yumaong magulang. Napatango na lamang si Lilianne bago nagpaalam. "Mag-iingat ka ate," tanging bilin nito bago umalis ng kanilang barong-barong. — "Ito na lamang ang aming nakuha mula sa remnant ng antidote. Nai filter pa namin ito upang makuha ang purong content nito," pahayag ng isang scientist sa kanyang kaharap. Pinakatitigan nila iyon. Halos isang syringe lang ang laman noon. "Sino po sa kanila ang gusto n'yong pag-gamitan ng gamot na ito?" tanong n'ya. Pinakatitigan ni Vladimir Abeita ang kwarto kung nasaan ang kanyang mag-ina. Palagi n'ya itong pinapanood mula sa glass window ng silid. Kapwa nakahiga ang mga ito ngayon at nakatali sa kama. "Iturok mo sa kanya," utos nito at itinuro ang kanyang pasya. Agad tumalima ang doktor at ininject ang isang buong syringe sa bata. Walang kakurap-kurap na pinanood ni Vladimir kung paano ito umepekto sa anak. Makalipas lamang ang ilang sandali ay agad nanginig ang anak kung kaya't nagkagulo ang mga doktor sa silid. "Anong nangyayari?" hinarap nya ang isang anak at niyugyog sa balikat. "You said that you had made the antidote already! Why is your brother reacting like that?!" untag nito kay Meaghan. "I should never trusted the formula coming from that crazy scientist!" galit pang sigaw nito. Wala man lang pag alma si Meaghan sa ginawa ng ama at pirming pinanood ang nasa silid. Ilang sandali pa lamang ay nagmulat na ito ng mata kasabay ng pagtunog ng monitor sa kanyang tabi, indikasyon na bumalik ang heartbeat ng bata. Natigilan ang lahat sa nangyari, hindi makapaniwala na totoo ang naganap sa kanilang harapan. "Jessie, anak!" agad lumapit si Vladimir sa anak at niyakap ito. Samantala, nasa isang sulok lamang si Meaghan at pinapanood ang mag-ama. "The antidote is really effective, and I think that this is the answer to our almost year long problem." — "Doc, according to our source, the cure that Dr. Fuego created is indeed effective, and we really need to create more of it," pahayag ng doctor sa board meeting. Isa ito sa mga doctor na kasama ng mga heneral kanina. Napatingin ang lahat kay Logan na ngayon ay tahimik, ngunit mukhang hindi nakikinig sa kanila. Natauhan lamang ito ng tapikin ng ama. Napaharap ito sa mga kasamahan at nagsalita. "I know the process on how to make it, but we don't have the ingredients here," panimula nito. "What else do we need? And what can you suggest?" tanong ng isang board member. Isa itong doktor na specialized sa pagiging surgeon. "The ingredients or chemicals we needed are outside this land. I had checked the inventory of drugs last time, and I can't see any of those we have used before," paliwanag ni Logan. Tinawanan lamang s'ya ng isa pang board member, napunta sa kan'ya ang atensyon ng lahat dahil sa ginawa n'ya. "What can a mere second year med-tech like you can do? We have been researching for months, looking for the perfect antidote to this virus, then you will say that none of those chemicals are useful?" pang-uuyam nito. "I did not study medicine for decades just to feel belittled like this," dugtong pa nito saka tumayo mula sa pwesto. Napatungo na lamang si Logan sa hiya dahil hindi naman 'yon ang intensyon n'ya. Tumayo rin s'ya at nagsalita sa harapan ng lahat. "I'm sorry if I made you feel that way, but I'll tell you honestly that I admire all of your works and sacrifices for this pandemic," hinging paumanhin n'ya dito bago muling tumindig at nagsalita. "Nonethless, I, Logan Xi, promise to take full pledge in sharing my knowledge regarding this, to save humanity and all of its beings." — "Wow, you are indeed strong Meaghan, hindi ikakaila na anak ka nga ni Vladimir," puri ng kanyang kaharap matapos talunin ito sa labanan. "I'm pretty sure that you'll lead this army one day," dugtong pa nito. Tanging tipid na ngiti lamang ang isinagot ng dalaga sa kanilang instructor. Samantala, sa kabilang banda ay dahan-dahang lumapit ang isa sa mahuhusay na mandirigma nila. Hindi ito nasiyahan sa narinig kaya't nakisama sa usapan nila. "Excuse me lamang po Coach Ryan, pero 'di ba ay ako po ang napipinto n'yong mamumuno dito?" tanong nito. Hinarap n'ya si Meaghan saka nameywang sa harapan nito. Tiningnan lamang s'ya mula ulo hanggang paa ng dalaga, sabay nginisian. "Luna, hindi ako ang magdedesisyon sa bagay na 'yan. May mga hukom tayo para malaman kung sino ang tunay na karapatdapat mamuno dito," sagot ng kanilang instructor. Agad nilibot ni Luna ng tingin ang paligid at nakitang nanonood sa kanila ang hukom na sinasabi ng coach nila. "Meaghan Lewis Abeita, hinahamon kita sa isang duelo, tinatanggap mo ba?" hamon nito. Binigyan lamang s'ya ng smirk ng dalaga at tinanggap ang alok nito. — Sa isang isla ng Cardona, partikular ng Boor ay nagtitipon ang ilang grupo ng mga kalalakihan at ilan sa mga babae. Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang iaanunsyo ang pagbabago ng pangalan ng planetang ito, maging ang pagbabago ng lahat ng alituntunin. Ang ilang nag boluntaryo ay iginigrupo at ipinapadala sa main land, sa dating lupain ng mga buhay at masaya, na ngayon ay pinuputakte na nang mga zombies. Ang mga grupong ito ay itinalaga upang pumatay ng zombies at mabawasan ang lahi nila. Sila rin ang inuutusan upang kumuha ng materyales na wala sa isla, maging ang pag ligtas sa ibang survivors na wala sa kanilang lugar. Ang mga ito ay binabayaran ng dibs kapalit ng kanilang serbisyo. Mas maraming napatay, o 'di kaya'y mas malakas na zombie ang makalaban, ay mas malaki ang bayad. Ang dibs na ito ang bagong pera na magagamit upang mapag-aral, o ibili ng kung anong pangangailangan sa iba't ibang survivors na nagbebenta rin ng mga nakuha nila mula sa labas. "Oh Katarina, mukhang malaki na naman ang makukuha mong dibs ah?" puri ng isang lalaki sa bagong dating. Hawak nito sa kamay ang pugot na ulo ng isang witch, isa sa special zombies na hina-hunting nila. "Dapat lang, alam naman nilang mapanganib ang pag hunting sa mga witch na 'to," tumango na lamang s'ya sa kaharap bago pumasok sa zombie center at ibenta ang nakuha n'ya. Sa kabilang banda, may ilang grupo ang nagtitipon upang pag-usapan kung paano kontrahin ang daloy nitong pangyayari. Alam nilang may mali, ngunit hindi nila ma-point out kung ano 'yon. "Gan'to n lang ba tayo Jasper? Bakit ka ba kasi kumokontra pa? Wala naman tayong magagawa kung ito na ang nangyayari sa mundo!" pagalit na sigaw ng isang babae sa kanyang kaharap. Ito ay kanyang gustong maging nobyo, ngunit hindi n'ya makuha ang buong atensyon dahil lamang sa ibang adhikain nito. "P-Paano kung isumbong na lang kita sa taas? Tama! Isusumbong kita para sa akin ka na muli!" tila nababaliw na sambit nito. Tinapunan s'ya ng tingin ni Jasper at tinaliman ng tingin. "Talaga? Edi isumbong mo! At sasabihin ko rin sa kanila ang sikreto mo," sambit n'ya ng nakangisi. Tila naumid ang dila ng babae at umiwas ng tingin. "A-Aalis na pala ako, may kailangan pa akong gawin," paalam nito at dali-daling umalis. Napailing na lang s'ya sa ginawa ng dalaga. "Ikaw talaga Jasper, masyado mong tinatakot si Anikka," suway ng isa n'yang kaibigan. "Pabayaan n'yo s'ya, higit na ayaw ko ay mga taong tiga-sunod na lamang kahit pa alam nilang may mali sa administrasyong ito," sambit nito na tila may bahid ng galit sa boses. "Ano nga bang plano mo, Jasper?" tanong muli ng kaibigan nito. Tiningnan n'ya sila isa isa bago muling nagsalita. "Hindi ko hahayaan na matupad kung ano mang masamang balak nila. Hindi Pax ang mundo natin, tandaan n'yo yan. Kahit anong mangyari, ibabalik natin ang dati," sambit nito sa isang seryosong tinig. "We will bring the old Earth back."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD