39

1603 Words
Kiel's POV "Pa! Tama na po! Hindi ko na po uulitin!" palahaw ko habang patuloy na hinahampas ng latigo ng aking ama. Dinig na dinig sa buong kwadra ang malalakas na hampas nito sa hangin patungo sa aking musmos na balat. "Ano hindi ka magtatanda Ezekiel ha?! Sinabi ko sa'yo na wag mong papakielaman ang mga papeles ko!" nagagalit na sigaw nito habang patuloy ang paghampas sa akin. Halos magkulay pula na ang dati'y puting damit ko dahil sa mga sugat na patuloy sa pagdurugo. "N-Nagtataka lamang p-po ako kung bakit may baril at d-droga na nakasulat doon," pagpapaliwanag ko dito. Tila hindi nito nagustuhan ang narinig kung kaya't pinagsunod sunod nito ang paghagupit sa akin. Wala akong ibang nagawa kun'di ang umiyak dahil sa sakit na nadarama. Hindi pa tuluyang magaling ang mga sugat ko buhat sa mga nakaraang p*******t nito, at ngayon naman ay dinadagdagan pa ito. — Malakas ang ulan sa labas habang ako ay nasa madilim, mabaho at masikip na kwadrang ito. Pulos kabayo ang aking kasama. Mabuti pa sila sapagka't may dayami silang nakakain at tubig na naiinom. Samantalang ako na anak ay halos mamatay na sa gutom. Sanay na ako dahil mula pagkabata ay dito na ang naging pangalawang tahanan ko sa tuwing kinakagalitan ng ama. 'Tiyak na sa makalawa pa ako makakalabas rito,' napailing na lang ako sa naiisip habang tuluyang ibinagsak ang aking sugatang katawan sa makating dayami. Ipinikit ko ang mata upang makatulog at makalimutan ang pagkalam ng aking sikmura. Halos dalawang gabi na rin akong narito, at tanging isang pirasong tinapay ang iniaabot sa akin ng utusan ni Papa. Ipinagpapasalamat ko na lang ang palihim at pasimpleng pag-abot sa akin ng kaunting pabaon na kanin at ulam ng tiga-alaga ng kabayo. Palagi ako nitong tinititigan ng may awa sa mga mata, bago tuluyang umalis at asikasuhin ang ibang alagang hayop dito. Kahapon lamang ay nabalitaan kong napaalis na ito ng aking ama, dahil may nagsumbong dito ng pagtulong niya sa akin. Kaya ngayon ay gutom na gutom ako, na kahit makisalo sa inumin ng mga kabayo ay ginagawa ko para lamang maka-survive sa lagay kong ito. Nasa himbing na ang aking pagtulog ng maulinagan ko ang mga ingay at yapak na nagmumula sa unahang bahagi ng barn. Agad kong kinapa ang maliit na patalim na palagi kong itinatago sa mayabong na dayami dito. Dahan dahan ko itong iniangat at pumwesto sa may bukasan upang sunggaban kung sino man ang nagbabalak pumasok dito. Isasaksak ko na sana ito ng makilala ko ang may-ari ng boses na iyon. "Kiel, ibaba mo iyan. Wag kang maingay, itatakas kita dito," ani Benjo habang nakalagay ang hintuturo sa labi, senyales na tumahimik ako. Si Benjo ang tinutukoy kong matagal ng tiga-alaga dito, na nagbibigay sa akin ng pagkain. Agad kong ibinaba ang patalim na hawak at niyakap ito. Natigilan ako ng makilala kung sino ang nasa likuran n'ya. "Ma..." usal ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito. Napuno ng luha ang mata n'ya at tuluyan ng umagos mula sa mata pababa sa pisngi nito. Yayakap sana ito ngunit agad kong iniiwas ang sarili at lumayo sa kanya. "Anong ginagawa nyo dito?" matigas na tanong ko. Agad kong hinawi ang kamay nito ng subukan n'yang hawakan ako. "Anak, alam ko ang ginagawa ng hayop mong ama sa'yo. Sumama ka na sa'akin, ilalayo kita sa impyernong lugar na ito," naiiyak na pagsusumamo nito habang may awa sa mga mata. Napailing na lang ako at binigyan siya ng malamig na tingin. "Anong pinagkaiba n'yo kay Papa? Hindi ba't iniwan mo rin ako noong kinse anyos pa lamang ako? Iniwan mo ako kahit alam mong mula pagkabata ay pinagmamalupitan na nila ako!" hindi ko mapigilang bulalas dito. "Bakit hindi mo ako kinuha? Bakit hindi mo ako isinama?!" puno ng hinanakit kong sambit sa kanya. Napaiyak itong muli kung kaya't pilit hinagod ni Benjo ang likuran nito upang kumalma. Binigyan n'ya ako ng malungkot na tingin bago nagsalita. "Kiel, maghunos dili ka at baka marinig tayo ng ilang bantay at sugurin pa dito. Nanay mo pa rin si madam Stellar kaya't magbigay galang ka sana," mahinahon nitong pahayag. Inismidan ko lamang ang sinabi nito bago tiningnan ng matalim ang aking ina na katabi nito. Tumigil na rin ito sa pag-iyak at kumalma. "I'm sorry Kiel, you know how broke I am that time. I can't even provide for my own needs," panimula nito. "Iniwanan kita dahil alam kong hindi ka n'ya matitiis. Alam kong bibigyan ka pa rin n'ya ng tirahan, pagkain, edukasyon at kung ano mang kailangan mo dahil responsibilidad ka n'ya bilang anak," pilit na paliwanag pa nito. "Ngunit," pigil nito, "patawarin mo ako dahil hindi ko alam na ipagpapatuloy n'ya ang p*******t sa'yo. Umasa akong kahit papaano'y magiging maayos ang trato n'ya habang lumalaki ka," dugtong nito. Agad itong lumapit at niyakap ang aking maduming katawan. Hindi na ko nag abala pang tanggalin ang pagkakayakap n'ya dahil na rin sa higpit nito. Tinitigan ko lamang ng matalim si Benjo na agad n'yang ginantihan. Natigilan lamang kami ng biglang may sumigaw sa hindi kalayuan. "Tingnan n'yo doon! Mukhang may nakapasok! Malalagot tayo kay Don Beauford nito!" dinig kong sigaw ng isa sa mga tauhan ni Papa. Agad kong kinalas ang pagkakayakap nito sa akin at pabalyang itinulak sa pwesto ni Benjo. Mabuti na lamang at nasalo n'ya ito bago pa man ito lumagapak sa sahig. Tiningnan ako nito ng matalim bago ipinatama ang isang malakas na suntok sa aking panga. Gagantihan ko na sana ito nang biglang pumagitna ang aking ina at pinigilan kaming dalawa. "Napaka gago mo talaga Kiel, alam mo ang hirap namin ng kapatid kong si Benj dahil lamang wala na kaming magulang samantalang ikaw ano? Itinataboy mo lang?" inis na turan nito sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin at tumalikod papasok, pabalik sa kwadrang kinasasadlakan ko kanina. Dinig ko ang pagsarado nito ng pinto bago tuluyang humina ang tunog ng mga yakap nila, indikasyon na paalis na sila sa lugar na iyon bago pa man mahuli ng iba. Isinalampak ko ang sarili sa sahig bago nag-antay na buksan muli ito. Tama ang aking hinala dahil ilang saglit lang ay may pabalyang nagbukas ng pintuan dito. Tiningnan ko lamang ito sandali bago muling ipinikit ang mga mata. "Hoy, may tao ba rito kanina?" maangas na tanong ng isa. Iminulat ko ang isang mata ko upang aninagin ito, ngunit hindi pa rin ako sumagot. Dahil sa inis ay agad ako nitong hinila patayo at nilapatan ng suntok sa mukha. Hindi pa ito nakuntento at tinadyakan pa ako sa sikmura. Idinura ko ang dugong nasa bibig ko ng malasahan ang kalawang nito. Binigyan ko lamang ito ng kakatwang tingin bago nagsalita. "Iyan lang ba ang kaya mo?" pang-aasar ko dito. Tila bubuga ito ng usok sa narinig kung kaya't nag-amba itong susuntok muli, na napigilan ng kanyang kasama. "Tigilan mo na 'yan Pablo, baka tayo ang malagot kay Don Beauford pag sinaktan mo 'yan, anak n'ya pa rin 'yang si Ezekiel kahit anong mangyari," awat nito na agad tinawanan ng tinawag nyang Pablo. "Anak? HA HA HA! Anak e sinasaktan? tapos nakatira sa kwadra kasama ang mga kabayo? Anak ka ba talaga? HA HA--," natigilan ito sa pagtawa ng tumama ang kamao ko sa ilong nito. Agad lumabas ang dugo dito na nahintatakutan n'yang tiningnan. "A-Anong..." hindi n'ya natuloy ang sasabihin dahil sa biglang pagsiklab ng galit nito. Aamba na sana itong sumuntok muli ngunit naunahan ko s'ya at sinapol ang kanang pisngi n'ya. Hindi pa ako nakuntento at sinuntok ito ng dalawang beses na naging dahil ng pagbagsak nito sa sahig. Tatadyakan ko pa sana ito ng maramdaman ang malamig na bagay sa likuran ng aking ulo. Agad kong itinaas ang dalawang kamay at dahan dahan'g nilingon ang may-ari ng baril na iyon. Tumambad sa akin ang mukha ng taong kinamumuhian ko ng sobra, ngunit hindi ko magawang saktan. Ang madilim na mukha ni Don Beauford, ang aking ama, ang sumalubong sa akin. Hindi pa ako nakakapag-salita nang maramdaman ang paghampas ng isang matigas na bagay sa akin'g ulo. Hindi na ako nakalaban pa dahil tuluyan na akong nawala sa ulirat. — Tahimik lang akong ngumunguya habang ginagamot ng isang tauhan ang mga sugat ko sa katawan. Agad kong sinunggaban ang mga pagkain na inihain sa akin magbuhat ng magising ako kanina. Nabago na rin ang aking damit at hindi na mahalaga kung sino man ang nagpalit nito. Nasa gitna pa lamang ako ng pagkain ng marinig ang komosyong nangyayari sa labas. Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko ng bigla itong putulin ng isang tauhan ni Papa. "Sir Zeke ipinapatawag po kayo ng ama n'yo," ulat nito at agad rin umalis. Dali-dali kong nilagok ang tubig bago tuluyang sumunod dito. "Zeke! Pumunta ka dito! Dalian mo!" dinig kong utos nito sa akin. Agad kong lumapit dito, at tumambad sa akin ang isang pamilyar na bulto ng katawan. "Patunayan mo ang sarili mo sa akin anak, patayin mo sya sa harap ko," sambit nito sabay abot sa akin ng kanyang baril. Nanginginig kong tiningnan ang lalaking nasa aking harapan. Tila nanghihina ito habang hawak hawak ng mga tauhan. Dahan-dahan kong itinutok ang baril dito upang hindi maghintay si Papa. Sinalubong ko ang titig nito, mga matang punong puno ng emosyon. Desperasyon, galit, lungkot at awa. Awa hindi lang para sa sarili n'ya kun'di para din sa naiwan'g kapatid n'ya. Ang taong nasa aking harapan ay walang iba kun'di ang tumulong sa akin mula pa nung una. "Benjo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD