30

1249 Words
Benj's POV "May tumatakas! Habulin nyo sila!" dinig kong sigaw ng ilang kalalakihan. Dali dali kaming nagtago ni Mang Ben sa isang malaking puno, madilim sa parteng ito kung kaya't nalampasan nila kami. Nang masiguradong wala ng tao ay nagpatuloy kami sa pagtakas. Pilit naming binabaybay ang lugar na wala masyadong dumadaan para makalayo kami dito. Nakakailang dipa pa lang kami ng may marinig kaming putok ng baril. Napatigil kami sa kinatatayuan at napataas ng kamay. "Tumigil kayo mga hayop! Tay, bakit ba palagi mo na lang kinakampihan ang taong iyan ha?! Iniwan mo akong mag isa sa loob! Nakahiga at walang malay! Anong klaseng lolo ka?!" galit na sigaw ni Bran na ngayon ay may nakatutok na revolver sa amin. Galit na galit ang ekspresyon nito habang hawak ang batok na kanina ay napuruhan ni ate Meaghan. "Bakit tay ha?! Ipaintindi nyo sakin kung bakit!" galit man ay tila nagsusumamo ang tinig nito. Nilingon ko si Mang Ben upang makita ang reaksyon niya. Tahimik lang itong nakatingin ng diretso sa apo nya, tila may gustong sabihin ngunit nagtitimpi lang. "Bakit?! Sagutin nyo ako! Bak—" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng biglang sinambit ni Mang Ben ang mga salitang di ko akalain na maririnig ko sa kanya. "Dahil apo ko sya! Apo ko sila ni Benjo! Sila ang sinasabi kong supling ng anak ko mula sa una kong asawa!" tuloy-tuloy na sagot nito na nagpatigil samin pare pareho. Muntik na nitong mabitawan ang baril na hawak ngunit agad ding natauhan. Nanginginig nitong itinutok sa akin ang baril. "Ha! Kaya pala! Kaya pala wala ka noong bata pa ako kasi nandoon ka sa may kanila at sinisilip sila! Samantalang ako eto, mag isa mong iniiwan sa bahay kasama ang mga katulong! Bakit tay?! Hindi ba ako karapat dapat para sa oras mo ha?!" halos mapiyok ito sa mga binitiwan nyang salita. Napaiwas naman ng tingin si Mang Ben, tila ayaw salubungin ang mga mata ni Brandon. "Minahal nyo ba talaga ako tay? Ha! Dahil ba ako ang dahilan kaya hindi ka na makabalik sa orihinal na apo mo?! Dahil ba sa hindi mo talaga ako kadugo, pero dahil apo ako sa ibang asawa ni lola ay gagantuhin nyo na ako?!" naiiyak na ito habang binibigkas ang mga salitang iyon. "N-Nagkakamali ka Bran," nabasag na rin ang boses ni Mang Ben. "P-Patawarin mo ako kung yun ang nararamdaman mo, hindi ko alam, patawarin mo ako," napaupo na ito sa lupa sa labis na pag-iyak. "Minahal kita, kaya nga ako nag-stay sa tabi mo kahit pa hindi kita ka ano ano. Pero tandaan mong minahal kita. Hindi ko lang matiis na nang mamatay ang anak ko na magulang nila, naiwan silang ulila. Hindi kaya ng puso at konsensya kong pabayaan lang silang dalawa, nang hindi man lang nakakabawi sa lahat ng pagkukulang ko bilang lolo nila. Patawad, patawad." Napapikit naman si Bran, tila hindi kayang tingnan ang lumuluha nyang lolo, na lolo ko rin pala. Hindi ko akalain.... Mang Ben... "Paalisin mo na kami Bran! Maawa ka na! Matanda na si Mang Ben, hindi tama ang ginagawa nyo! Isasama ko na sya sa safe zone para maging ligtas sya!" sigaw ko dito. "Ha! At para ano?! Maiwan ako dito?! Na naghihirap dahil sa pinapagawa nila?! Hindi pwede Benj! Hindi pwedeng sayo na lang nakapanig ang lahat!" Hinigpital nito ang hawak sa baril at diretsong itinutok sakin. "Magsama sama tayo sa impyerno!" huling sigaw nito bago pinaputok sa aking ang baril. Tatamaan na sana ako ng bala ng biglang tumayo si Mang Ben at iniharang ang sarili sa harapan ko. Sa kanya tumagos ang bala na dapat ay para sa akin. Iniligtas nya ako! Tila nagulat si Bran sa nangyari at nabitawan ang hawak na baril. Tulala ito at tila wala sa sarili. "Mang Ben!" hiyaw ko "Mang Ben! Wag mo akong iwan! Ikaw na lang ang meron ako Mang Ben! Tatakas tayo dito diba po?" maluha luhang tanong ko dito, umaasang mababalik sa dati ang lahat. "Patawarin mo ako hijo hindi —" umubo ito na lalong nagpa panic sa akin. "H-Hindi ko na kaya hijo. Sana ay maging ligtas ka dahil —" naubo muli ito, ngunit may kasama ng dugo. " Ipinangako ko noon sa k-kuya Benjo mo na aalagaan kita. Kaso ay bigla ka na lamang nawala pag gising ko ng umaga," napatigil ito sa pagsasalita at hinabol ang hininga. "Mang Ben, wag na muna kayong magsalita. Ililigtas ko po kayo okay? Baka may marunong mang gamot sa kasamahan ko, tutulungan namin kayo Mang Ben," naiiyak na wika ko. Umiling lamang ang matanda ang tahimik na lumuha. "I-Ingatan mo ang sarili mo anak, pilitin mong mabuhay sa kabila ng lahat. Wag mong hayaan na lamunin ng galit ang puso mo. Matuto kang tumanggap at," huminga muna ito ng malalim bago nagsalita, "...magpatawad," nakangiting sambit nito bago tuluyan mawalan ng hininga. "Mang Ben hindi! Hindi pwede! Mang Ben huwag nyo po akong iwan! Hindi na po ako magiging pasaway," umiiyak na sambit ko. "Hindi ko na po kayo iiwan," dugtong ko pa at tuluyan ng humagulgol ng iyak. Dali daling lumapit si ate Meaghan na hindi ko alam kung saan nang galing at niyakap ako. "S-Sino ka— ate Meaghan? Ate!" sabi ko at muling umiyak sa balikat nito. Nasa ganoon kaming position ng dumating sina kuya Kiel at kuya Logan, kapwa may hawak ng baril at bitbit ang bag namin na pinaglagyan ng armas. Nagtataka ang mga itong lumapit, ngunit napatigil ng makita ang bangkay sa tabi namin. Nagpalipat lipat ang tingin nila sa amin at kay Mang Ben, saka ay naaawang tumingin sa akin. Lalapit na sana sila ng may sumabog malapit sa direksyon namin. "Hayun sila! Hulihin nyo at patayin! Napaka laking perwisyo na ng dulot nila!" sigaw ng isang bandido habang may nakatutok na bazooka sa aming pwesto. Naipilig ko ang ulo ko sa ala alang iyon. Ayoko na, ayoko ng maalala dahil hanggang ngayon ay ang sakit sakit pa. Akala ko ay nag iisa na ako, pero may kamag anak pa pala ako, si Mang Ben, si lolo.... Hindi ko man lang sya natawag na lolo. Hindi man lang ako nakahingi ng sorry sa lahat ng nagawa ko sa kanya. Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa lahat ng tulong nito sa akin, lalo na ang pag alay ng buhay nito para sa akin. Tandang tanda ko pa ang huling sinabi nito bago sya binawian ng buhay. 'I-Ingatan mo ang sarili mo anak, pilitin mong mabuhay sa kabila ng lahat. Wag mong hayaan na lamunin ng galit ang puso mo. Matuto kang tumanggap at magpatawad...' Patawarin mo ako muli Mang Ben, hindi ko alam kung matutupad ko ang huling habilin mo. Ang magpatawad. Ipinilig ko ang ulo at kinapa ang panyo sa bulsa ko, ngunit iba ang nakuha ko. Ang kwintas na laging suot ni Kiel. Nagtataka ko itong sinuri at inalala kung paano ko ito nakuha sa kanya. Pagkatapos nyang makipaglaban sa mga zombie isang umaga noong papauwi na kami, tinapik ko ito sa likod at kinuha itong iniingatan nya ng di nya napapansin. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin noon at kinuha ko iyon sa kanya. Muli ko itong sinipat at nagulat na lang ako ng bigla itong bumukas. Sumiklab muli ang galit sa dibdib ko ng makita ang patunay ng lahat ng kasinungalingan nyang ito. Litrato niya kasama ang kanyang hayop na ama, ang Don na nagpapatay sa aking kapatid. Ang demonyong si Don Beauford.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD