35

1175 Words
Aaliyah's POV The flight went smooth, more than I expected. Logan is quite a good pilot, that's why I'm wondering why he pursue medicine instead of going to aviation school. May potential naman sya in both though. Nilibot ko ang mata sa paligid and my gaze landed on Kiel who was looking peacefully while sleeping. May bandage ito sa ulo na nagpapaalala kung gaano kalala ang kondisyon nito. His bruises na nakuha nya mula sa mga suntok at sipa ni Benj ay halos pawala na rin. 'Hay nako Benj, bakit ba nangyayari to?' napailing na lang ako sa naiisip ko. Ramdam ko ang matamang mata na nakatitig sa akin kung kaya't inilingon ko ang aking ulo at bumungad si Doc Martin na ngayon at direktang nakatingin sa akin. Nginitian lamang ako nito, isang ngiting kakaiba kasabay ng pag titig sa aming harapan, kay Meaghan bago ipinikit ang mata. Napapiksi na lang ako sa inis. 'Bakit ba ngayon pa?' Itinuon ko na lang ang atensyon sa harapan at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang may maramdamang ingay sa paligid ko. Dahan dahan kong ikinurap ang mata at nabigla ng biglang iniliko ni Logan ay chopper. Muntik na akong mahulog sa lapag, mabuti na lamang at naka seat belt kami. "What the hell is happening Logan?!" pagalit na tanong ko dito. Agad kong kinuha ang bag nang mapansing mahuhulog na ito. Pinagsama sama ko ang gamit namin upang walang mahulog na kahit ano sa mga ito. "Sorry guys, we need to avoid those fcking missiles," sagot nito habang matamang nakatingin sa bahay na ngayon ay tinamaan ng iniwasan naming missile. Nagsunod sunod ang pagsabog sa paligid kung kaya't paliko liko rin ang aming sinasakyan. Halos mahilo ako sa bilis at taas namin kung kaya't napabulwak ako ng suka. Nagising si Doc Martin sa tabi ko at tinulungan na pagaanin ang loob ko. Di ko namamalayan na nahulog na pala ang isang bag na kanina lamang ay kapit kapit ko. Napabalikwas ako ng upo ng biglang sumigaw ang katabi ko na nagpalakas ng kabog ng aking dibdib. "Ang cure! Nasa bag na yon!" Tila natigilan ang lahat. Hindi alam ang gagawin. Nakabawi lang kami ng biglang sumigaw si Logan mula sa pilot seat. "Fasten your seat belt and get ready for this!" agad nitong pinihit ang manibela at bigla kaming bumulusok pababa. Napuno ng sigaw ang chopper dahil sa lakas ng pressure ng hangin na tumatama sa aming mukha. "Kailangan nating makuha ang cure!" Sigaw ni Doc Martin habang nakaturo sa ngayon sa bag na nakasabit sa isang puno. Sa isang puno sa pinakagilid mismo ng bangin. Sa lakas ng hangin ay umugoy ugoy ito, nagbabadya na mahulog kung hindi pa namin bibilisan. "One of us need to get that now. I can't come closer anymore because the wind from our chopper may be the cause of its fall," sambit ng aming piloto na ngayon ay may inaayos sa controls. Napatingin ako kay Meaghan na katulong ni Logan pag aayos ng controls. Napatingin din ito sa akin at akmang tatayo upang magkusa ng pinigilan ko ito. "Ako na..." Napuno ng reklamo ang loob. "Ang dami nyo nang nagawa para sa amin, hayaan n'yo nang ako ang gumawa nito para sa lahat," sagot ko. Agad kong tinanggal ang seatbelt at inilipat kay Doc Martin ang mga bag na hawak ko. "You'll see a rope like ladder in the sides, go and use it to climb down and get that bag," utos nito sa akin. Agad ko namang nakita ang tinutukoy nya at inihagis ay dulo nito pababa. Ang isang dulo nito ay naipin ko upang kayanin ang bigat ko. Dahan dahan akong bumaba sa mahangin na lugar ito. Ramdam na ramdam ko ang bayolenteng hanginn sa aming paligid na lalong nagpalala ng tension ko. "Kaya mo yan Aaliyah," pag-aalo ko sa sarili. Nasa pang huling baitang na ako ngunit malayo pa ng kaunti ang bag. "Logan! Get down a little more!" sigaw ko dito. Ginawa nya naman ang iniutos ko at dahan dahan pang ibinaba ang chopper. Mas lalong nagwala ang hangin na naging dahilan kung bakit naputol ang sanga at ikinahulog ng bag. Agad ko itong dinukwang sa ere gamit ang aking paa. Mabuti na lamang ay nakuha ko ito. "I got it!" Masayang sigaw ko sa mga ito. Agad ko itong isinukbit sa aking dibdib upang hindi muling mawala nang biglang may sumabog malapit sa akin. Napapiksi ako sa gulat at muntikan ng bumitaw, mabuti na lamang at nakakapit ako ng mahigpit sa tali. Inumpisahan ko nang akyatin ang hadgan ngunit ilang hakbang pa lang ako ay biglang pinaandar na ni Logan ang chopper. "Hold on Nurse Aaliyah!" Sigaw nito sa akin. Nakita ko ang dahilan kung bakit ito tila nagmamadali. Isang helicopter din ang nasa aming harapan, handa kaming paulanan ng kanilang missile anong oras man nilang gustuhin. Meaghan's POV Agad akong tumayo mula sa control panel at dagling tinakbo ang lugar na kinalalagyan ng hagdan ni Nurse Aaliyah. Napigtal ang isa nitong pin kung kaya't napasigaw ito mula sa ilalim. Agad kong kinuha ang naputol na dulo at hinawakan. "Hold on Nurse Aaliyah!" Sigaw ko dito. Kitang kita ang takot sa mga mata nito. Halatang ngayon pa lamang nararanasan ang ganito. Agad akong naghanap ng ekstrang lubid at ikinabit sa dulo. Itinali ko ito sa isang pole dito sa gitna para mag silbing pundasyon nya. Muntik na akong mahulog dahil sa biglang pag gewang ng chopper. Mabuti na lamang ay nahila ako ni Logan sa braso. Ang isang kamay nito ay nasa manibela at ang isa ay nakahawak sa akin. Agad ko itong kinalas ng mapansing nahihirapan sya at kumapit sa pole para sa balanse. Tinanguan ko lamang ito mula sa mirror bilang pasasalamat bago ibinalik ang atensyon ko kay Nurse Aaliyah. Ang natira sa tali ay iniikot ko rin sa aking baywang bago ikabit sa pole. Kahit pagulong gulong ang aming sasakyan ay tinatagan ko ang aking binti para sa balanse. Buong lakas kong hinila pataas si Nurse Aaliyah na ngayon ay mukhang namumutla na. Iniabot nito ang kamay sa akin bago ko pwersahang hinila pataas. Dahil sa lakas ay napahiga kaming pareho. "Thank you Meag," mahinang bulong nito na tila papaiyak na. Agad akong bumangon at tinulungan syang pumuwesto sa lugar nya kanina. Nanginginig man ay nagawa pa rin nitong ikabit ang seat belt nya. Agad kong tinanggal ang nakatali sa aking bewang bago bumalik sa control panel. Nakatakas na kami sa sumusunod sa amin kung kaya't medyo nabawasan na ang bilis ng aming helicopter. Dinampot ko ang mapang nasa aking harapan at tiningnan kung saan na kami banda. Napalaki ang aking mata sa nakita. "I think we're already here," gulat kong sambit sa kanila. Tila nabuhayan ang mga ito ng loob at iginala ang paningin sa paligid. Ito na nga. Dahil sa baba namin ay ang asul na bubong ng mukhang plaza na may nakasulat na Cardona. At hindi kalayuan rito ay tanaw na tanaw namin ang islang sinasabi nila. Ang isla ng Cardona.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD