"Tara na kasi Jaq, libre ko naman eh"
Kanina pa sya nagpipigil ng tawa dahil kanina pa nag papapacute si Kara sa kanya. Kanina pa sya nito inaaya na mag salon sila may balak na naman itong magpalit ng kulay ng buhok. Hay naku.
"Oo na nga! Basta libre mo ah"
Inikot nito ang mga mata sa hangin sabay natawa. Baliw lang. "Oo nga kahit alam kong marami kang pera ililibre parin kita basta samahan mo lang ako."
Kara is a friend she was looking. Ang kaibigan na hindi mausisa at kuntento sa kung ano ang kaya mong ipakita na party ng pagkatao mo. Kara once asked where did she got her money, ang sagot lang nya ay iniwan ng tatay nya sa kanya bago ito namatay. Hindi na nagtanong pa ang kaibigan na ipinagpasalamat nya.
Halos magpang-abot ang kilay nyang napatingin kay Kara ng bigla itong tumili ng paipit ang boses sa pagpigil nito. Sinundan nya ang tingin ng kaibigan at napasimangot ng makita ang tinitignan nito.
The mysterious looking Adam Castillo. Gwapo at talaga namang tinitilian. That Castillo boy got everything under his boxers, yan ang sabi ng mga babaeng naikama na nito. At kung paano nya nalaman? May kaibigan syang taga hatid ng chismis eh.
"Crush mo?"
Halos mangisay na parang bulateng naasinan ang kaibigan na ikinasimangot nya lalo "Sino bang hindi magkaka crush jan? Tignan mo nga oh--parang dyos sa kagwapuhan---aray!!"
"Exage ka masyado, gwapo lang naman pero di ko crush."
"Weeh?"
Gwapo, matangkad, manly, mayaman. Sino nga bang hindi mag kaka crush sa lalakeng yun. Kaya lang pagkarinig mo palang ng pangalang Adam Castillo kikilabutan ka na. Wala atang araw na walang babaeng nanlalaki na nakama sila ni Adam. Such a manwhore.
"Tara na nga mamaya makalimutan mo pa yang panlilibre mo sakin."
Natawa naman itong sumunod. Kotse ni Kara ang gamit nila. She can actually drive at tama naman ang sabi ni Kara she got plenty of money kaya nyang bumili ng maraming sasakyan kung gugustuhin nya, pero ayaw nya gusto nyang panindigan ang simpleng buhay.
"Jaq overnight ako sa bahay mo?" Kapagkuwan na tanong ng kaibigan habang nag dadrive.
"Wala mommy mo?"
Hindi kasi ito pinapayagan ng mommy nito na mag overnight sa ibang bahay.
"Nasa bahay lang si my pero payag naman sya basta sa bahay mo lang daw tayo" natatawa nitong sabi.
"Anong nakain ng mommy mo?"
"Si daddy, umuwi na eh" natatawa nitong sabi kaya nahampas nya sa braso.
"Hey! Nagdadrive ako!"
Di n'ya ito sinagot pero tawa ng tawa. Mga ilang minuto ang lumipas ay nakarating na sila sa mall. Ninang ni Kara ang may ari ng salon na palagi nilang pinupuntahan at ang totoo nyan di naman talaga sya nililibre ng kaibigan kundi dahil libre na silang pareho doon.
Kilala na sila ng mga staff pero nahihiya sya dahil para syang nagpapabitbit kay Kara. Pero ang sabi naman ng ninang nito ay wag nang mahiya di naman daw nila ikakalugi hanggang sa kumapal na rin ang mukha nya gaya ng kaibigan.
"Wag mo na ulit iiwan yang bag mo dito sa kotse kahit pa naka lock to." Paalala nya sa kaibigan.
Nung huli silang nag mall ay nakaugalian na ni Kara na iwan sa loob ng kotse ang bag at bitbit lang nito ay ang isang maliit na pouch. Cellphone at ang cardholder lang ang laman. Pagbalik nila sa parking lot ay ganun nalang ang pagkagulat nilang dalawa ng makitang basag na ang bintana ng sasakyan nya. May alarm naman sana kaso umalis ang guard kaya walang nakapag report. Ang cctv footage naman ay matagal pa nilang nakita dahil daw may proseso pa.
Laptop at ilang gamit sa bag nya ang tinangay ng magnanakaw na yun. Nahuli man wala na din, naibenta na daw yung mga gamit. Suot-suot pa ng magnanakaw ang jacket ni Kara na kinuha din noon.
"Oo nga, mga walang kwenta at mga walang dulot sa lipunan dapat lang mabulok sa kulongan ang nga 'yon. Mga krimimal."
Natatawa nyang hinila ang kaibigan papasok ng mall. "Bakit kasi sa dami ng branch ng salon ng ninang mo dito mo talaga gustong pumunta."
May branch din ito malapit sa bahay nila, nung una ang rason nya ay madali syang makita ng mommy nya doon.
"Di naman ako kilala doon sa ibang branch, dito lang."
"May malapit sa inyo"
"Madali akong makita ni mommy doon."
At ayun na nga ganun parin ang sagot nya, haaay. Nagtatawanan pa sila ng makapasok sa loob ng salon at dahil medyo spoiled na nga sila dito ay nauna pa sila sa ibang nakapila. Nakakahiya talaga ang babaeng to.
Habang hinahaplos ng babae ang buhok nya ay panay ang pagsasabi nitong ang ganda ng buhok nya, ilang tao na ang nagsasabi nyan mabuti nalang ay hindi pa nagtatampo 'tong buhok nya kung hindi ay puputulan nya ang mga ito ng dila, joke lang.
Iniingatan nya talaga ang buhok at virgin pa ito no. Ayaw nyang ipagalaw oh treatment keneme nakakasira daw yan.
Ng bigyan nya ng tingin ang kaibigan ay nakapikit ito habang binabanlawan ang buhok at sya naman ay nakababad ang paa dahil nag papa foot spa nalang din. Libre naman eh. Mula sa labas kitang-kita nya ang mga masasayang mga tao na naglalakad, namimili. Who knows, hanggang kailan nalang sila masaya.
Napapitlag sya ng iangat ng babae ang paa nya para i-scrub. Wala man lang pasabi! Nang tignan nya ulit si Kara ay binoblower na ang buhok nito at busy sa pag kukuha ng picture sa sarili nya sa salamin na nasa harap nila.
"Tapos ipopost mo na na man yang isang daan mong picture sa Facebook."
Mula sa reflection ng salamin ay malawak ang ngiti nito sa kanya and she giggled. "Hindi, no." tanggi ng kaibigan.
Inikutan nya ng mata na nagpatawa pa lalo dito. Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang paggawa sa buhok ni Kara and again iba na naman ang kulay ng buhok nito. Kung dati ay kulay gray, ngayon ay green na. As in green.
"Hindi ka ba naalibadbaran dyan sa kulay ng buhok mo?"
"Ang ganda kaya." nag flip pa ng buhok sa mukha nya. Pwe! Amoy na amoy nya ang baho ng kemikal.
"Anong maganda! Mukha kang halaman."
Masama ang tingin nito sa kanya at nag flip hair pa ulit pero nakailag sya. Napasigaw sya sa gulat ng bigla sya nitong hawakan sa kamay at hilahin sa kung saan.
"Hoy ano ba! Bitawan mo nga ako, saan ba tayo pupunta?"
"Tara kain muna tayo bigla akong ginutom eh."
She tsked at hindi na nagreklamo dahil wala namang bago doon. Kara loves eating, ito ang libangan ng kaibigan at alam nyang hindi lang ito basta kumakain dahil gutom. She ate to divert her mind, alam nyang may malalim na dahilan si Kara dahil minsan na nyang nahuli ang kabigan na nakatulala at nakatingin lang sa pagkain pero ng lapitan nya ito ay bigla nalang nag-iba ang expression at mabilis na nilantakan ang pagkain.
Walang imik na sumunod si Jaq sa kaibigan habang palinga-linga ito sa paligid ng mall kung saan gustong kumain. Sa dami ng restaurant na nakikita nila sa paligid ay wala pang ni isang napipili ang kaibigan na kakainan nila.
"Korean restaurant tayo Jaq" excited na sabi nito at pumapalakpak pa.
"Song do" suggest nya.
"Song do? OMG! YOU'RE SO BRILLIANT, LET'S GOOOO"
"Wag ka ngang sumigaw! "
Humagikhik lang kaibigan at nag peace sign. Binigyan nya naman ito ng nakamamatay na tingin pero binelatan lang sya nito. Napailing si Jaq dahil sa kalukohan ng kasama.
"Kung sinong unang mabubusog syang magbabayad" nakangising malokong sabi ni Kara habang kumikindat sa kanya.
Mahina nyang binagsak sa lamesa ang hawak na chopsticks at matalim na tinignan ang kaibigan. "Sabi mo libre mo ang lakad na to"
"Yung salon ang sinasabi ko, duuhh -- aray! Ano ba! Bat ka nanunuktok ng chopsticks ha?" reklamo nito habang hinihimas ang tinamaang noo.
"Para magising ka, hindi mo ko nilibre sa salon, libre talaga tayo doon."
"Ahehe oo nga no. Sige na nga" nakangusong pagsuko nito na ikinangiti nya at inunahan nya pa itong magluto.
Akmang isusubo nya ang nalutong karne ng maramdaman nya ang pag vibrate ng phone nya sa bulsa. Kasama nya si Kara walang ibang tatawag oh mag ti-text sa kanya.
Napangiti si Jaq sa naiisip. Namiss nya din yun.
Kinuha nya ang cellphone at tama ang nasa isip nya. Na eexcite sya sa nakikita sa email nya.
"Hoy! Ba't ka nakangiti dyan, sino ba yang nag text sayo?"
Bago sagutin ang kaibigan ay binura na nya ang mensaheng yon sa email nya. "Wala naman, project lang"
"Project? Saan? Wala naman tayong project ah."
"Edi exercise"
"Labo mo!"
Tinawanan lang nya ang kaibigan at nagsimula na silang kumain.
Ngayon palang ay ramdam na ni Jaq ang excitement. Her blood is boiling in excitement, she can sense it early and she can feel it now.