43

1205 Words
Third Person's POV "Hailey baby, stay here okay? I will introduce you to your future daddy," paalala ng isang magandang babae sa anak nito. Binigyan n'ya ito ng lollipop upang hindi mainip pag-iintay. Dahan-dahan idinuyan ng bata ang sarili sa swing dito sa People's Park habang inaantay ang ina nito. Inabot na ng lima, sampu hanggang kalahating oras ay wala pa rin ito. Nagsimula na s'yang malungkot, matakot na nauwi sa pag-iyak dahil unti-unti ng bumuhos ang ulan. "Mommy, nasaan na po kayo?" mahinang tanong ng bata sa sarili. Tuluyan na ngang bumuhos ang malakas na ulan at halos s'ya na lang ang natitira sa parkeng iyon. Halos dahil may isang taong naglahad ng payong sa kanya upang hindi ito mabasa. Dahan-dahan nitong iniangat ang ulo upang makita kung sino 'yon. Tumambad sa kanya ang mukha ng isang lalaking mukhang kaedad lamang ng kanyang mommy. "Are you lost, baby girl?" malambing na tanong nito. Tumango lamang ang bata bilang sagot sabay punas ng luha sa aking mata. "Anong name mo?" tanong nito at umupo sa katabing swing. "Mommy said that I shouldn't talk to strangers," sagot ng bata dito. Pero di kalaunan ay nagsalita s'yang muli. "Pero since you look kind naman po and you give me payong, I'm Hailey po hihi," walang kiyemeng sagot ng bata na nagngangalang Hailey. "Ooh Hailey, what a nice name. Bakit ka mag-isa dito?" napaiyak muli ang bata nang maalalang hindi pa rin bumabalik ang mommy nya. Tila nagulat ang lalaki at hinagod ito sa likod upang kumalma. Inilabas nito ang isa pang lollipop at iniabot sa kanya. Tumahan ito pag-iyak at agad tinanggap ang iniabot sa kanya. "M-My mommy is missing po kasi, she said that she will be back because she will introduce me to my dad," paliwanag nito. Napatango lang ang kasama n'ya at inilahad ang kamay sa kanya. "Yung mommy mo ba nakasuot ng red dress like you?" nanlaki ang mata ng bata at sunkd sunod na tumango. Ipinakita n'ya ang red dress na suot n'ya at inikot kahit pa nababasa na s'ya ng ulan. "So bakit ka nya iiwan with that guy?" tanong nito sabay turo sa kung saan. Sinundan n'ya ang direksyon na itinuro nito at doon natagpuan ang kanyang ina na pasakay ng kotse. "Mommy! Nandito pa po ako!" sigaw nito, tinakbo nya ang ulan habang patuloy sa paghabol sa sasakyan na nagsisimula ng umandar. Nadapa ito at tuluyan ng umiyak nang hindi maabutan ang mga ito. "Mommy, bakit po?" mahinang sambit nito habang pinapanood itong mawala sa kanyang paningin. "Iniwan ka na ng mommy mo, Hailey..." malungkot na pahayag ng lalaki habang itinatayo s'ya. "Don't worry baby, ako na ang bahala sayo. I will raise you and babalikan natin ang mommy mo ha?" sagot nito. Tila wala sa sarili ang bata na tumango na lang. "Ano po name nyo, kuya?" tanong nito. Sa murang edad ay naranasan n'ya ang iwanan ng ina at pabayaan sa isang estranghero na ngayon ay tila superhero sa kanyang paningin. "Ako si Martin, pero pwede mo akong tawaging Tito Martin," napatingin ang bata dito at ngayon lamang napansin ang suot nito. Kulay puting lab coat at may stethoscope na nakasabit sa leeg. Alam nya kung anong klaseng tao ang nakasuot ng ganoon. "Okay po, Doc Martin," mahinang sagot nya bago tuluyang nawalan ng malay. — "Hailey, everyday na tayo nandito. Sure ka bang babalikan ka pa ng mommy mo?" tanong ni Martin kay Hailey na nakapangalumbaba habang nakaupo. Malayo ang tingin nito na tila may malalim na iniisip. Ilang sandali pa lamang ay kusa ng umalpas ang mga luha sa mata n'ya. "B-Bakit po kasi ganoon Doc Martin? Good girl naman po ako, pero bakit n'ya ako iniwan? Hindi nya na po ba ako love?" tanong nito kasabay ng pag atungal ng iyak. Pinatahan naman ito ni Martin at tinabihan ang bata. — Lumipas ang dalawang taon ngunit hindi pa rin nya nakikita ang kanyang mommy Lorraine. Sinubukan nilang puntahan sa dati nilang bahay, ngunit wala na ring tao doon. Sa huli ay nagpasya si Martin na idaan sa legal na proseso ang lahat at inampon ang bata. "Simula ngayon, you're name will be Aaliyah okay?" tiningnan lamang sya ng bata habang namumula ang mata dahil sa pag-iyak sabay tumango. Tuluyan na nitong tinanggap na hindi na sya babalikan ng mommy nya at kasabay nito ay ang pagbabago ng kanyang pangalan. — After 11 years "Aaliyah Laureen Fuego, valedictorian," anunsyo ng guro habang nagsisiakyatan ang mga nagtapos ng taong iyon. Napuno ng palakpak at papuri ang lugar na iyon. Isinakbit sa kanya ang medalya at mga sertipiko ng pagkilala habang nasa tabi ang tumatayo nyang ama-amahan na si Martin Fuego. "I'm proud of you Aaliyah," papuri nito habang magkasabay silang bumababa sa stage. Tinanguan nya lamang ito at binigyan ng matamis na ngiti. "Maraming salamat po sa lahat," maluha-luha ng sagot nito. "Kung wala po kayo ay wala rin ako sa lugar kong ito," dugtong n'ya. Pauwi pa lamang sila galing sa seremonya ng biglang mapasigaw si Aaliyah sa gulat. "Itigil nyo po ang sasakyan!" biglang sigaw nito na nagpagulat kay Martin. Agad nitong itinabi ang sasakyan. Bago pa man s'ya makapagsalita ay agad ng binuksan ni Aaliyah ang pintuan at tuloy tuloy na bumaba. Pinasok nya ang cafe kung saan n'ya ito nakita. "Mommy!" pagtawag nito sa isang babaeng nakatalikod sa kanya. Lalapit pa lang sana s'ya ng biglang humarap ang babae na agad ikinabigla nya. "M-Mommy Lorraine," mahinang sambit nito bago tuluyang lumapit sa kanya. Hindi pa man ito nakakalapit ay agad nagsalubong ang kilay ng tinawag nya. "Sino ka?" tanong nito na nagpaguho sa mundo nya. "A-Ako po ito, yung anak nyo. Yung iniwanan nyo —" naputol ang sasabihin nito nang may sumabad sa kanilang usapan. "Mom sino s'ya?" tanong nito at tiningnan s'ya mula ulo hanggang paa. Tila nanliit si Aaliyah sa kinatatayuan dahil sa nangyari. Halatang hindi s'ya kilala ng tinawag nya, kahit alam nyang sa puso nito ay ito ang mommy nya. "I'm sorry miss, pero dalawa lang yung anak ko," sagot nito. Tila nabuhayan sya ng loob ngunit agad rin napawi nang bumalik sa upuan ang isang matangkad at matipunong lalaki habang karga karga ang isang limang anyos na bata. Napalugmok sya sa kinatatayuan. Halos gusto nya ng maglupasay nang magsimulang kumain ang mga ito, na tuluyang inignora ang kanyang presensya. Kitang-kita sa mga mata n'ya ang inggit sa nakikitang saya at bonding ng kanilang pamilya. 'Ako dapat 'yon,' sambit nya sa sarili habang sunod sunod na tumulo ang mga luha nito. Bago pa man sya makagawa na panibagong eksena ay hinila na sya palayo ni Martin sa lugar na iyon. Nagpadala na lang s'ya sa kung saan man sila pupunta dahil sa litong nadarama. "Are you okay Aali—" naputol ang sasabihin ni Martin ng yakapin sya nito at doon ibinuhos lahat ng sama ng loob na kanyang nararamdaman. Makalipas lang ang ilang minuto ay tumahan na ito, ngunit hindi na s'ya ang mahinang Aaliyah na kilala nila. "Doc, I will pursue medicine too, and I swear, I'm going to make them pay," madiing sambit n'ya na naging dahilan ng nakakalokong ngiti na sumilay sa labi ni Martin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD