45

1416 Words
Meaghan's POV "Nurse Aaliyah, please stop him! Si mom at si Jessie, infected sila at tanging ang antidote lamang na gawa n'yo ang makakapagligtas sa kanila!" pakiusap ko dito. Iyon lang ang paraan upang makabawi sa pagkakamali ko, at hindi ako makakapayag na mawala pa ito. Tila nag slow motion ang lahat ng inihagis ni doc Martin ang botelya ng antidote. Tuluyan itong nilamon ng nagngangalit na dagat, tila pinapahiwatig na tapos na ang lahat at hinding hindi na namin makukuha ang cure para sa virus na ito. Kasabay ng pagkahagis n'ya ang pagpapaputok ni nurse Aaliyah ng baril sa direksyon nito. Hindi ko man gaanong nabasa ang huling salita ng doktor ay halatang halata ang pagkatigil at gulat ng katabi ko. Bago pa man ako makapagsalita ay dali-daling tinakbo ni nurse Aaliyah ang lugar kung nasaan si doc Martin, ngunit huli na ang lahat para sa kanya. Tuluyan ng nahulog ang katawan nito bago pa man sya tuluyang makalapit dito. Malayo man kami ay kitang kita ang panlulumo nito, kasabay ng paghagulgol. Muntik na itong mahulog kung kaya't agad akong kinabig ni Logan upang tumakbo sa direksyon nila. Bago pa man sya tuluyang mahulog ay nasalo na sya ng bisig ni Nathan, na ni hindi ko man lang napansin na nakalapit na sa kanya. Natigilan ako at pinagmasdan sila. Tila inaalo nya ito, ngunit tahimik lamang sa pag-iyak si nurse Aaliyah. Napansin ni Logan ang pagkatigil ko kung kaya't napatigil din sya at humarap sa akin. Bago pa man sya makapagsalita at ay nabaling ang atensyon ko sa harapan, na naging dahilan upang tumakbo ako ng mas mabilis kumpara kanina. "No!" sigaw ko, sinulyapan lamang kami ni nurse Aaliyah at ngumiti, bago sya muling humarap kay Nathan at bumulong. Kusa kaming napatigil pagtakbo nang mabilis nyang nakuha ang isang kutsilyo at agad isinaksak sa dibdib nya. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay. Third Person's POV Pagkatapos ng mga pangyagari ay nagkaroon ng isang araw na lamay para kay Ezekiel Ferida Beauford. Kaunti lamang ang dumalo dahil hindi rin naman kilala ng lahat ito, pero ang kanyang mga kasamahan sa kanilang paglalakbay ay hindi man lang umalis sa kanyang huling sandali. "Kiel," panimula ni Logan. "You've been a good friend and a good company to us. Even though you have issues with Benj, I still believe that you didn't do what he blames you," napangiti ito na tila may naaalala. "Remember the first time we've met?" napatawa ito habang pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi. "You were too thin back there, but still heavy as hell ha ha. But you know that I got strong muscles that's why I easily carried you," tumigil ito habang pinapakalma ang sarili. "Just like before, I can carry you all you want, no matter how heavy you are. But please," pakiusap nito. "I don't want to carry your lifeless body, I want to carry you all around then you will thank me after doing those things for you. Cause that's all I know how to repay you! You have done lots of things for us. Even if I have the the strongest muscles, in the end, you're still the one carrying me whenever I pass out due to our adventures," napapikit ito habang inaalala lahat ng memorya nila na magkasama, nagtatawanan at lumalaban ng sabay. Pero ngayon, alam n'yang hindi na ito muling matutupad pa. "Don't worry Kiel, we will find Benjo and ask for Benj's forgiveness. I know that's what you want, to pass away with a clear name. You will be missed Kiel, hope to see you again buddy," huling sabi nito sa harapan bago tumungo sa upuan. Sunod namang tumayo sa upuan at pumwesto sa harapan si Meaghan. "Mic test," panimula nito bago tumikhim at muling nagsalita. "Hi Kiel, I miss you," dinig agad ang pag-c***k ng boses nito. "Sandali pa lang tayo nagkakasama, pero alam kong mabuti kang tao. That's why I also don't believe in what Benj is accussing you," dugtong pa nito. Sandali pa itong natigilan dahil tuluyan na s'yang nag-break down. Kumalma muna siya bago muling nagsalita. "Even though ang tahimik mong tao, atleast you spit more sensible knowledge than that idiota Logan," aapila pa sana ang binata ngunit hindi na itinuloy nang mapansin ang pag-iyak nito. Napayuko na lang s'ya sa nakita. "I used to be tough, but when I met all of you, you made me feel weak, that I need three body guards to protect me. But now," tuluyan ng nabasag ang boses nito. "You're really gone, and Benj is nowhere to be found. While Logan," sinalubong nila ang tingin ng isa't isa bago muling magsalita. "I really hope that you will be safe wherever you are, no more fighting zombies or fighting silent battles that you refuse to tell us. Ezekiel Beauford, thank you for all the memories, in due time I will tell the future generation about our journey together. I love you, and you will always be missed," huling salita nito bago tuluyang bumalik sa kanyang pwesto. Ngayon ay turn na ni Stellar Ferida, ang ina ni Kiel para magsalita. "Zeke anak," ito pa lamang ang nasasabi ay napahagulgol na agad siya ng iyak. "Patawarin mo ako sa pang-iiwan ko sa iyo noon anak, hindi ko ginusto ngunit ginigipit ako ng ama mo! Hindi kita kayang buhayin no'n dahil anak lamang ako ng kanilang katulong. Hindi ko kayang ibigay lahat ng luho na kaya n'yang i-provide sa'yo anak kaya patawarin mo si Mama," tuloy tuloy na sabi nito habang patuloy ang pag-alpas ng luha sa mga mata. "Nasa akin ka na ngayon anak, wala ng magpapahirap sa'yo. Aalagaan at ilalayo ka na ni Mama sa magulong buhay na ito," hindi na nito natuloy ang ibang sasabihin dahil may tumaas na lalaki upang aluin siya. Nagluluksa man ay napuno ng katanungan ang isip ni Meaghan, hindi n'ya maintindihan ang tinutukoy ng ina ni Kiel. Napalingon ito sa gilid at napansin si Logan na nakatingin sa gawi n'ya. Iniiwas niya ang tingin at ibinalik sa harapan. Wala na si Mrs. Beauford sa harapan sa muling paglingon n'ya. Hawak hawak na ito ng isang lalaki na mas maliit lamang ng konti sa kanyang ama, at may matipuno rin na katawan. Isinarado na ang kabaong ni Kiel at dinala ng mga inutusan ng kanyang ina. "Saglit lang po!" pigil ni Meaghan. Napatingin sa kanya ang ilang naroroon ngunit hinanap ng kanyang mata ang nagsalita kanina. Nakita n'ya ito at agad lumapit sa kanyang pwesto kahit pa hinaharangan s'ya ng ilang body guard nito. "Mrs. Beauford! Saan n'yo po dadalahin ang katawan ni Kiel? Hindi po ba s'ya dito ililibing? Paano po namin s'ya dadalawin?" sunod-sunod na tanong nito. "Ilalayo ko si Zeke dito hija, maraming salamat sa pinagsamahan n'yo ng aking anak. Karapatan kong bigyan s'yang maayos na burol malayo dito, dahil kahit doon lang ay makabawi ako," tuloy tuloy na sagot nito bago tuluyang iwanan sila sa loob. Dahan-dahang lumapit sa Logan sa kanyang pwesto at mahina itong tinapik sa balikat. Napalingon ito sa binata ng may namumugtong mata. Inabot ni Logan ang panyo dito bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon. — "How is she doc?" tanong ni Nathan sa nakabantay kay Aaliyah. "I can't really tell if she can make it or not since the blade almost hit her heart, and with the limited clinical tools we have, there is a probability that she'll follow your friend or his dad soon." Tila nagpantig ang tenga nito sa narinig, agad n'yang hinaklot ang damit ng kaharap at pabalyang isinandal sa pader. "Anong klaseng doktor ka? Telling shitty nonsense about the condition of your patient? Hoy tandaan mo Dr. Devera, I can revoke your license in a snap since you're not even doing your obligations right!" bulyaw n'ya dito bago ito pinakawalan. Napailing na lang ang doktor at tiningnan ito ng matalim. "She deserves it anyway, she's the daughter of the crazy doctor that put all of us to this situation. You know the saying Nathan," putol nito at nginitian ito ng nakakaloko, " kung anong kasalanan ng ama, anak ang magdudusa," huling sabi nito bago nagmartsa palayo sa kwartong iyon. Napailing na lang si Nathan sa nangyari at hinawakan ang kamay ng walang malay na si Aaliyah. "Please fight and survive Hailey. I didn't wait for a long time just to have you here now in a near death situation."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD