28

1393 Words
Benj's POV "Kuya ano ba talagang ginagawa mo doon? Ang dami mo laging pasalubong sa akin ah! Gusto ko din yung trabahong yun haha." Napatigil ito sa ginagawa at napalingon sa akin. Napailing lang ito bago malungkot na ngumiti. "Hindi pwede Benj haha," sagot nito sabay ang mapaklang tawa "Bakit naman?" takang tanong ko dito Tiningnan ako nito sa mata sabay hagod sa ulo ko. "Kasi bata ka pa, at bawal ang bata mag trabaho." Napasimangot naman ako sa sinabi nito. "For your information kuya Benjo ha, kinse na ako ngayon, at malapit na rin mag disi-sais! Pwede na kong magtrabaho duh," irap ko dito. Tinawanan lang ako nito bago maghanda papaalis papunta sa trabaho nya sa Don. "Tandaan mo Benj, lahat ng ginagawa ko para sayo. Darating din ang panahon na maiintindihan mo ko, pero hindi pa sa ngayon okay? Basta ingatan mo lagi ang sarili mo habang wala ako ha?" Bilin nito bago tuluyan umalis. Sana pala pinigil ko na sya... Sana pala sumabay na ako imbes na patagong sumunod sa kanya... Kung alam ko lang na yon na pala ang huling beses na magkakausap kami... Baka sakali... Baka sakaling buhay pa sya... — Pagkatapos ng nakita ko doon, tumakbo ako pabalik sa slums area, at doon ko nakita ang nag aalalang mukha ni Mang Ben. "D'yos ko po ikaw bata ka! Aatakihin ako sa puso sa iyo! San ka ba nagpunta ha? Malalagot ako sa kapatid mo kapag —" hindi na nito natuloy ang sasabihin sapagka't humagulgol na ako ng iyak. "Ano bang nangyayari sayong bata ka? Saan ka nagpunta at bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" sunod sunod na tanong nito. Kumalma muna ako bago ko ikinuwento lahat ng napagdaanan ko. Nanatili lang tikom ang bibig nito, tila may gustong sabihin at nag dadalawang isip kung itutuloy pa ba ito o hindi. "Mang Ben, bakit po ganun? May alam po ba kayo? Ano bang ginawa ni kuya sa kanila! Mabait naman sya pero bakit kelangan pa syang patayin!" at nagpatuloy ang pag iyak ko. "Ako ay nalulungkot sa napagdaanan mo at ng kapatid mo. Napaka buting bata nya. Lahat gagawin nya para sa'yo," saad nito "Lahat nga nagawa nya para sayo, pero ito ang kinahantungan nya..." hindi ko na narinig ang huling sinabi nya dahil pabulong na lamang ito. Ilang buwan din akong nakatulala at walang gana sa lahat. Nag aalala na si Mang Ben sa akin kung kaya't kinausap nya ako. "Benj hijo," panimula nito. "Alam kong nagluluksa ka sa pagkawala ng kuya mo, pero hindi pwedeng ganyan ka na lamang palagi. Ultimo pagkain ay hindi mo ginagawa, ang laki na ng pinayat mo. Hindi mo na pinagtutuunan ng pansin ang pag-aaral mo, hindi ka na tumutulong kay Ate Layla mo." "Mang Ben kasi, hanggang ngayon iniisip ko kung bakit nangyari kay kuya iyon. Wala naman kaming kaaway noon, kaya anong karapatan nila na kuhain ang buhay nya?" Masakit pa rin ang alaala ng pagkawala nya, pero nakakaya ko ng pigilan ang luha ko. "Benj hijo, hindi ko alam kung sasabihin ko ito sayo kasi wala naman ako sa posisyon para gawin yon," nag dadalawang isip ito kung sasabihin sa akin o hindi ang nalalaman nya. "Mang Ben, sabihin n'yo na po. Gusto ko lang matahimik at masagot kahit ang ilang katanungan lang please," pakiusap ko rito. Wala naman syang ibang nagawa kundi ang mag buntong hininga at umupo sa tabi ko. "Si Benjo, napaka bait na bata nyan. Isa sya sa tumulong magligtas ng ibang tao at dalahin sila dito kahit maliit lang ang lugar natin." Mataman lang akong nakikinig sa lahat ng sinasabi nya. "Ngunit dahil sa dami ng mga tao, nagkulang tayo sa rasyon ng pagkain. Ang gobyerno, halos pinabayaan tayo. Wala na kaming makuhang ayuda o ano pa man kaya natatakot ang mga tao na maubos ang stock ng pagkain dito," dugtong pa nito "Naisip nya na mamasukan kay Don Beauford, isang haciendero sa kabilang bayan. Mayroon syang malawak na tanim ng palay at iba't ibang klase ng prutas at gulay, pati mga alagang hayop," tumigil ito na tila nagda-dalawang isip kung itutuloy pa ba o hindi. "Ituloy nyo po, gusto kong malaman ang nangyari," pirming sagot ko. Tinuloy nya naman ang kwento. "Sa tuwing umuuwi sya dito apat na beses sa isang linggo, palagi syang may dala na ilang kaban na palay at iba't ibang klase ng prutas, gulay at mga hayop. Kasa kasama nya yung mga tauhan ni Don Beaucaford pagbitbit ng mga iyon. Natuwa ang lahat kasi kahit papaano ay nakakasurvive tayo dito," tuloy n'ya. "Pero nung mga huling linggo n'ya, lagi syang balisa. Pag tinatanong naman namin sya, ang lagi nya lang sinasabi ay okay lamang sya, walang nakakaalam ng nangyayari sa kanya. Kaya isang araw nung umalis sya ay sinundan ko sya. Masyado na akong matanda kaya mabagal ang kilos ko. Nakita ko sya jan sa kabilang bayan na may hawak ng baril, at may taong duguan sa harapan nya." Tumingin ito sa akin bago nag patuloy. "Pagkauwi nya ay kinompronta ko sya. Inamin nya ang kasalanan nya. Ang inuutos sa kanya ng don ay ang patayin lahat ng hadlang dito. Wala syang sinabi kung anong klaseng hadlang, kaya hindi ko rin alam kung ano ba ang usapan nila," tumigil ito saglit at nag buntong hininga. "Sinabi nya na ginagawa nya ito para sa lahat, lalo na para sayo. Tutuparin nya ang pangako nya sa mga magulang mo. Iaalis ka nya sa masikip na lugar na ito at hahanap ng mas maayos na pag tutuluyan nyo," dugtong nito. Akala ko matagal ko ng tanggap, pero dahil sa mga narinig ko ay napaiyak muli ako. "Bakit naman ganon si kuya? Hindi ko naman kailangan ng marangya na buhay, okay na ako basta magkasama kami," wika ko. "Magbabagong buhay na s'ya, yun ang sinabi nya sa akin noong huling paalam nya. Kukuhain nya lamang sa don ang bayad nito sa lahat ng tinrabaho nya," tumigil ito at tumingin sa madilim na kalangitan. "Pero hindi na nya natupad. Hindi ko akalain na magagawa ng don iyon sa kanya. Kaya naipangako ko sa sarili ko na aalagaan kita, dahil yun ang alam kong sasabihin sa akin ng kuya Benjo mo," dugtong nya. Kasunod nito ay ang pag una unahang pag bagsak ng malalaking butil ng ulan mula sa madilim na kalangitan, hanggang sa nag tuloy tuloy na ang pagbagsak nito. Pati ang langit ay nakikiramay sa nararamdaman ko. — Malalim na ang gabi at tahimik ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin tanda na malapit na ang La Niña. Hawak hawak ko sa isang kamay ang picture namin ni kuya Benjo noong nabubuhay pa sya. "Kuya, antayin mo 'ko, susundan kita jan, pero ipaghihiganti muna kita. Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkawala mo," pagkausap ko dito. "Miss na kita kuya, sobra. Ikaw na lang ang meron ako, pero nawala ka pa," napailing ako at pasimpleng pinunas ang luhang kumawala sa aking mata. "Kasama mo na ba sila mommy and daddy? Ako na lang pala ang kulang para may happy ever after na rin tayo haha." Isinilid ko sa backpack ang litrato at naghanda na para umalis. Tahimik lamang ako paglabas, takot na makagawa ng ingay at magising si Mang Ben, na tiyak ay pipigilan ako sa gagawin ko. Nag-iwan na rin ako ng sulat para dito incase na hanapin nya ako. Matapang kong tinahak ang daanan palabas ng lugar na iyon. Bitbit ang bolo ni kuya na gamit nya noon, yun ang ginagamit kong pampatay ng mangilan ngilan na zombies sa dinaraanan ko. Ayon sa natatandaan ko noon, dadaan muna ako sa isang gubat bago matunton ang main road kung saan pwedeng sumakay para makapunta sa mansion ng mga Beuford. Binigyan ko ng huling tingin ang pinang galingan ko bago tinahak ang daan patungo sa madilim na gubat na ito. Masyadong matagal ang naging daan ko dito dahil na rin sa dilim at kapal ng mga puno at halaman na nakabalot. Nagpapahinga rin ako paminsan kapag napapagod para di mapwersa ang sarili ko at magka lakas kapag nakaharap ko na ang mga Beauford. Inabot rin ako ng oras doon kung kaya't sikat na ang araw ng ng makalabas ako. Pagkalabas na pagkalabas ko ay tila naging semento ako sa aking nasaksihan. Napaka daming zombie ang sa akin ay nakaabang, handang kainin at patayin ano mang oras nila gustuhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD