Kanina ko pa napapansin na nangingiti s'yang nagmamasid sa'kin habang kumakain. Napaka! Di ko lang s'ya pinansin at nagkunwaring di ko talaga s'ya napapansin at kumain nalang ako ng kumain.
Libre to 'no! At aminin na natin na lahat tayo may gan'tong pakiramdam. Kapag tayo ang bibili ng pagkain natin nakakaumay agad pero kapag libre, syeeet! Sobrang sarap! Kinukulang pa!
Marami na akong nakain pero di ako mabusog-busog. Sobrang nagutom ako sa nangyari. Grabe!
"Kaya mo pa bang ubusin 'yan?" namamahanga n'yang tanong habang nakatingin sa mga bago kong nilagay na crabs, shrimp at iba pang seafood na lulutoin. Sobrang fresh! Napakasarap!
"Oo. Nagutom ako sa nangyari."
"I won't let that happen again." tumigil sa ere ang kamay kong susubo sana ng binalatang hipon dahil sa biglang pag seryoso ng boses n'ya.
"Alin? Yung nangyari kanina? Why? Di ka na ba magpapakita sa'kin?"
"What?"
"'Yon lang ang paraan para di na 'ko madamay sakaling habulin ka ulit ng mga adik," reason ko habang pinupuno ang bibig ko ng pagkain.
"Don't talk if your mouth is full." sinamaan ko s'ya ng tingin. "I don't want you get hurt."
"So hindi ka na nga magpapakita sa'kin?"
Hindi s'ya sumagot instead ay tumitig lang s'ya sakin na tila ba tinatansya kung ano ang sasabihin. "I can't do that."
"Labo mo!"
"Can I have your number?"
"Magiging text mates tayo tapos liligawan mo ko pagkatapos iiwan mo 'ko dahil nambabae ka----"
"That's exaggerated Jaq! Why the hell would I do that?!" pag putol nito sa sinasabi ko. Walang galang!
"Ang hot mo ah, advance lang naman ako mag-isip. Mas maganda na 'yong advance no – hoy! Inuubos mo na mga nabalatang hipon at crabs ko!" sabay hampas ko sa kamay n'yang late ko na napansing pinupulot ang pagkain sa platter ko. "Maghimay ka ng sa 'yo!"
"Ako naman ang magbabayad n'yan," He argued.
"Kahit na! Mag effort ka magbalat ng hipon at maghimay ng crabs para makakain ka! Kailangan kong kumain ng maayos kaya 'wag mo 'kong ginagambala!" dire-diretso kong sabi at s'ya namang namamanghang nakatingin sa 'kin. "Stop staring, baka mainlove ka sa 'kin n'yan," biro ko, nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa malayo.
Yeah right!
"Earl?"
Tumaas ang kilay ko ng makarinig ako ng malanding tunog mula sa likuran ko. Tumigil ako sa pagnguya at nag-angat ng tingin. Diretso namang nakatingin sa akin si Earl habang naglakad papalapit sa kanya ang babaeng kinulang sa tela ang suot.
Maghubad ka nalang kaya teh, nahiya ka pa eh.
"Annie" awkward namang nakangiti si Earl sa higad.
"Oh my God, I miss you!" ang bilis ah, nakalapat na agad ang balat n'ya sa katawan ni Earl. Uminom ako ng tubig para malunok ang pagkaing nasa bibig ko, bigla ko atang nakalimutan paano ngumuya ng umupo ito bigla sa lap ng kasama ko.
Ikalma mo 'yang pekpek mo inday, mag viral ka n'yan. Well, mukha naman s'yang walang hiya.
Tumikhim si Earl at dahan-dahang tumayo kaya napatayo din si higad. Umikot si Earl sa table at tumabi sa 'kin kaya naman ngayon ay napansin na ako ni higad. Tinaasan ko s'ya ng kilay ng naningkit ang mga mata nito sa'kin.
Bitch please!
"Oh, you have company," plastic na sabi nito at pinipilit ang hilaw n'yang ngiti habang nakatingin kay Earl at pasimpleng sinasamaan ako ng tingin.
"Yeah, this is Jaq," hinawakan ni Earl ang dalawang balikat ko mula sa likod at sinundan naman ni higad ang kamay n'ya.
"Hi Jaq, my name is Annie, Earl's friend." pakilala n'ya.
Halatang maraming pera pero halata ring walang modo at eskandalosa. Di na to virgin, I can bet!
"With benefits?" bulong ko pero tamang narinig nalang dalawa.
"What?" kunot noong tanong ni higad.
"Mukha kasing gusto mong ipakamot ang kati mo kay Earl kung makalampong ka sa kanya kaibigan ka lang naman pala." straight forward kong sabi. Aba'y pake ko sa kanya. Mas maganda ng sinasampal ng katotohanan para wag na dumami ang kampon.
"What the hell?!" asik nito sa 'kin. Narinig ko pa ang mahinang hagikhik ni Earl na nasa gilid ko. "How dare you!" umambang itong sampalin ako pero tumayo ako at humarap sa kanya.
Tang*na bahag naman buntot nito.
"Ilapat mo sa pisngi ko, promise di ka masasaktan, manipis lang mukha ko." asar ko kaya lalo syang nagalit at namumula na.
Tumingin s'ya kay Earl na parang nanghihingi ng tulong. "Earl, kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan na walang breeding?!" frustrated na tanong n'ya.
Earl just let out a little laugh. "I don't have that kind of friend, di naman kita kaibigan eh."
"Burn," asar ko.
"What?" nagulat ata s'ya sa sinabi ng babaerong 'to.
"Just kidding, Annie. Come on, I'll just see you around?"
Iyong kaninang nagagalit na hitsura ni higad ay biglang naging malandi na naman. Nakakasuka! Nagpatuloy na ako sa pagkain at 'di na sila pinansin pero naririnig ko parin ang pinag-uusapan nila.
"I'm sorry for the litte commotion Earl but seriously, where did that girl came from? I knew your friends and I just met that girl."
"Annie, just leave this to me. Marami ka pang hindi kilala sa mga taong nakapaligid sa'kin, okay? You take care."
Bumuntong hininga si Earl at narinig ko ang tunog ng takong na papalayo sa pwesto namin.
"Pogi problems?" nakangising tanong ko.
"What?"
Whatever!
"Maganda 'yong girlfriend mo ah pero mukhang malandi," napa cringe pa ako sa sinabi ko.
"She's not my girlfriend," sagot naman n'ya kaagad. Friend nga lang daw kasi but with benefits. "And how could you say .... she's like uhm-----"
"Malandi?" I cut him off. "Duuh, halata naman eh, kulang na nga lang kanina isubo n'ya sayo s**o n'ya eh." inirapan ko s'ya pero humalakhak naman ng tawa ang gago.
"You're so straight forward, wala ka pa bang nakakaaway dahil d'yan?" amused na tanong n'ya.
"It turns my haters to be my fans," mayabang kong sabi.
Totoo. Alam ko naman kung saan ko pwedeng gamitin ang ugali kong ganito. Alam ko kung kaylan ako pwedeng maging mataray. Kaya 'yong mga tao sa tinitirhan ko ay mahal ako dahil hindi ako nag su-sugar coat ng sinasabi. Kung ano ang dapat nilang marinig 'yon ang sasabihin ko.
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may bumusina sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang may-ari ng kotseng 'yon!
Kakababa ko lang ng motor ni Earl at 'di ko pa natatanggal ang suot kong helmet.
"What the f**k?!" dinig kong sabi ni Earl
"Tang*na"
Akmang bababa si Earl at tanggalin ang suot na helmet pero pinigilan ko s'ya. Itinaas nito ang cover para makita ko s'ya. Naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa akin at nagtataka kung bakit di ko s'ya hinayaang tanggalin ang suot n'yang helmet.
Nandito pa rin kami sa may 7eleven. Hanggang dito lang ako nagpapahatid. Nanlilisik na ang mga mata n'yang nakatingin sa sasakyan na isang metro lang ang layo sa amin ng bigla na naman itong bumusena ng maraming beses.
Hayop ka KARA!
"What the hell is the problem of that ----"
"That's my bestfriend."
Parang di makapaniwala s'yang tumingin sa 'kin. Ano? Mukha ba akong walang bestfriend? Itong police na to!
"Your bestfriend?" di nga makapaniwala.
Inirapan ko s'ya at nanlaki ang mga mata ko ng lumabas si Kara ng sasakyan n'ya kaya nakita ni Earl na babae ang driver. Mabilis ko s'yang tinulak paalis at ayaw n'ya pa sana pero napilit ko din.
Una ay mabagal ang pagtakbo ng motor at panay ang lingon n'ya sa'kin at ako naman panay ang gesture sa kamay na umalis na s'ya.
"Sino 'yon?" nakataas ang kilay ng kaibigan ko. Mukha s'yang nakainom. Oh! Galing nga pala to sa party.
"Alin?" patay malisya ko kahit na nakita n'ya naman talagang may kasama ako.
"Tara, sa bahay mo tayo mag-usap anong oras na!" parang nanay na sabi nito. Hinila pa ako sa braso at pinagbuksan ng pinto sabay tinulak sa loob.
"Hoy! Masakit 'yon ah!"
I-tetext ko nalang si..... oh s**t! Wala nga pala akong number n'on at di ko rin binigay ang number ko. Arte pa Jaq. Advance ka mag-isip ah.
Di naman siguro sobrang layo dito ang bahay n'ya at sa oras na to wala ng traffic pwede nang mabilis ang takbo nun. Sana lang ay wala ng haharang oh hahabol sa kanya ngayon.
Infairness din naman sa major na 'yon. Kalmado lang kahit nakikipag barilan.
"Oh, san ka pupunta?"
Kaagad na lumabas sa bibig ng kaibigan ko ng makapasok kami sa bahay ko at naglalakad ako diretso sa cr. Naiihi na ako!
"Cr, sama ka?" asar ko kaya naman ay nakatanggap ako ng nakamamatay na tingin. Tinawanan ko sya kaya mabilis na umangat sa ere ang gitnang daliri nito.
"Pakyu!"
Dumungaw ako sa pinto ng cr at malaki ang ngiti. "Sorry friend, I don't f**k same s*x," sabi ko bago sinara ang pinto.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko s'yang nakasandal sa cabinet na nagsisilbing divider ng sala at kusina ko.
"Maghihilamos ako, inaantok ako," napangisi ako sa sinabi n'ya.
"Matulog ka na." Nakangiti kong sabi.
"Ulol! Kaya ako maghihilamos para mawala antok ko, marami tayong pag-uusapan!" she said bago binagsak ang pinto ng cr ko.
"Wag kang magwala!" sigaw ko mula sa labas at dinig n'ya ako pero wala s'yang sagot.
Edi mag-usap! As if nakita n'ya ang mukha ni Earl, eh hindi naman. So kahit makasalubong n'ya ang major na 'yon, hindi n'ya parin malalaman na 'yon ang kasama ko.
Nakauwi naman na siguro 'yon no? Haaay! Bakit ba kasi ako nagpabebe ay ayaw kong ibigay ang number ko. Pero tama lang naman ang ginawa ko. Di naman talaga ako namimigay ng number pero bakit ngayon parang sinasabi ko na sana binigay ko nalang.
Hanep! Ginugulo ko sarili ko!
Lumabas si Kara ng banyo at dumiretso sa ref. Kumuha s'ya ng dalawang bote ng San mig light na tinambak n'ya dito. Binuksan n'ya muna bago nilapag sa harap ko ang isang bote.
"Di ka pa lasing?"
"Mukha ba akong lasing? Jaq Eldefonso?" holy cow! "Mag kwento ka! Sino 'yong kasama mo?"
"Kaibigan ko", mabilis kong sagot.
"Ako lang ang kaibigan mo," pambawi nito.
"Bagong kaibigan," hirit ko baka makalusot!
"Ulol! Sinong pinaniniwala mo?"
"Ikaw,"
"Gaga! Umayos ka ah! Ang sabi mo kanina may inaasikaso kang importante kaya hindi ka makakasama sa party. Ano? Lalake inaasikaso mo?" akusa nito sa'kin.
"Mahabang kwento,"
Tumaas ang kilay ko ng tumayo s'ya at pumunta ulit sa ref at kumuha ng panibagong dalawang bote
"Ayan! Mahaba-habang kwentuhan to."
Natawa ako dahil naalala ko ang commercial ni Catriona at Kylie sa San mig. Syeet! Nakaka tomboy si Kylie doon. Pero straight ako, nagagandahan lang talaga ako sa kanya. Ang liit ng mukha para nga s'yang barbie eh.
"Aray!" napahimas ako sa noo ko ng bigla n'ya itong pitikin.
"Kwentooo!"
Bumuntong hininga ako para bumwelo, "kaibigan ko nga 'yon, si Earl," sinabi ko pa talaga ang totoong pangalan.
"Apelyido?"
"Di ko natanong," halos maibuga ko ang iniinom ko sa pagpipigil ng tawa ng bigla syang mag face palm.
"Sumasama ka sa lalakeng di mo alam ang apelyido? Saan mo ba nakilala 'yon?"
"Sa coffee shop"
"Saang coffee shop?"
"Malapit sa school."
"Studyante?"
"Hindi"
"Ano?"
"Snatcher"
"WHAT?!"
Humagalpak ako ng tawa ng s'ya ang nagbuga ng iniinom at sobrang epic ng mukha n'ya.
"May ipapanget ka pala" natatawa ko pang sabi. Kainis! Sumasakit na t'yan ko kakatawa!
"Napaka walang kwenta mo kausap!"
Napatigil ako sa pagtawa ng may ma realize ako.
"Bakit ka nga pala napapunta dito? Di ba umattend ka ng party?"
Umiba ang expression nang mukha n'ya at niyarok ang isang bote.
"Umalis ako"
"Bakit naman?"
"Mukha namang 'di interesado si Adam sa 'kin. Ininvite lang ata ako dahil narinig kong mag paparty sila."
"Sabi ko naman sa'yo eh. Balasubas sa buhay ang Castillo na 'yon." Halata naman kasi sa mukha. Akala n'ya siguro lahat ng gusto n'ya makukuha n'ya.
"Feeling ko may gusto s'yang iba." Ay di malabo 'yon. Halos araw-araw naman iba-ibang babae ang proud na naikama sila ni Adam Castillo. Ang tagal nalang magka aids nang pakboy na 'yon!
"Dinala n'ya din sa party?"
Umiling sya, "Tinatanong n'ya sa 'kin."
"Sa 'yo? Kaklase natin? Sino?" bigla akong naging interesado. Tingnan natin ang taste mo Castillo, ayaw mo kay Kara ah.
"Ikaw"