20

1674 Words
Kiel's POV Madilim ang langit ng magising ako. Ramdam ko ang pag galaw ng sasakyan kaya nagmulat na ako ng mata. "N-Nasaan tayo?" tanong ko ng hindi ko makita ang dinaraanan. Makapal ang bintana ng sasakyan kung kaya't hindi ko mawari kung anong meron sa labas. "Oh gising ka na pala Kiel, mabuti naman or else puputulan ko ng kinabukasan si Nathan kung hindi pa kayo gumigising," sagot ni Meag habang nagda drive. "Nathan? Sino yon? May nakita akong sillhouette before I pass out, anong ginawa nya?" takang tanong ko. Tandang tanda ko talaga na may nakita ako bago ako mawalan ng malay non. Kasama ko nga si Logan bago — Sht si Logan! Nilibot ko ang paningin ngunit hindi ko sya makita. "Nasaan si Logan? Magkasama kami kanina diba?!" Tiningnan lang ako ni Meag mula sa front mirror at tinaasan ng kilay. "Nanjan lang sa likod mo, and till now wala pa ring malay. And wait, anong kanina ang sinasabi mo jan? FYI lang Kiel ha, KAHAPON okay? Kahapon pa! Ang tagal nyong tulog! At kung hindi ka pa gumising kanina baka nailiko ko na itong sasakyan pabalik doon para saktan sya," anito at inirapan ako. Kahapon?! Tanghali na nung mangyari yun ah! Ibinaba ko ang bintana at tumambad sa akin ang napaka init na sikat ng araw. "Sht isarado mo yan Kiel!" dali dali ko namang sinunod ang utos ni nurse Aaliyah. "Nandito tayo sa Bataan, ilang kilometro ang layo mula sumabog na nuclear power plant. I know months had passed nung nangyari yon, but we don't want another mutation ano? For sure mataas pa rin ang radiation around this area, paano pa kaya kung mas malapit tayo sa planta diba?" tuloy tuloy na sabi nito. Napatango na lang ako at pilit inaninag mula sa makapal na salamin ang nasa labas. Halatang halata ang pagkasira nito. Mula sa mga sirang building na nagkalat ng debris at sasakyan, hanggang sa mga zombies na pagala gala dito na pilit sumusunod sa amin ngunit naiiwanan din. Chaos. Kung hindi siguro sumiklab ang digmaan at naging battle field ang Pilipinas, hindi magiging ganito kalala ang lahat. It's like military and medical workers are not enough para matulungan ang lahat. Ipinikit ko muli ang aking mata ngunit agad rin napamulat ng maramdaman ang pag alog. Naipiling ko na lang ang ulo ko. Nag iimagine lang yata ako. Pasandal pa lang ako ng maramdaman ko na naman ito, ngunit ngayon ay mas malakas na. Parang may earthquake dahil sa pag uga ng lupa. "Nararamdaman n'yo 'yon?" tanong ko sa kanila. Nanahimik ang lahat at tila nakikiramdam. Kitang kita ko ang pag tuwid ng upo ni Benj at nurse Aaliyah, pati na rin ang paghigpit ng hawak ni Meag sa manibela. Ramdam na ng lahat ang lalong pag alog ng sasakyan dahil sa pag galaw ng lupa, at rinig ang parang ungol na hindi ko alam kung saan nagmumula. "Sht! Don't look back!" sigaw ni nurse Aaliyah sa amin. Ngunit hindi kami sumunod at ipinilig ang ulo sa likod, na sana ay hindi na namin ginawa. Nanlaki ang aking mata sa nakita. "D'yosmiyo mahabagin!" "What the hell!" Sabay naming sambit ni Benj. Dahil ilang metro mula sa amin ay ang paghabol ng isang napakalaking halimaw. "Hold on tight!" sigaw ni Meag sa amin at pinaharurot ang sasakyan. Muntik na kaming masubsub, mabuti na lang at nakahawak kami kahit papaano. "Ano yang halimaw na yan?" nahintatakutang tanong ng katabi ko. "Hindi ko alam Benj, pero sa tingin ko dahil yan sa mutation na binanggit ko kanina. Masyadong mataas ang radiation level sa lugar na ito since ilang km lang ito mula sa sumabog na planta." Napatango na lang kami at pilit sinisilip sa likod ang ginagawa ng halimaw. Isa itong napaka laking zombie, literal. Tipong mga zumo wrestlers ang laki, ngunit maka body builder ang katawan. Malalaki ang biyas at kamay nito na kayang kaya kaming pisain kung maaabutan kami. Mukha ring matigas ang maputlang balat nito, dahil na rin sa mga nakatusok na maliliit na metal dito ngunit walang epekto dito. Ramdam na ramdam ang pag-uga ng lupa habang humahabol ito. Dahil sa ekstra ordinaryong laki at bigat nito ay nagkakaroon ng maliliit na bitak sa lupa, at malakas na earthquake kung kaya't mas binilisan pa ni Meag ang pagda drive. "Sht aabutin tayo!" sigaw ko ng makitang nakalapit na ito sa amin at handang dambain ang sasakyan. Bago pa man nito maibaba ang kamay ay naidrift agad ni Meag ang kotse kung kaya't nakaligtas kami. Kitang kita ang pagkasira ng kalsada kung saan tumama ang mga kamay nito. "Kung hindi pa tayo nakaiwas, tiyak na yupi ang sasakyan na to," iiling-iling na sambit ni Meag at pinaharurot muli ang van. "Ate Meaghan iligaw mo sya, madali tayong matatamaan kung nasa open road tayo," suhestyon ni Benj na agad namin sinang ayunan. Tumingin tingin kami sa paligid kung saan pwedeng iligaw ito at saktong nakakita kami ng estero ilang metro ang layo dito. "Mag seat belt kayo," utos nito at mas pinabilis pa ang takbo ng sasakyan. Nakasunod na uli sa amin ang halimaw at halata ang galit sa mukha nito. Bahagyang namula ang palad nito, dahil siguro sa impact ng nagawa nya kanina. Kumpara kanina ay mas bumilis ang takbo nito at ilang segundo lang ay aabutan na naman kami. "Faster Meag!" sigaw ko dito. Napuno ng tensyon ang sasakyan. Lahat ay kinakabahan sa kung anong pwedeng mangyari. Lumiko na kami sa masikip na estero ngunit nakasunod pa rin ito. Natatamaan na rin namin ang ilang harang ngunit patuloy pa rin kami sa pagharurot. Habang tumatagal ay pasikip na ng pasikip ang dinadaanan kung kaya't nahihirapan na rin si Meag imaniobra ang sasakyan. "Diyos ko tulungan n'yo po kami," mahinang usal ko. Saktong pagkaliko ni Meag ay dead end na sa dulo. Wala na kaming lusutan at lumalakas na rin ang pag uga ng lupa, indikasyon na malapit na ang halimaw. Lahat ay nakapikit at inaantay ang kahihinatnan ng pangyayari. Walang ano ano ay nakarinig kami ng isang malakas na pagsabog at pagtigil ng pag uga ng lupa. Napababa kami upang tingnan ang nangyayari. Dinig na rin namin ang ingay mula sa taas, na dulot pala ng helicopter. "Okay lang ba kayo?!" sigaw ng kung sino mula sa taas gamit ang speaker. Unti-unting bumagal ang lipad nito at bumaba malapit sa aming pwesto. Nag cause ito ng paglipad ng mga buhangin kung kaya't hindi ko kaagad nakita kung sino man ito. Nakalapit na ito kung kaya bahagya ko ng nakikita kung sino ito. "Kuya Nathan?!" gulat na tanong ni Benj ngunit napalitan rin ng tuwa kung kaya dali dali itong lumapit sa taong tinawag nya. "Tch," parehong angil ng dalawang babae sa tabi ko. "Sino sya?" takang tanong ko. "Oh? Siya? Siya lang naman —" naputol ang balak pagsagot ni nurse Aaliyah ng lumapit ang lalaki at tinapik ako ng malakas sa balikat. "Hey hey hey! Gising ka na pala? Oh nasaan yung isang kasama mo? Okay na ba? Nako sorry don sa store ha, di ko naman intensyon saktan kayo though." dire diretsong sabi nito. Hindi ko man maintindihan ngunit malinaw ang pinupunto nito. Kaparehas na kaparehas ang taas at tindig nito doon sa lumapit sa amin. Siya yung huli kong nakita bago ako mawalan ng malay. Bago pa man ito makasalita ay nasuntok ko na ang panga nito. Napaatras naman sya at napahawak sa parteng tinamaan ko. Sinamaan nya ako ng tingin at akmang susugod ng pumagitna si Meag sa usapan. "Oh awat na! Tigilan nyo na yang kalokohan nyo!" pag awat nito. "Kiel, he is Nathan, my cousin. The one you encountered last time. And you Nathan, anong ginagawa mo dito? Paano mo kami nahanap?" taas kilay na tanong nito sa kaharap. "Hey chill okay!" sagot nito habang nakataas ang kamay tanda ng pagsuko. "My van has a special microchip wherein I can detect wherever it is. Papunta na sana kami sa isang base sa may Bulacan para icheck kung okay lang ang mga survivors doon," sambit nito sabay hinga ng malalim. "But then, I noticed an irregular pattern of movement kung kaya't ipinaliko ko dito ang helicopter just to check on you," dugtong pa nito. Napatango tango naman ako at bahagyang sinilip ang helicopter kung saan nandoon ang kasamahan nito. "Then guess what! Tama ako! What if hindi ko kayo na track? Only God knows what will happen to you if naabutan kayo ng Tank na yon," pagpapatuloy pa nito. "Tank?" takang tanong ko. Napatingin naman ito sa akin at tinaasan ak ng kilay. "Yes, Tank ang tawag sa ganyang uri ng zombie, as per the latest data, isa sila sa mga zombie bosses na nag mutate ng sobra dahil na rin sa radiation and other external factors. And syempre, malalaman nyo rin ang tungkol doon once napunta na kayo sa main base which is sa crater." Natigil ang pag uusapan namin ng bumukas ang pinto ng van at iniluwa si Logan na tila wala pa sa sarili. "Hey, what did I miss? What happened and where —" nagpalinga-linga pa ito sa paligid. "Where the hell are we?! and, and what the hell is that thing!" sigaw nito habang nakaturo sa sunog na katawan ng tank. "Oh you're awake now finally! Atleast Meaghan won't break my bones anymore ano?" tanong nito sa dalaga, na inirapan lang ng huli. "Sir pinagrereport na tayo ni General Abeita, we should start moving now," aniya ng kasama nito. Tila nagulat si Meag at nanlaki ang mata. "Nandito si dad?!" "Well, yes. Nandoon sya currently sa base sa Pampanga. If you want, pwede ka na naman sumama sa amin, ngunit ikaw lang since hindi kaya ng copter magsakay ng madami," ani Nathan. Napailing na lang si Meag at tiningnan ng diretso sa mata ang binata. "Tell Dad I'm sorry for everything. I'll see him on the crater, I promise." Tumango lamang si Nathan at sumaludo sa amin bago naglakad palayo. "Let's go?" tanong ni Meag sa amin. Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na tumango. "Let's go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD