46

1275 Words
Third Person's POV "Mr. Logan Xi, someone's looking for you," ulat ng isang pulis militar dito sa kampo. Agad namang tumango si Logan at sinundan kung saan man ito tutungo. Tumigil sila sa isang pinto na tila opisina. "Hanggang dito na lang po ako," untag nito na ikinatango naman ng bintana. Pagkahawak nya pa lang ng handle ay agad kumabog ang dibdib nito. 'What's wrong?' isip nito. Ipinilig n'ya na lamang ang ulo at buong lakas loob na binuksan ito. Ngunit lahat ng lakas loob n'ya ay agad ding nawala nang makita kung sino ang nasa loob. "Bàba" mahinang usal n'ya. Ang nasa kanyang harapan ay ang ama na parte ng airforce military sa China. Si Lt. Lei Xi. "So you're finally here son," untag agad nito. Tila natuod si Logan sa puwesto. Huminga muna ito ng malalim bago magpatuloy papasok ng opisina. "Y-Yes Bàba, where are the others?" nanginginig na tanong n'ya. Nilibot n'ya ang mata sa pag-asang nandoon ang kanyang Māmā o kapatid. Nang wala syang makita ay agad s'yang nanlumo dahil alam n'yang magdamag na sermon na naman ito. Ngunit hindi n'ya inaasahan ang mga katagang sinambit nito, na kahit kailan ay hindi n'ya pa naririnig sa tanang buhay nya. "I'm proud of you, Logan." Namasa ang mga mata nito kung kaya't agad n'yang pinunas gamit ang damit dahil ibinigay n'ya kay Meaghan ang panyo. 'Meaghan,' naisip nya. "I have heard about what you have done. Helping in creating the cure and flying an aircraft? Wow! I knew you're a bright Xi like me and your Māmā," dugtong pa nito. Wala nang inaksayang sandali si Logan at agad niyakap ang ama. "Yes Bàba, thank you. Good thing that you're safe and —" naputol ang pagyakap n'ya sa sinabi nito. "I also heard that you found her, right?" tanong nito. Tanging tango lang ang isinagot n'ya ng maalala muli ang babae. "The deal has been cut off now, you don't need to marry her," pirming tugon nito na gumulat sa kanya. "B-But why Bàba? I thought," hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil hindi n'ya rin alam ang isasagot dito. "Why Logan? Are you inlove with her?" sabi nito at nagpaskil ng kakaibang ngiti sa labi. "But what about Mei Nuo? You can now be together since you're having a child with her," nagulantang si Logan at umawang ang bibig sa narinig. "S-She's pregnant?" gulat na tanong nito. "H-How?" Hindi na nasagot ang tanong nito ng pumasok si Meaghan sa silid na madilim ang tingin. Kasunod nito ang kanyang ama na si General Abeita. "Lt. Xi, I think we need to give time to our child," tumango lamang ang huli at sabay na lumabas. Naiwan ang dalawa na nagpapakiramdaman kung sinong unang magsasalita. Naputol ang katahimikan ng sinimulan ni Meaghan ang usapan. "So I guess it's really true?" panimula nito. Bumalik na ang matapang ngunit walang ekspresyon nitong mga titig. "All along you knew it was me that you're gonna marry ano? But what did you do? You did not even bother to tell me the truth," sunod sunod na sabi nito. Ngumisi lamang ang dalaga bago tiningnan ito. "And the sacrifice that you meant to say few days ago? You're referring to your girl and a baby huh?" napailing na lang ito. Samantalang si Logan ay tahimik pa rin, magulo ang isip dahil sa nalaman. "I guess this is good bye," muling sabi ni Meaghan bago ayusin ang sarili nya. "Keep this," dugtong n'ya pa sabay balik ng panyong ipinahiram n'ya. Wala sa sarili itong tinanggap ng binata. Nasa pintuan na si Meaghan nang muli itong magsalita. Humarap s'yang muli at direktang tinitigan sa mata si Logan. "Let's pretend we never met each other, we'll just pass each other when the time comes that everything's okay." — Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan sa isla ng Boor. Tinipon ang lahat ng survivors na may matataas na tungkulin sa kanilang grupo, maging sa ibang isla sa buong mundo na kapanalig nila. Nasa harapan ang isa sa pinaka makapangyarihang tao sa Pilipinas, walang iba kundi ang presidente. "Maulang hapon sa inyong lahat, mga kapwa ko survivors. Naririto ako upang iulat sa inyo ang aking pasya, sampu ng ilan sa mga tao sa senado, gobernador, at maging ang ating heneral na si Vladimir Abeita," panimula nito. "Alam kong alam n'yo ang nangyayari sa ating bansa, at hindi lang tayo ang apektado dito. Maging ang mga karatig bansa rin sa iba't ibang panig ng mundo," sambit nito. Tumikhim muna ito bago magpatuloy. "Dahil dito, bumuo kami ng isang organisasyon, ang United Nations for Survival. Tinalakay namin dito ang mga dapat gawin upang manatili tayong ligtas at mabawasan ang mga zombie's na hindi natin mapigilan, sa ngayon," dugtong nya, binibigyang diin ang mga salitang 'sa ngayon'. "Nawala man ang doktor na si Martin Fuego, at ang kanyang anak na si Aaliyah na s'yang gumawa ng antidote na lunas sa pandemyang ito, narito naman ang isa pa nilang kasamahan sa pagbuo nito. Si Logan Xi," naghanap ang mga tao kung sino ang tinutukoy nila, natigil lamang ito nang umakyat sa stage ang binata. "Ipapadala namin sila sa isla sa may Palawan kung saan di hamak na mas kaunti ang populasyon ng zombies, kaya mas malaya silang makakahanap ng sangkap para mabuo muli ang antidote at tumapos sa pandemyang ating nararanasan ngayon." Nagkaroon ng bulungan sa lugar, kahit malakas ang ulan at hangin na dala nito ay hindi natinag ang mga tao sa pag-uusap. "Tahimik," utos nito. Unti-unti namang humupa ang ingay kung kaya't nagpatuloy s'ya. "Inaanyayahan rin natin dito sa harapan, ang anak ni General Abeita, si Meaghan Lewis Abeita," pagpapakilala nito sa bagong akyat na dalaga. Pareho na sila ni Logan na nasa harapan, ngunit kapwa walang pansinan. "Siya ay itinakdang isa sa mamumuno dahil na rin sa galing n'ya, na hindi naman nakakapagtaka sa isang anak ng militar. S'ya ay sasanayin upang mas maging karapatdapat mamuno sa inyo, para magkaroon tayo ng mas malakas na pwersa panlaban hindi lamang sa mga buhay, kundi maging sa mga patay na ating nakakasalamuha at pilit iniiwasan," tinangunan n'ya ang dalawa hudyat na sila ay bababa na. "Ayon rin sa kagustuhan ng ating heneral, napagpasyahan namin na hindi na itutuloy ang pambomba at pagsira sa ating mga lugar sa bansa. Ito ay upang magamit pa ang mga ito kung sakali man na mabalik na tayo sa dati nating buhay," sambit nito. Napalingon ang tahimik na si Meaghan sa ama na nakaupo kahilera ang ilan sa matataas na opisyal ng lugar at bansa. Nakatingin lamang ito sa presidente habang matiim na nakikinig sa sinasabi nito. Hindi man lang s'ya matapunan maski sandaling tingin ni Vladimir Abeita. "According to our data, 70% of the planet population is already infected with the disease, and based sa ulat ng ilan sa mga survivors, the remaining 30% are survivors who kill each other in order to survive," ulat nito. "We have long decided that since Earth is no longer the same it used to be, we will give it another name, another new start for us," napuno ng ugong ang lugar. May ibang sang-ayon, may ibang bakas ang disgusto sa sinabi ng kaharap at ang iba ay walang pake sa kung ano man ang nagaganap. "In a war-torn world, and with terrorism rife, I firmly announce that this planet will now be called Pax, and hence," lalong nagkagulo ang mga tao na kinailangang gumamit ng dahas ng mga sundalo upang mapigilan sila. Ngunit hindi pa rin natitinag ang presidente at binanggit ang mga salitang nagpagulo sa lugar na iyon. "Today is our last day on Earth."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD