19

1535 Words
Kiel's POV Pareho kaming tahimik ni Benj ng pag usapan ang tungkol sa pamilya. Nakita ko pa itong tumitig sa akin kaya't nginitian ko na lamang ito. Ano kayang iniisip mo? Magiging ganito ba tayo kadikit kapag nalaman mo ang totoo? Napailing na lang ako at nakinig sa mga sinasabi nila. — Bumaba na kami ng sasakyan at sinimulan pasukin ang convenience store na ito. Bumungad sa amin ang lamig ng paligid, na nagdulot ng pagtaas ng balahibo ko. "It's cold here, as if the airconditioner is still well taken cared of." I just shrugged my shoulders since hindi ko rin naman alam ang isasagot. Sinimulan na naming kuhain ang mga pagkain at tubig na nakikita namin. "Should I get Meaghan these sanitary pads? It looks like she always have period because of her attitude you know? Ha ha," tawa nito habang kumuha ng ilang balot ng napkin. Tss, good luck na lang kung anong mangyayari sayo pag binigay mo yan. "Psssssssh..." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko iyon. "Logan, did you hear that?" tanong ko dito. Tumigil rin ito at nakinig. "Pssssssssssssssh..." mas mahabang tunog pa nito. "What was that?" tanong nito at naglinga linga sa paligid habang binubunot ang kanyang pocket knife. Hinugot ko rin ang armas na dala ko at dahan dahan lumingon sa paligid. "Psssssssh..." Tunog muli nito. "Psssssssh..." Isa pa. "Psssssssh..." At isa pa ulit. Nanlaki ang mata ko ng marealize kung ano iyon. "Logan! Cover your nose!" Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko at sabay naming tinungo ang pintuan. Patuloy lamang sa pagbuga ng kulay abong usok ang aircon. Alam kong chemical ang nakalagay dito base na rin sa kulay nito. Siguradong mawawalan kami ng malay due to suffocation or who knows what worse thing may happen. "Sht it's locked!" pigil sigaw nito. "Go find some mask or something! We need to get out of here fast!" Hindi gaanong rinig sa labas ang pagkalampag namin kung kaya't itinumba ko ang stall ng mga chichirya. Lumika ito ng malakas na kalabog na sinisiguro kong narinig na sa labas. Mula dito ay nakikita kong pinipilit rin buksan ni Meaghan ang pinto ngunit hindi nya magawa. Unti-unting kumakapal ang usok ng lumapit si Logan at iniabot ang N-93 mask na hawak nya. Dali dali rin namin itong isinuot ngunit may kaunti pa rin kaming nalalanghap. "We need to get out now," napapaos na sabi ni Logan. Pareho na rin kaming medyo nanghihina dahil sa kakulangan sa oxygen. Makapal na ang usok at hindi na rin tumatalab ang suot naming mask. Nauna ng mawalan ng malay si Logan samantalang ako ay patumba na rin ngunit nilalabanan ko lang. Nakita ko na lamang ang isang pigura na papalapit sa amin bago ako tuluyang mawalan ng malay. Meaghan's POV Holy sht! Pilit kong kinakalampag ang glass na pinto ngunit ayaw nitong bumukas! Unti unti ng napapalibutan ng gray na usok ang buong lugar. Kung hindi pa ito mabubuksan ay ikakamatay nila ang suffocation or whatever kung sakaling chemical man ang binubuga ng usok nito. Nagsilapit na rin sa akin sila nurse Aaliyah at Benj upang tumulong ngunit wala pa rin. "Kuya Kiel! Kuya Logan!" sigaw ni Benj. Walang nagre-response at hindi na rin namin sila nakita. "Antayin nyo ko!" sigaw ko sa kanila. Dali-dali akong naghanap sa paligid ng pwedeng pang sira ng pinto. Kalaunan ay may nakita akong isang katam tamang laki na troso sa gilid. "Benj! Nurse aaliyah! Tulungan nyo ako dali!" utos ko sa mga ito. Agad naman silang tumalima at tinulungan akong bitbitin ito. "Ilagay nyo sa unahan, tapos pakiabot nung lubid na nando'n, dali!" Tulong-tulong kami pag lagay nito sa hood at tinali ito. Sumakay na ako ng sasakyan at nagpa andar ng makina. "Tabi!" sigaw ko sa mga ito sabay apak ng mahigpit sa pedal. Dire diretso ang andar nito hanggang sa tuluyang bumangga sa glass wall ng convenience store. Lumikha ito ng malakas na pagsabog at pagkalat ng mga bubog kung kaya't iniharang ko ang mga kamay upang hindi gaanong matamaan ng mga ito. "Meaghan are you okay?!" nag-aalalang tanong ni nurse Aaliyah. Magkatulong sila ni Benj upang tanggalin ako sa sasakyan. "Oh gosh you're bleeding! Let me fix you up!" sambit pa nito. "No! Okay lang ako, si Logan at Kiel! Hanapin natin sila!" tila natauhan naman sila at agad hinanap ang dalawa sa loob. Nawawala na rin ang usok dahil malaya na silang nakakalabas dulot ng butas na nagawa ko. "Sino ka?! Anong ginagawa mo sa kanila?!" sigaw ni Benj. Dali-dali akong lumapit at nakita ko ang isang tao na nakasuot ng PPE at gas mask. May binunot ito sa bulsa na remote at pinindot ang button nito. Tumigil ang pagbuga ng usok hanggang sa wala ng matira. "What did you do to them ha?!" pagalit kong tanong sa kanya habang nakaturo sa walang malay na Logan at Kiel. Hinugot ko ang katana sa aking gilid at iniharap sa kanya. "Sinisigurado kong hindi ka makakalabas ng buhay kapag may nangyaring masama sa kanila!" bulyaw ko dito. Itinaas nito ang kamay bilang tanda ng pagsuko kung kaya't ibinaba ko ang talim ng katana palayo sa kanya. Dahan-dahan nyang hinubad ang maskara nya at tumambad sa akin ang isang pamilyar ng mukha. "Ikaw?!" Dali-dali akong lumapit sa kanya at sinuntok sya sa mukha. Hindi pa ako nakuntento kaya tinuhod ko ang pinaka iingat ingatan nya. "Putang ina Meaghan ano? Ang sakit sht!" sigaw nito habang nag iinikit sa sakit. "Dapat lang yan sayo! Anong kagaguhan ba tong pakulo mo ha?! E kung may mangyaring masama sa mga kasama ko?!" sigaw ko pa rin rito. "Chill! Hindi ko alam na magkasama kayo okay? Protective measure ko lang yon incase na may mga raider or zombie na pumasok dito!" sagot naman nito. "Ate Meaghan magkakilala kayo?" takang pagsingit ni Benj sa usapan. "Tch, unfortunately yes," I answered while rolling my eyes in annoyance. "Anong unfortunately ka jan? Hoy sino ba naman ang hindi makakakilala sa anak ng heneral ng Pilipinas ha?" balik sagot nito. "E bakit? Sino rin ba ang hindi makakakilala sa anak ng kapatid ng heneral ng Pilipinas ha?" pabalang kong sagot sa kanya. "Wait, you mean you're cousins or something related?" naguguluhang tanong ni nurse Aaliyah. Napalingon naman sa kanya ang pinsan ko at natulala sa kagandahan nito. Tch, as always. "Oh hi! I'm Nathan Abeita Suarez, Meaghan's cousin," sabi nito at naglahad ng kamay. Nagtataka man ay tinanggap ito ng huli. "Magpinsan kayo? What a coincidence naman!" Napalingon ako kay Benj na nagsabi noon at binigyan sya ng isang matamang ngiti, ngunit nawala rin ng makita ko ang katabi nya. "Anong mangyayari sa kanila? Ano ba yung content ng usok na nilabas mo ha?" tanong ko kay Nathan. "It's just a mixture of benzodiazepines and temazepam, not too harmful tho. It will just make you lost consciousness for a while." Tumango na lamang ako at magkatulong sila ni Benj na buhatin at ilipat sa mas maayos na pwesto sila Kiel at Logan. "So what brings you here? Hindi ka ba kasama nila dad?" tanong ko dito. "Ah si Tito Vlad, yes magkakasama kami. They were looking for you but kailangan din sila ng Pilipinas. Nililikas nila ang lahat since bobombahin na nila ang buong bansa exactly a week from now," tuloy tuloy na sagot nito. Nabitawan ko ang Katana sa gulat. "What?! What do you mean bobombahin?! There are other survivors like us! Ano bang iniisip nila?!" galit kong tanong dito. "Ilang buwan na ang lumipas yet hindi pa rin ma solve ang pandemic na ito. Imbes na kumaunti ay dumadami lang lalo ang infected, and we don't want that to happen. Nagsisimula na din sila sa ibang bansa. It's better this way. And since nandito ka na, sumama ka na sa akin, maybe a day or two ay susunduin na nila ako pabalik ng crater, they would be glad to see you." Nablangko ang isip ko. Dahan dahan kong tiningnan ang mga tao sa paligid ko, at napako ang tingin ko kay nurse Aaliyah na ngayon ay nakayuko. "Hindi ako sasama, babalikan ko si Doc Martin at sabay naming gagawin ang antidote para ma cure ang mga zombie dito." Napatigil saglit si Nathan bago nagsalita. "Doc Martin? Yung sikat na scientist na doctor doon sa Fuego Mental Lab? Kung saan nagsimula ang lahat? Ha! Buhay pa pala sila?" nanunuyang sagot nito. Bakas ang disgusto sa tono. Dali-daling lumapit si nurse Aaliyah dito at sinampal ng ubod ng lakas. "Don't you dare say that in front of my face as if it's our entire fault! Oo pasyente namin ang unang infected! Pero kami ba ang nagpasabog ng planta ha?! Kung napigilan nyo sana ang gyera edi sana wala tayong problemang ganito!" Natahimik ang lahat sa nangyari. Hindi alam kung kanino kakampi. Pumagitna na ako sa dalawa at nagsalita. "Tigilan nyo na yan. Nathan, tell dad na I'm sorry, but we still need to finish our journey. Sama-sama naming sinimulan ito, at magkakasama din kaming tatapos dito. We will find the cure, and end this bullshit first once and for all before you end the entire country." Sana tama ang desisyon ko. Sana nga. Sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD