44

1068 Words
Aaliyah's POV Napailing na lang ako habang inaalala ang mga tagpong iyon ng kabataan ko. Mula pa noon ay s'ya na ang kasama ko. Nakailang balik kami sa parkeng iyon, sa pag-asang babalikan ako ni mommy Lorraine. Ngunit lumipas ang araw, linggo, maging buwan na walang palya pag-aantay sa kanya, hindi n'ya ako binalikan. Doon namuo ang galit sa aking dibdib. Si Doc Martin ang tumulong at umaruga sa akin na parang tunay kong pamilya. Pinakain, binihisan at pinag-aral nya rin ako kaya narating ko kung nasaan man ako ngayon. Mula pa noong una ay ako ang kasangga n'ya, nagbago lang ang lahat ng may pasyente silang may Cotard's syndrome na ipina-admit sa lab. Mula noon ay mas naging aktibo s'ya sa pag-eeksperimento sa mga ito. Ako ang katuwang n'ya at tagapag-hatid ng balita lalo na sa tuwing involve dito ang heneral, ang asawa ng aking mommy. Hinding hindi ko makakalimutan ang pag ignora nila sa akin, habang sila ay masayang kumakain bilang pamilya. Ipinangako ko sa sarili kong babawian ko sila, dahil na rin sa selos at inggit na dapat ako yung kasama ni mommy Lorraine at hindi sila. Ngunit unti-unting nabago ang lahat ng makasama ko s'ya, si Meaghan Lewis Abeita. Sa umpisa ay galit ako sa kanya dahil sa s'ya ay anak ni mommy, na nakaranas ng pagmamahal ng isang ina sa buong buhay nya. Pagmamahal na ipinagkait sa akin sa loob ng maraming taon maging sa kasalukuyan. Ngunit habang tumatagal ay gumagaan ang loob ko dito, dahil na rin sa isang katotohanan. Kapatid ko sya... Unang tingin pa lamang ay alam kong s'ya na ang kapatid ko sa ina. Alam ko ang panganib na mayroon sa hospital na iyon, at maganda syan'g simula upang makabawi kahit papaano. Hinayaan ko silang labanan ang ilang mutated na halimaw doon, ngunit ang swerte nila dahil nakaligtas pa rin sila. Pero noon 'yon. Unti-unti ko silang nakilala at kakaiba ang bond na mayroon sila kahit bago pa lang ang pagkakaibigan nila. Ang galit ay napalitan ng inggit, hanggang sa magbago ang aking pananaw dahil itunuturing na rin nila akong pamilya. Lalo na nang mas pinili nilang samahan ako pabalik ng Bataan, kahit nasa harapan na nila si Nathan at inalok na isabay sa safe zone kung saan mas magiging maayos sila. Kitang-kita ko ang komosyon na nangyayari sa harap. Hindi pa man ako tapos magluksa sa nangyari kay Kiel ay ito ang bumungad sa amin. "Alam mong hindi namin iyon ginusto! At iba ang kaso mo! Dahil una pa lamang pinageeksperimentuhan mo na ang mga pasyente nyo! Kung hindi nyo nai-modify ang genes nila, hindi sana ganito kalala ang sitwasyon natin!" sigaw ni General Abeita sa kaharap. Nagkaroon ng komosyon ng magsilapitan ang ilang militar sa gawi niya. "Wag kayong lalapit!," sigaw nito. "Nasa akin ang cure para dito! At kung hindi nyo ako papaalisin ay hinding hindi ko ito ibibigay sa inyo!" nagwawala na ito sa galit habang itinataas ang botelya ng antidote na nagawa nila sa lab. Nagkatinginan kaming tatlo, nauunawaan na hindi maganda ang mangyayari kung hindi kami papagitna dito. "Dad, stop! Totoo po ang sinasabi nya, kasama nya kami when he tested the antidote to a zombie. Maganda ang resulta nito, at tiyak na mas lalong umayos ng i-modify nila," pigil at paliwanag ko ni Meaghan dito habang akmang lalapit sa doktor, ngunit agad s'yang nasigawan nito. "Don't you dare go to him Meaghan Lewis! You don't know what he's capable of!" banta nito. Natigil ang lahat ng bigla nitong pinaikot ang wheelchair papunta sa baybayin. Sa dagat. Agad naalerto ang mga militar ng mahalata ang binabalak nito. "No!" sabay sabay naming sigaw ng mapansing nasa bungad na ito. "Hinding hindi nyo ako mapipigilan! Dahil sa gyera, mas naging mabilis para sa akin ang lahat!" humalakhak ito na tila nababaliw, na nagpakaba lalo sa amin. "Nurse Aaliyah, please stop him! Si mom at si Jessie, infected sila at tanging ang antidote lamang na gawa n'yo ang makakapagligtas sa kanila!" pakiusap nito sa akin. Tila nablangko ang aking isipan sa narinig. Nanganganib si mommy at tuluyan itong mawawala sa akin. Ito ang tanging nagpaikot-ikot sa aking isipan. Walang pag aalinlangan kong inagaw ang baril ni Nathan at agad itinutok kay Doc Martin. Bago pa man ito kumilos muli ay ipinutok ko na sa kanya ang bala nito. Ngunit huli na ako, dahil naihagis na n'ya palayo ang antidote. Halata ang gulat ng lahat, lalo na nang tuluyang bumagsak sa dagat ang katawan nito. Ngunit mas lamang ang pagkabigla ko sa huling sinambit nito. Alam kong bulong lamang ito, at sa layo ng distansya namin ay tiyak na hindi lahat ay malalaman ito. Pwera sa akin. Dahil basang-basa ko ang pag galaw ng labi nito at pag sambit ng mga katagang nagpalito sa aking isipan. "Patawarin mo ako, anak." "H-Hindi..." agad kong nabitawan ang baril at muntik na itong sumayad sa lupa. Nakakasa ang gatilyo nito at alam kong isang maling bagsak nito ay maaaring ikasama ng kung sino. Agad naman itong nasalo ni Nathan bago pa man ito mahulog sa lupa. Ang baril na nagamit ko upang kitilin ang buhay nya. Ang buhay ng aking tunay na ama. Napuno ng tanong ang aking isipan. Bakit ganoon? Anong nangyari? 'Di ba sabi nya noon ay... Dahan dahan akong napalingon sa aking gilid at sinalubong ang tingin ni general Abeita. Napuno ng mga imahe ng senaryo ng nakaraan ang aking utak. Tila isang telesine na tuloy tuloy sa paglabas ng mga alaala ng nakaraan. "H-Hindi!" sigaw ko. Agad kong tinakbo ang lugar na pinaghulugan n'ya. Akma akong tatalon ng may isang matigas na bisig ang humakab sa akin at pinigilan ang aking balak gawin. Wala na si Kiel, wala na si Benj. Wala na rin si Doc Martin, at lalong wala na ang antidote upang magamot si mommy. Nanghihina akong napaupo habang patuloy ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Wala na ang lahat... Agad kong pinulot ang kutsilyo na nasa gilid, na mukhang naiwan ng mangingisda dito. Humarap ako kila Logan at Meaghan na tumatakbo habang papunta sa gawi ko. Binigyan ko lamang sila ng maluwang na ngiti at agad iniharap ang sarili kay Nathan. "Ingatan mo sila, lalo na ang kapatid ko. Salamat sa inyo," huli kong sambit bago itinarak sa aking dibdib ang patalim na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD