Chapter 7

2331 Words
Kanina pa ako nakatingin sa malaking bulletin board dito sa presinto. Mga wanted na may pinakamalalaking patong sa ulo. Na pako ang mga mata ko sa pinaka nasa itaas at may pinakamalaking patong. Most Wanted: JADE (reward 100M) Ito lang ang most wanted na walang mukha. Matagal ng napapabalita ang pagiging wanted nito pero di mahuli-huli. Hindi rin malabong tataas pa ang patong nito sa pagdaan ng mga linggo. Napalingon ako sa loob ng biglang magkagulo. "Kaibigan ni Adam 'yan!" Tukoy ni Kara sa babaeng sumugod sa sniper na nasa loob ng selda. "Kilala mo yan?" Umiling s'ya, "hindi, pero nakita ko s'ya sa party." "f**k you! Bakit mo ginawa 'yon sa kapatid ko? Ano? Sino nag-utos sa'yo? Papatayin kita! I swear, gagawin ko ang lahat, mabulok ka lang sa kulongan!" Ramdam ko ang sakit at galit sa kanya. Walang pakundangang tumutulo ang masasaganang luha n'ya. Inaawat s'ya ng ilang tauhan ni Earl para huminahon. Nilingon ko naman si Earl sa table n'ya na busing-busy. Hindi ko alam bakit kami nandito ni Kara pero s'ya ang nagpupumilit na sumunod dito. Wala na akong nagawa kahit ang akala ko ay itong lugar na ito ang pinakahuli kong pupuntahan. "Let's go Kara." "What? Mamaya na, dito na muna tayo." Di na ako nagsalita ng papalapit sa amin si Earl. "Are you guys okay here?" "Okay kang kami Major wag mo kaming alalahanin." parang kiti-kiting sabi ng kaibigan ko kaya binigyan ko ng pinong kurot sa tagiliran. "Aahw," bulong n'ya at binigyan ako ng mapang-asar na ngiti at tingin. "Okay lang, aalis na kami. Tapusin mo na ang ginagawa mo." Lumingon s'ya saglit sa lamesa n'ya na ngayon ay wala ng mga papel sa taas nito. Tinawag n'ya ang isang police at nag bigay ng instructions. Nando'n pa rin ang babaeng kapatid ng lalakeng binaril sa coffee shop at wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha n'ya. "Ang pabebe mo ah!" Tumingkayad pa s'ya para maabot ang tenga ko at makabulong. "Manahimik ka! Ikaw lang naman nag pa awkward sa paligid," sinamaan ko s'ya ng tingin ng lumapad ang ngisi n'ya. "Major kailangan ko na palang umalis, ikaw na bahala dito sa kaibigan ko ah. Out of the way kasi s'ya eh. Bye guys," bago pa ako makapag react maging si Earl ay nakaalis na ang malandi. Taena pinagkalulo pa ata ako ng babaeng 'yon. "Let's go?" "Wala ka ng trabaho? Di pa ata sila tapos," tukoy ko sa babaeng umiiyak.  "Kaya na nila 'yan." Okay! Nakasunod ako sa kanya palabas para sumakay sa motor n'ya. Sinuot ko ang inabot n'yang helmet na lagi kong gamit. "Dala mo ba to lagi?" nakangising tanong ko habang inaayos ang lock nito sa may baba ko. "Yes" Tumaas ang kilay ko doon, mahinang natawa  at nag kibit balikat. Isang block palang ang nadaanan namin ay ramdam ko na agad na may nakasunod sa amin. This time hindi motor kung hindi sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang pumasok sa isip ko si Kara. Sino ang mga taong 'to? Bakig nakasunod sa 'min? Mga may galit pa rin ba ito kay Earl? "Someone's following us!" sigaw ko sa ilalim ng helmet. Tumango s'ya at sumulyap sa side mirror. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Kara. Sinagot naman nito kaagad ang tawag. "Yes?" "Kara listen, tingnan mo ang mga nakapaligid sa 'yong sasakyan. Wala ka bang napansing strange na nakasunod sa 'yo?" ("What? Ja-Jaq? Anong nangyayari?") sagot nito sa kabilang linya.  Hinubad ko ang suot na helmet para makausap s'ya ng maayos. "Don't take that off!" sigaw ni Earl habang 'di pinapahalata sa sasakyang nakasunod sa amin na nakikita na namin sila. ("Jaq? Jaq? Are you still there?") "Yes, 'wag ka munang dumiresto sa bahay n'yo. Hintayin mo kami d'yan," saka ko pinatay ang tawag para ma search ang location n'ya. Bakit parang halos araw-araw nalang nasa action ako? "Turn right, major," inform ko sa kanya para mapuntahan si Kara.  "Put your helmet back!" Utos nito kaya sinuot ko na din ulit. "F*ck! Why can't they just come to me when I'm alone!" aniya habang binabaybay ang direction ni Kara. This si so clique. Tinutugis ng mga kaaway ang mga taong nakikita nilang nakapaligid sa target nila. Mga nagtatago sa saya ng mga taong walang laban! Humawak ako sa gilid ni Earl at nakapa ko doon ang baril nya. Mabilis n'ya namang hinawakan ang kamay ko. Akala n'ya siguro kukunin ko 'yon. "You can't use a gun, Jaq," sabi n'ya. Umikot ang mga mata ko dahil alam ko. Napangiti ako ng mapansin sa 'di kalayuan ang nakapark sa may tapat ng convenience store. "That's Kara!" turo ko sa isang puting sasakyan. Tumango s'ya at nilagpasan ang sasakyan ni Kara, nakuha ko agad ang ibig n'yang sabihin. "Ililigaw ko sila," aniya, tumango ako at mabilis na bumaba sa motor n'ya nang huminto ito at di ko pa nakikita ang sasakyang nakasunod sa amin. Pumasok ako sa convenience store mula sa likurang entrance nito. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa main exit. Nakita ko kaagad ang sasakyan ni Kara kaya diretso akong lumapit dito. Nanlaki ang mga mata n'ya nang kumatok ako at mabilis n'yang na in-unlock ang pinto. Magsasalita na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko. "Are you okay?" bungad nito ng sagutin ko ang tawag. Nakilala ko kaagad ang boses nito. "Yes. Ikaw? Nakasunod pa ba?" "No, naiwala ko na sila. I'm heading back to the precinct." "Okay, ingat ka." "You too. Give me a signal kapag may napansin kang kakaiba," seryosong sabi nito. "I'm so sorry Jaq." "Sige na, I'll call you later nalang." Bumuntong hininga ako at binalik ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. Sumandal ako sa upuan habang si Kara ini-start na ang sasakyan n'ya. "Sa bahay ko muna tayo," sabi ko.  "Care to explain what is happening?" naguguluhang sabi nito. Tumango ako dahil balak ko rin naman talagang sabihin sa kanya para maintindihan nya. Nabanggit na ni Earl sa akin na ito ang mas pinaka naging aggressive na mga gustong gumanti sa kanya. Malas ko lang dahil kung kailan nakilala n'ya na ako saka mas dumami ang tumutugis sa kanya. "Jaq, may sumusunod sa ating motor," Napalingon ako sa likuran at napansin ko nga isang motor na nakasunod sa amin. "Ihinto mo," utos ko sa kanya. Kita ko sa mga mata n'ya ang pagdadalawang-isip.  "Pero baka maabutan---" "Ihinto mo Kara." Itinigil n'ya ang sasakyan at pinagmasdan ko ang motor. Bahagyang bumagal ang takbo nito kaya mas lalo ko pang pinag-aralan ang galaw ng isang :to. Lumiko ito sa pinakamalapit na eskenita sa pwesto namin. "My God! Grabe ang kaba ko ah. Bakit sila sumusunod pero di naman sila lumalapit?" She's right! Nakasunod lang ang mga ito. Hindi malabong inaalam lang nila ang information tungkol sa mga taong nakapaligid kay Earl at dahil nakita kaming kasama s'ya pati kami ay sinundan. Hindi ko naman s'ya sinisisi dahil alam kong di n'ya naman ginusto ang lahat ng 'to. He's a police officer kaya hindi n'ya sasadyaing may madamay na civilians. Pero kahit iwasan ko s'ya or s'ya iiwas sa 'kin gaya ng sabi ko noon. Wala na ring kwenta, nakilala na kami eh. Namumukhaan na kaming dalawa ni Kara. "Tingin ko ay kinukuha lang ng mga 'yon ang information tungkol sa 'ting dalawa. Nakita nila tayong kasama si Major kaya 'di malabong gagamitin tayo ng mga 'yon para susundin sila ni Major." "Ano ba yan! Kakakilala ko lang sa major mo mukhang magiging ma action ang buhay mo kasama s'ya," natatawa n'yang sabi saka binuhay ang makina ng sasakyan at dineretso sa bahay ko. Nakatulog kaming pareho dahil sa pagod sa nangyari ngayong araw. Paggising naman ay parang walang nangyari kahapon. Ano nga naman ang mapapala namin kung iisipin pa namin ang nangyari kahapon wala naman bukod sa stress. Pero kamusta na kaya 'yong lalakeng tinamaan kahapon sa coffee shop? "Ms. Eldefonso," napairap ako ng sumalubong sa akin ang may malaking ngiti na si Adam Castillo. "Hi Kara." Bakit kaya 'di ako nagagwapuhan sa lalakeng 'to.  Pero ang iba nangingisay sa kilig pag nasisilayan ang babaerong 'to. Tiningnan ko ang kaibigan ko na ngumiti pabalik sa kanila. "Nawala ka noong party Kara, hinanap ka namin," sabi ng kaibigan ni Adam na di ko alam ang pangalan. "Ah, nalasing na kasi ako kaya di na 'ko nakapag paalam, nag enjoy kayo?" nakangiting sagot naman ng kaibigan ko. If I knew. "Sama ka kay Kara next time, Jaq, may poll party kami sa Sabado," nakuha naman ni Adam ang atensyon ko dahil sa sinabi n'ya. "May appointment na ako sa Saturday eh, kasama ko si Kara kaya di kami makakapunta," pagsisinungaling ko. Napatingin sa 'kin si Kara at mahinang natawa. Kinindatan ko s'ya kaya pati ako nagpipigil ng tawa. Walang-hiya. "Sayang naman. By the way, can I have your number instead, Jaq? If ever we have a party or anything I can call you to invite?" Tumaas ang kilay ko doon ah. Pasimple kong tiningnan si Kara at nakangisi s'yang nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay. Di ba s'ya nagseselos dito? Samantalang kagabi ininom n'ya pa ng san mig to ah. "Wala ako number eh," parang tanga kong sagot. Natawa naman silang lahat, si Adam 'yong kasama n'ya at ang may pinaka malakas na tawa na si Kara. "I mean, di ko nag papaload." "Tatawagan nalang kita," sagot n'ya naman. Tang*na persistent. Binuka ko ang palad ko sa harap n'ya, "Yes!" aniya at inabot ang phone n'ya. "Wag mo muna akong tawagan ngayon, deadbat ako nakalimutan ko mag charge," palusot ko dahil sinadya kong ibahin ang last 2 digits. "Sure! I hope we can hang out often," masiglang sabi nya. Eeww! "By the way, sa'n ba punta nyo?" "Lunch." Si Kara ang sumagot sinang-ayunan ko lang. "Join us, we're going out for lunch na din. Enzo, owns a restau, try nyo." So Enzo pala ang pangalan nitong kasama nya. "Libre ba?" tanong ko. Napakamot sa ulo si Enzo at sumulyap kay Kara. Oh, oh... "Yeah," nahihiyang sabi nito. Niyaya nila kaming sumabay sa sasakyan nila pero tumanggi kami kaya ngayon ay naka convoy kami sa sasakyang minamaneho ni Adam. "Lowbat, huh," pang-asar ni Kara. "Your crush just asked your friend's number." "Yeah, in front of me," humalakhak sya. "Hindi ka nagselos?" "Noo!" mabilis na sagot n'ya. "Talaga?" "Duuuh, crush is shallow, di naman ako na in love sa kanya, crush lang dahil gwapo s'ya pero ewan ko bigla akong na turn off na sa kanya," paliwanag n'ya. "Sabi mo eh," kibit balikat kong sabi.  "Ilang digits ang binago mo?" natatawang tanong n'ya habang pinapark ang sasakyan nya.  Sa unahan naghihintay sa amin ang magkaibigang Adam at Enzo na kakababa lang din. "Last 2," Sabay kaming humalakhak at in-off ko ang phone ko para panindigang di n'ya talaga ako ma contact. Baka madulas ako. Namangha ako sa interior design ng restau. Sobrang ganda. Halatang mamahalin ang restaurant na 'to. "Siguraduhin n'yong libre to ah, wala kaming pera. Mukhang mamahalin pa naman to. Ang yaman mo pala Enzo," sabi ni Kara. Kitang-kita ko naman ang pamumula ng tenga ni Enzo. Syeeet! May crush ba 'to sa kaibigan ko? "Sa parents ko 'to," sagot naman ni Enzo habang awkward na ngumiti. Tumaas ang kilay ko nang pinaghila ako ni Adam ng upuan at ganun din ang ginawa ni Enzo kay Kara. Nagkatinginan kaming magkaibigan at parehong nagpipigil ng tawa. Tiningnan ko ang menu na inabot ng isang waiter nalula ako bigla sa mga presyo. May mga pumupunta ba sa mga gan'to ka mahal na restaurant? Parang kinurot lang na laman ng baboy tapos mahal pa sa isang kilong karneng baboy. "Ang mahal naman," reklamo ko kunwari. Kunwari lang kasi libre naman. "Don't worry about that," nakangiting sabi ni Adam. Kumikislap ang mga mata n'ya na halatang masaya. Sorry bro, you can never get into my pants. "Mukhang masasarap ang foods dito," pumalakpak pa si Kara sa hangin at tumingin sa  akin saka kumindat. Tumikhim si Adam at nangingiting tumingin sa baba. Baliw ka brader? "Ahm, Jaq, saan ka nakatira? Hatid kita mamaya?" "Naku wag na, malayo ang bahay ko tsaka di makakapasok sasakyan mo doon," awat ko kaagad sa kanya. Aba'y gusto nga ata akong pormahan nito. "I can park somewhere ----" Hindi n'ya natapos ang sasabihin ng dumating na ang mga orders namin. Si Kara naman ay busy nakikipag-usap kay Enzo. Naka move on na agad s'ya kay Adam? Sila lang nag-uusap eh. Si Adam di ko naman pinapansin kahit nararamdaman ko sa aking peripheral view na nakatingin ito sa akin. Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain. Nag burp pa ako nang matapos ako kumain at sobrang busog ko talaga. "Opps, sorry," sabay peace sign. Pero imbis na ma turn off sa 'kin na amuse pa ata si Adam. Anak ng. "So? Where are you next?" tanong nito "May klase kami. Oh, Kara tara na malilate na tayo sa next subject." Natatawang inayos ni Kara ang sarili at tumango. "I'll call you, Jaq," ani Adam, pinakita n'ya pa ang iphone nya. Tumango lang ako at nagpaalam sabay hinila si Kara. Pagkapasok sa sasakyan n'ya ay bigla s'yang humalakhak kaya nakipag palit s'ya sa akin nang upuan kaya ako ngayon ang nasa driver's seat. "Parang diring-diri ka sa kanya," aniya sa gitna ng tawa n'ya. "Nakakilabot tumingin 'yong crush mong 'yon parang gusto akong hubaran," niyakap ko ang sarili at pinagpagan ang katawan ko. "May iba kalang gusto eh kaya ayaw mo kay Adam." Inikotan ko s'ya ng mata dahil kung ano-ano sinasabi n'ya. "Ikaw ang bilis mo namang naka move on?" "May iba na akong gusto" "Sino?" "Si major." Mabilis kong naapakan ang break at naihinto ang sasakyan. Pagtingin ko sa kanya ay pulang-pula na ang mukha n'ya at tumatawa ng walang tunog. Napatingin ako sa kamay n'yang mahigpit na nakahawak sa seatbelt, kung di s'ya naka seatbelt kanina panigurado ay tumalsik na s'ya. Natatawa parin s'yang tumingin sa akin. Muli kong binuhay ang makina ay pinaandar ang sasakyan n'ya. Ayokong isipin na magkakagusto si Kara kay Earl. Hindi dahil magseselos ako kung hindi dahil sa ibang bagay. Ayaw kong magkakasakitan kaming magkaibigan. "Iba nalang Kara, 'wag na si major oh kahit sinong nasa batas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD