18

1519 Words
Kiel's POV Halos isang araw din ang inabot namin sa hospital. Gabi na nang magising si Benj kaya minabuti namin umalis na rin agad bago pa may mangyaring hindi maganda. Ako ang nagdadrive ngayon, habang nasa backseat naman si Logan at Benj. Nasa tabi ko si nurse Aaliyah na nakatulog na rin. Samantala, si Meag ay piniling mag-motor at sundan kami. Lumalalim na ang gabi ng makita kong sumenyas si Meag sa likuran. Itinigil ko ang kotse sa gilid at binuksan ang bintana upang makausap sya. "Hanap na muna tayo ng matutuluyan, delikado na ngayon," tumango naman ako at itinuro ang bahay sa may hindi kalayuan. "Doon na lang tayo, alam ko may malapit na convenience store dito, para hindi na rin hassle," hindi na lamang ito sumagot at pinasibad ang motor sa bahay na itinuro ko. Isa itong 2-storey house na may bakal na gate. Mas mabuti ito para dagdag proteksyon na rin kung sakali man. Nagkanya kanya na kaming akyat ng gamit namin sa taas. Tanging flashlight lang na malapit ng mapundi ang ilaw namin ngayon. "Okay, we'll take this master's bedroom since there's three of us, then you'll share rooms with nurse aaliyah on the other side. Is that good Meaghan?" tanong ni Logan sa dalaga. Tumango lamang ito at pumunta na sa kwartong assign sa kanila. Pumasok na rin kami sa pinto at bumungad ang isang malaking higaan na kasya ang dalawang tao,at isang maliit na sofa na gawa sa kahoy. "Benj, since you're still not good, you'll sleep in the bed. So Kiel," tumigil ito at tumingin sa akin."Who will sleep in the sofa? I'm an inch taller than you and I'm still injured so —" natigil ito sa pagsasalita ng ibinagsak ko sa tabi ng sofa ang gamit ko. "Yeah, whatever. I'm good with that," tanging sabi ko na lang at inilapat ang likod ko sa matigas na sofa. "Kuya Logan, english speaker na naman ba kami?" nanghihinang tanong ni Benj. "What do you mean Benj? I'm sorry I lost my dev—" naputol ang sasabihin nito at nanlaki ang mata sa bagay na inilabas ni Benj sa kanyang bag. "Holy mother of God! That's my translating device right? How did you manage to get it? Oh gosh thank you so much Benj! You're the best!" tuwang sabi nito at niyakap ang huli. Napangiti na lang ito at tumingin sa direksyon ko. "Come here Kuya Kiel," tawag nito sa akin. Napangiti naman ako at nakiyakap na rin. "Yay bro hug! — Ha! Hey! What the hell?" reklamo ni Logan dahil dinaganan sya ni Meag. "Hindi nyo ko sinasama ha tss," at nakiyakap na rin ito. Nangingiti lang si nurse Aaliyah habang nakatitig sa amin. "Sana magtagal yang samahan nyo. Basta always remember, no matter what happens, promise that you will never leave each other's back whatever you may face in the future," ani nito. "Promise!" sabay-sabay na bigkas naming apat. Sana nga Sana... Benj's POV Naalimpungatan ako nang may marinig na pagsabog sa labas. Hinayaan ko lamang ito at babalik na sana sa pagtulog ng mas lumakas ito na dahilan para umuga ang paligid. "Sht may gyera na naman ba?!" tanong ko sa sarili. "Wake up hey! Magsibangon kayo!" sigaw ko kila kuya Logan at kuya Kiel. Agad naman bumangon si kuya Kiel at hinampas ng unan ang ayaw bumangon na si kuya Logan. "What the hell?! It's still so early! What is your problem huh?" iritang tanong nito at bumalikwas na rin ng bangon. Napatingin kaming tatlo sa malakas na pagbukas ng pinto. Bumungad sa amin ang nakataas ang kilay na si ate Meaghan habang tumutulo ang tubig mula sa basang buhok nya. Halatang kakaligo lamang nito. "Wake up dorks, I don't know what's happening but it looks like someone is bombing the entire place," tumingin ito sa amin. "So better get your ass's ready bago pa tayo matamaan dito," dugtong nya sabay alis. Napaupo kaming muli ng may sumabog na naman, at this time ay mas malakas dahil ramdam na ramdam ang pag galaw ng lupa. May mga alikabok na rin ang unti unting nagsisilabas sa kisame. "Let's go," ani kuya Kiel Wala na kaming inaksayang oras at lumabas na rin ng kwarto bitbit ang aming gamit. Palabas pa lang ako ay bumigay na ang kisame. Dali dali akong hinatak ni kuya Kiel, at saktong pagkadikit ko sa kanya ay tuluyan ng nahulog ang debris sa kanina'y pwesto namin. Deja vu Ngunit iba na ngayon. Wala ng kuya Benjo na mag liligtas sa akin. Wala ng Mang Ben na tutulong sa amin. Tanging sila kuya Kiel, kuya Logan at ate Meaghan lang ang maaasahan ko. Kasama na rin si nurse Aaliyah na tumulong sa amin. "T-Thank you Kuya Kiel," nanghihinang sambit ko. "No prob kid, tara na, baka matuluyan pa tayo dito," binuhat ako nito at tinakbo na ang pintuan. Pagkalabas namin ay saktong tinamaan ng malaking bato ang tinuluyan namin na lumikha ng malakas na pagsabog. Napasubsob ako sa lupa kung kaya't nadamay din sila Kuya Kiel. "Let's get out of here, come!" dali-dali kaming hinila patayo ni kuya Logan at dinala sa kotse di kalayuan. "Get in the car now!" sigaw ni ate Meaghan ng bagsakan na naman ng malaking bato ang bahay malapit sa amin. Dali dali kaming sumakay sa likod at biglang pinaharurot na ni ate Meaghan ang sasakyan. "Watch out!" sigaw ni kuya Logan ng makitang tatamaan kami ng mga debris. Dali-daling pinihit ni ate Meaghan ang stirring wheel at mas diniinan ang apak sa gas. Nakadikit na sa upuan ang mga likod namin dahil sa bilis ng takbo nito. "Oh god, I think I'll die in the car rather than being smashed by a rock," tahimik na usal ni kuya Logan habang naghahabol ng hininga. Halos mapasubsob naman kami ng biglang pumreno ito. "What the hell?!" pagalit na sigaw muli ni kuya Logan. "Shut the f**k up!" balik sigaw ni ate Meaghan. Kaya pala kami tumigil ay dahil muntik na kaming tamaan ng malaking debris na nahulog sa harapan mismo namin. Halos isang dipa lang ang layo nito sa amin at tiyak na patay agad kami kung hindi agad naipreno ang sasakyan. Inikot na muli ni ate Meaghan ang sasakyan at sinimulan lumayo sa lugar na ito. Tirik na tirik na ang araw at wala na ring pagsabog kaming naririnig ngayon. Bumagal na rin ng bahagya ang patakbo ng sasakyan. "So, saan tayo pupunta ate?" tanong ko dito. Imbes na sya ang sumagot ay si nurse Aaliyah na nasa shotgun seat ang sumagot. "Pupunta tayo sa may Angeles Pampanga. Doon kami tumigil ni Doc Martin." "Excuse me, but aren't we going to Cardona Island? My family is there, I want to be with them already," singit ni kuya Logan. Sana all may pamilyang nag iintay at pupuntahan. Si kuya Logan may pamilya ng uuwian doon sa isla, si ate Meaghan naman na anak ng heneral, automatic nandoon din at ligtas sila. Samantalang ako ano? Maski isa wala. Wala na. Napatitig naman ako kay kuya Kiel sa tabi ko na wala ring kibo. Ano kayang iniisip nya? Iniisip nya rin kaya kung may mauuwian sya? Kung may nag iintay sa kanya? Pareho lang kaya kami? Napatigil ako sa pag iisip ng lumingon ito sa akin at binigyan ako ng maliit na ngiti. Tumango na lamang ako at ibinalik ang tingin sa harap. "Inaaral namin ang pinagmulan ng virus, at inaalam ang cure para dito. Since pupunta naman kayo sa safe zone, mas mabuting ipaalam nyo din sa kanila para matapos na ang nangyayaring ito," mahabang paliwanag ni nurse Aaliyah. "Tutal ay sa amin naman nagsimula ang pinaka unang infected, hindi ba mas mabuting kami din ang tumapos? Ha Ha," dugtong nito kasabay ang pagak na tawa. "I guess that's a good thing, sorry for interrupting earlier," hinging paumanhin ni kuya Logan. Tinanguan lamang sya nito at ibinalik ang tingin sa daan. Namayani ang katahimikan, na binasag nang magsimulang kumalam ang aking sikmura. Nagsitinginan sa akin ang lahat kaya nag peace sign ako. "Gutom na ako mga ate at kuya, hanap muna tayo ng kainan please," pagpala cute ko sa mga ito. Walang ano-ano ay nagsimula na rin magtunugan ang kanilang sikmura kaya napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan. Ilang minuto pa lang ay may namataan na kaming convenience store kaya itinigil ni ate Meaghan ang sasakyan sa tapat. "Kuhain nyo agad lahat ng makukuha nyo. Baka may ma encounter na naman tayo," bilin nito sa amin. "Kiel, Logan, kayo na ang pumasok sa loob. Benj, stay here. Dito lang ako sa labas para mabantayan kayo," dagdag utos nito. Walang inaksayang oras ang dalawa at agad bumaba ng sasakyan. Bumaba rin si ate Meaghan at umupo sa may hood upang magbantay. Bitbit nito ang katana habang lumilingon lingon kung may aatake muli sa amin. Wala pang limang minuto ay nakarinig na kami ng malakas na kalabog mula sa loob. Nagkatinginan kami ni nurse Aaliyah at magsunod na lumabas ng sasakyan. Naabutan namin si ate Meaghan na pilit binubuksan ang pintuan habang unti unting napupuno ng usok ang loob. "Help!" "Tulong!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD