Chapter 3

2058 Words
"Satisfied" Ngiting tagumpay ang namayani sa mukha nang babae kahit natatakpan ng telang itim. Sa harapan nito ay nakahandusay ang isang katawang walang kahirap-hirap nitong tinanggalan ng buhay. This one cost a million tho. Malapad ang ngiting kinuha ang itim na bulaklak na may kumikislap na bato sa tuktok at nagmistulang palamuti nito. "Hindi ko alam kung ano ang kasalanan mo sa mga taong 'yon at pinapatay ka, pero ang bobo mo para maging kampanteng hahayaan ka ng mga kaaway mo na mabuhay ng matiwasay, tsk. tsk." Ng maipatong ang bulaklak sa tyan ng bangkay ay sakto namang dinig nito ng serine ng police. Sumilip ito sa salaming bintana ng kinaroroonan at kitang-kita nito ang paghihiwalay ng mga naka unipormeng mga police at kanya-kanyang posisyon at nakahanda ang mga sarili. Pero isang bulto ang mas nakaagaw ng pansin nya, major. Nakangisi itong umalis sa lugar na yun, of course, she knew these bunch of motherfucker policemen are coming, ito ang nag tip sa mga to eh, mga bobo! Ng makababa ng walang kahirap-hirap mula sa 16th floor ay umakyat sya sa malaking puno na di kalayuan sa ginawan nya ng krimen at minaobra ang telescope na dala-dala nya. Kitang-kita nito ang pagpulot ng isang police sa itim na bulaklak na iniwan nito at inabot ito sa kilala nyang si Major. Lumapad ang ngisi ng babae ito lang ang nakapansin sa maliit na batong nasa taas ng bulaklak. That scene is enough. Hindi mabilang ng babae kung ilang police na ang humawak sa kaso para lang mahuli sya pero lahat yun pumalpak, at wala pang nakapansin sa maliit na batong nilalagay nya sa bulaklak, itong Major palang na ito. Pero aminado syang this time will not be easy like before. Itong bagong opisyal na humahawak ng kaso para mahuli sya ay hindi basta-basta. Nakita na nya ito ng personal, nakalaban at alam nyang may ibubuga ang isang 'to. Pero hindi sya magkakaroon 100M na patong sa ulo kung madali lang syang hulihin. "See you again soon, Major" Wala pang limang minuto ay nakalayo na ang babae sa lugar na yun gamit ang big bike ng di namamalayan ng mga taong pumalit sa kanya sa doon. NANINGKIT ang mga mata ni Earl ng makita ang pagkislap ng maliit na batong nakapatong sa talulot ng itim na rosas. Last time walang ganito pero ngayon mayroon na. Alam at naiintindihan n'ya ang bagay na ito. Inilagay nya ang bulaklak sa isang ziplock at itinago. Inilibot n'ya ang paningin sa paligid pero wala ng iba pang bakas ng krimen. Malinis, malinis ang ginawa. Pinatay lang ang biktima at iniwan ang bulaklak. Walang ibang tao pero nakatanggap sila ng impormasyon na may patayang nagaganap kaya sila napasugod. Ang tanong ngayon sa isip nya, sino ang nagbigay sa kanila ng impormasyong 'yon. Hindi malabong ang gumawa ng krimen na 'to. "Major, cleared na." "Mauna na kayo, alam nyo na ang gagawin." aniya. "Lopez" pagtawag nya sa kasama. "Major" "Come with me." Nakasunod sa motor nya ang motor ng kaibigan. Tinatahak ang kahabaan ng highway sa gitna ng malamig na gabi. Bumabagabag sa isip nya ang dalawang magkasunod na krimeng nangyari. Parehong may iniwang itim na rose pero may posibilidad din na dalawang tao ang gumawa ng krimeng 'yon. Nililito nito ang otoridad at sinisuguro nyang sa susunod nalang pagtatagpo, mahuhuli nya ang salarin. Tinanggal nya ang suot na helmet at ipinatong sa motor ganoon din ang ginawa ng kasama. Binuksan nya ang pinto ng isang concrete na bahay na may mga makina. It's a lab. "Bro, what are we doing here? Bakit tayo nandito?" agad na tanong ng kaibigan. "I'll show you something." Kinuha nya ang isang transparent na lagayan at mula sa labas kitang-kita ang laman nitong itim na rosas. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan at itinuro ang hawak nya. "Why the hell do you have that?! That's the evidence! Bakit mo dinala dito yan? Bakit mo hindi 'yan binigay sa NBI?" Inabot nya dito ang hawak at kinuha ng kaibigan ang bulaklak na yun. Preserved. Hindi yun nalanta. Namangha pa ang huli. Inilabas nya naman ang pinulot nya kanina sa crime scene. Itinabi nya ito sa lumang bulaklak. Inilabas nya din ang cellphone at binuksan ang gallery kung saan naka save ang mga kinuha nyang litrato na katulad ng mga ito. "What have you notice?" Kumunot ang noo ng kaibigan at tinitigan ang dalawang bulaklak pati ang cellphone nya. "Where's the Jade of this flower?" takang tanong ng kaibigan. "None." "None?" ibinalik nito ang tingin sa bulaklak at tiningnan pa ng mas maiigi. "It's not Jade if it doesn't have Jade." MATUTULIS ang tingin ni Kara sa kanya kaya sya napapangiti. Nag-eexam sila at alam nyang walang maisagot ang kaibigan. Natatawa sya dahil ganun din sya. Hindi nya rin alam ang sagot sa mga tanong. Alas 4 ng umaga na sila nakatulog na dalawa at dalawang oras lang ang tulog nila. Mabuti nalang ay magaling ang kaibigan nya mag make up at nagawan ng paraan kahit papa'no at natakpan ang eye bags nila. Her mouth formed an "o" ng biglang tumunog ang bell, meaning tapos na ang klase nila at wala man lang s'yang sagot kahit isa. Ngiwing ipinasa nya ang test paper. "Ano? May naisagot ka?" nakangusong tanong ng kaibigan. "Pangalan ko lang naisulat ko doon" sya namang natawa. Nag apir pa silang dalawa dahil pareho silang walang naisagot. "Bakit kasi wala talaga akong nung tinatawag na stock knowledge. Kainis!" "Kara Bautista, wag kang maghimutok dyan." "Eeeh, kasi---" "Wag kang magpabebe andyan crush mo baka ma turn off sayo." Nanlaki ang mata ng kaibigan at biglang lumingon. Papalapit sa kinaruroonan nila ang grupo ni Adam Castillo. Hindi n'ya rin naman itatanggi na talagang head turner ang binata. Kung hindi lang sya aware sa reputasyon nito sa mga babae ay baka isa rin sya sa may crush dito. Kaso, iniisip nya palang ang pangalang Adam Castillo nananayo na ang balahibo nya. "Oh my Ghaaad!" "Ang oa mo ang landi pa....aray!" Parang wala lang naman sa kaibigan nya ang pag-aray nya sa hampas nito kaya naman ay may naisip s'ya. Total naman ay crush ng kaibigan nya ang binata, ilakad nya ang kaibigan dito, kahit pa di naman sila nito kilala. "Manahimik ka malapit na sila." pabulong na sabi ni Kara pero may diin. Itinaas n'ya ang kamay para makuha ang atensyon ng binatang Castillo. Sakto naman ang pagtama ng paningin nito sa kanila. Kumunot ang noo ng binata kaya binigyan n'ya ito ng matamis na ngiti. "Adam Castillo" tawag nya dito dahilan para lingonin sya ng kaibigan na nanlalaki ang mga mata. "Ho...Hoy! Anong ginagawa mo? JAQ!" napahalakhak s'ya ng biglang mataranta si Kara at pilit binababa ang nakataas n'yang kamay. Naglakad papalapit sa kanila si Adam at akmang aalis ang kaibigan n'ya pero pinigilan n'ya ito. Kalandi duwag naman! Napangiwi sya ng lumapad ang ngiti ni Adam na nakatingin sa kanya. "Hi" pagbati nya. "Hi beautiful." Eeew! "Hi, Mr. Castillo." Pinipilit nyang ngumiti habang pasimple nyang hinihila palapit ang lumalayo nyang kaibigan. "I thought, I've already known the beautiful ladies in this school. I'm wrong! I just met the most beautiful girl just now." "Napaka presko!" She mumbled. Pwersahan nyang nilagay ang kaibigan sa harapan nya kaya ito na ngayon ang nakikita ni Adam. "Jaq!" reklamo ni Kara kaya tinaasan n'ya lang ito ng kilay. Mukha namang nagtaka si Adam sa inasal nya. "This is my friend, Kara Bautista." Pakilala nya. Di n'ya kayang tagalan ang ugaling kapreskohan ng lalake "Oh, hi...Kara." awkward na sabi ni Adam kaya sya naman ngayon ang nagtaas ng kilay. "Hi, Kara Bautista, Jaq's friend." nawala na ang hiya ng kaibigan nya dahil lumapad na ang ngiti nito. "Adam Castillo" pakilala naman ng lalaki sa sarili. "Yeah. I know you...well, I guess everybody knows about you." natatawang sabi ng kaibigan. Hindi na s'ya kailangan dito eh kaya umalis na sya at hindi na nga s'ya napansin ni Kara. That b***h! Naisipan n'yang pumasok sa isang coffee shop na malapit lang din sa school nila. Napapangiti sya ng mapait ng may isang pamilyang pumasok. Family. Hindi n'ya na maalala kung kelan sya nagkaroon ng pamilya. Never in her entire life na naramdaman nyang may pamilya sya. But who cares? Wala na rin naman syang pakialam. Mas pipiliin parin naman n'yang mag-isa kesa magkaroon ng pamilyang syang papatay sayo. "Do you mind if I sit here?" Naputol ang iniisip nya ng may biglang nagsalita sa harapan nya. Nanlaki ang mga mata n'ya ng mamukhaan ang kaharap. Luminga s'ya sa paligid para tingnan kung bakit ito nakikiupo sa lamesa nya. Napabuntong hininga s'ya ng mapansing wala na ngang vacant. "Yeah, sure. No problem." Iginilid n'ya ang isang saucer para mailagay ng lalake ang order nito. "Thanks. You look familiar." ani ng lalake. Tinaasan n'ya ito ng kilay at kitang-kita nya ang pag smirk nito. "You look familiar too." "Really? Are you a fan?" "What?" "My fan." "Aba'y isang Adam Castillo din pala ang isang 'to!" isip-isip n'ya. "No, mister. I'm not. But you're fan! Mahangin!" Aniya. Naningkit ang mga mata n'ya at kalaunan ay naging matulis ang tingin n'ya sa lalake ng humalakhak ito. Gago! Tumikhim ito ng mapansing di s'ya natatawa. "S-sorry, I was just carried away. I'm just kidding. By the way, Earl San Diego is the name." pakilala nito. Earl San Diego. "Jaq Eldefonso is the name, major." Napangisi din sya ng lumapad ang ngiti ng lalake. Akala n'ya noong una ay seryoso ang isang 'to. Baliw din pala. "Naalala mo ko?" nakangisi nitong sabi. "Mas nauna ako sayong makahuli sa snatcher noon, kaya paano kita makakalimutan?" "Nauna kalang humabol kaya ikaw ang nakahuli." "Are you not busy? Mr. Major?" "Don't you have class, Ms. Student?" Iniinis s'ya ng lalakeng 'to! Bakit ba n'ya kinakausap ang isang 'to. "You see, class is over." "Hmm" "I'll go now." "Stay a moment, please." Napahinto s'ya sa sinabi nito. Feeling close? At may pag please pa. "I'm going home na." "Ihahatid na kita" What? "What?" "Friends?" Nagsasaya ang isip nya ng makita ang nakalahad nitong kamay. Don't blame me when time comes. Major. Tinanggap nya ang kamay nito at ngumit. "Friends" "Do you ride a motorcycle?" "I drive a motorcycle, do you have one?" Naging comfortable s'yang kausap ang lalake, hindi sya naawkward. At paninindigan n'ya ang pagkakaibigang binibigay nito. Mabilis n'yang sinalo ang bagay na hinagis ng lalake at napagtantong susi yun ng motor. "Drive, I'll be back riding." Ngumisi sya at lumabas ng shop, sumunod naman ang binata sa kanya. Napanganga s'ya ng makita ang nag-iisang bigbike sa parking space ng shop. This probably is! "Is that yours?" gulat nyang nilingon ang lalake,  nakatayo ito sa likuran nya at naka cross arms. Tamang-tama ang hubog ng katawan nito at halatang alagang-alaga. Ang namumura nitong jawline at napansin nya ang pag-igting nito. Wala kang maipipintas sa mukha nito. Gwapo pa to sa mga artista eh. "Are you just going to stare me?" Nagmamayabang ang tono nito. Di nya pinansin ang sinabi ng lalake at sumakay sa big bike. Sheeet! Ang sarap! Pinaandar nya yun at napansing di pa umaangkas ang binata. "Iiwan na kita?" Kitang-kita nyang napalunok nito at humingang malalim bago naglakad palapit sa kanya. Tumikhim ito bago sumakay. Wala s'yang naramdamang paghawak kaya inaasahan nyang magaling sumakay ng big bike ang isang 'to. He's a major after all. "Gan'to ka ba talaga ka bilis magpatakbo?" Dinig nyang sigaw ng taong nasa likuran nya. S'ya na din ang nagsuot ng helmet. Infairness din naman ang bango ng helmet ah. "Hold on tight Mr. Major." Sigaw n'ya pabalik at halos manigas sya ng biglang may matitigas na brasong pumulupot sa bewang nya. Hindi n'ya inasahang marinig s'ya nito dahil sa suot n'yang helmet at mabilis na takbo. Wala na s'yang narinig na salita mula sa binata hanggang sa ihinto n'ya ang motor sa tapat ng 7eleven. "Are you gonna buy something?" "Nope, dito nalang ako, walking distance nalang mula dito ang tinitirhan ko." Hindi s'ya didiretso sa bahay n'ya ng may kasamang lalake no. Hindi n'ya ipapaalam sa taong kakakilala nya lang ngayong araw kung saan sya nakatira. "See you again tomorrow?" Mabilis na umikot ang ulo n'ya para tumingin sa lalake. "Ano?" "Road trip? After your class." Mahina syang natawa. "Coffee shop" Malaking ngiti naman ang sumilay sa lalake bago sinuot ang helmet at s'ya naman ay tumalikod na para maglakad pauwi. Narinig nya ang pag-andar ng motor pero hindi n'ya na ito nilingon. Sabi nga nila. Keep your friends close and Whatever!!! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD