"Nagmamadali ka na naman?"
Hindi n'ya pinansin ang kaibigan na sa araw-araw kahit hindi naman talaga s'ya nagmamadali ay lagi s'yang tinatanong kung nagmamadali ba s'ya. Well, nangyari na ngang nagmadali s'ya isang beses at very unusual 'yon sa isang mahilig mag overtime na kagaya n'ya.
Tinaasan n'ya ng kilay ang kaibigan na nakaharang sa daan n'ya. "What?"
"Sino iyong ka-date mo?"
"I never had a date." Kalmado n'yang sabi para hindi s'ya mag-tunog defensive.
"Nakita ki----ahmp!"
Natatawa n'yang iwinaksi sa gilid ang kaibigan matapos paslakan ng tissue ang bibig nito saka n'ya ito tinalikuran.
"Use condom," dinig n'ya pang pahabol nito.
"Oy! Good luck Major, break a leg," gatong pa ng isa n'yang katrabaho.
"I'll break your legs then," paghahamon n'ya sa mga 'to na ngayon ay biglang naging maapong tupa.
Napapailing nalang s'ya sa kalokohan ng mga 'yon. Mabilis n'yang minaubra ang motor at sa di kalayoan ay nakita n'ya na si Jaq na papalabas palang ng gate ng campus. Kumunot ang noo n'yang natatakpan pa ng helmet ang buong mukha.
Kitang-kita n'ya kung paano kumunot ang noo ng dalaga habang seryosong nakatutok sa cellphone nito. "Is she texting someone? She look pissed!" bulong n'ya sa isip.
Hiningi n'ya ang number ng dalaga pero hindi nito binigay. Hindi na rin s'ya nagpumilit gayong ang sabi naman nito ay alam naman kung saan n'ya ito pupuntahan. But he also want to update sometimes. But anyways.
Napangiti s'ya ng makitang luminga-linga ang dalaga at napahinto ng makita s'ya. So she's probably looking for him. Naglakad ito palapit sa kanya kaya tinanggal nya ang kanina pang suot na helmet.
Nginitian nya ang dalaga at s'ya naman ay sinimangutan nito. Jaq is something, there's something in her he can't point out.
"Hey,"
"Hi!" Masiglang sabi nito. Kanina ay mukha itong inis pero ngayon ay masigla na. Girls. Bipolar. "So, saan tayo?" tanong nito ng tanggapin ang dinala n'yang extra helmet.
He's an officer, he should know the rule!
"How about early dinner?" nakangiting tanong n'ya sa dalaga.
"Dampa!" he laughed a little ng pumalakpak pa ito sa hangin. Cute.
Wait, what?
"Dampa?"
"Yes! Gosh! Sobrang favorite ko ang seafood, tara na, may dala ka bang maraming pera? Mapapagastos ka sa'kin, promise."
This girl's has no filter. He likes her like that.
Mabilis ang pagpatakbo nya ng motor pero gaya ng dati hindi parin humawak sa kanya ang dalaga. Dati tinanong n'ya ito kung saan nakahawak. Tinanong lang sya ng 'why? Do you expect me to hug you?'.
"s**t!"
Malutong na mura n'ya at mabilis na iniliko sa maliit na eskinita ang motor n'ya at mas binilisan ang takbo. Wala s'yang narinig na tanong mula sa dalaga. Mula sa side mirror kitang-kita n'ya ang di kalayuang motor na nakasunod din sa kanila.
"Damn! Hold on tight, Jaq!" sigaw n'ya hoping na sana ay narinig s'ya ng dalaga.
"We can switch." Dinig n'yang sigaw nito at halos manigas ang braso nyang nakahawak sa manibela ng makita ang legs nitong lumusot sa ilalim ng braso n'ya.
Naramdaman n'ya ang bigat sa tagiliran ng dahan-dahang lumipat sa unahan si Jaq habang mabilis parin ang takbo ng motor n'ya. He has to hold it right. Sinilip n'ya ang humahabol na motor at mas nakalapit ito.
Good thing at kabisado n'ya ang lugar at nadala n'ya ito sa di masyadong matao. Ayaw n'yang may madamay na sibilyan.
But he's with a civilian with him!
Nagulat s'ya ng biglang hampasin ni Jaq ang kamay n'ya kaya nabitawan n'ya ang paghawak sa manibela na s'yang sinalo ng dalaga. He smiled to that. This girl ain't a damsel in distress.
Wala s'yang mahawakan na baril dahil nasa ilalim ng inuuupoan nila yun. Sinubukan n'yang tawagan ang kaibigan pero busy ang linya nito. Hindi muna s'ya tatawag sa presinto, he will solve this problem and he can.
Hindi ito bago, sa t'wing may nahuhuli silang malalaking isda sa sindikato, inaasahan na nilang maghihigante sa kanya ang mga tauhan nito.
Nilingon n'ya ang likuran nila at nakasunod parin ang mga ito at this time dalawang motor na. Mas mabilis magpatakbo si Jaq kaya naman ay naiiwan nila ang dalawang motor na yun.
"Pull over!" sigaw n'ya ng biglang may humarang na sasakyan sa di kalayuan.
ANG GUSTO ko lang naman ay kumain sa dampa bakit parang makikipag laban kami ngayon?
"Wala ka bang baril?" tanong ko sa kanya.
Hindi kami gumalaw at hindi na kami lumapit ng sobra sa sasakyang nakaharang.
"Meron, nasa ilalim ng inuupoan natin."
Mabilis akong umakyat ng upo sa tanke ng motor at mukhang nakuha naman n'ya ang ibig kong sabihin, mabilis s'yang bumaba at at kinuha ang baril n'ya.
"Kaya natin silang takasan." Sabi ko sa kanya. Hindi ako nagpakita ng takot. Di naman talaga ako takot eh.
"Hindi ako pwedeng makikipaglaban. Madadamay ka! s**t! Sorry Jaq! Hindi ko alam na magkaka ganito." he said in frustration. Ramdam kong natatakot s'ya para sa'kin.
Walanghiya, hindi nga ako natatakot.
Tiningnan ko s'ya at mabilis ang pagtipa n'ya sa cellphone n'ya.
"Hindi ako natatakot, kaya natin silang takasan. Kung gusto mo, ikaw sa motor. Ma-marunong ako gumamit n'yan." mahinang sabi ko at itinuro ang hawak n'yang baril.
"What?! No! Hindi ka pwedeng humawak ng baril, you're a civilian."
"Self defense, major," sabi ko habang may ngisi.
Sinamaan ako nito ng tingin. Aba'y walang tiwala sa 'kin.
"No!" may diin n'yang sagot.
Hindi na ako nakipagtalo ng bumaba sa motor ang dalawang lalake habang ang dalawang driver naman ay nanatili lang sa mga motor nila.
"NAGKITA NA ULIT TAYO, MAJOR SAN DIEGO." nakangising sigaw ng isang lalakeng nakasakay sa motor na humahabol sa amin kanina.
"Sumakay ka na." bulong ko sa kanya.
"My team is coming, let's buy time para makalapit sila dito." aniya
Tumango ako at sinulyapan ang sasakyan sa unahan. Hindi lumapit ang mga taong nandoon. Hinihintay lang siguro nitong kami ang lumapit or pwede ring i-corner lang kami.
"Anong kailangan nyo?" Hinarap n'ya ang lalakeng malaki ang tyan.
"Nakalimutan mo na ba ang kasalanan mo sa amin, Mr. Major?" nakangising sagot naman nung isang payat.
Mga mukhang naka druga ang mag 'to.
"Kaya ko kayong hulihin dito." kalmadong sabi ni Earl na ikinangisi naman ng mga adik.
"Sigurado ka dyan major?" sabay sulyap nito sa akin.
Tang*na pagnanasahan pa ata ako ng adik na'to. Tatanggalan ko ng kaligayahan ang mga hayop na to eh. Tiningan ko si Earl at umiigting ang panga nitong nakatingin sa lalakeng nakatitig sa 'kin.
Tinaasan ko ng kilay si adik at ngumisi pa talaga.
"Stop staring at her." may diing sabi ni Earl kaya lumipat sa kanya ang tingin ng dalawang adik.
"Gilpren mo major? Sa amin nalang ---- OH!"
Parehong napasigaw ang dalawang adik ng paputukan ni Earl sa gitna ng dalawa. Naging alisto naman bigla ang dalawang nasa motor.
Sayang ang bala. Dapat itinama n'ya na yun!
"Sa susunod na magsasalita ka ng hindi ko magugustuhan, sa ulo mo na ang susunod na putok." Earl said coldly.
Nagkatinginan ang dalawang adik at napalunok. Lumingon ako sa sasakyang nasa likuran at naging alisto din ang mga tao doon. Kanina nakasandal lang ang dalawa sa sasakyan habang humihithit ng yosi ngayon ay pareho na itong nakatayo ng maayos at may mga hawak na baril. Tatlo na din sila. So apat silang lahat doon kasama ang driver.
Lahat sila tumingin sa akin ng tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ng suot kong jacket. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at si Kara yun.
"Don't answer that."
Tumango ako at pinatay ang tawag at pati ang cellphone.
"Wala pa ang mga kasama mo?" bulong ko.
"Isa lang ang hiling namin major, ilabas mo si boss at walang gulong mangyayari." hamon ng adik na may malaking tyan.
"Hindi ko s'ya dala dito sa motor ko. Nasa kulongan ang boss mo." pambabara naman ni Earl dito. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ng makitang pumanget lalo ang adik sa inis.
"Ginagalit mo ba kami major?" sabi naman ni payat.
"Tss" mahina akong natawa sa sagot ng isang to. Napatingin naman ako sa bulsa nya ng marinig ko ang tunog ng vibration.
"Sumakay ka na. They're here."
Walang tanong akong sumunod sa sinabi n'ya. That vibration is a signal.
Pinaandar ko ang motor at naging alerto ang mga adik maging ang tatlo pang adik na nasa sasakyan. Medyo malayo kami doon at saktong-sakto ang harang ng sasakyan para di kami makadaan.
"SUBUKAN N'YONG KUMILOS NG HINDI KO MAGUGUSTUHAN MAJOR SAN DIEGO, UULAN NG BALA SA KINAROROONAN NYO NG SYOTA MO!" sigaw ng adik na malaking tyan.
Gunggong! Di ko syota to!
Hindi sila pinansin ni Earl at walang pasabi naman itong sumakay sa motor. Mabilis ko itong minaobra ng magsimulang magpaputok si Earl. Napansin kong dalawa ang hawak n'yang baril, at hindi ko na itatanong saan nanggaling yung isa.
Inikot-ikot ko ang motor sa pwesto namin ng mabilis. Si Earl naman ay naka dipa at patuloy sa pagpaputok para umatras sila pero nakikipag palitan sila ng putok. Walang tinamaan si Earl.
Tumakbo sa madamong gilid ng daan ang dalawang adik kaya naman ay bakante na ang daan. Ang mga nasa sasakyan naman ay nanggaling sa likod ang mga bala nila, nagtatago.
"Lumabas na tayo!" sigaw ni Earl kaya naman ay mabilis kong pinatakbo ang motor sa kaninang pwesto ng dalawang motor ng mga adik.
Napayuko ako ng may magpaputok sa amin. Ibinalik ni Earl ang putok doon, at napangisi ako ng marinig ako ng ungol. Sa wakas may tinamaan din!
Wala pang isang minuto ay nakarinig na ako ng serine ng pulis. Mula sa likuran at sasalubong sa amin. Cornered kayo mga adik!
"Wow! Grabe, ang boring!" Natatawang reklamo ko. Akala ko kasi mapapalaban kami ng husto.
Parang gumawa lang kami ng stunt kanina eh sa gitna pa ng mga adik. Hayop.
"Nag enjoy ka doon? Samantalang ako, kinabahan para sa kalagayan mo?!" Naiinis n'yang sabi. Ang sweet naman major.
"Major San Diego" tawag ng isang pulis.
Nagulat naman ako ng biglang hatakin ni Earl ang nakasabit na helmet sa kanang manibela at pinaslak sa ulo ko.
"Ano ba!" singhal ko sa kanya.
"Wag mong tatanggalin yan." 'yon lang ang sinabi n'ya at iniwan ako sa motor para lapitan ang isang pulis.
Inikot nya pa ang ulo nito ng akmang sumilip sa pwesto ko. Napasimangot naman ako. Tiningnan ko nalang ang mga adik. Natawa ako ng magpumiglas ang pitong naka posas habang inalalayan naman ang isang may tama.
Weak.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang 5 texts ni Kara.
Kara:
Hoy! Nasaan ka? Bakit hindi ka sumasagot? Ininvite tayo ni Adam sa open party sa bahay ng kaibigan nila. Tara!
Kara:
Wala ka naman sa coffee shop! Nasaan ka ba? Lagi ka nalang nawawala!
Kara:
Jaq! Ano ba! Nag-aalala ako sayo oy!
Kara:
Hoy Jaq!
Kara:
Nandito ako sa bahay mo. Hintayin kita. Nag-aalala ako sayo ah. Mag text ka naman!
Napangiti ako sa mga text nya. Nag reply nalang ako dahil kawawa naman ang babaeng 'yon.
Ako:
Sorry, may ginagawa kasi ako kanina. Gusto mo pumunta sa party? Di ako makakasama. Sorry Kara may importanteng ginagawa kasi ako. Sorry talaga.
Sent.
Napaigtad ako ng wala pang one minute ay tumatawag na ang bruha. Mabilis kong kinabit ang earphone ko at hunabad saglit ang helmet pata mailagay ko sa tenga ang earpiece.
"Hi Kara" masiglang bungad ko pagkasagot ko ng call.
("Nasaan ka ba?! Kanina pa ako tumatawag sa'yo. My god, Jaq! Mamamatay ako sa pag-aalala sayo, ah.")
Napahagikhik ako ng kaunti. Sweet naman pala.
"May ginawa nga ako."
("Teka, bakit may naririnig akong siren ng police? Nasaan ka nga? Pupuntahan kita!")
Ay putcha! Napaka ingay naman ng mga police na to.
"Wag na! Kaya ko na to. Pumunta ka na sa party. Di ako makakasama."
("Are you sure? Sigurado kang di mo kailangan ng tulong dyan?")
"Oo nga."
("Nandito ako sa bahay mo dahil nag-aalala ako pero nandito lang sa terrace dahil wala naman akong susi. Anyway, aalis na ako dito. Mag-ingat ka dyan. Text me kung need mo ng help.")
"Yes, thank you so much and sorry di ako makakasama. Enjoy."
Wala man lang bye at talagang walang pasabi akong binabaan. Walang hiya. Binalik mo ang tingin sa pwesto ni Earl at tinapik n'ya ang balikat ng gwapong police. Wait, 'yan 'yong gwapong police na kasama n'ya noon!
Di man lang pinakilala sa 'kin!
Humaba ang nguso ko ng makitang naglakad na s'ya pabalik sa pwesto ko.
"Sorry about that. May diniscuss lang ako sa kanila." aniya ng makalapit.
"Sino 'yong kasama mo?" walang pake kong response sa sinabi nya.
"Who?"
"Iyong gwapong police."
"Gwapo?"
"Oo nga. Ayun oh" turo ko ay gwapong police.
"Wala s'yang pangalan. Tara na iuwi na kita."
Napanganga ako sa sinabi n'ya.
"Ano? Kakain pa tayo sa dampa!"
S'ya namang napatanga sa sinabi ko. Aba! Pagkatapos namin mag karoon ng mini action di nya ako papakainin. Mag aalas 8 na 'no, gutom na ang mga talaga ko.
"Seriously? Hindi ka ba napagod?"
"Duuuh" irap ko.
Lumapad naman ang ngiti nito, "dampa then."