29

2999 Words
Benj's POV Nagpunta ako sa gubat di kalayuan sa mini bunker na tinitigilan namin. Hindi ko alam kung makokonsensya ako sa ginawa ko kay Kiel o hindi. Inisip ko saan ba kami nagsimula? Nagsimula lang naman ito ng tumakas ako mula sa slum areas at iniligtas ni kuya Logan. Doon ko nakilala si kuya Logan, na sinundan din ni ate Meaghan. Hindi ko akalain na may makakasama pa pala ako sa paglalakbay. Pinilit ko silang magpunta sa mansion ng Beauford, na nagawa nga namin. Ngunit hindi ko inaasahan ang maaabutan doon. Wala ang mga demonyong Beauford, tanging isang lalaking muntik ng mamatay sa kamay ng zombie ang naabutan at iniligtas namin. At wala itong iba kundi si kuya Kiel. 'Tsk, haha,' napailing na lang ako sa iniisip ko. Bakit hindi ko naisip? Kiel... Ezekiel... Naloko n'ya ko. Alam nilang lahat na hinahanap ko ang kumitil sa buhay ng kuya Benjo ko. Alam nilang lahat ang hirap na pinagdaanan ko dahil sa pagkawala nya. Lintek! All along sya pala ang hinahanap ko! Ang kapal ng mukha! Walang utang na loob! Kahit hindi ako sobrang sigurado, pero napagtatagpi tagpi ko na ang nangyayari at lahat ng ito ay itinuturo sya. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko ngunit hindi ko magawa. Napupuno ng galit ang puso ko, hindi lang dahil sa nagawa nya kundi dahil pinag mukha nya akong tanga! Lalo na ng maalala ko ang nangyari at pagkawala muli ng isa ko pang mahal sa buhay, si Mang Ben. Napa iyak akong muli ng bumuhos ang ala ala ng isa sa pangyayaring hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan. Kakagaling lang namin sa mansion nila ate Meaghan para kumuha ng mga supplies na magagamit papunta sa next destination namin. Nakapwesto na kami ngayon sa sasakyan habang patungo sa aming pupuntahan, ang Beauford's Crooked Creek Farm. Parang sila lang, mga crooked ang ugali! Nakaidlip ako pansamantala at nagising ng biglang pumreno ng malakas si kuya Kiel. Nagpalingon lingon ako sa paligid at nakitang wala pa kami sa farm. Nakatigil kami ngayon sa isang madilim na daanan na hindi ako gaanong familiar kung saan dahil na rin sa kakulangan ng sign board at ilaw. "What the hell was that huh?" "Ano yon Kuya?" Nagising din si ate Meaghan mula sa shot gun seat sa biglang pag tigil namin. "Dito na ba tayo? *yawn*" tumingin tingin sya sa paligid at nagtaka kung bakit nasa gitna pa rin kami ng kalsada. "Oh? Nasaan na tayo? Eto na ba yung farm na sinasabi mo?" takang tanong nito. "Damn! I've been told that there are monsters here! What do you call it? Asawa? Asawang?" "Stronzo! It's aswang and stop blabbering bullshts, they ain't even real," sagot ni ate Meaghan kay kuya Logan. "Duh! Zombies became real! What more for that asawang to —" Natigil ang pagsasalita ni Logan ng biglang may kumalampag sa bintana namin. Nanginig ako sa takot at napadikit kay kuya Logan sa tabi ko. "Baba! Magsibaba kayo o hihilahin ko pa kayo ha?!" maangas na sigaw ng isang lalaki. Hindi ako sigurado pero parang narinig ko na ang boses na yon noon. Paunti unti ay nagsilabasan ang iba pang tao na naka suot ng itim at may dala dalang itak at pang hataw na kahoy. Naka maskara sila lahat kaya hindi ko makita ang mga itsura nila. Pero ang weird talaga dahil ultimo bulto nila ay pamilyar sa akin. O baka nami miss ko lang sila? Hindi ko alam. Si Mang Ben lang naman ang malapit sa akin doon. "Ano ng gagawin natin mga Kuya? Ate Meaghan?" takot na tanong ko. Nanatiling tahimik ang paligid, walang sumasagot na tila may mga iniisip. Nagulat kaming lahat ng biglanh buksan ni ate Meaghan ang pinto at walang emosyong lumabas ng sasakyan. "Witwiw pare naka tyamba tayo! Sundalong napapaka ganda at sexy haha," sabi nung isa. "Miss beautiful, hindi ka masasaktan kung iki kiss mo ko hihi," sabi naman ng isa at lumapit kay ate Meaghan. "Hey! Don't you dare touch her you stupid idiots! Never lay your filthy hands on her!" sigaw ni kuya Logan at dali daling lumabas ng truck para tabihan si ate. Lumabas na rin ako kasabay si kuya Kiel at naghanda sa kung ano man ang pwedeng mangyari. "Sino ka ba ha?! Hahawakan ko lang naman si Miss Beautiful— hindi pa lumalapat ang kamay nung lalaki ay lumapat na ang paa ni ate Meaghan sa mukha nito. Hindi ko alam ang tawag sa sipa n'yang yon pero nakakamangha talaga. Nabigla naman ang mga lalaki at hinigpitan ang hawak sa mga dala nila. Napapalibutan kami, wala kaming takas. Yung sumabog pala kanina ay gulong, na tiyak ay binutas nila. Mukhang siniguro nila na hindi kami makakatakas dito. Nagsimula na ang laban at halos napatumba na namin ang ilan, lalong lalo na ni ate Meaghan na ang galing pala sa martial arts. Patapos na sana kami ng biglang may humataw kay kuya Logan kaya napatumba ito sa sahig na walang malay. Sinuntok ito ni kuya Kiel at nilabanan, ngunit may kasamahan pa pala ito na hinataw din sya kaya nawalan sya ng ulirat. Inihanda ko ang sarili ko para sa mangyayari. Makalipas ang ilang minuto ay wala man lang nagtatangka sa akin, tanging si ate Meaghan lang ang kinakalaban nila. Nakakapagtaka, dahil nakatingin lang din ang iba sa akin na parang kinikilala. Napatigil din si ate Meaghan sa ginagawa at nagtatakang tiningnan ako. "Bakit hindi ka nila inaatake?" takang tanong nito. Napailing na lang ako dahil hindi ko rin alam ang sagot. Bigla ay may lumapit sa akin kung kaya't inihanda ko ang sarili para saktan ito. Tatama na sana sa kanya ang kamao ko ng bigla nitong ibaba ang maskara at ipakita ang mukha nya. "M-Mang Ben?" gulat na tanong ko. Naiwan sa ere ang kamao ko at kusang bumaba ng makita ang taong kaharap ko. Walang ano ano ay tinalon ko ito at niyakap ng mahigpit. "Mang Ben! Ikaw nga!" tuwang sigaw ko dito bago kalasin ang pagkakayakap. "Bakit, anong nangyari at nandito kayo? Malayo ito sa dating lugar natin ah?" dugtong na tanong ko dito. Nginitian lamang ako nito at tiningnan ang mga kasama ko. Dumako ang tingin nya kay ate Meaghan na ngayon ay prenteng naka dantay sa pinto ng truck, at kay kuya Logan na ngayon ay walang malay at inaalalayan ng kung sino man. Pagdako ng tingin nito kay kuya Kiel ay napatigil ito na tila gulat na gulat. Nawala lang ang tingin nya dito ng inakay na rin ito ng kasamahan nila. "S-Sino yon Benj hijo?" nanginginig na tanong nito habang nakatanaw sa papalayo ng kasama ko. "Ah, si kuya Logan po yung maputi na chinito, samantalang yung katabi nya ay si kuya Kiel po," sagot ko dito. "Kiel? Sinong Kiel?" tanong pa nito. May tila binubulong ito sa sarili ngunit hindi ko narinig dahil na rin sa hina nito. Napaisip naman ako at inalala ang pangalan na binigay nito. "Uhm, Kiel po, Kiel Ferida ang pakilala nya sa amin. Alam nyo po, nakilala namin sya nung sugudin namin ang mansion ng mga Beauford, tapos —" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may tumapik sa balikat ko. Napatalon naman ako sa gulat at galit nang tiningnan kung sino ito. Dahan dahan nitong ibinaba ang mask nya at tumambad sa akin ang pamilyar nitong mukha. Si Brandon , apo ni Mang Ben. "Ikaw pala Benj, sinong mag aakalang magkikita pa tayo?" tanong nito na may himig na sarkasmo. "Pagkatapos mong umalis at maging dahilan ng —" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng sinuway sya ng lolo nito. "Tumigil ka Bran ha, tara na at umalis na tayo at bumalik sa kampo. Benj, sumama ka na sa amin at doon ko ipapaliwanag ang lahat." Tumango na lang ako bilang sagot kahit nagtataka sa kanila. — "Alam mo kasi Benj hijo, nagkataon na naubusan na kami ng supply ng pagkain, at wala na kaming makuhaan na mga tanim kung kaya't umalis na kami sa lugar na iyon, at doon ay nakilala namin ang ibang grupo ng raider, tawag nila sa sarili nila. Dinala nila kami dito at hinayaan mag stay kapalit ng pagsapi namin sa kanila. Dahil sa wala na kaming choice ay napilitang pumayag ang karamihan kaya eto kami ngayon, ginagawa ang gawain nila," mahabang paliwanag nito ng makarating kami sa kampo nila. Dinala nila kami dito sa malawak na lugar na napapalibutan ng gubat. Mga tent ang tumatayong bahay nila at hindi nawawalan ng camp fire sa paligid. "Pero masama po ang gawain nila, bakit kayo pumayag?" Nginitian lamang ako nito bilang sagot at iniabot ang niluluto nyang manok. "Hmmm ang sarap! Grabe ang tagal na rin mula ng nakakain ako nito, sure ako pati sila kuy—" nabitawan ko ang manok na hawak ko ng may maalala. "Hala! Mang Ben nasaan po ang mga kasama ko? Kumain na ba sila?!" gulat na tanong ko dito. Nagulat din ito at muntik ng mapaso ng niluluto nya kung kaya't hinayaan nya lang itong magpaikot ikot doon. "Hijo, tungkol sa kanila, pasensya na pero wala akong karapatan na tulungan sila," sagot nito at malungkot na tumingin sa akin. Napailing na lang ako sa narinig at sumenyas pa. "Nasaan po sila? Kailangan naming umalis dahil pupuntahan pa namin ang farm ng mga Beuaford! Babawian ko sila sa lahat ng paraan na magagawa ko! Hindi ako papayag na wala akong mapala sa kanila gayong pinatay nila si kuya!" dahil sa naalala ay unti unting sumiklab ang galit na nandito sa puso ko. "Bakit hijo? Hindi mo pa ba nahahanap ang anak ni Don Beauford?" tanong nito na may makahulugang tingin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya at napailing na lang. May binulong muli ito sa sarili na hindi ko naririnig kaya't umahon ang inis ko sa katawan. "Bakit po ba Mang Ben? May alam po ba kayo? Kanina pa kayo parang may binubulong pero hindi nyo naman sinasabi sakin!" napataas na ako ng boses dahil sa nararamdaman. Bigla ay pumasok sa tent si Bran at inundayan ako ng suntok na hindi ko nailagan. "Gago ka Benj ah! Buti nga at hindi ka kinulong kasama ng mga yon! Bakit mo sinisigawan si tatay ha?!" galit na sigaw nito sa akin at sinuntok ako. Binawian ko rin sya ng suntok hanggang sa nagpambuno kami. Pilit kaming inaawat ni Mang Ben ngunit dahil sa katandaan ay hindi nya kinaya at nabuwal sa kinatatayuan. Agad agad akong lumapit sa kanya upang itayo sya ngunit agad din akong hinila ng apo nya pabalik. "Ano bang problema mo?! E kung hindi nyo naman kami hinarang ay hindi kami makukulong sa lintek na lugar na to!" galit na sigaw ko dito. "Ha! Lintek pala ha! Gago ka!" at sinuntok ako muli nito. "E kung hindi dahil sayo ay hindi kami mapupunta dito!" mas malakas na sigaw nito sa mukha ko. Tila tumigil ang oras sa narinig ko. Dahil sa akin? Bakit? Dahil sa pagkatulala ay di ko namalayan ang suntok nito at saktong tinamaan ang aking tiyan. "Bran tumigil ka na! Tumigil na kayo! Ano ba! Hindi na kayo bata!" awat ni Mang Ben sa amin na tila natatakot sa susunod na sasabihin ng apo. "Bakit tay?! Bakit nyo ba mas pinipilit kampihan tong hindi nyo kadugo kesa sakin na apo mo?! E totoo naman na dahil sa kanya kaya naging ganto ang buhay natin! Dahil sa kanila ng magaling n'yang kapatid!" Hindi ako natuwa sa lumabas sa bibig nito at sinikmuraan din sya. Sinuntok ko pa ito sa mukha dahil sa galit na nadarama. "Tang ina mo! Wala kang karapatan na idamay si kuya Benjo dito! Bakit ha?! Bakit naging kami ang dahilan e sya naman ang nagpo provide ng makakain nating lahat noon ha?! Sya ang nagsakripisyo para mabuhay tayo tapos gagaguhin mo sya sa harapan ko mismo?!" nanggagalaiting sigaw ko dito. Ngunit ang sunod na sinabi nito ay nagpatigil muli sa pag ikot ng mundo ko. Brandon's POV " Dahil sayo at sa kuya mo gago! Kung hindi ka umalis noon edi sana hindi kami napunta sa lugar na to! " sigaw ko sa pagmumukha nito. Ang kapal ng mukha nya! Palibhasa hindi nya alam ang totoong nangyari noon! Flashback "Benj hijo! Nasaan ka! Benj!" Nagising ako mula sa pagkakahimbing ng marinig si lolo na nagsisisigaw sa labas. Kahit tinatamad bumangon ay pinilit ko ang sarili ko para puntahan sya. "Tay bakit po?" pupungas pungas na tanong ko dito. "Bran nawawala si Benj! Iniwan nya lang tong sulat sakin tapos pag gising ko wala na sya!" mangiyak ngiyak nitong sumbong sa akin. Hinablot ko ang hawak nyang papel at binasa ang nakasulat dito. 'Mang Ben, kung mababasa nyo po ito ay siguradong nakaalis na ko. Pasensya na at di ako nagpaalam sa inyo dahil alam kong pipigilan nyo lang ako. Hindi ko matanggap na gabi gabi akong nagluluksa sa pagkawala ni kuya samantalang ang mga demonyo ay buhay na buhay pa. Ako ang tatapos sa kanila kagaya ng pagkitil nila sa buhay ng kapatid ko. Wag nyo na po akong hanapin dahil magiging okay din ako. Nagmamahal, Benj' Nilamukot ko ito agad dahil sa inis. Napaawang naman ang bibig nito dahil sa ginawa ko. "Brandon! Bakit mo ginawa yon?!" galing na tanong nito sa akin. "E nagpaalam naman pala yang paborito nyong anak anakan, bakit nyo pa hahanapin?" paismid kong sagot dito. Napahawak ako sa aking pisngi dahil sa biglang pagsampal nito. "Tumigil ka brandon ha, hindi kita pinalaking ganyan!" nanlilisik na sagot nito. "Hindi mo alam ang pinagdaanan nung bata lalo na nung nawala ang kuya nya kaya tigilan mo ko kakaganyan mo!" huling sabi nito bago ako tinalikuran at dumiretso sa ibang bahay. "Bakit tay? Alam mo ba ang pinagdadaanan ko dahil sa ginagawa mong pagpaparamdam na mas mahalaga sila kesa sa akin na apo mo?" bulong ko sa sarili habang tinatanaw ang paglayo nya. Pinahid ko ang umalpas na luha at mahinang natawa. "Tang inang buhay to haha." — Lahat ng kalalakihan ay naghahanda para sumugod sa mansion ng mga Beauford. Tinipon ito ni tatay kanina kaya pala sya nagbahay bahay. 'Grabe, ang swerte mo Benj...' — Nandito na kami sa tapat ng mansion ng Beauford nagmamatyag at naghahanap kung saan posibleng pumunta si Benj. Halos trenta minutos na rin kaming nag aantay ngunit wala pa rin kaming makitang senyales na may buhay dito. " Tay, mukhang wala naman ang mga Beauford at si Benj dito. Tara na, wala pa namang naiwan sa ibang kasamahan natin doon," untag ko dito na sinang ayunan din ng iba. Walang nagawa si tatay kundi mag buntong hininga at sumakay sa ginagamit namin para makapunta dito. — Pagkarating na pagkarating namin doon ay tumambad sa amin ang ni sa hinagap ay di ko akalaing mangyayari. Sunog sunog na bahay, nagkalat na patay na katawan at ilang babaeng walang saplot ang patuloy na hinahalay ng hindi namin kilalang mga lalaki. "Mga putang inang hayop kayo!" nangagaliiting sigaw ko sa mga ito. Sabay sabay na nagsigawan ang mga kasama ko at sumugod sa mga bandidong iyon. Napuno ng dugo ang paligid, palitan ng putol ng baril at sibat ang namayani sa lugar. Kung tutuusin ay talong talo kami sa baril pa lamang na gamit nila at sa bilang pero hindi kami papayag! Binaboy nila ang lugar at mga kababaihan at kabataan sa lugar namin! Inabot rin ng isang oras ang palitan ng atake, pagod na kami at sugat sugat na rin. "Kayong lahat ay pag aari ko na," anunsyo ng isang lalaki na matikas at matangkad. Hindi kita ang mukha nito dahil natatakpan ng mask ang buong mukha nya. "I will spare your life, but you will become one of us," dugtong nito. "Putang ina mo! Sana pinatay mo na lang kami!" sigaw ko dito sabay dura sa kanya. Pinahid n'ya naman ito at bigla akong sinipa sa sikmura kung kaya't napatumba ako. "Wala kayong magagawa, hawak ko na ang buhay nyo kaya wala kayong karapatan na umayaw dito," huling sambit nito habang umiikot ang paningin ko dahil na rin sa sakit at hilo na nararamdaman kanina pa. Ilang segundo lang ay ramdam ko na ang lamig ng lupa bago ako tuluyang nawalan ng malay. End of Flashback "Ano?! Ngayon mo sabihin na wala kayong kasalanan! Dahil ang mga putang inang bandido na yon ay kampon ng hayop na Beauford na yon! Kung hindi lang tumiwalag ang kuya mo o kung ano man ang ginawa nya, hindi sana nila pinatiktikan ang kuta! Kung hindi ka lang umalis at di kami sumunod sayo, edi sana wala silang pagkakataon na sumugod at patayin ang kasamahan natin! Dahil sa inyo mga gago kayo!" tuloy tuloy kong bulyaw rito. Kitang kita ang pagkatulala nito sa nalaman at dahan dahang lumingon kay tatay na ngayon ay galit na nakatingin sa akin. "T-Totoo po ba?" mahinang tanong nito. Aba ang kapal ng mukha nyang itanong yon! Mukha ba akong nagbibiro?! Hindi pa ako nakakasagot ng maramdaman ko ang pag pukpok ng kung anong matigas na bagay sa ulo ko bago ako nawalan ng malay. Benj's POV Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko akalain ang epekto ng desisyon ko. Napalingon ako kay Mang Ben upang kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi ng apo nya. Ang paglipat nya ng tingin sa akin at dahan dahang pagtango ay senyales na katotohanan ang narinig ko kanina. Hindi pa ako nakakapagsalita ng biglang natumba sa lapag si Brandon, tila nawalan ng malay. Pagkatingin ko ay nasa likuran nya si ate Meaghan, hawak hawak ang isang golf club. "Ate!" tawag ko dito. "Sshhh, itatakas ko sila, tumakas na rin kayo. Kailangan nating makaalis dito," mahinang sabi nito. Tumango lamang ako bilang tugon. Lumipat ang tingin nito kay Mang Ben at nakakapag takang ang tagal ng kanilang titigan, tila nangungusap ang mga mata nila na sila lang ang nakaka intindi. Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis na rin si ate Meaghan. Naiwan kami ni Mang Ben sa loob habang sya ay inilipat sa mas maayos na pwesto ang apo nya. Naglalakad na kami paalis ngunit natigilan ng makarinig ng isang malakas na putok ng baril sa di kalayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD