01

1051 Words
Benjo's POV "Kuya natatakot ako, wag mo akong iwan," sabi ng kinse anyos na si Benj sa akin na kanyang kapatid. Nandito kami ngayon sa aming tagpi tagping kubo kung saan kami nanunuluyan sa squatter's area na to. "Babalikan kita Benj, maghahanap lang ako ng pagkain natin," pangako ko dito. "Mang Ben, babalik po ako, pakibantayan po si Benj," pakiusap ko sa kanya dahil sya lang ang mapagkakatiwalaan ko sa pagbabantay kay Benj. Tumango naman ang matanda na si Mang Ben at inakay si Benj patungo sa aming magulong lugar, ang slums area. "Hayaan mo na muna ang kapatid mong si Benjo, alam nya ang ginagawa nya. Tara na, magpahinga ka na muna." Yun lang ang huling narinig nya bago umalis ang kanyang kapatid palayo sa kanya, at palapit sa mabaho, maliit at siksikan na lugar na aming tinitirhan. Napailing na lang ako bago maglakad patungo sa lugar na pinagta trabahuhan ko ngayon. Dadaan pa ako sa isang gubat bago marating iyon. Mabuti na lamang at kahit papaano ay may nakuha kaming sasakyan sa daan upang mas mabilis na makatawid sa kabila. Agad kong inistart ang makina ng motor na gamit ko bago ito pinaharurot ng takbo. Nang magsimula ang WWIII at Pilipinas ang naging sentro nito, silang dalawa ay nakasama sa maswerteng nailigtas at nailayo ng pamahalaan sa lugar ng digmaan. Ang kanilang mga magulang ay matagal ng namayapa, dahil sa sakit at kahirapan kaya hindi na sila naipagamot pa. Bago sila nawala ay naipangako nyang bibigyan nya ng maayos na buhay ang kanyang kapatid na si Benjamin Jacox, at ipaparanas dito ang buhay na dapat sa kanila, bago na bankrupt ang kanilang kompanya na nagdulot ng kahirapan sa buhay nila. "Pangako Benj, ilalayo kita sa mahirap na lugar na ito, at bibigyan ka ng maayos na buhay na nararapat para sa iyo." — "Sir Beauford, nakikiusap po ako. Ginawa ko na po ang pinag uutos nyo, pinatay ko ang mga hadlang sa plano nyo. Ngayon ay ibigay nyo sa akin yung pangako nyong pera para magbagong buhay kami ng kapatid ko," buong babang loob na pakiusap ko sa aking amo na Don. Ngunit hindi ko inaasahan ang isinagot nito na nagpainit ng aking ulo. "Ang tapang mo Benjo Jacox, manang mana ka sa mga magulang mo. Pero paano kung hindi ko ibigay ang nais mo ha? Hindi mo naman nasunod lahat ng inutos ko sa'yo," patuyang sagot ng kanyang kaharap. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa na tila sinusuri at nilalait ang aking kabuuan. Nagngalit ang kanyang mga ngipin, pinipilit wag sumagot ng pabalang sa kanyang tinuturing na boss. "Paano kung yung kapatid mo na lang ang gamitin ko? Mukhang mas matalino s'ya at magaling sya sa'yo." Doon na naubos ang kanyang pasensya, gaguhin na s'ya wag lang ang kapatid nya. Si Benj na lang ang natira sa kanya kung kaya't hindi nya hahayaan ang mga ito sa binabalak nila. "Gago! Ang sama ng ugali mo! Sinunod ko ang mga utos mo kahit labag ito sa loob ko! Wag na wag mong idadamay ang kapatid ko dito dahil sinisiguro kong maghahalo ang balat sa tinalupan!" gigil na saad ko. Naikuyom ko ang kamao dahil sa galit na nararamdaman. "Ha! E paano kung ikaw ang patayin ko? Ha! Hawakan nyo tong estupidong ito!" utos nito sa mga tauhan nya. Agad akong pinagtulungan ng mga ito. Sinuntok ko ang isa kung kaya't napatumba ito sa lapag. Sisipain ko na sana ang sumunod sa kanya nang biglang may humataw na matigas na bagay sa aking likod. Bigla akong napaubo at napaupo sa nangyari. Agad nila akong hinawakan sa likuran upang hindi makapalag. "Hindi! Wala kang isang salita! Isusumbong ko sa pulis lahat ng kagaguhan mo! Ginamit mo lang ako!" balik sigaw ko dito. Hindi ito pwede! Kailangan ko silang isuplong upang maligtas rin kami ng kapatid ko! "Kung makakapagsumbong ka pa ba e," binigyan lamang ako nito ng nakakalokong ngiti bago lumingon sa may pintuan ng mansion. "Zeke! Pumunta ka dito! Dalian mo!" utos nito sa bagong dating. Dali daling pumunta ang isang binata sa kanyang harapan. Kilala nya ito, kilalang kilala. "Wag! Maawa ka sa akin! Alam mong may kapatid akong nag aantay pag uwi! Wag mong hayaan na sirain ng mga ito ang buhay mo!" sigaw ko dito. Agad lamang akong binatukan ng isang lalaki upang patahimikin akl. "Patunayan mo ang sarili mo sa akin anak, patayin mo sya sa harap ko," saka ay inabot ni Don Beauford ang kanyang baril. Nanginginig na tumingin ito sa akin. Kitang kita ko ang takot sa mata nito habang nakatutok sa ulo ko ang dulo ng baril ng hawak nito. — Sa kabilang banda, hindi alam ng lahat na sumunod ang batang si Benj sa kanyang kuya, at hindi nya inaasahan ang nakita nya. Isang lalaki ang nakaharap sa kanyang kapatid, nakatutok ang baril nito sa ulo ni Benjo. Hindi nya kita ang mukha nito sapagkat nakatalikod ito sa gawi nya. Bago pa man nito maiputok ang baril ay nakaapak sya ng maliit na sanga sa pinagtataguan nya. Nalipat ang tingin ng lahat sa kanya. Bago pa man lumingon ang Zeke na tinawag ng kanyang ama ay tumakbo na ito palayo. Hahanap sya ng tulong, tutulungan nya ang kuya Benjo nya. Hindi nya kakayanin kung sya lang mag - isa. Mas binilisan nya ang pagtakbo pero nahinto ito ng marinig nya ang alingawngaw ng putok ng baril. 'Hindi, kuya...' nanghihinang saad nito. Nanlalabo na ang mga mata dahil tuloy tuloy ang pag agos ng kanyang luha. "Hanapin nyo! Patayin nyo na rin at baka mabisto pa tayo!" rinig nya mula sa kalayuan. Kahit nanghihina ay pinilit nyang tumakas upang iligtas ang sarili nya. 'Wala na si kuya...' Yan lang ang tanging umiikot sa isip nya. Tumatak sa murang isipan nya ang pangalan ni Zeke, hinding hindi nya ito kakalimutan. Ito ang pumatay sa kanyang kuya Benjo. Ang mga ito ang dahilan kung bakit tuluyan ng nasira ang buhay nya. Wala na syang mga magulang, at mukhang wala na rin syang kapatid na makakasama sa pag laki. Nagpatuloy ang pagdaloy ng masagang luha sa kanyang mata habang tumatakbo patakas sa mga ito. Bago tuluyang makalayo ay ipinangako nya sa sarili nya ang mga salitang masko sya ay hindi nya akalaing lalabas sa kanya. 'Pinapangako ko, babalikan ko kayo at ako mismo ang papatay sa inyo!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD