02

1029 Words
Meaghan's POV Dahan dahan akong lumapit sa likuran ng biktima ko ngayon. Mabagal itong naglalakad, tila hindi alintana ang panganib na malapit ko ng idulot sa kanya. Agad akong tumalon mula sa aking pwesto na nagpagulat dito. Bago pa man ito makaharap ay hinampas ko na ito ng spear na hawak ko. Tumama ang matigas na bahagi nito sa kanyang ulo kung kaya't tumagas ang ilang dugo dito. Hinampas ko pa ito ng ilang ulit upang masigurado ang katapusan nito. Umungol muna ito bago tuluyan nawalan ng hininga. Inilapit ko ang mukha sa dibdib nito upang mapakinggan kung may heartbeat pa ba ito. Nang masigurong wala na ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis dahil sa nagawa ko. "Ah yes! I have food to keep me up for a day or two," sigaw ko. Mabuti na lamang at walang makakarinig sa akin dito kung kaya't okay lamang na mag ingay ako. Hinila ko na ang patay na katawan nito at inilagay sa kariton na hatak hatak ko. Iniayos ko pa ito ng puwesto at napangiti ng makitang nakaayos na ito. Masarap at malinamnam ang deer na ito, mukhang bata pa dahil mas maliit ito kumpara sa mga napapanood ko sa palabas. Tiyak din akong mabubusog ako dito dahil sa sariwa nitong laman. Maaari ko ring gamitin ang raw hide nito bilang damit o ano man na maaaring magawa dito, at ang panghuli ay ang horns nito na pwede kong gawing sandata sa susunod. Pasensyahan na lang tayo at kailangan kong maka survive. Kaya lahat ng parte nito ay gagamitin ko upang walang masayang. Tulak ko ang karton na may laman na usa at ilang mga prutas na nakuha ko rito sa gubat. Nanguha na rin ako ng kahoy pang gatong mamaya. Nakarating na ako sa aking safe haven, isang tagpi-tagping tent na nakita ko lang kung saan. Butas butas na ito noon, buti na lang at nagawan pa ng paraan. May kalapit na ilog dito sa aking haven, doon ako kumukuha ng maiinom at pampaligo na rin. Halos ilang buwan na rin ako sa gubat na ito, hindi ko na mabilang dahil maski cellphone o anong gadget ay wala ako. Sino ba naman ang gagamit ng telepono kung walang signal diba? Noong nagsimula ang WWIII, ang daddy ko ay ang isa sa mga namuno sa kanyang hukbo. Siya si General Abeita, ang kataas-taasang hukbong heneral ng Pilipinas. Mayaman kami, halos lahat ay nasa amin, protektado rin kami ng gobyerno dahil doon nagtatrabaho ang daddy ko. Kaso iba ako. Ayaw ko ng laging bantay sarado, ayaw ko ng laging dinidiktahan ng gagawin. Ayaw kong maging robot na sunud sunuran at higit sa lahat, ayoko ng pamamalakad nila. Hindi ako mabait, ako ang black sheep sa pamilya. Ako ang nagbibigay ng kahihiyan sa kanila, kaya bago pa man magsimula ang digmaan, ay pinalayas na ako. Hindi ko alam kung nasaan na sila o kung okay sila, pero alam kong hindi sila papabayaan ni daddy. Ano bang silbi ng pagiging heneral nya kung di nya mapo protektahan ang pamilya nya hindi ba? Kinuha ko na ang itak at sinimulan kuhain ang balat at laman ng deer na ito. Hindi ko akalain na mamumuhay ako sa gubat, pero nangyari na. Sinanay ko ang sarili kong matuto kumain ng kung ano man ang maibibigay ng gubat na ito. Mga hayop, halaman, puno at kung ano pa. According sa mga linya na naguhit ko sa puno, nakaabot na ako ng higit kumulang limang buwan dito sa gubat. Sa limang buwan na ito, inaral kong gumawa ng mga DIY weapon o ano mang gamit pang protekta sa sarili ko. Hindi lingid sa kaalaman ko, na hindi lang kaming mga tao ang nandito sa Earth. Alam nyo yun? Ilang buwan na ang nakakalipas ng maka encounter ako ng kagaya nila. Mga tao, akala ko tulong na kaya lumapit ako. Pero mali, hindi sila tao. Mukha silang mga wala sa sarili, at nagkakaroon ng mga red blotches sa iba't ibang parte ng katawan. Mayroon na malalaki at nabubulok na sugat pero nakakalakad pa rin sila na tila buhay na buhay, pero in reality sila ay patay. Paano ko nasabi? Paano ka ba naman makakasurvive kung yung ulo mo ay butas, tapos yung utak ay nilalangaw na? Walang sinuman ang makaka survive noon, tanging zombies lang. Oo, zombie. Kagaya ng mga napapanood ko sa sine or sa netflix. Yung isang kasama ko dito noon na hunter, nakagat sya ng zombie, kinain nito ang mga lamang loob nya at ibang parte ng laman. Habang inaalala ko ay nandidiri talaga ako. Kinuha ko yung itak na gamit nya at ito ang tumapos sa buhay nilang dalawa. Dahil ilang minuto lang ay tumayo ito habang ang bituka ay lumalaylay sa kanyang butas na tiyan. Wala akong choice kung hindi ang patayin din siya. Mula noon ay wala na kong nakitang buhay na tao dito. Hindi ako makalabas dahil sa takot na marami sila, at hindi ko kayang lumaban mag isa. May pa ilan-ilan na nagagawi dito sa gubat, pero kaunti lang sapagka't nasa gitnang bahagi ako nito. Alam ko sa sarili ko na hindi ako mabubuhay ng matagal kung ganito lang. Kailangan ko ng tulong, kahit pa pinalayas ako sa amin, alam ko naman na tatanggapin pa rin ako. Kailangan ko ng proteksyon, kailangan kong alamin ano man ang nangyayari dito. Pagkalipas ng ilan pang araw, nagpasya na akong lisanin ang lugar at harapin ang tunay na buhay. Isang malaking military bagpack lang ang dala ko, nakuha ko pa ito sa bahay noong umalis ako. Tanging tubig, pagkain at ilang weapon ang dala ko na tatagal ng ilang araw pa ang bitbit ko. Naglakad na ako palayo sa aking safe haven, at nagsimulang lumakad patungo sa direksyon ng labasan. Paglabas ko sa bungad, hindi ko inaasahan ang makikita ko. Chaos Yung mga bahay at buildings ay gumuho samantala ang iba ay nasunog. Ang mga kotse ay nakakalat sa daanan, may iba pang umaapoy ang makina. Halos wala akong makitang sign ng buhay na tao, at hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko. Napakaraming nagkalat na zombie ang ngayon ay nakatingin sa akin at handang tapusin ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD