26

1372 Words
Logan's POV We are currently here in the lower floor of the bunker. I am watching doc Martin and nurse Aaliyah formulate the cure for the virus. I had watched and assist in handling the different chemicals they used. I also jot down notes since this is a once in a lifetime opportunity to first handedly watch and create the antidote to save humanity. This will be a great kick start for me when everything comes back to normal and I'll go to med school again. I am so sure that I will top my class when I present to them how I am one of the first persons to create the cure. "This chemical you got from the laboratory, we will call it nzambi." "So, we will mix these nzambi and pseudohypericin since the combination of both will possibly reverse the effect of the virus. We need to heat them at 160 degree C in the apparatus to get better results. Just a few grams of this, and also a few grams of nzambi, then we will put it here in the mixing bowl," Doc Martin said while explaining the process He put the nzambi and pseudohypericin in different tubes and place them in the apparatus. The nzambi glows in light red, while the pseudohypericin glows in blue. This is due to their chemical composition. I watched carefully as a few drops of the liquids mixed in the container tube, thus creating a purple-ish color of substance. "Yes! Ito na nga!" Doc Martin exclaimed. Good thing that I had my translating device with me, I don't have problems in understanding what they are saying. "Congrats doc!" nurse Aaliyah joyfully said. I just smiled at them and focused on the purple liquid as it cools down in the cooling apparatus. "According to my research, it will take atleast 30 minutes for it to cool down. Let's just wait upstairs until it becomes ready," Doc Martin said and let nurse Aaliyah push his wheel chair to the elevator. "Susunod ka ba?" she asked. I just nod as an answer. The elevator is too narrow to fit the three of us, specially that doc Martin is using a wheelchair that takes up most of it's space. As soon as they go up and left me behind, I roam my eyes on the surroundings. There are different man sized tubes here wherein the normal zombie we encounter a lot of times reside. There is a light yellow liquid that bathes them, making them asleep and unable to move. There are also lots of medical apparatus here, some which were used for the experiments, the trial and errors they had tried in order to find the perfect formula. And now, right in front of my eyes is the purple liquid slowly cooling down, waiting to be used to the zombies and bring them back to their old selves. I snap back into my thoughts when the elevator produces a ' ting ' sound, indication that the lever is on my floor now. I took one last glance at the cure, before walking towards the elevator and get lifted up. Meaghan's POV Nakaupo ako ngayon sa sofa habang pinapanood si Kiel na pabalik balik ng lakad. "Nakakahilo ka Kiel, just what the hell is your problem?" angal ko dito. Tiningnan muna ako nito sa mata bago nagpatuloy sa pag iikot. "Nawawala yung kwintas ko, nakita nyo ba?" nag aalalang tanong nito. Napaisip naman ako sa sinabi nito. Ang kwintas na tinutukoy nya ay ang locket na suot suot nya palagi. Hindi lang masyadong halata dahil lagi itong nakatago sa damit nya. Napapansin ko ito noon ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang sapagka't hindi naman ako chismosa para usisain ang laman non. Napailing na lang ako bilang sagot. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng lumabas mula sa elevator si nurse Aaliyah habang tulak tulak si doc Martin. May malaking ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. "Malapit na," tipid na sabi ni doc Martin bago sila dumiretso sa isang kwarto na nag sisilbing opisina nila. Wala pang isang minuto at nakasunod na rin na lumabas si Logan. Hinubad nito ang suot na white coat at inilapag sa gilid ng upuan. "Ah yes finally, we're going home now," nakangiting sabi nito habang nag iinat inat ng mga buto. Napatigil si Kiel sa paglalakad at nagtatakang tiningnan si Logan. "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong nito. "Well, the cure for the virus is almost done! After that, we can now go to the safe zone and save everyone else!" tuwang sagot nito. Napatingin ako sa paligid ng mapansing may kulang sa amin. "Hey, nasaan si Benj? Nakita n'yo ba sya?" tanong ko sa mga ito na nagpatigil sa kanilang dalawa. Nagkatinginan ang mga ito. Napakamot ng ulo si Logan habang lumilingon lingon samantalang mas naging balisa ang itsura ni Kiel. Napatigil kami sa pag uusap ng muling lumabas sa nurse Aaliyah habang nakaalalay sa doktor. "Time's up! Let's all check the result of our hard work." Iginiya kami ni nurse Aaliyah papunta sa hagdan habang silang dalawa ni doc Martin ang gumamit ng elevator. "Let's check what will happen first before we find Benj, shall we?" sabi ni Logan sa amin habang nagpapatiuna pagbaba ng hagdan. "I can't wait to see how this ends," natutuwang dugtong pa nito. Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanya, samantalang si Kiel ay tila nag aalinlangan kung susunod o hahanapin si Benj kung kaya't hinapit ko ito palapit sa akin. Tila nabigla sya sa ginawa ko kung kaya napatigil kami paglalakad. "Keep calm okay? Nand'yan lang si Benj, at yung kwintas mo mahahanap din natin yun maya-maya," untag ko dito. Tiningnan ako nito sa mata kung kaya't napaiwas ako ng tingin dahil sa pagkailang. 'Bakit kaya nya hinahanap ang kwintas nya? Ano bang laman noon? Picture ng girlfriend nya? ha ha.' Napailing na lang ako sa aking naiisip, nagdulot ito ng munting kirot sa aking dibdib kung kaya't inasar ko na lang sya. "Bakit ba mukhang mahalaga yon? May tinatago ka ba? Ha ha," sambit ko kasabay ang pekeng tawa. Nanlaki ang mga mata ito at mas naging balisa ang ekspresyon. Nag iwas ito ng tingin sa akin at nagpatiuna na pasunod kay Logan. Naiwan akong nakatulala sa nangyari. 'Get a grip Meaghan! What the hell is happening with you?' pagkastigo ko sa sarili. Huminga muna ako ng malalim bago ipilig ang ulo at sumunod sa kanila. 'This is not good Meag, not good at all.' Kiel's POV Napaiwas ako ng tingin sa tinanong nya. Ang daming scenario ang lumalabas sa isip ko. Mga scenario na hinihiling kong huwag mangyari, dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang mga ito. Dahil sa tagal namin sa pagbaba, naabutan namin si Doc Martin na nag hulog ng ilang droplet sa bibig ng zombie sa harap nila. Nakahiga ito at nakatali ang kamay at paa. Dilat ang mata nito at umuungol na tila nagagalit. Pagkalipas ng ilang segundo ay nangisay ito at naipikit ang mga mata. "What the hell is happening?!" nag-aalalang tanong ni nurse Aaliyah ngunit nginisian lamang sya ng doktor. Ilang minuto ang lumipas at tumigil ang pag seizure nito kung kaya't natahimik ang paligid. "I-Is this another failed att—" hindi na natuloy ni Logan ang sasabihin nya ng dahan dahan nagmulat ang zombie. Pagkalipas lamang ng ilang sandali ay kumurap kurap na ito at nagtatakang lumingon sa amin. "N-Nasaan a-ako? Anong n-nangyayari?" utal na tanong nito. Nabigla ang lahat, maging ako kung kaya't pansamantala kong nakalimutan ang problema. Napuno ng maiingay na halakhak at papuri ang silid. "Sa wakas!" tuwang sambit ni nurse Aaliyah kasabay ang pagtulo ng munting luha sa kanyang mga mata. "Yes! We're going home now!" masayang sigaw ni Logan. Si Meag naman ay nangingiti lang na pinapanood ang nangyayari. 'May pag-asa pa,' bulong ko sa sarili. "Everyone listen," pagtawag ni doc Martin ng atensyon namin lahat. "I, Doctor Martin Fuego, together with Nurse Aaliyah, with the help of all of you," sambit nito habang nakatingin sa amin. "I declare on this 17th day of June 2030," itinaas nito ang hawak na tube sa ere. "The cure for this virus has now been created."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD