23

1040 Words
Meaghan's POV Hindi kalaunan ay tumambad na sa amin ang isang sira sirang gusali dito sa mataas na bahagi ng bundok. Fuego Mental Laboratory According sa kwento nila, kaya daw dito naipwesto ay para walang madamay kung sakaling may makatakas na pasyente, which I highly doubt. Noon pa man ay naririnig ko ng pinag uusapan nila Dad ang tungkol jan, wherein ang ilang ahensya ng gobyerno ay nagbabalak alamin kung anong meron sa kanila aside from being a mental facility and a laboratory. Laboratory for what diba? Hindi rin nakatulong ang hideous location na ito na malayo sa city proper para sana mas mabilis ang access sa needs ng patients nila. Bukod pa dito, narinig ko din noon ang anomaly and scandalous issues about Doc Martin, na isa ding scientist that contributed to the experimentation of human, specially their mind. "So this is the place huh?" tatango tangong sambit ni Logan habang nakatingin sa sira-sirang mental institution. Sabay-sabay kaming apat naglakad patungo doon, habang pinapangunahan ni nurse Aaliyah. "Ahh, nakaka-miss, just like the old times," mahinang sambit nya ngunit narinig ko pa rin. "Brace yourselves everyone, I don't know what to expect in here anymore, but I'm sure it's not the safest place around," payo nito bago buong pwersang itinulak ang double doors ng facility. Tumambad sa amin ang kadiliman at katahimikan. "Sshhh," pagpapatahimik sa amin habang dahan dahan pumapasok sa loob. Mahigpit kong hinawakan ang katana sa aking kamay, naghahanda sa kung ano man ang pwede namin makasalamuha dito. "Nasaan yung hinahanap natin?" mahinang tanong ni Kiel "It's located on our se—" napatigil ito sa pagsasalita na parang may naisip. Ibubuka na sana nito ang bibig nya ng biglang mapahiyaw ng malakas si Benj. "Aaaah! Ang sakit! It burns! Aaaaaack!" walang patid na hiyaw nito. Dali daling tumakbo si nurse Aaliyah patungo sa pwesto nya at tinapatan ng flashlight ang kanyang naapakan. "Holy sht!" "A-Ano yan?" "Is that —" Halo-halong reaksyon namin sa nakita. "This is an acid! Based from it's bright yellow greenish fluid color, it's a combination of arsenic and acid that is harmful to anyone due to its strong chemical properties!" paliwanag nya sa amin. "Watch your step guys! Hindi natin alam kung anong meron dito," dugtong pa niya. Agad agad sinaklolohan ni Kiel si Benj na ngayon ay namimilipit pa rin sa sakit. Kitang kita sa kanyang suot na bota ang maliit na butas kung saan halatang tinunaw ng asido papunta sa paa nya. Gaya ng sabi kanina, ang mga suit na ito ay special para maprotektahan kami. But since this certain acid somehow manage to penetrate in our suit, we should really take care of ourselves. Pinaikot ni Logan sa iba't ibang direksyon ang hawak na flashlight upang maghanap ng kung anong meron dito hanggang sa natigil ito sa isang direksyon. "Guys, look out!" sigaw nito sabay tulak sa akin. Nahulog ang hawak kong katana pati na rin ang flashlight nya kung kaya't nangangapa kami sa dilim. Agad nyang kinuha ito at hindi inaasahan ang tumambad sa aming harapan. Isang nakakadiring nilalang! Naaagnas na ang balat nito at namumugto ang napakalaking mata at malaking bibig! Hindi lang iyon, sapagka't ang kanyang katawan ay nag go glow ng kulay yellow green, katulad ng naapakan ni Benj kanina! Ibinuka nito ang bibig at kitang kita ko kung paano umakyat ang asido palabas sa bibig nito. Dali dali kaming gumilid upang maiwasan ito. Magsabay kaming tumakbo patungo sa ibang direksyon upang makalayo sa zombie boss na ito. "I can't see him clearly! It's too hassle to fight while holding a god damn flashlight!" reklamo ni Logan habang patuloy na tumatakbo. "We gotta lure him somewhere, atleast away from Kiel and the others!" sagot ko dito. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin, kung kaya't hinatak ko si Logan patungo sa lugar kung saan nakatapat dito ang sirang bintana. Huminto na kami sa lugar na tinukoy ko at ilang sandali lang ay nakasunod na rin sa amin ang Spitter na ito. Sa tulong ng bilog na buwan ay kitang kita ko na ngayon ang nakaririmarim na itsura nya. Inihanda nito ang matutulis na kuko at sumugod sa direksyon namin. Agad kong hinarang ang katanang hawak ko at nakipag tagisan ng bilis dito. Nadaplisan ko ito sa pisngi kung kaya't tumulo ang itim na may halong berdeng likido dito. Lalo itong nagalit at pumormang bubuga muli ng asido ng biglang saksakin ito ni Logan sa likod. Nagpakawala ito ng nakakabibinging hiyaw kung kaya't nabitawan ko ang katana para takpan ang aking tenga. "What the," gulat na sambit ni Logan sabay bitaw sa pocket knife nyang naiwang nakatusok sa katawan ng Spitter. Ang blades ay unti unting natutunaw hanggang sa tuluyan ng nahulog ang handle. "Move Logan!" sigaw ko dito ngunit huli na ang lahat sapagka't nabugahan na sya ng asido mula sa bibig nito. "Aaaaaaaah!" nagpagulong gulong ito sa sahig, iniinda ang paunti unting pagsira ng asido sa kanyang suot na suit. Pinulot ko ang katana at mahigpit na hinawakan ito. "Hiyaaaaaaaaah!" sigaw ko kasabay ng mabilis na pag s***h sa katawan nito. Napaigik ito sa sakit habang patuloy na sumisirit sa pwesto nya ang maitim at berdeng dugo. Mas hinigpitan ko pa ang kapit at nag clinch dito kasabay ng pag tagpas ko sa ulo nito. Wala ng buhay ang katawan nitong nakakalat na lang sa sahig. Dali dali akong lumapit sa kinaroroonan ni Logan at tinulungan itong hubadin ang suot nya upang hindi na masyadong pasukan ng asido ang kanyang balat. Agad akong napaiwas ng tingin ng makita ang halos kahubdan nito. "Don't look you witch!" pag-angal nito. "As if I want to see that kikiam size of yours huh?" balik asar ko dito. "What?! Are you challenging me?" naiinis na tanong nito. "Nope, why would I? I'm just stating facts duh," sambit ko. "And by the way, nice brief huh? Calvin Klein," dagdag pang aasar ko pa dito. Inirapan lang ako nito at nagpatulong para makatayo. Iika ika itong kumilos kung kaya't inalalayan ko na sya. Inakay ko ito patungo sa pwestong pinag iwanan namin kila nurse Aaliyah at hindi inaasahan ang tumambad sa amin. Si Benj na madilim ang tingin habang nakatutok ang basag na salamin kay Kiel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD