24

1256 Words
Kiel's POV Agad akong lumapit kay Benj upang tulungan sya. Kitang kita ang unti unting pagsira ng asido sa suot nya kung kaya't tinulungan ko syang hubarin ito. "D'yan lang kayo, hahanapin ko yung kailangan natin," sambit ni nurse Aaliyah bago sya naglakad palayo. *thud* Dinig na dinig ko ang pagsalampak ng kung sino sa lapag, at ng silipin ko ito ay sila Meag at Logan ito, katabi ang isang nakakadiring halimaw na umiilaw ng kulay berde. Agad hinila ni Meag si Logan palayo sa aming pwesto kung kaya't sinundan sila nito. Mabuti na lang at nasa mejo madilim na parte kami kung kaya't hindi kami nakita nito. "Makakalakad ka ba Benj? Kailangan natin lumayo dito bago pa man may ma encounter tayong iba," tanong ko dito. Pinakiramdaman nito ang sarili at dahan dahang tumango. Inalalayan ko sya pagtayo at inakay papunta sa isang mas tagong lugar. Mabagal ang pag usad namin dahil sa paika ika nitong kilos. Mabuti na lang at malapit lang sa aming unang pwesto ang lugar na ito. Nahaharangan kami ng isang malaking poste at tanging maliit na liwanag lang ng buwan ang aming ilaw. "Let me fix you up," sabi ko dito habang kinukuha ang first aid sa aking bag. Inilabas ko ang alcohol, bulak at gasa upang malinisan sya. "Aray!" reklamo nito ng madampian ng bulak na may alcohol ang sugat nya sa paa. "Dahan dahan lang kuya, masyadong masakit," dagdag pa nito. Dinahan dahan ko naman ang pagdampi dito, bahagya syang napapakirot ngunit tinitiis nya para matapos kami. "Careful," babala ko sa kanya ng binalak nyang kumilos. "Puro bubog dito, it will be better kung mag stay ka lang jan. Ako na lang ang magbabantay kung sakaling lumapit sila dito," dugtong ko ng mapansin ang sira sirang salamin na mula sa nabasag na bintana. Pumirmi naman ito ng upo habang nakatingin sa kawalan. Ibinalot ko ang benda sa paa nito ng bigla syang malungkot na ngumiti. "Alam mo kuya Kiel," panimula nya. Itinaas ko ang tingin sa kanya upang makita ang mukha nya. Nagtutubig ang mga mata nito at may unti unting umaalpas na luha sa kanyang mga mata. "Para kang si kuya Benjo. Palagi nya rin akong nililigtas at ginagamot noon," ngumiti ito na parang may naaalala, ngunit binawi nya rin agad. Tahimik lang akong nakikinig ng mataman sa kanya. "Kung hindi lang sya nawala, edi sana magkasama kaming lumalaban upang maka survive dito," unti unting nahulog ang luha sa mga mata nito habang patuloy na nagku-kwento. "Bata pa lang ako siya na ang protector ko. Tandang tanda ko pa noon, may umaway sa akin at pinadapa ako. Sampung taon pa lang yata ako nun tapos yung nanakit sa akin ay nasa disi otso na. Biglang napasugod si kuya noon upang ipagtanggol ako. Kahit di hamak na mas matanda ang kalaban nya ay pinatulan nya pa rin ito haha," pinahid nito ang luha at nagpatuloy sa sinasabi. "Binugbog nya yung lalaki sa harapan ko, noon ko lang sya nakitang ganon ka brutal, kasi pag magkasama kami, napaka bait nya, mahinhin, at mapag pasensya. Tapos sabi nya sa kalaban nya noon, 'Subukan mong saktan ulit ang kapatid ko at hindi lang yan ang aabutin mo!'" "Nakaka-miss haha, dati pinagtatanggol nya ako, tapos ako, haha," mas bumilis ang paglabas ng luha nito. "Hindi ko man lang sya natulungan maski isang beses. Hanggang sa huling sandali nya, ako pa rin ang pinagtatanggol nya," napatahimik ito at patuloy na umiyak. Lumapit ako upang yakapin sya. "Ssshh, sige iiyak mo lang yan," tuluyan na itong humagulgol at yumakap pabalik sa akin. "Kung hindi lang dahil sa Beauford na yan!" unti-unti itong tumigil at napalitan ng galit ang itsura. Bigla akong kinabahan ng marinig ang sinambit nya. "Kung hindi lang nila pinatay si kuya! Edi sana magkasama pa rin kami!" galit na sambit nito. "Pinapangako ko, ako mismo ang tatapos sa kanila! Lalo na sa anak ng demonyong Don Beauford na yon!" mas naging galit ang ekspresyon nito. Napalunok ako sa narinig at napaiwas ng tingin. Mukhang napansin nito ang galaw ko at tiningnan ako habang nakakunot ang noo. Unti-unting tumalim ang tingin nito sa akin na parang may naisip. Hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginawa. Dinampot niya ang isang malaking piraso ng sirang salamin at itinapat sa akin. "May alam ka ba tungkol dito ha?!" galit na sagot nito. Mas inilapit nito ang talim sa aking leeg at ramdam ko ang mabilis na pagsugat nito sa balat ko. Unti unting tumulo ang dugo dito. Bago pa man ako makapagsalita ay isang sigaw ang pumigil sa amin. "Holy sh— Benj! Kiel! Anong ginagawa nyo?!" dali-daling lumapit sa amin si Meag at inagaw ang sirang salamin kay Benj. Dali-dali itong lumapit sa akin at sinipat ang aking leeg. "Anong ginagawa nyo?!" galit na sigaw nito sa amin. Nakalapit na rin sa aming pwesto si Logan na halos wala ng saplot. Sumunod na narinig namin ang yapak ni nurse Aaliyah galing sa kung saan, may bitbit na itong kemikal na sa tingin ko ay ang pinapahanap sa amin ni doc Martin. "Oh guys are you ok— anong nangyari sayo Kiel? You're bleeding!" dali dali itong lumapit sa amin at pinahubad ang manipis na sando ni Logan. Pinunit nya ito at ibinalabal sa aking leeg upang maampat ang pagdurugo. Napaiwas ng tingin si Benj at sumagot. "May misunderstanding lang, tara umalis na tayo," sambit nito habang naglalakad patungo sa pinto. Pagkabukas niya ay bumungad sa amin ang isang nakapapangilabot na tanawin. Napaka daming zombies ang nasa labas at naghahangad na makain kami. Dali-dali nitong isinarado ang pinto at hinarangan ng patient bed na nakita nya. Dahan dahan itong umatras pabalik sa aming pwesto, at sa di inaasahan ay nakaapak sya ng bubog. Dali dali akong sumaklolo sa kanya ngunit tinabig nya rin agad. "Follow me! Doon tayo sa rooftop!" sigaw ni nurse Aaliyah at patakbong tinungo ang hagdanan. "Ako na jan, i-assist mo na lang si Logan," bulong ni Meag pagkalapit sa akin. Napatango na lang ako bilang sagot at nilapitan si Logan. Inalalayan ko ito paakyat habang pasimpleng sumisilip sa dalawang nasa likuran ko. Nakahawak si Meag sa bewang nito bilang suporta at tila may sinasabi, habang si Benj naman ay tahimik lang na nakaiwas ang tingin ngunit halatang may malalim itong iniisip. Napatigil ako ng magtama ang mga mata namin ni Benj. May kung anong talim ang titig nito sa akin kung kaya't napaiwas ako ng tingin at nag focus sa pag alalay kay Logan. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay narating na namin ang rooftop. Open ito at kitang kita sa baba ang nakapalibot na zombies dito sa laboratory. Kung doon kami dadaan sa baba ay tiyak na hindi namin sila kakayanin, lalo at dalawa sa aming kasamahan ay sugatan. "According to our studies, nawawala din ang horde pagsikat ng araw. Mas humihina ang senses nila noon kung kaya't aalis din sila," sambit ni nurse Aaliyah. Napatango kami at sabay sabay na nakatingin sa kawalan. Malamig ang simoy ng hangin at tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Dahan dahang napangiti si Logan kasabay ng mahinang halakhak kung kaya't napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. "Earth will be bombarded in a few days, zombies plagued our land, survivors kill each other, humanity is gone haha," mapaklang tawa nito. Napaiwas kami ng tingin at itinuon ang atensyon sa bilog na bilog na buwan. Binalot ng katahimikan ang lahat sa huling sinabi nito. "Earth is almost gone, let's embrace our last day on Earth tonight."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD