37

1711 Words
Meaghan's POV Ramdam ko ang hapdi ng aking pisngi dulot ng paglapat ng palad nya dito. "So you have the audacity to seek for me when you're the one who left us before?!" matigas na tanong nito sa akin. Napadiin ang kuyom ng aking kamao, pinipigilan na makagawa ng kung ano. Ngunit hindi ko kinaya ng muli ay dumapo ang palad nito sa akin na ikinapiling ng ulo ko. Inawat na ito ni Logan na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa akin. "Sir, please let's go to your office to discuss private matters. We are now gathering people's attention," awat nito dito. Tinanggal nito ang pagkakahawak sa kanya ni Logan at nagmamartsang pumasok sa kanyang opisina sa tabi lamang ng court. Pagkapasok na pagkapasok namin ay pasalampak itong umupo, tila nagdadabog. Halatang nagpipigil ng galit dahil sa pagkakakuyom ng kamao nito. "Why did you have to do that dad? You just humiliate me in front of everyone!" I shouted. Hindi ko na alintana kung sino man ang pumasok muli sa kwarto upang matunghayan ang awayan namin na to. "Bakit Meaghan Lewis? Binigyan mo ba kami ng kahihiyan sa lahat ng ginawa mo?! Lalo na noong umalis ka!" balik sigaw nito. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at hinampas ang lamesa na tila inaasahan na niya. "Bakit ko ginawa ha?! Tinatanong nyo pa talaga?! Gusto nyo bang ipaalala ko ang dahilan ko?!" Nanggagalaiting sigaw ko habang patuloy na lumalandas ang luha sa aking mukha. Flashback "Babe, I'm scared haha. What if ayaw sa akin ng dad mo?" tanong ni Jerome habang nakaakbay ang isang kamay sa akin. "Don't worry, wala naman syang magagawa. I got you covered babe okay?" Sagot ko dito at dinampian ng halik ang pisngi nito. Nasa ganoon kaming posisyon ng abutan kami ni Dad. "What the hell are you two doing?!" agad kaming napabalikwas ng upo at napabawi ng kamay si Jerome. "G-Good evening po sir!" kahit nanginginig ay kiyeme itong ngumiti at naglahad ng kamay kay dad. Tinitigan lamang nya ito kung kaya't napapahiyang napabawi ito ng kamay kasabay ang pag kamot sa batok upang matanggal ang pagkahiya. Tumayo na ako upang saklolohan sya. "Dad, he's Jerome, the one I'm referring to last time," direktang sagot ko dito. Nangunot ang noo nito na tila hindi nasiyahan sa narinig. "Jerome what? Surname mo?" napa-cross arms pa ito habang tinatanong siya. "J-Jerome Marasigan po sir, from Quezon City, Meaghan is my school mate po," magalang na sagot nito. Nasa ganoon kaming scenario ng pumasok si mom. Nang mapansin nito ang tension ay agad nyang ikinanlong ang braso kay dad at naglambing. "Hon, pabayaan mo na muna ang mga bata. Hijo, sumabay ka na sa amin para sa dinner," alok ni mama dito habang sila ay nangunguna na sa dining table. "Keep calm ka lang babe, alam mo na, heneral kaya matapang," pag-aalo ko dito. Hinawakan ko ang kamay niya at ramdam ko ang panlalamig nito. Iginiya ko na siya patungong kusina habang magkahawak ang aming kamay. Agad itong napansin ni dad at pinukulan ng nagbabantang tingin. Agad naman itong kinalas ni Jerome kahit pa ako na yung kusang humahawak. Binigyan na lamang ako nito ng isang mapagpasensyang ngiti. Nginitian ko na lang ito pabalik at umupo na sa pwesto. "Okay let's bow our heads and feel the presence of the Lord," panimula ni mom sa dasal. "Lord God, Heavenly Father, bless us and these Thy gifts which we receive from Thy bountiful goodness, through Jesus Christ, our Lord. Amen," nag-sign of the cross na rin ito na agad naming sinundan. "Okay let's eat!" Tahimik lang na kumakain ang lahat nang biglang putulin ito ni dad. "So what brings you here young man?" Direct to the point na tanong nito. Nasamid naman si Jerome dahil sa pagkabigla kung kaya't agad ko itong inabutan ng tubig. "Easyhan mo lang naman sa bata hon," pagpapalubag loob ni mom dito. Hindi ito pinansin ni dad at direktang tiningnan sa mata ang katabi ko. "Uhm, I-I'm gonna c-court her po," utal man ay pirming saad nito. Napatigil ang lahat sa gulat, lalo na noong hampasin ni dad ang mesa. "And who are you again? Your business? School credentials and all?" tuloy tuloy na tanong ni dad dito. Uminom muna sya ng tubig bago sumagot. "I'm Jerome Marasigan, also from Ateneo de Manila University, taking up business management since I am going to take over our family business once I graduated," he told him. I felt proud dahil hindi sya yung lalaking asa lang lahat sa magulang. Base on what he told me before, he's running a small business to support him on his studies so that he won't depend that much on his parents. Napatango naman si mom na tila natuwa sa narinig. Samantalang si dad ay wala pa ring emosyon ang mukha. "Prove yourself young man, I'm done," huling sabi nito bago umalis sa hapag kainan. Sinundan lamang namin sya ng tingin hanggang sa tuluyan na itong nawala. Naibaba ko ang kubyertos dahil sa nararamdaman. "Sorry Jerome, baka bad day lang, you know how hard being a general is diba?" pag-aalo ko dito. Tiningnan lamang ako nito at nginitian. "Sorry hijo, maybe you just need to prove yourself to him. Mukhang okay ka naman para sa anak namin," ani mom sabay tingin sa akin. "Ate I don't like him also, I'm going out now," untag ng bunso kong kapatid at umalis na rin sa hapag. Agad itong hinabol ni mama upang pagsabihan. "It's okay Meag, I will prove myself to all of you. Ganoon kita kamahal," sagot nito at dinampian ako ng halik sa pisngi. "I'm leaving too, kailangan kong bumalik sa mansion para makausap si dad tungkol sa hinihiram kong funds for my business," paalam nito. Inihatid ko siya hanggang gate kung nasaan ang kotse nya. "Bye! Thank you for today," huling sambit nito bago pinaharurot ang kotse paalis. Nagmartsa ako papasok ng bahay at bumungad sa akin si dad na prenteng nakaupo. "Oh, wala na ba?" tanong nito habang nakatingin lamang sa phone nito. "Dad, bakit mo naman po ginanon si Jerome? He's a nice guy," sagot ko dito. Hindi ko pa rin alam bakit ayaw nya doon. "Trust me Meaghan, he's not for you..." may ibinulong pa ito ngunit hindi ko narinig dahil sa hina nito. — Ilang buwan na ang nakalipas at itinuloy nga nito ang panliligaw. Nagdadala ito ng bulaklak at pasalubong sa bahay sa tuwing may libreng oras sya galing sa school o sa business nya kung kaya't lalong lumapit ang loob ko dito. At ngayong araw ay plano ko na syang sagutin. Magkikita kami ngayon sa starbucks near Ateneo kung kaya't nag ayos na ako. Palabas pa lang ako ng bigla akong sinalubong ni dad na humahangos sa galit. "Where are you going Meaghan?" tanong nito. Nang makita ang postura kong pang-date ay biglang nandilim ang paningin nito. "Stop meeting with that Jerome Marasigan. I told you he's not for you! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" sigaw nito sa akin. "Dahil wala naman po akong makitang mali sa kanya! Why are you so mad at him?" ganting tanong ko dito. Hindi ko na sya maintindihan. "Oh really? Fine! Go to him! Sulitin mo na ang araw mo pagpapakatanga because you're grounded starting today! I'll cut your atm and credit card! I will also tell the driver na i service ka papunta at pabalik dito naiintindihan mo? And that's final Meaghan Lewis, don't you dare defy me," pirming sabi nito bago nag lakad patungo sa kanyang opisina at marahas na isinarado ang pinto. Napapunas na lang ako ng butil ng luha na kumawala sa aking mata. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang nag - iisang text message ni Jerome doon. "I'm sorry Meaghan, but I cease in courting you. You're a great lady and I guess I'm not really the one for you. Have a great day babe! I love you still." Sinubukan ko itong tawagan ngunit out of reach na ito. Tinadtad ko na rin ng messages ngunit walang reply maski isa dito. Agad akong pumasok sa aking kwarto at sumalampak sa higaan. 'Bakit ba nangyayari ito?' End of Flashback "Ano Meaghan?! Hanggang ngayon ay yang lintek na Marasigan pa rin ang dahilan mo kung kaya ka umalis sa atin?! Nahihibang ka na ba talaga?!" halos mapigtal na ang litid nito sa galit pagsigaw. "Hindi dad! Ang hindi ko maintindihan hanggang ngayon, hindi nyo na nga kami hinayaan magkatuluyan ni Jerome, pero bakit nyo ko ipapakasal sa iba!" balik sagot ko dito. Nagsimulang tumulo ang luha sa pisngi ko dahil sa bigat nito. Ramdam ko ang pag haplos sa aking likod na tila nagpapakalma at napansing si Logan ito. "Umalis ako dahil napapagod na akong intindihin kayo! Bakit! Buong buhay ko sinunod ko ang gusto nyo! Pero bakit yung buhay pag ibig ko gusto mo ay kontrolado nyo rin? Bakit nyo ako ipapakasal sa taong hindi ko naman kilala! Narinig ko kayo dad! May kausap kang matanda noon sa sala! Ipinakilala nyo pa ako tapos malalaman kong naibugaw nyo na pala ako sa iba?! Anong klase kayong ama?!" sigaw ko dito. Tuluyan nang nawala ang respeto ko sa kanya. Agad itong tumayo at lumipad muli ang palad sa aking pisngi. Ramdam na ramdam ko ang hapdi noon dahil sa sugat ko iyon mismo tumama. "Dahil hindi mo muna ako tinanong Meaghan Lewis! Alam mong lahat ng ginagawa ko ay para sa inyo! He's son is better than that Jerome you are pertaining to!" sigaw nito sa mukha ko. Kitang kita ang galit sa mga mata nito. "Paano nyo naman po nasabing mas better sya kay Jerome? E hindi ko naman sya kilala!" sagot ko dito. Nanginginig na ako dahil sa labis na emosyon na nadarama. Napatawa ito ng pagak at direktang tumitig sa akin. Bumuka ang bibig nito at dahan dahang inilabas sa bibig ang mga salitang naghatid ng kaba sa aking dibdib. "Hindi kilala? E sino sa tingin mo yang kasama mo?" Napalingon ako sa aking likuran at doon nakita ang tila nanigas sa kanyang kinatatayuan ang taong hindi ko inakalang ipinagkasundo sa akin. "Hindi nga ba, Mr. Logan Xi?" At tuluyan na ngang nasira ang tiwala ko sa ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD