42

1572 Words
Meaghan's POV I feel my heart breaks when the doctor said the news. "H-hindi..." mahina kong bulong habang nakatingin sa walang buhay na katawan nito. "Kiel!" sigaw ko at tuluyan ng napahagulgol. Hawak ako ni Logan, ngunit wala na akong lakas para itaboy pa ito. Agad dumalo sa amin ang medical staff at inassist kami palabas. Maski si nurse Aaliyah na hilam sa luha ay wala ring nagawa ng ihatid sya palabas. "Tell me this is just a bad dream," pakiusap ko kay Logan. Tiningnan lamang ako nito at mas hinigpitan ang yakap sa akin. Hinila nya na rin si nurse Aaliyah at pare - pareho kaming tahimik na nagluluksa sa pagkawala nya. 'Kiel...' Napapikit ako habang inaalala ang mga panahong una namin syang nakasama. Hindi ko na lang pinansin si Logan at agad tinungo ang lugar kung nasaan si Benj. Tila natigilan ito kung kaya't agad na kaming tumakbo upang tingnan ang nangyayari dito. Nanlaki ang aking mata sa gulat dahil sa nakita. Isang lalaki na halata ang panghihina habang patuloy na nakikipaglaban sa zombies. Hindi na nito nakayanan ang pagod kung kaya't binuhat sya ni Logan papunta sa sasakyan namin. Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat nya. Napalitan na rin ni Logan ang damit nito galing sa damitan dito. Buti na lang at nagkasya. Dadampian ko sana ulit ang gilid ng labi nito ng bigla itong magmulat ng mata. Pareho kaming nagkagulatan at hindi makapag salita. Ako ang unang nakabawi at agad na nagsalita. "Mabuti naman at okay ka na. Kung nahuli kami ng dating baka zombie ka na rin ha ha," naiilang na sabi ko rito. Katahimikan. Nakapalibot na kaming tatlo sa kanya ng magsimula syang magsalita. "T-thank you for s-saving me. I wouldn't make it without you guys," nanghihinang sabi nito. "Ako si Kiel, Kiel Ferida. Kukuha lang sana ako ng mga gamit sa mansion na yun kaso ay sinugod ako ng maraming zombies." kalmadong paliwanag ang pagpapakilala nito. At doon namin sya simulang nakilala at nakasama. Mapait akong ngumiti habang patuloy ang pagluha. 'Wala na si Benj, wala na rin si Kiel. Ano pa bang mangyayari sa amin?' napaiyak ako lalo sa naisip. Naputol ang aming pagluluksa ng biglang may isang militar na humahangos patungo sa direksyon namin. "Ms. Abeita, Mr. Xi, kayo po ba yung kasama nung siyentistang doktor?" nagmamadaling tanong nito. Agad naming inayos ang sarili dahil sa gulat at tumango. "Sumama po kayo sa akin sa court, may nangyayaring komosyon doon ngayon." Wala na kaming inaksayang sandali at agad tumungo sa tinutukoy nya. Napahawak ako sa bibig dahil sa gulat sa nasasaksihan. "Bakit ako ang mananagot dito? Hindi ba dapat kayo?! Dahil kung hindi nyo lamang hinayaan 'yang mga dayuhan na yan na gawing battle ground ang bansa ay hindi ito mangyayari ngayon!" gigil na saad ni Doc Martin sa kanyang kaharap. Si General Abeita, ang aking ama. "Alam mong hindi namin iyon ginusto! At iba ang kaso mo! Dahil una pa lamang pinageeksperimentuhan mo na ang mga pasyente nyo! Kung hindi nyo nai-modify ang genes nila, hindi sana ganito kalala ang sitwasyon natin!" pirming sagot ni dad. Nagkaroon ng komosyon ng magsilapitan ang ilang militar sa gawi niya. "Wag kayong lalapit!," sigaw nfaagwawala na ito sa galit habang itinataas ang botelya ng antidote na nagawa nila sa lab. Nagkatinginan kaming tatlo, nauunawaan na hindi maganda ang mangyayari kung hindi kami papagitna dito. "Dad, stop! Totoo po ang sinasabi nya, kasama nya kami when he tested the antidote to a zombie. Maganda ang resulta nito, at tiyak na mas lalong umayos ng i-modify nila," pigil at paliwanag ko dito. Lalapit na sana ako nang bigla ako nitong sinigawan. "Don't you dare go to him Meaghan Lewis! You don't know what he's capable of!" banta nito. Natigil ang lahat ng bigla nitong pinaikot ang wheelchair papunta sa baybayin. Sa dagat. Agad naalerto ang mga militar ng mahalata ang binabalak nito. "No!" sabay sabay naming sigaw ng mapansing nasa bungad na ito. "Hinding hindi nyo ako mapipigilan! Dahil sa gyera, mas naging mabilis para sa akin ang lahat!" humalakhak ito na tila nababaliw, na nagpakaba lalo sa akin. Martin's POV Ang mga hangal! Dapat lang sa kanila iyon! Nakakatawa ang mga itsura nila, lalong lalo na ang lintek na heneral na iyon! Napailing na lang ako habang inaalala kung bakit nga ba ganito ang sinapit ng lahat. "Doc Martin,we are running out of funds to operate this laboratory. Ginigipit po tayo, lalo na ng heneral dahil daw sa hindi makataong aktibidades natin dito," ulat ni Dr. Estacio, isang doctor na matagal tagal na rin naninilbihan dito. "Si Abeita na naman? Paano ba nila nalalaman ang ginagawa natin when in fact wala naman tayong nilalabag! We're just altering their genes sa pag-asang gagaling sila!" turan ko rito. Nanatiling nakatungo ang ulo nito, hindi makatingin ng diretso sa aking mata. Napailing na lamang ako sa nangyayari habang inaayos ang stethoscope ko. Agad kong nilisan ang lugar at pinuntahan ang pasyente ko sa ward 6. Mayroon itong Cotard's syndrome, isang diperensya sa utak kung saan nasa isip nila na sila ay cannibal, o kagaya ng mga zombie na napapanood sa pelikula. Nanatili ako sa glass window habang pinapanood kung paano nito kainin at patayin ang isang kambing na ipinapasok ko kanina. Tila ito baliw na hayok sa laman, sariwang laman na puno pa ng dugo at sarap na sarap sa paglamutak nito. Ang ilan ay pihadong mandidiri sa kanilang masasaksihan, pero hindi ako. Dahil sanay na sanay na ako dito. Tinitingnan ko ang chart nito ng biglang dumating si Aaliyah, isang student nurse na napiling mag OJT rito. Saglit nya lamang tiningnan ang nasa silid at iniiwas agad ang tingin dito, tila masusuka sa nasaksihan. "Doc, I receive a report outside that Dr. Estacio has been handing files to general Abeita," ulat nito at iniiwas ang tingin. "Ikaw pala..." Makalipas ang ilang araw ay tila normal lang ang lahat. Walang nagbago sa pakikitungo ko dito kahit alam kong ito ang whistle blower ng grupo. "Doc Estacio, could you please help me in assisting the patient in ward 6? Nurse Aaliyah isn't around and the other staffs are busy," pagpapatungkol ko sa ilang staff na hindi magkamayaw pag gawa. Tumango lamang ito at sinundan ako patungo sa ward. Walang tao sa pasilyong ito, tamang tama para sa gagawin ko. Kinatok ko ang glass wall at agad kinuha ang atensyon ni P6. Agad itong lumapit at iika ikang naglakad. Hinampas nito ang glass wall kung kaya't napaiktad si Dr. Estacio sa gulat. "Oh, I'm sorry about that, oras na kasi ng pagkain nya," hinging paumanhin ko dito, nakatago ang madilim na ngiti na lumalabas sa aking labi. "Ito yung tray ng pagkain nya, pwede mo bang dalahin doon habang kinukuha ko ang gamot para ipakalma sa kanya?" hinging pabor ko dito. Kitang kita ang paglunok nito habang nakatingin kay P6, bago muling tumango at kinuha ang tray sa kamay ko. Dahan dahan nitong binuksan ng maliit na siwang ang pintuan sa gilid. Ilalapag nya na sana ang tray ng bigla ko itong itinulak papasok at agad ikinandado ng pinto. Lumaki ang mata nito sa gulat ng maintindihan ang ginagawa ko. "Hayop ka Martin! Pagsisisihan mo 'to! Di maglalaon ay matutugis na rin kayo ng mga militar sa hindi magandang pamamalakad nyo!" galit na sigaw nito habang kinakalampag at pilit na binubuksan ang pinto. Dahil sa ingay ay agad itong nilingon ni P6, tumulo ang laway nito sa nakita. Napalunok muli si Estacio ng marinig ang mahina hanggang papalakas na ungol nito. Bago pa ito makasigaw ay sinunggaban na agad sya ni P6 at hiniklat ang balat. Lumabas ang mga laman nito na lalong nagpagigil sa huli. Rinig na rinig ang mura at daing ni Estacio habang kinakain ito sa loob. "Adios," paalam ko bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon at umaktong tila walang nangyari. — "Doc Martin, ano na pong mangyayari? Masyadong na expose ang mga pasyente natin sa radiation mula sa planta. Ano na ang mangyayari sa mga naiwan natin na doctor?" kinakabahang tanong ni Aaliyah sa akin. "Hindi ko alam, sana ay walang malala na epekto ito sa kanila kundi ang pagiging agresibo lamang." Pilit kong ipinakita ang pagkabahala ko sa nagaganap, ngunit kabaliktaran ng aking sinasabi ang gusto kong mangyari. "Sana nga ay iyon lang..." bulong ko, sadyang ipinarinig sa kanila bago tuluyan mabagsakan ng mga nahuhulog na debris. "What? So ibig sabihin noon ay gusto mo ang nangyari?!" hindi makapaniwalang tanong ni Meaghan. Nginisian ko lamang ito na nagpagalit lalo sa kanya. "You're a sick bastard! Why did you do that?! We don't want to be a part of your stupid zombie scheme!" nanggagalaiting sigaw ni Logan. Tinitigan ko lamang ito ng may pangungutya bago ibinalik ang tingin kay Vladimir Abeita. Ang lalaking umagaw ng dapat ay sa akin. Ang lalaking inangkin si Lorraine na dapat ay sa akin. Mabilis na kumilos ang mga militar at agad lumapit sa akin, nataranta ako sa nangyayari kung kaya't walang pag aalinlangan kong itinapon sa maingay na dagat ang antidote. Kasabay ng pagtapon ko rito ay ang pagtama ng bala sa aking katawan. Nang tiningnan ko ito ay bakas ang galit, lungkot at pagsisisi ni Aaliyah habang nakatutok ang baril sa akin. 'B-bakit...' napailing na lang ako ng madama ang panghihina. Tinitigan ko ito sa mata at nginitian habang ibinulong ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya. "Patawarin mo ako, anak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD