38

1573 Words
Meaghan's POV "W-What d-do you m-mean dad?" nanginginig na tanong ko. Wala akong narinig na sagi kung kaya't dahan dahan kong nilingon ang nasa likuran ko. And there he is. Tila nabato sa kinatatayuan, nananatiling sa lapag nakatingin. Dahan dahan nitong iniangat ang ulo at nagtama ang aming paningin. Halo-halong emosyon ang makikita sa mata nito ngunit isa lang ang pinaka nangibabaw dito. Guilt. Guilt na nagpapatunay na totoo ang sinabi ni dad kanina lang. Agad dumapo ang palad ko sa pisngi nito. Maski ako ay ramdam ang hapdi nito. Hindi ako nakuntento at sinipa pa ito sa sikmura na agad kinasigok niya. Doon na umawat si Nathan na nasa silid pala. "Hayop ka! So you knew all of this all along?!" nanggagalaiting sigaw ko dito. Lalapat sana muli ang aking kamao ngunit maagap nya itong napigilan. "I-I'm sorry Meaghan," hinging paumanhin nito. "I swear I didn't know it was you at first!" depensa nya. "At first?! Then why didn't you tell me when you realized about it?!" balik ko dito. Hindi ko maintindihan! I know that I did not open up to them about my situation, but the mere fact that he knows about it, why did he chose to hide it from me? Ngayon alam ko na ang pinagdadaanan ni Benj. Even though we have a different story to tell, ang maloko ng isang taong naging malapit sayo is a different kind of pain. Nginitian ko na lamang ito. Ngiting mapait dahil sa nararamdaman ko. "I shouldn't have trusted you!" sigaw ko dito. "I should never let the walls that I build for myself be shattered just because of you!" Unti-unting tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Inilayo ko ang tingin sa kanya at hinarap ang aking ama na ngayon at madilim pa rin ang tingin. "I-I'm sorry dad..." Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak, agad naman na may humagod sa likod ko at napansin na si Logan ito. Agad kong pinalis ang kamay nito ang tinaliman ng tingin. "Nasaan si mom and Jessie? Magpapaliwanag ako! Oh gosh I'm really sorry..." paumanhin ko ng makita ang paglandas ng luha sa mata ni dad. "T-they're gone..." nahihirapang bigkas nito. Tila naumid ang aking dila. Hindi alam kung anong sasabihin. Gone? What does he mean? Nilibot ko ang aking mata at dumako kay Nathan na nakaiwas din ng tingin. Agad kong ibinalik ang atensyon kay dad at napansin ang muling pagtigas ng ekspresyon nito Vladimir's POV (General Abeita) Nagtiim ang bagang ako ng maalala ang sinapit ng aking mag-ina. "Oh my god Vladimir! Where the hell is your daughter?! Ano ba kasing ginawa mo at naglayas ang anak mo!" sigaw nito sa akin. Puno ng pawis ang mukha nito dahil sa pag-akyat baba sa kwarto ng suwail kong anak. "I don't know Lorraine ha, alam mo naman 'yang utak ng anak mo! I told her that that Jerome is not for her!" balik sigaw ko rito. 'Damn Meaghan Lewis' Napahilot ako ng sentido dahil sa biglaang pagsakit nito. "Bakit mo ba kasi sila pinapakielaman? Your daughter is not a kid anymore! Lagpas na nga sya sa legal age!" sermon nito sa akin. Napailing na lang ako dito. "Lampas sa legal age but acts like a minor? I did not raised her to be a rebel like that," huling sagot ko dito bago tumaas sa kwarto. — "Vladimir! Nagsisimula na ang gyera, bakit hindi mo muna hanapin at iligtas ang anak mo bago ang ibang tao?!" tuluyan na itong napahagulgol ng iyak habang hawak hawak ang picture frame ng aming anak. "I'm sorry Lorraine, you know my duties and responsibilities as the military general in the Philippines. The president needs me, our country needs me," paalis na sana ako nang higitin nito ang collar ng uniporme ko. Napatigil ako at napatitig sa kanya. "We need you too, Vlad. Our family needs you too," napaiwas na lang ako ng tingin at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon. — "General Abeita, we have received some reports about something that is happening in Bataan. According to the data we have gathered, the Bataan nuclear plant had been affected by a missile, and thus, spread mutation in the area," ulat ng isa sa mga pulis na kasapi ng aming team. "Your point is? Please go direct to the point Mister," sinilip ko ang name tag nito bago muling nagsalita. "PO3 Borromeo," dugtong ko pa. "What I'm trying to say sir is that, there are zombies roaming in the area! We need to stop it before it creates another pandemic!" Tinawanan ko lamang ito, maging ng iba sa aming partido ay nakitawa rin. "Zombies? Anong taon ka ba ipinanganak? E mas malala pa 'yung mga Pilipinong nilalabanan at pinapatay ang kapwa nila," napailing na lang ako sa ulat nito. 'Saan ba nila nakukuha ang ganitong source?' Ang kalaban namin ngayon ay ang mga dayuhan ng China at America na ginawang battle ground ang Pinas. Ang mga tanga, bakit kasi hindi na lang sila magpatayan sa teritoryo nila? Naiinis man ay agad lumapit si PO3 Borromeo at isinalpak ang dalang flash drive sa laptop. Sa una ay malabo pa ang video hanggang sa unti unti itong luminaw. "What the hell?!" "Susmariyosep!" "Puta? Totoo ba 'to?" Halo-halong reaksyon ng lahat. Maski ako ay nagulat sa nasaksihan. May isang kahina-hinalang tao ay pababa mula sa bundok. Mukha itong nababaliw kung kaya't nagsi iwas ang ilang naglalakad dito. May isang residente ang naglabas ng cellphone at tila ibinidyo ito. "Wazzup mga katoto! Narito tayo ngayon sa Mariveles, Bataan. At tingnan nyo nga naman! Magpapasko na pero mukhang Halloween pa rin sa taong ito!" napuno ng tawanan at kantyaw ang lugar. Naglabas din ng kanya kanyang cellphone ang ilan at ibinidyo sila. Agad nilapitan ng unang lalaki ang taong iyon ngunit lahat ay nagulat sa sumunod na eksena. Agad itong sinunggaban ng kahina-hinalang tao na iyon at pinagkakagat. Napasigaw sa sakit ang lalaki. Ang ilan ay hindi mawari kung nagbibiro lamang ito para sa vlog o hindi. "Uy pre tama na yan! Binibiro ka lang naman," awat ng isang lalaki na mukhang tropa nang nauna. Hindi pa ito nakakalapit ng biglang hiniklat ng baliw na iyon ang balat ng biktima. Nagtalsikan ang dugo nito sa kalsada na agad ikinaatras ng huli. Mula sa malakas na sigaw ay humina ito hanggang sa tuluyan itong binawian ng buhay. Pero hindi iyon ang nakakatakot dito. Ang lalaking kanina lamang namatay ay biglang bumangon. Naging agresibo ang kilos nito at sinunggaban ang pangalawang lalaki kanina. Agad nagsitakbuhan ang lahat ng nakakita hanggang sa tuluyan ng natapos ang video. "Ang kuha na 'yan ay mula sa CCTV malapit sa lugar. According sa nakalap kong impormasyon, ang baliw na tinutukoy nila dito kanina ay pasyente ng Fuego Mental Laboratory, isang laboratory mula sa bundok ng Mariveles," paliwanag nito. "Sa ngayon ay nagpadala na kami ng tao at protective suit sa kanila upang tingnan ang nasabing lugar, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sa kanila." dugtong pa nito. Nanatiling tahimik ang buong meeting room, hindi alam ang gagawin. "Contact the head of Department of Health and send them the copy of that video. Also, please do alert your comrades in the possible effects if ever that infection or whatever is that reaches our city. That's all, dismiss," utos ko sa mga ito. Agad silang sumaludo bago tuluyang umalis ng meeting room. Napahilot na lang ako sa sentido dahil sa nangyayari. Agad kong ginagap ang phone ng maramdaman ang pag vibrate nito. Kita ko ang ilang missed calls mula kay Lorraine na naghatid ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Agad ko itong sinagot. Bago pa ako makapagsalita ay sinambit na nito ang mga salitang nagpawindang sa akin. "Vlad! Nawawala si Jessie!" "Later on I found out that Jessie looks for you! And your mother also follows him! Tingnan mo ang nangyari! Pareho silang na infect ng putang inang virus na ito!" galit na sigaw ko. Tila naestatwa si Meaghan sa kinatatayuan niya. "Naiisip ko lagi na anong klase akong ama? I protect the country yet I can't even protect my own family!" bulyaw ko pa dito. Unti-unting humina ang boses ko ng mapansin ang pag-iyak nito. I know my daughter, she is not a cry baby. She is strong like me. "I tried looking for you Meaghan! I even bribe my fellow comrades just to find you! Tapos ano? Haharap ka sa akin na kasama 'yang sinasabi mong ayaw mong pakasalan?" napailing na lang ako sa nangyayari. Meaghan's POV I tried stopping myself from crying but I can't. Masyado akong nakokonsensya sa nangyari. Hindi ko alam kung paano pa makakabawi sa mga ito. Napamulagat ako ng may maalala. Ang cure! "Nasaan sila dad? May dala kami! We have brought the antid—" natigil ako sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang humahangos na si Nurse Aaliyah. Lahat kami ay napatigil at natuon ang atensyon sa kanya. Kitang kita ang pagtitig nito sa aking ama, bago umiling at ibaling ang tingin sa akin. "Meaghan, Logan, I need you to come with me now," pirming saad nito. "Why? Is there anything wrong?" tanong ni Logan, tila ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob magsalita. "He's awake," sagot nito. "Kiel is awake." "Well th—" nabitin sa ere ang sasabihin ko sa sunod na idinugtong nito. "Kiel is awake, and he is in grave danger."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD