36

1105 Words
Meaghan's POV Dahan dahang inilapag ni Logan ang chopper sa may building na katabi ng Cardona Ferry Terminal. Nahakot namin ang atensyon ng mga bantay kung kaya't nagsihanda ang mga ito, handa ano mang oras na may gawin kaming masama. Pagkalapag na pagkalapag niya ay napa buntong hininga ako. Ramdam ang kaba na unti unting lumulukob sa aking pagkatao. Makikita ko na sila... Dad... Agad akong tumayo at kinuha ang gamit ko bago tuluyang bumaba. Nagsisunod na rin sila na kapwa may inaalalayan. Napaigik ako sa gulat ng biglang may humawak sa aking balikat. Paglingon ko ay si Logan ito na nakatingin sa malayo, sa dagat na tiyak naming sa dulo noon ay ang isla ng aming kaligtasan. "It's so sad that Benj isn't with us anymore," malungkot itong ngumiti bago tuluyang naglakad papunta sa kumpol ng mga sundalo. "Sino kayo? At saang lugar kayo nanggaling?" tanong ng isa sa mga ito. Mukha itong may mataas na katungkulan dahil sa badge na nasa dibdib nito. "I'm Logan Xi, and these are my comrades. We badly need help as our friend here needs immediate medical help," ani nito habang nakaturo kay Kiel na ngayon ay mas lalong lumala ang kalagayan. Tiningnan ng officer lahat ng kasamahan ko, tila winawari kung papatuluyin kami o hindi. Agad akong lumapit paunahan at kinausap ito. "I need to see General Abeita, is he there?" Pirming tanong ko dito. Tila naalerto ito at tinutukan ako ng baril. "What do you need with our General huh? Are you a raider?" tanong nito. Masyado itong alerto na mukhang palaban palagi. "Easy, baka kung saan maputok yan," Delikadong sambit ko dito. Agad kong kinuha ang baril at itinutok pabalik dito. Naalerto ang lahat at tinutukan kami ng baril. Dinig na dinig ko naman ang reklamo ng mga nasa likuran ko, lalo na ang malulutong na mura ni Logan. Nabaling ang atensyon ng lahat nang may isa na namang chopper ang lumapag malapit sa aming puwesto. Agad sumaludo ang mga bantay ng makilala ang laman nito. 'Teka, sila yong humahabol sa'min kanina diba?!' Nang makalapit sila sa amin ay agad kong itinutok ang baril sa leader nila. Napa-smirk na lang ako ng itaas nito ang kamay at bigyan din ako ng nakakalokong ngiti. "Welcome home, Meaghan Lewis Abeita." Logan's POV Everyone seemed so shock after hearing what the man had said. The one who followed us earlier, the one who almost killed us in a convenience store, and also the one who helped us when we're being chased by a tank zombie. And that man is no other than Meaghan's cousin, Nathan. The soldiers salutes to him, and pave way for him, for us. Everyone guided us to the boat where we will ride to reach the crater. "What took you so long Meaghan? I thought you're not gonna make it. That's why I went all the way to Bataan to check on you," he explained. So maybe that's the reason why he was following us. "But why did you fire missiles to us? You almost get us killed don't you think?" I asked. I still can't get over the fact that my driving skills has been tested. "To test how good your driver is ofcourse. And I think he'll be the perfect one to replace his father soon," he said then look at me direction. I just avoided his gaze and went straight to the docks. There I saw lots of boats of different sizes parked in there. The biggest one has a name engraved on it. 'Cardona Ferry' "So where will we ride?" I asked them. Nathan just looked on the side and pointed at a mini speed boat. "There, we'll ride there. It's faster and it will fit us all." I just nod and pushed Kiel's stretcher on the one he pointed at. Some soldiers helped us to get in and in no time we're already sailing. Aaliyah's POV Nandito lang ako sa gilid, pilit umiiwas lalo na sa pinsan nito. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano kami nito laitin dahil lamang sa aming mental lab nagsimula ang lahat. Napailing na lang ako sa aking naiisip. Inilingon ko ang aking ulo at nakita si Doc Martin na matamang nakatitig sa harapan. Tila maraming tumatakbo sa isipan nito. Dumako ang tingin nito sa akin at binigyan ako nito ng isang maluwang na ngiti na agad kong ginantihan. 'Malapit na.' Makalipas lamang ang kalahating oras ay tanaw ko na ang mga islang tinutukoy nila. Kahit walang bakod ay sigurado ngang ligtas dito dahil hindi naman nakakalangoy ang mga zombies. Ang buong isla ay napapalibutan ng karagatan, kung kaya't ramdam na ramdam ko ang hangin na dumadampi sa aking mukha. Inililipad nito ang buhay ko. Ramdam na ramdam ang kapayapaan. Ilang sandali pa lamang ay dumaong na ang bangka. 'Boor' Basa ko sa nakasulat doon. May mga kabahayan na rin dito at malawak na court kung saan nakapwesto ang ilang militar. Agad kaming sinalubong ng mga ito at sinaladuhan ang kasama ko. Nagpalinga linga ako sa paligid at napansing sa amin napunta ang atensyon ng lahat. May ilan na masaya, mayroon na hindi at maski walang pake ay nababasa ko sa kanilang itsura. "PO1 Ricardo, nasaan si General Abeita? Pakisabi na may naghahanap sa kanya," utos ni Nathan dito. Agad naman itong sumaludo at tumalima sa utos nito. Makalipas lamang ang ilang sandali at lumabas ang isang matangkad at matipunong lalaki. May kausap pa itong kapwa militar at tila may diskusyon na nagaganap. Pagkatapos nito ay inilibot nya ang tingin at dumako ito sa akin. Pinakatitigan ako nito na tila minumukhaan. Napakabog sa kaba ang dibdib ko kung kaya't napahawak ako sa braso ng kung sino man ang nasa gilid ko. Inialis na nito ang tingin sa akin kung kaya't napahinga ako ng maluwag. "Baka naman gusto mong tanggalin yung kamay mo?" Tanong sa akin ng katabi ko. Agad ko itong nilingon at kusang napabitaw ng makita kung sino ito. May ngiting bumalandra sa makinis ngunit nakakainis na mukha nito. Ang taong nagpapakulo ng dugo ko mula noon hanggang ngayon. Ang pinsan ni Meaghan, si Nathan. Agad ko itong inirapan at itinuon ang pansin sa harapan nang mapansing natahimik ang lahat. Si General Abeita at ang anak nito ay magkaharap, parehong walang ekspresyon ang mukha. Walang ano ano ay nagulat ang lahat sa biglaang pagsampal nito sa pisngi niya. Sa sobrang lakas nito ay rinig na rinig ito nang mga tao na nandito sa isla. Ang sumunod na sinabi nito ay gumulantang sa lahat. "So you have the audacity to seek for me when you're the one who left us before?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD