Chapter 6

2146 Words
Napanganga ako sa sinabi n'ya. Ako? As in ako? "Bakit ako?" tangang tanong ko. "Bakit hindi ikaw? You're pretty Jaq," mahinang sabi n'ya at sumandal sa inuupoan n'ya. Hayop na Adam 'yon! Halata namang may gusto sa kanya si Kara magtatanong talaga s'ya ng ibang babae dito? Napaka inconsiderate naman ng babaerong 'yon. Well, I should've expected that. "Sorry." She laughed a little at winagayway ang boteng hawak n'ya, "why are you sorry? Hindi mo kasalanan na ikaw ang type n'ya at hindi ako." I sighed, "di n'ya naman siguro diniretsong sabihin na ako ang gusto n'ya di ba?" "Oo hindi, pero pinaparamdam n'ya." "Malabo pa sa ilog pasig ang chance na magkaka gusto ako sa babaerong 'yon," normal na sabi ko dahil malabo talaga. Ang tipo ni Adam Castillo ay hindi dapat sine-seryoso. S'ya 'yong tipong gusto lang ang mukha mo pero hindi ang buong ikaw. Hindi n'ya deserve si Kara. Sana pala hindi nalang ako gumawa ng eksenang ganoon, baka kahit pinapantasyahan s'ya ng kaibigan ko mula sa malayo, di naman s'ya nasasaktan. Hindi tulad ngayon na oo, yes, nagkaroon s'ya ng pagkakataon na makalapit at makilala si Adam na crush n'ya na noon pa pero nasasaktan naman s'ya. "I know he's not your type." "Hindi talaga! Gosh! Kinikilabutan ako sa sinabi mong gusto n'ya ako. Baka may aids na 'yon 'no!" Pareho kaming natawa sa sinabi ko. "He would probably make a move." "I'll surely reject him. Not because you like him but because I don't like him. Simple as that." "Sinong type mo? Si Earl?" nanlaki ang nga mata ko at napatingin sa kanya. S'ya namang nakangising asong nakatingin sa 'kin. Paano napasok sa usapan ang Major na 'yon? At 'yon type ko? No! "Ano ba Kara! Wag ka na ngang magsalita ng mga di kaaya-aya!" Natawa ito at tinaasan ako ng kilay. "Makikita ko din ang mukha ng mysterious man mo." "He's not mysterious." "Sure" pang-asar n'yang sabi sabay tumayo at pumasok sa kwarto. Iniling ko ang sarili dahil parang nananatili sa ulo ko at naririnig ko pa ang boses n'ya at sinasabi n'ya kanina. Hindi ko type ang major na 'yon! Tss. Nagligpit na muna ako ng mga boteng pinag-inuman. Pagkatapos ay humarap ako sa laptop ko. Napangisi ako ng may interesting akong nakita. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong tulog na si Kara sa kanang bahagi ng kama ko. Iisa lang ang kwarto ko dito kaya tabi kami tuwing nakikitulog s'ya dito sa akin. I don't mind, pareho naman kaming 'di malikot kaya ayos lang. Humiga na ako at bigla ko nalang naramdaman ang pagod sa katawan. That was a long day. "Astig! Ngayon ka nalang ulit namin nakita ah." agad na sabi sa 'kin ng kaibigan kong tricycle driver. "Paano nangyari 'yon? Araw-araw naman akong dumadaan dito. Naku! Baka nabulag kayo saglit mga kaibigan," biro ko na ikinatawa lang naman nila. "Sakay ka na, Astig." "Wala si Mon?" "Kakaalis lang ni Mon, Astig. May pasahero," sagot ng isa. Kilala ko naman ang mga tricycle driver dito sa mukha pero sa pangalan 'di ko tanda. Si Mon lang kilala ko sa pangalan. "Sige pahatid sa eskwelahan tinatamad ako maglakad eh." Mga ilang minuto ay naaninag ko na ang gate ng school. Tinama ko ang bayad at nagbigay ng 20. Nakakaawa naman may pamilya ang isang 'yon eh. Si Mon lang naman kinukuripotan ko. Wala naman kasing binubuhay 'yon. Pero nagpapayaman daw s'ya. Pagpasok ko naman sa classroom ay nakita ko na si Karang nakaupo sa upoan n'ya. "Di ka naglakad?" bungad nito sa akin. Umiling ako at kinuha ang isang sandwich. Wala pa namang prof kaya dito na kami kumain. "Bakit namamaga mga mata mo?" ngumuso sya at tumingin sa salaming hawak-hawak n'ya. Kahit nilagyan n'ya 'yon ng concealer halata parin ang pamamaga noon. "Di naman ah," tanggi n'ya at kunwaring tinitingnan lahat ng anggulo ng mata n'ya sa salamin. "Anong hindi? Bakit nga? Broken hearted ka pa rin ba sa Castillo na 'yon? Isang linggo na lumipas ah, 'di na nga natin nakikita dito sa campus baka namatay na – aray naman!" At dahil may unting kaputiang taglay ako ay namantal kaagad ang suklay n'yang inihampas n'ya sa braso ko. "Napakasama mo talaga magsalita," ay ipinagtanggol pa talaga. "Fine! Umiyak ako at hindi s'ya ang dahilan!" "Bagong boy?" asar ko nang may ngising aso. "What? Anong akala mo sa 'kin ha, Ms. Eldefonso, hayok sa lalake?" death glare na naman natanggap ko, aga-aga. "Eh ano nga? Kung straight to the point ka na din kaya 'no?" Bumuntong hininga s'ya at sumeryoso ang mukha. This must be something. Kapag ganito ang hitsura n'ya may problema s'ya. "Si daddy kasi," panimula n'ya at nagbuntong hininga na naman. "Ano? May babae si tito?" Ay putcha! Halos mapatili ako ng hilahin n'ya ang iilang piraso kong buhok. "Bakit ba nababaliw ka na Jaq?! Impossible 'yang sinasabi mo, alam mong patay na patay kay mommy 'yon eh." "Ba't kasi pabitin ka?" Masama na naman ang tingin na binigay n'ya sa'kin. Natawa ako ng mahina pero hindi s'ya tumawa. "Di ba nag promise ako sa'yo na kahit anong mangyari hindi kita iiwan? Ako nalang ang pamilya mo Jaq, kaya hindi kita kayang iwan," natahimik ako sa sinabi n'ya at napalunok ng makitang tumulo ang luha n'ya. Bigla akong kinabahan dahil parang may biglang pumasok na clue sa isip ko. "Oh? Anong kinalaman ni tito? Ayaw n'ya na ba tayong maging magkaibigan?" mahinang sabi ko. Umiling sya at humingos, "gusto n'ya akong dalhin sa Canada, Jaq." Napasandal ako sa upuan ko. Napaisip. Magandang opportunity 'yon para sa kanya. Magiging mas maganda ang buhay n'ya doon. Mas magiging marami ang opportunity na pwedeng pumasok sa buhay n'ya kapag doon s'ya makakapag tapos. Mas magiging madali sa kanya ang lahat. "Magandang opportunity sa 'yo yan. Tsaka 'di na kayo magkakahiwalay na pamilya," ngumiti ako  ng pilit at pinipilit 'wag ito magmukhang pilit. "Gusto ko dito eh. Dito ang gusto kong grumaduate. Gusto ko sabay tayo, mag picture tayo sa graduation, ayokong lumayo sa 'yo. Ikaw lang naman ang kaibigan ko eh. Tsaka may plans na ako dito." "Ldr muna tayo hanggang sa makabalik ka dito," medyo pabiro kong sabi pero di n'ya 'yon pinansin. Tama si Kara, s'ya lang ang tinuturing kong pamilya dito at wala akong ibang matatakbuhan na. Pero hindi naman pwedeng ako ang magiging dahilan para hindi makamit ng mga magulang n'ya ang mga dreams nila para sa kanya. Kapag doon s'ya tumanggap ng diploma mas maraming pinto ng opportunity ang magbubukas para sa kanya. Hindi na rin ako sanay na walang Kara sa buhay ko. Na mag-isa nalang talaga ako. Natapos ang klase at malungkot lang si Kara, pinipilit ko s'yang i-cheer pero lagi parin n'yang binabanggit ang pagpunta n'ya ng Canada. Niyaya n'ya pa ako pero 'di naman ako pwedeng sumama. "Parang gusto ko nalang mag cold coffee, tara?" Tumango ako para pagbigyan s'ya. Very unusual talaga sa kanya ang ganitong kilos. Para s'yang may sakit. Malulungkot din naman ako pag-alis n'ya pero kailangan n'ya eh. "JAQ!" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang mukha ng taong tumawag sa 'kin. OMG! Wala s'yang suot na helmet at naglalakad talaga s'ya palapit sa amin. Sinulyapan ko ang kaibigan ko at nakanganga s'yang nakatitig kay Earl. Biglang lumiwanag ang mukha n'ya at sumilay ang ngiti sa labi. Napaka! Kanina lang ang lungkot n'ya ah. "Hi," awkward akong kumaway. "Hi," masigla naman si Kara. Ano ba yan! "Are you Earl? The snatcher?" Muntik na akong mabuwal nang mas sumigla ang boses ni Kara at sa tanong n'ya. Si Earl naman ay kumunot ang noo at confused na tumingin sa akin. "The snatcher?" "Sabi kasi ni Jaq----" "Tara na pumasok na tayo sa loob, gusto mo ng cold coffee di ba? KARA?" pagputol ko sa sinasabi n'ya. Humagikhik lang naman s'ya at kinindatan ako, "of course! Tara Earl, join ka sa'min." "Sure! Thank you." Dumiretso si Kara sa may counter para umorder pagkatapos n'ya kami tanongin sa mga gusto namin. "What are you doing here?" "I don't have your number so I can't text or call to ask you if you're available. Nagbabasakali ako na baka makita kita dito," aniya. Binuka ko ang kamay ko at tumaas ang kilay n'ya sa'kin, "your phone" "Oh" wow lang ah. Pinaka latest na iPhone. Samantalang ako VIVO lang. Well, ayoko din talaga ng Iphone, mas gusto ko android. "So what happened to your advance na isipan?" nakangising tanong n'ya pagkatapos ko idial ang number ko sa phone n'ya. "Anong pinag-uusapan nyo?" sulpot ni Kara mula sa likuran ko at nakangising parang aso ng umupo sa pwesto n'ya. "Wala." Di nya ako pinansin at bumaling kay Earl. Girl, si Adam crush mo di ba? Panindigan mo kahit wala 'yong crush sa'yo! "So you're really are the snatcher, Earl? Anong inisnatched mo sa kaibigan ko, ang puso n'ya oh ang panty n'ya?" natatawang sabi nito. "Kara! Kung ano-ano sinasabi mo!" saway ko pero di n'ya ako naririnig. "Well, I'm not a snatcher, I put snatchers on jail," nakangising sabi naman ni Earl pero nakakaloko ang tingin n'ya sa 'kin. Isa pa to! "Police ka?" gulat na tanong ng kaibigan ko. "Ayan! Police s'ya, happy?" "Bakit kasi sabi mo snatcher! Ayan tuloy," nag pout pa. Pipitikin ko na sana ang nguso n'ya ng dumating ang orders namin. Binigyan n'ya din ako ng nakakalokong tingin. Akmang isusubo ko ang isang bite size na slice ng cake ng biglang magsigawan ang kabilang table. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakahandusay na isang studyante, may tama ng bala s'ya sa gitnang bahagi ng dibdib n'ya. Wala kaming narinig na putok. Sniper. Nagkagulo sa loob kaya hinablot ako ni Earl at pinayuko ganoon din ang ginawa ko kay Kara. Nakita kong hawak na ni Earl ang baril n'ya. "Jaq," nilingon ko ang kaibigan ko ng tawagin n'ya ako. "It's okay," paniniguro ko sa kanya. Inilibot ko ang paningin at napansin ko ang isang bagay na gumagalaw mula sa condo unit na nakatapat dito. Kinalabit ko si Earl at itinuro ang bagay na 'yon. "s**t!" Mabilis kong hinili si Kara para lumabas ng shop. Inalalayan ng iba ang sugatang lalake. Tumulong na din si Earl at nagpakilalang police. "Kara, pumunta ka sa sasakyan mo. Hintayin mo 'ko roon." "Ano? Saan ka pupunta? Baka nasa paligid pa ang sniper, Jaq!" Sumulyap ulit ako sa condo at naroon pa nga ito. Mukhang umaasinta. "Bilisan mo na!" wala na s'yang nagawa at tumakbo. Panay pa ang lingon n'ya sa'kin. "Are you okay? Can you stay with Kara? I'll just have to check---" "I'll come with you. Let's go," nauna na akong tumakbo. Fastest as I can. "Jaq! Delikado 'tong ginagawa mo! Tumawag na ako ng mga police para mag secure ng lugar," sigaw n'ya habang tumatakbo rin. Nauuna ako sa kanya hanggang nakapasok kami sa condo. Nasa rooftop 'yon. Mabuti nalang at mabibilis ang elevator nila. "Don't fret, major. I'm helping." "Hindi ka pwede dito." "I can fight." Magsasalita pa sana s'ya ng makarating kami sa rooftop. Walang bumungad sa amin na kahit na ano pero nang igala ko ang paningin ko ay nandoon s'ya sa pwesto na perfect para sa coffee shop. Kinuha ko ang sapatos at binato ko sa kanya. Itinutok naman ni Earl ang baril n'ya dito. Nanlaki ang mga mata nito ng makita kami. Binunot n'ya ang 45 na nasa gilid at gumulong. Nagpaputok ito sa amin. Kaya mabilis ang pag-ilag ko. "The f**k! Jaq! Get away from here!" Dinig kong sigaw ni Earl. Mabilis akong kumilos at sinipa ang lalake mula sa likoran nya. Nabitawan nito ang hawak na baril at nasubsob pero mabilis ding nakabangon. " 2 vs 1?" nakangising sabi nito. "Who are you?" madiing sabi ni Earl. "Mahuhuli n'yo 'ko pero hindi ng buhay," sagot pa nito. Naintindihan ko ang ibig n'yang sabihin gayong malapit s'ya sa edge ng building. Mabilis akong sumugod and that caught him off guard. Sinipa ko s'ya sa panga para matumba. Nararamdaman kong marunong makipag laban ang isang 'to. Tumayo pa pero sinalubong sya ng sipa si Earl dahilan para masubsob ulit. Pero nagulat ako ng tumihaya ito at may hawak na baril. Doon s'ya natumba sa kung nasaan ang baril n'ya. Palipat-lipat ang pagtapat nito sa amin ni Earl. Kitang-kita ko naman ang paglunok ni Earl at ang takot sa mata n'yang nakatingin sa 'kin. Natatakot na naman s'ya para sa'kin. Nagpadausdos ako sa sahig at inikot ang katawan ng bigla n'ya akong paputukan. "Jaq!" Nakailag ako at nasipa ang kamay nitong may hawak na baril. Mabilis akong tumambling para makuha ang baril sa ere bago pa ito mahulog sa building dahil panigurado puputok muna ito bago madurog. Dinig ko naman ang putok na nanggaling kay Earl. He shot the man twice on his both knee. Sakto naman ang dating ng mga kasamahan n'yang police at inasikaso ang lalake. "Are you okay?" Tumango ako sa tanong n'ya at ngumisi sa kanya. "Oo." "Don't do that again," seryosong sabi n'ya. "I did great!" "I know! But you got me worried."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD