31

1119 Words
Benj's POV Dali dali akong tumakbo pabalik sa mini bunker. Nagngangalit ang kalooban ko sa kumpirmasyon na nalaman ko. Mas binilisan ko pa ang paglakad at hindi na ininda ang sakit kapag nagagasgas sa mga bato at sanga sa daan. Mas masakit ang nararamdaman ko ngayon, walang kahit anong sakit at galit ang makakatumbas sa laman ng puso ko. Hindi ko inakala na ang hinahanap ko ay katabi ko lang pala all along! Madami ng nasayang na panahon at hinding hindi ko na hahayaan na makatakas sya! Pagkarating sa bunker ay pabalya kong binuksan ang pintuan habang mahigpit ang pagkaka kapit sa locket na hawak ko. Ang ebidensya ko... Naabutan kong kakataas lang nila ate Meaghan at Kuya Logan galing sa elevator. Nagtataka ang mga itong tumingin sa akin ngunit hindi ko sila pinansin at hinanap ang kailangan ko. Habang iniikot ang mga mata sa paligid ay nahinto ito sa taong kinamumuhian ko ngayon. Bakas ang gulat nito ng makita ako. Nalipat ang tingin nito sa hawak ko at biglang namutla. Ha! Wala na syang kawala! Dali dali ko itong sinugod at pinag uulan ng suntok. "Gago ka! Itinrato kitang kapatid! Itinrato kitang parang sarili kong pamilya tapos gagantuhin mo ko?!" nanggagalaiting sigaw ko dito. Pinagsisipa ko ito sa tyan at hindi man lang ito pumapalag na mas nagpadagdag sa galit ko. "Bakit kuya Kiel ha?! Ay teka, karapat dapat ba kitang tawaging KUYA gayong ikaw at ang ama mo ang dahilan kung bakit wala na ang kuya Benjo ko!" nanginginig sa galit kong bulyaw dito. Umiling iling lang ito na tila may gustong sabihin. "Magsalita ka! Bakit mo ginawa yon?! Wala kaming kasalanan sa inyo!" basag na ang boses ko habang sinasabi ito. Nanatili lang itong nakayuko habang nakaluhod sa lupa kung kaya't sinipa ko ito sa mukha na naging dahilan upang dumugo ang labi nito at mapahiga sa sahig. Sinipa ko ito ng malakas sa sikmura na naging dahilan kung bakit umubo ito ng dugo at namilipit sa sakin. "H-Hindi Benj, hin—" hindi ko na ito pinagsalita pa at sinuntok muli sa panga. "Anong hindi?! Kitang kita ko ang ebidensya! Nandoon ako nang barilin mo sya! Kayo ng walang kwenta mong ama ang nagpahirap sa kanya!" bulyaw ko dito. Hindi siya lumalaban at tanggap lang ng tanggap ng atake ko na mas lalong nagpasiklab sa galit na nararamdaman ko. Aapakan ko na sana ito muli sa sikmura nang hawakan ako ni ate Meaghan na tila pinipigilan sa gagawin. "Tumigil ka na Benj! Tumigil ka na!" pag awat nito. Agad namang nilapitan ni kuya Logan ang nakahigang si Kiel at itinayo. Lalong sumiklab ang galit sa loob ko nang mapansin na mas kinakampihan at tinutulungan nila ito. "Bakit nyo ba yan tinutulungan?! E demonyo yan! Mas hayop pa yan sa zombie na nakakalaban natin! Sana sya na lang ang namatay at hindi ang kapatid ko!" galit na sigaw ko habang dinuduro duro ito. Napahawak ako sa aking pisngi ng biglang maramdaman ko ang hapdi ng sampal ni ate Meaghan. Tinaliman ko ito ng tingin na hindi nya inurungan. "Kumalma ka muna at makinig sa sasabihin nya! Kapag hindi ka tumigil ay baka mapatay mo pa sya at magiging katulad ka lang ni Don Beauford na kinagagalitan mo!" bulyaw nito sa akin. Nagdilim ang paningin ko ng marinig ang pangalan ng demonyong dahilan kung bakit kami ganito ngayon. Hindi ko namalayan na nadampot ko na ang isang martilyo na nakakalat dito at ibinato sa direksyon nila kuya Logan. Direktang tinamaan nito ang ulo ni Kiel... Hindi ko na alam ang nangyayari... Naramdaman ko na lang na nai-pin ako sa pader ni ate Meaghan habang pinapanood ang pagbagsak ni Kiel mula sa hawak ni kuya Logan. Nanginig ako at nawala sa sarili habang pinapanood ang tuloy tuloy na pag agos ng masaganang dugo dito mula sa kanyang walang malay na katawan. "Nurse Aaliyah! Doc Martin! Help us! Nasaan kayo?!" Napuno ng ingay ang silid. Saktong kakataas lang ng doktor at nagulantang sa nakita. Dali daling sumaklolo si nurse Aaliyah upang maampat ang pagdudugo ng ulo nito. Lahat sila ay nagkakagulo pag gamot sa kanya samantalang ako kay naiwan mag isa sa sulok at naguguluhan. Unti-unti akong nilamon ng konsensya at hindi ko alam kung kakakayanin kong makisama sa kanila pagkatapos ng nagawa ko. Gamit ang kaunting lakas na mayroon ako ay dali dali akong tumungo sa pinto at tumakas sa kanilang lahat. Palayo sa mga itinuring kong pamilya. Palayo sa tiyak na kaligtasan ko. Meaghan's POV Abala ang lahat sa pag asikaso kay Kiel, mabuti na lang at ginawang pambalot pansamantala ang damit ni Logan upang maampat ang pagdurugo ng ulo nito. "What the hell is happening? Why did this ever happen to us?" nanlulumong tanong ni Logan habang pinapanood ang pagtulak ni nurse Aaliyah sa stretcher kung saan nakahiga ang walang malay na si Kiel. Nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kanya. 'Benj anong nagawa mo?' tanong ko sa sarili at sinilip ang lugar kung nasaan si Benj ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng mapansing wala ito sa lugar na pinag-iwanan ko dito. Dali kong inilibot ang mata ko at napansin ang bahagyang nakabukas na pintuan palabas dito. Agad agad akong pumunta dito at tumambad sa akin ang lugar na walang ka tao tao. "Sht! Nawawala si Benj!" gulat na bulyaw ko kay Logan nang mapansin nito ang pagkabalisa ko. Tumingin tingin din ito sa paligid at nang masigurong nawawala nga ito ay agad syang lumapit sa pwesto ko. "No, this can't be happening," mahinang sagot nya. Iniangat nito ang mukha at sinalubong ang aking tingin. "We can't lose two persons at the same time, specially now that were so close to getting to the safe zone," dugtong nito. Kapwa kami tahimik, hindi alam kung anong uunahin o kung ano pa ba ang susunod na mangyayari. Hindi ako doktor pero base sa dami ng dugo na nawala kay Kiel, hindi malabong malagay ang buhay nito sa panganib... Oo at may kasama kaming nurse at doctor, pero hindi sapat ang medical equipments na nandito dahil it is only suitable for experiments and all, and not for major operation. With that being said, his chance of survival is extremely at a low rate, plus the fact na wala na kaming oras. Palala na ng palala ang bombing na nagaganap and I'm kind of thankful since hindi pa tumatama ang missile sa mini bunker na ito. Isa pa si Benj na ngayon ay walang balita kung saan, at mukhang malabo na bumalik pa dahil sa nagawa nya. Ano nang mangyayari samin? Sana maayos pa ang lahat... 'Oh Dyos ko, tulungan nyo po kaming maka survive sa lahat ng ito...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD