27

1148 Words
Aaliyah's POV Bakas ang tuwa sa mukha ng lahat. Ang lahat ay masaya sa resulta, unang una na dito si Doc Martin. "Nurse Aaliyah, run some tests sa patient. Check his vital signs and all," utos nito. Dali dali ko namang kinuha ang aking kit sa gilid at sinimulan i check ang vital stats nya. Nai-sterelize ko ang thermometer tip bago ito ipasok sa bibig nya. Nag antay pa ako ng ilang minuto bago ito hilahin at basahin ang readings nya. Temperature - 22° C. Mababa, bakit kaya? Posible bang epekto ito ng virus sa kanya? Sunod kong kinuha ang sphygnomanometer at ipinaikot sa brachial nya. Ipinatong ko rin pop u ang stethoscope dito upang mabasa ang diastolic at systolic pressure nito. Blood Pressure - 60/10. Wala akong marinig na beat kung kaya't sa galaw ng needle ako nagbase. Still, hindi pa din normal. Dahil sa pagtataka ay kumuha ako ng syringe at itinusok sa antecubital nito, pagka penetrate nito sa vein ay nagtuloy tuloy ang pagpasok ng maitim na dugo dito. Napailing ako sa nakita. Bakas din ang pagtataka sa mukha ng aking mga kasama sa nakikita. Kinuha ko ang stethoscope na nakasukbit sa balikat ko at ipinasak sa tanga ko. Nai tap ko pa ito ng dalawang beses upang macheck kung gumagana ito. Pagkadamping pagkadampi ko pa lang ng steth sa kanyang dibdib ay nanginig na ako sa takot. Wala. Walang beat. Wala kahit isa. Nahintatakutan ako at napaatras, na naging dahilan para mabasag ang ilang tube na nasa likuran ko. Lumikha ito ng malakas na tunog dulot ng pagkabasag at pagkalat ng iba't ibang likido sa sahig. "Hindi! Yung formula!" galit na sigaw ni Doc Martin at dali daling nai scoop ang sirang tube na naglalaman ng formula. "S-Sorry po Doc," nahintatakutang sagot ko. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang t***k ng puso ko dahil sa nangyari. Dali-daling pumunta sa likod ko si Logan upang alalayan ako. Iginiya ako nito sa mas ligtas na lugar habang tinutulungan sya ni Kiel na linisin ang mga bubog na nakakalat. "Anong nangyari ba? Mabuti na lang at tube lang ang nasira dito at konting formula lang ang nawala kung hindi nako! Alam mo namang kailangangan natin ito para makontrol ang —" napatigil ito sa pagsasalita ng may maalala. "Para makontrol ang pagdami ng zombies at mabalik sila sa dati! Ano bang iniisip mo?!" dugtong nito. Napayuko na lang ako sa hiya. Dama ko ang nagtatakang tingin nilang lahat, maliban sa anak ng general na matalim na nakatitig sa akin na waring may iniisip. "Sorry," umubo muna ako upang maituwid ang pag sasalita. "Y-Yung heart beat nya, wala." Napatingin silang lahat sa akin, bakas ang pagtataka at gulat sa kanilang mata. "Lahat ng vital signs nya ay hindi normal, maski ang dugo nito ay maitim," dugtong ko pa. "P-Paano nangyari yon? Nalabanan ng antidote ang virus sa katawan nya in just a short span of time, so bakit ganon?" Hindi ko na nakita kung sino ang nagsabi noon sapagkat dali daling kinuha ni Doc Martin ang steth ko at isinuot. Agad nyang ichineck ang pulso nito, pati na rin ang heart beat ngunit kagaya ko ay wala pa rin itong makapa. Halatang halata sa mukha nito ang pagkabagabag kung kaya inulit nya pati na rin ang ilang test na ginawa ko kanina. Makalipas ang ilang segundo at tumigil din ito at buong lakas na bumuntong hininga. "Saan tayo nagkamali?" nanlulumong tanong nito. Lahat ay tahimik, hindi alam kung paano nangyari ito. "I think I know the answer Doc," pagsingit ni Logan sa usapan. Lahat ng atensyon ay napunta sa kanya kung kaya't nakinig kami sa ipapaliwanag nya. "I had been assisting you two for a few days now, and I think that your test subjects are long been infected and contained in that big tube and liquid," ani nito at itinuro ang chamber na pinaglalagyan namin ng zombies. "The virus fully corrupted it's body since it has been a long time when they were infected. I think the antidote created is good, we just need a stronger dosage and a little bit more time so it will fully fight off the virus in their blood," dugtong nito. Humanga ang lahat sa naisip nito. 'I think he will be a great doctor someday.' Nginitian lamang ito ni Doc Martin at tinapik sa gilid. "You three, go upstairs and take some rest. Nurse Aaliyah, we have to talk," tanging sambit nito at ipinaikot ang wheel chair patungo sa maliit na opisina n'ya dito. Nilingon ko naman silang tatlo at binigyan ng matipid na ngiti. "Go, take some rest, sisiguruhin namin na matatapos ito at makakaalis na tayo dito." Nagsitanguan naman ito bago isa isang humakbang patungo sa elevator. Nangunguna si Kiel at sinundan ito ni Logan. Tumalikod na ako upang sundan si Doc Martin ng mapatigil dahil sa isang boses. "Make sure you're doing the right thing, I'm watching you," ani Meaghan at naglakad na rin palayo sa akin at pumunta sa mga kasamahan nito. Napangiti na lang ako ng mapait at napailing sa tinuran nito bago sinimulang tahakin ang lugar na pupuntahan ko. — Office "I did not like what happened a while ago Aaliyah ha," bungad ni Doc Martin ng makapasok ako. Nakatungo lang ang aking ulo, takot na makipag titigan dito. "That Meaghan, General Vladimir Abeita's daughter, what do you think about her?" tanong nito sa akin na naging dahilan upang salubungin ko ang mga tingin nya. "S-She, she looks and moves a lot like her father," hindi ko namalayan na napangiti na pala ako ng mapait sa sinabi ko. "Alam mo ang ginawa nila sayo, I'm hoping that you will stay true sa mga pangako mo kahit pa makita mo sila," tanging sambit nito bago ako talikuran muli upang lumabas at pag aralan ang aming test subject. Kiel's POV Nang makasakay ang lahat ay pinindot na ni Logan ang button pataas. Hindi ko alam pero kanina pa ako kinakabahan, at mas lalong lumalala ito habang unti unti kaming tumataas patungo sa ground floor. "Are you okay bro? You look pale," puna ni Logan ng mapansin ang pagkabalisa ko. Tiningnan naman ako ni Meaghan at bigla nyang idinikit ang palad sa leeg ko. "May sinat ka, probably because of the infection. Gamutin natin yan once nakataas na tayo," ani nito na sinang ayunan ni Logan. Tipid akong ngumiti sa mga ito at inantay na bumukas ang lift. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. Tuluyang nanlamig ang aking pakiramdam at pakiramdam ko ay nagsilabasan ang malamig na pawis mula sa aking katawan. Sapagka't nakatayo ngayon ilang metro ang layo samin si Benj, nakakuyom ang kamao at matalim ang tingin, hawak hawak ang kanina ko pang hinahanap. Ang locket ko. Ang locket na naglalaman ng litrato namin ng lalaking kinamumuhian nya. Litrato namin kasama ang aking ama. Si Don Beauford.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD