Kabanata 9

2741 Words
|Tamara| “Boyfriend mo ba si Geoff?” si Mommy. Wala sa oras ako’ng inubo at kinapa ang sariling dibdib dahil sa tanong niya. “Mom! Ba’t ganyan ang tanong mo?” gulantang kong tanong pabalik sa kaniya sabay ginulo ng kaonti ang aking buhok dahil sa hindi kapani-paniwalang tanong ni Mommy sa akin. “Bakit? Nagtatanong lang naman ako, anak. Bakit, hindi ba kayo ni Geoff?” pati si Mommy ay nagulat rin sa aking reaksiyon. Masarap sa tenga pakinggan ang huling sinabi niya pero agad rin ako nakaramdam ng pait sa aking dibdib. “H-He’s not my boyfriend, Mom. Magkaibigan lang kami and that’s it. Period.” paglilinaw ko sa kaniya. Naramramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi dahil do’n. “Okay okay, anak. Nagtatanong lang naman ako. Ayaw lang namin na naglilihim ka sa amin. Especially in that matter. Kaya if ever na liligawan ka ni Geoff, don’t hesitate to come ask us about our opinions. If I’m still right, you haven’t been into a real relationshio before” si Mommy. Ngayon ramdam ko ang pag-init ng buo kong sisitema dahil do’n. I tried to gasp some air para lang makalma ang sarili. Hindi na talaga ako makapaniwala sa lahat ng sinasabi ni Mommy. “Wag kayo mag-alala ni Daddy cause he won’t court me, okay? Magkaibigan lang kami” pagpapaalala ko sa kaniya. I can’t help but to sound frustrated this time. “Si Neil, anak? Hindi rin ba?” si Mommy. I rolled my eyes in disbelief of what she asked. Bakit nadamay si Neil? “Mom, tama na!” I groaned. Ang kulit talaga ng isipan ni Mommy at Daddy. Dalawang araw na lang ay Biyernes na kaya napagdesisyunan ko na pumunta sa restaurant nina Thea pagkatapos ko magtrabaho. Hindi ko pa kasi nasasabihan sina Geoff at Neil na gusto sila ni Mommy at Daddy na makilala sa pamamangitan ng simpleng hapunan. Kaya dito ako ngayon kina Thea para imbitahin rin siya. Baka kasi magtampo siya pag hindi ko siya sinama. “Aba, dapat lang na kasama ako sa dinner na yan no” pag-aangal niya. Nasa loob kami ng kaniyang restaurant kaya halos napalingon lahat ng customers sa amin dahil sa ingay ng boses niya. “Kaya nga iniimbita kita, diba?” She stopped talking for a sudden at tsaka niya ako pinasadahan ng tingin. “Ano nanaman pumasok sa maliit mong utak?” dinilatan ko na lang siya ng akibg mata. Alam ko kasi na may pinaplano siya pag nagkakaganito siya. “Hmm. Nakapag-isip isip ka na ba sa offer ko?” Ngumingiti siya ng may puno ng kabuluhan. Kumunot naman ang noo ko dahil sa kaniya. “Offer? Ano’ng offer ang sinasabi mo?” tanong ko sa kaniya. Thea just let her brows shot up at tila hinihintay niya ako na makuha ang ibig niyang sabihin. Natigilan ako sa aking pag-iisip ng maalala ang sinasabi niya na offer sa akin. “So ano? Gusto mo ba na tulungan kita?” tanong niya. Hindi ako nakasagot. Hindk ko kasi alam kung tama ba na ipagsiksikan ko ang sarili ko kay Geoff o hayaan na lang ang tadhana gumalaw para sa amin. Tss, as if naman na para kamo sa isa’t-isa no. Hay naku. Bakit ba kasi ang lakas ng tama ko kay Geoff. “Well, whatever. Hindi ko rin naman kailangan ang sagot mo. I will still set you up with him sa ayaw at gusto mo” she concluded witj finality on her tone at agad sinimsim ang kaniyang inninom na strawberry shake. “Okay, oo na basta ayaw ko lang mag mukhang desperada sa kanya, Tei. Baka ma turn off pa yun sa akin no o di kaya’y he’ll find me creepy” sabi ko sa kaniya ng maalala na hindi gusto ni Geoff na hinahabol siya ng mga babae. Tss. So much for being that hot, huh? Ngayon, pati ako nahawaan na. I can’t believe this. Nagyon, hindi ko na maiwasang hindi itago ang totoong nararamdaman ko tungkol kay Geoff. Mabuti na rin iyon na naamin ko na sa aking sarili na may feelings nga ako kay Geoff. Mahirap na rin kasi itago lalo pa ngayon na alam nga ni Thea na may pagtingin ako kay Geoff. “Alam ko. Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala” she then winked at me meaningfully. Bahagya akong kinabahan dahil do’n. Para gusto ko na lang bigla umatras sa kasunduan namin dahil sa kung ano ang pwedeng maisip ni Thea. Sa oras na iyon ay do’n ko pa lang nasabihan sina Geoff at Neil tungkol sa dinner. Mabuti na lang at pwede sila. Geez. I just hope na hindi mali ang pagpasok namin dito. Nagtataka nga ako kung bakit sila palagi available sa tuwing iniimbita namin sila. Wala ba silang mga trabaho? Friday came at alas tres pa lang ng hapon ay narito na si Thea sa aming bahay. May dala-dala ito na mga regalo para kina Mommy at Daddy. Pagkatpos niya na ibigay iyon ay umakyat muna kami sa aking kwarto para tulungan ako sa pagbihis. Umangal pa nga ako dahil masyado naman na maaga para maghanda sa dinner pero nagpatianod pa rin ako papunya sa aking kwarto. “Hmmm. Sa tingin ko mas bagay ito sa’yo yung red. What do you think?” nasa walk-in closet ko ngayon si Thea habang inisa-isa ang aking mga damit sa loob ng aking wardrobe. Napangiwi na lang ako sa aking kama nang makita na masyadong ma garbo at revealing ang mga damit na gustong ipasuot sa akin ni Thea. “Wala ka naman sigurong plano na gawin ako na bold star sa harap nila diba?” pag-iirap ko sa kaniya sabay higa sa kama. Masyado pa kasi maaga para magbihis kaya tinatamad pa ako. “Kung pwede lang na ipaharap kita sa kanila nang naka bra at panty lang ay malamang ipapagawa ko talaga sa’yo no. More skin, sure win bakla!” aniya sa masigkang tono. “Thea!” saway ko sa kaniya. Tinapunan ko agad siya ng unan nang humalkhak ito ng sobra. “I’m just kidding, Tam. Alam ko rin kasi na mahihirapan tayo dito kay Geoff kasi kaibigan lang ang tingin sa’yo kaya susubukan ko lang na ibahin ang kaniyang pananaw tungkol sa’yo through glamming up” ngayon, tinapon nita sa aking harapan ang isang white mini dress na may print na mga floral. Hmm, not bad. Napatalon na lang sa gulat si Thea nang marinig ang kahol ni Max galing sa labas ng aking kwarto. “Aso ba yun? Bakit may aso sa bahay mo, Tammy?” natigilan siya sa kaniyang ginagawa nang makita ang isang doghouse sa sulok ng aking kwarto. “May aso ka? Kailan pa?” dugtong niya. Hindi ko siya sinagot at agad tinahak ang direksyon papuntang pintuan. Binuksan ko iyon at nakitang si Max nakahandusay sa sahig na tila naghihintay na kalmutin ko ang kaniyang tiyan. “He’s name is Max. Geoff gave him to me noong nakaraang araw lang” sagot ko kay Thea sabay pag belly rub kay Max. “Binigyan ka ng aso? Bakit? Bakit hindi mo to nasabi sa akin?” pagtataka niya sabay lapit sa akin. Pinagkrus niya ang kaniyang mga kamay sa kanyang dibdib at tila ba’y kasalanan ko ang hindi pag sabi sa kaniya tungkol dito. “Nakalimutan ko lang sabihin sa’yo, okay. Wag kang mag-alala, ito lang ang hindi ko nasabi sa iyo” tumayo ako at agad kinuha ang floral dress na isusuot ko para mamaya. Pumasok na rin ako sa aking walk-in closet para makapag bihis. I still don’t have a choice, right? Ginusto ko rin ito kaya maghahanda na ako. “Alam mo, dapat simula ngayon wala ka nang dapat na tinatago sa akin. I’m here to help you out kaya kahit sa mga maliliit na detalye ay dapat alam ko. Hindi ka pa naman bihasa sa mga ganito” pagpapaalala niya sa akin. I must admit na tama siya. First time ko makadarama ng ganito sa isang lalaki kaya halos lahat ng aking nararamdaman ay banyaga para sa akin. Feeling ko tuloy nagseseminar ako kung paano lumandi at tutor ko si Thea. Tamang-tama lang nang pagpatak ng alas sais ng gabi ay natapos na kami ni Thea sa paghahanda. Natagalan pa kasi kami sa aking buhok pero sa huli ay napasuko na lang siya at ginawang messy bun ang buhok ko. Bagay naman sa akin, si Thea lang ang maraming arte na nalalaman. Pababa na kami ni Thea sa hagdan nang makita si Mommy na tumutulong sa paglapag ng mga pinggan at baso sa hapag kasama ni Ate Lena. She’s already dressed up at ganoon na rin si Daddy na nasa sala ngayon habang nanonood lang ng balita sa tv. Bakit parang nininerbyos ako ngayon sa mangyayari ngayong gabi? Hoy, Thea! Wag kang assuming. Hindi ito ang tamang pagkakaton na kabahin, hindi mo siya nobyo kaya kalma ka jan. “Bihis na bihis tayo ngayon ah? Or ako lang talaga ang underdressed?” salubong ni Daddy at tsaka niya kami pinasadahan ng tingin. “Wag kang mag-alala, Tito. You’re looking good” Thea said with her two thumbs up. Ngumiti naman si Daddy at mukhang kumbinsido sa sinabi ni Thea sa kaniya. Naputol lang ang aming usapan nang sabihan na kami ng aming gwardya sa gate sa pamamagitan ng in-voice na nakarating na ang aming bisita. I checked the clock at tamang-tama lang ang dating nila. It’s 6:30 in the evening. Lumabas kami ni Thea para salubungin silang dalawa. Saktong paglabas namin sa terasa ay do’n din ang paglabas nina Geoff at Neil sa kani-kanilang sasakyan. Dito ko lang napagtanto kung gaano rin sila ka yaman dahil sa mga sasakyan nila. They’re bentleys at iba ito sa mga unang sasakyan na ginamit nila. Ilan kaya mga sasakyan nila? Napalunok ako nang makita sila papalapit sa amin. Damn, he looks so good. . . Uhm I mean ‘they’. They were both wearing polo shirt dresses at nakatukip ito hanggang sa siko nila. Para nga silang mga modelo na rumarampa para sa Calvin Klein na fashion show eh. Sana underwear na lang. Bumalik lang ako sa aking wisyo nang tinampal ni Thea ang braso ko. “Wag ka naman magpahalata na laway na laway ka sa kanya, bakla” mahinang sabi niya. I just cleared my throat nang tuluyan na sila na makalapit sa amin. “Ang gaganda niyo naman. Good evening ladies.” mapag larong bungad ni Neil sa amin. Nginitian ko lang siya at tsaka ko tinignan si Geoff. Nakahalukipkip lang ang mga kamay nito sa kaniyang bulsa habang nakatingin din sa amin. “Not bad. Nag mukha ka nang babae” sabi ni Geoff nang magtagpo ang aming mga mata. He chuckled after that sabay tumango. Alam ko na dapat ako na mairita sa kaniyang sinabi kahit alam ko na biro ito pero hindi ko alam why I still feel flattered about it? Ugh, right. The Geoff effect. “Hoy, grabe ka bro! Ang sama mo kay Ms. Ganda” puna ni Neil sa kaniyang pinsan at sabay tumawa. Mabuti na lang at magkaibigan na kami dahil kung hindi baka mahanap na nila ang katapat nila. “Bakit? Nahulog ka ba?” mapaglarong hamon ko kay Geoff. He immediately showed his amused face probably not expecting na babanatan ko rin siya. Narinig ko ang marahang pagtawa nina Neil at Thea dahil do’n. “That’s a good one. That’s 1-0 for you” si Neil sabay tapik niya sa balikat ng kaniyang pinsan. I guess I won, huh? Bago pa kami makapasok ay mayroon sina Goeff at Neil na binigay na wine sa amin. Hindi na ako nagulat sa dala nila. It’s just one of the few classics naman ang dinala nila para sa dinner na ito. Binati sila nina Mommy at Daddy sa pagpasok na namin sa bahay. Nakita ko kung paano namangha sina Mommy at Daddy sa mga bisita ko, I even saw Ate Lena’s eyes gawking on these two. Hay naku Ate Lena, may asawa’t anak ka na kaya off-limits ka. “Good evening po” bati ni Geoff nang lumapit sa kaniya si Daddy. “I knew you it. You’re Raymund’s son, right?” tanong ni Daddy kay Geoff nang makipag kamay sila sa isa’-isa. “Yes, sir. I’m Raymund’s son” Geoff answered as he filled my Dad’s query. “This is his cousin, Tito, si Neil” pagpapakilala ni Thea kay Neil sa kay Daddy. “Good evening, sir” si Neil. Tinanggap rin iyon ni Daddy at nakipag kamay rin sa kaniya. “Good eveninv din, hijo” We were having our few chit chats nang inimbita na kami ni Ate Lena na sa hapag na lang iyon ipagpatuloy. Hindi na ein namin iyon tinanggihan at do’n na rin namin tinahak ang direksyon papuntang hapag. Thea and I lead our way towards the dining. Masyado kasing abala sina Mommy at Daddy kaka interview kina Geoff at Neil. Nagulat na nga lang ako kung gaano nasiyahan si Mommy at Daddy sa kanila. I didn’t even expect na magaling sina Geoff at Neil makipag-usap sa ibang tao. They were both handling it professionally at halatang sanay sa mga ganito. “Malayo pa ba ang pinanggalingan niyo? Sigurado ako na gutom na kayo. Shall we?” pag-iimbita ni Daddy. Tumango naman sina Geoff kaya nagsimula na kami na kumain habang nag-uusap. “You know what, sa unang tingin ko pa lang sa iyo hijo, alam ko na na anak ka nga ni Raymund. Mas gwapo ka lang kaysa sa Daddy mo” sabi ni Daddy sabay tawa sa kaniyang sainabi. “Yeah, I get that a lot” si Geoff. “Mabuti naman at tinanggap niyo ang imbitasyon namin na mag hapunan kasama namin. You two must be very busy” si Mommy. “Hindi naman po, Ma’am. We’re actually pretty free today. In fact, We’re just here in the Philippines to to take a vacation. So there’s nothing to worry” puna ni Neil kay Mommy. I almost choke myself nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Everyone looked at me except for Thea. Alam ko na nagulat rin siya tungkol dito. Did I just hear him correctly? Vacation? They’re only here for a vacation? Kaya pala palagi sila available at walang inaabala ng kung ano. Only that their uncle is always calling them. I Immediately flinched nang pinisil ako ni Thea sa aking baywang. I just glared at her nang makita ko ang kaniyang naguguluhang mukha. I know right! Wala ito sa plano natin. “Oh, really? Hanggang kailan kayo dito sa Pilipinas?” tanong ni Daddy. Nagkatinginan muna sina Geoff at Neil bago tinignan ulit si Daddy. “Hmm. We’re still enjoying our stay here, sir. Kaya hindi pa po namin alam” si Geoff. Humalakhak naman si Daddy at tsaka tumango bilang pag sang ayon sa sinabi ni Geofd. “Tama nga naman. Wag na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyan. Anyways, if you’re here for a vacation then you have came into the right house. We can help you during your stay here. We’re one of the leading shipping companies after all, right sweetie?” pagmamalaki ni Daddy at tsaka ako nilingon. “Y-Yes, Dad” tugon ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano namin natapos ang aming hapunan but it all went down sa pagsama namin ni Thea sa mga natitirang araw ng pagbabakasyon nina Geoff at Neil dito sa Pilipinas. Gusto rin daw kasi ni Daddy gawing involved ang aming kompanya kay Geoff. Nalaman kasi ni Daddy na sikat na atleta si Geoff, he read it in a magazine, kaya he will also take this chance to also promote our shipping lines. Inaamin ko na nasaktan ako sa balita na nagbabakasyon lang sina Geoff dito at hindi magtatagal pero mabuti na lang ay nasa akin parin ang pabor ng tadhana. Talagang ipinasama pa kami ni Thea sa mga lakad nina Geoff at Neil. Geoff and Neil accepted my father’s offer kaya palihim na nagdiwang ang kaluluwa ko sa sobrang galak. Oh diba, panalo pa rin. All I have to do is to make him fall in love with me bago pa siya maka alis ng bansa. Hindi pa nila alam kung kailan sila aalis but I guess kakailanganin ko mag double time para makuha ko ang loob niya. Damn! Kailan pa ako naging desperada para sa isang lalaki?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD