Kabanata 8

2803 Words
|Tamara| “Kamusta araw mo, hija? Masaya naman ba ang mga bata sa iyong hinandang party para sa kanila?” tanong ni Mommy sa hapag. Tumingin din naman agad si Daddy sa akin habang hinihintay ang aking sagot. “Actually, it was great Mom. Nagtatatalon nga ang mga bata nang makita ang mascot na pumasok sa function hall. Kinabahan nga ako ng kaonti kasi baka matakot sila pero buti na lang ay hindi” magiliw na sabi ko sa kanila. “Mukhang masaya nga kanyo kanina. Sayang at kinailangan namin ng Mommy umattend ng conference sa kompanya ng tito mo. Next year ay sisiguraduhin na namin ng Mommy mo na makakapunta kami” paninigurafo ni Daddy sabay gawad ng ngiti kay Mommy. Mommy smiled back at him at sabay sila lumingon sa akin. “Uhmm, hija. We heard na may kasama dayw kayo na dalawang lalaki kanina sa foundation” tumigil si Mommy sa pagsasalita nang uminom siya ng tubig sa kaniyang baso. “Mga bagong kaibigan mo ba sila, anak? Sabi daw nila ay puro matitipino at gwapo daw mga ito” pagpapatuloy niya. Wala sa oras ako nasamid ng aking iniinom na tubig dahil sa tanong niya. I was kind of expecting na malalaman rin ito nina Mommy at Daddy dahil sa mga tauhan na kasama ko pero hindi ko ineexpect na irereport pati kung ano itsura nila. “Uhm, yes Mom. Sina Geoff at Neil. Nakilala namin sila ni Thea noong nakaraang buwan lang sa Makati Golf Club” pagpapaliwanag ko sa kanila nang makabawi ako mula sa pagkakasamid. Das squinted his eyes na para bang may pilit na inaalala. “Ano ba ang mga apelyido nila at baka kilala ko ang panilya nila, anak?”si Daddy. “Mga Montagniers sila, Dad, and mag pinsan sila” paglalahad ko sa kaniya. My dad’s brows shot up nang marinig niya ang sinabi ko. “Montagniers? Really?” he said with an amused face. “Kilala mo ba mga Montagniers, Dad?” ngayon hindi ko na mapigilan ang maging kuryuso sa biglaang reaksiyon ni Daddy tungkol sa kanila. “Hmm, hindi ako sigurado pero may kaibigan ako noon na apelyido ay Montagnier. Raymund is an old friend of mine pero hindi na kami nagkita simula nang nakapangasawa na siya. I heard he flew to other country to settle. If I’m not mistaken, baka anak niya ang isa sa kanila” ani ni Daddy. “Ang liit lang pala ng mundo. . .” si Mommy at tsaka sumimsim ng tubig sa kaniyang baso. “Why don’t you invite them here over dinner on Friday, Tammy? Baka nga kaibigan ng Daddy mo ang ama ng isa sa kanila” pagpapatuloy ni Mommy. Nagulat naman ako dahil sa suhestyon ni Mommy. “Uh-huh. Friday sounds good” tumango-tango naman si Daddy. Geez, ba’t parang kinakabahan ako, eh ipakikilala ko lang naman sila. Besides, kaibigan lang kami diba? Masyado naman ako’ng feelingera. “I-I’ll ask them, Mom” tanging nasabi ko pagkatapos no’n. After our dinner ay nag shower muna ako bago humandusay sa aking kama. Yun nga lang, hindi pa ako nakakaramdam ng antok. Nakuha lang ang atensyon ko nang tumunog ang aking cellphone mula sa aking handbag. Agad ko iyon inilabas mula sa aking bag at tinignan iyon. Bamilog ang mga mata ko nang makita kung ano ang nakalagay sa aking screen. Geoff Montagnier sent you a friend request. Uminit naman ang pisngi ko dahil do’n. Wala sa oras ako na napangiti mag-isa sa loob mg aking kwarto. Para nga akong timang kung maka rolyo sa saya sa aking kama. Huminga muna ako ng ilang beses bago ko pinindot ang accept button. Pagkatapos ko gawin iyon ay parang mas lalo lang ako hindi makakatulog dahil do’n. Walang pagpapahintulot na binuksan ko ang kaniyang profile. Nakatalikod kasi siya sa kaniyang profile picture habang nakatayo sa roof deck ng yate. I wondee if it’s his? I went to the his photo albums but to my dismay kaonti lang ang kaniyang mga picture at halos lahat ay group picture pa kasama amg kaniyang mga barkada. Dito ko rin natuklasan na bagong gawa lang nito ng kaniyang account. My phone beeped hudyat na may natanggap ako na isang notification. [Done stalking? (] si Geoff. Napangiwi naman ang bibig ko dahil do’n. [Asa ka (] reply ko pabalik sa kaniya habang pinipigilan ang sarili na kiligin. I waited for his reply after that pero hindi iyom dumating. Napasinghap na lang ako at tinabi ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan. Lumipas na ang hating gabi ay dilat na dilat pa rin ang aking mga mata. Pa minsan-minsa’y ay tinitignan ko ang aking cellphone kung meron bang reply galing sa kaniya pero wala ako natanggap. Na dismaya lamg ako lalo. My phone beeped again at mabilisan ko kinuha iyon sa ilalim ng aking unan. It was a message from Geoff. Binuksan ko agad iyon pero isang picture lang ang nakapaloob dito. It’s a puppy sleeping on his chest. Hindi kita ang mukha ni Geoff kasi naka sentro lang ang larawan sa hawak hawak niyang puppy sa kaniyang dibdib. Napangiti ako dahil do’n. The puppy looks really cute habang nakahilig lang ang ulo nito sa braso ni Geoff habang si Geoff naman ay nakahiga sa kama. Kung hindi ako nagkakamali isang Beagle ito. I replied him a goodnight message pero kapagkuwan ay hindi na ulit siya nakapag reply. He didn’t even opened my message. Nakatulog na kaya siya? I smiled at myself at ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. I closed my eyes at tinabon ang unan sa aking mukha. Damn him. Parang nahuhulog na talaga ako sa kaniya. “Gusto mo mag kape?” tanong ni Nikko sabay lahad sa aking harapan ang isang brewed coffee mula sa aking paboritong coffeeshop. Maaga kasi ako nagising kanina kaya hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng antok at p*******t ng ulo ko ngayon, lalo pa na late na ako matulog kagabi. Nakahilig lang ang aking ulo sa aking swivel chair habang pinipilit gisingin anf sarili. Bakit ba kasi napuyat pa ako kagabi? Dad gave me my own office. Malaki iyon at convenoent para sa akin. Malapit lang ito engineering office kaya hindi na ako nagulat na narito ngayon si Nikko. “Salamat” tanging nasabi ko pabalik sa kaniya. Agad ko rin binuksan ang kape at inamoy ang mainit na aroma nito. Ugh, it feels heaven. “Mukhang puyat tayo ngayon ah? Anong meron? May nagpapapuyat na ba sa’yo” aniya sa makahulugang tono at sabay umupo sa upuan sa harap ng aking desk. Sinimsim rin nito ang kaniyang dala-dalang kape at tsaka ngumiti sa akin. “Timang! Wala no. Marami lang ako iniisip” hinilig ko ulit ang aking ulo sa back rest ng aking swivel chair at huminga ng malalim. “Tungkol naman saan?” pag-iintriga niya. “Kilala mo ba si Walaka?” sabi ko at pinikit na lang ang aking mga mata. “Walaka? Pangalan ba ‘yon?” he scoffed. “Walakampake” pambabara ko sa kaniya at tsaka minasahe ang aking ulo. “Ay ang sama mo. May kasama ka lang kahapon na mga gwapo sa iyong kaarawan kahapon ganyan na ugali mo” patitira niya pabalik sa akin. Agad niya nakuha ang aking atensyon dahil sa kaniyang huling nasabi. “Ano pinagsasabi mo jan? Ano’ng gwapo?” tanong ko sa kaniya kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. “Pawala ka pa jan eh kalat na dito sa buong building na may mga kasama ka daw na gwapo kahapon. Di hamak na mas may mukha ako no. Nobyo mo?” sunod sunod na sabi niya. Kung may iniinom lang ako siguro na tubig ngayon ay malamang naibuga ko na iyon sa mukha ni Nikko. “Ikaw? Gwapo? Eh parang mas ma appeal pa nga ang hardinero namin sa bahay kaysa sa iyo. And excuse me, hindi ko siya nobyo. W-We’re just friends” hindi ko mapigilan na hindi makadama ng pait sa huli kong sinabi. “Aray naman! Pasalamat ka boss kita. Hmm. Pero totoo nga? Na may kasama ka sa charity kahapon na mga gwapo” he immediately concluded sabay himas ng kaniyang panga na animo’y para siyang may bigote. Inarapan ko na lang siya dahil do’n. Baka saan pa kasi mapunta ang usapan namin kung sasagotin ko ang mga katanungan niya eh wala naman katuturan, palagi naman. Pagkaraan ng ilang oras na pang iistorbo sa akin ni Nikko ay umalis rin ito sa aking opisina kapagkuwan. Mabuti na lang at wala nang iistorbo sa akin. Now I know kung ano ang nararamdaman ni Daddy pag nasa loob ako ng kaniyang opisina. Paano ba naman kasi labas pasok ako sa kaniyang opisina kasi wala akong magawa. Lampas alas dos na ng hapon nang biglang tumawag ang aking sekretarya galing sa labas. “M-Ma’am, may naghahanap po dito sa inyo. Uhmm” pagpapaalam ng aking sekretarya galing sa labas ng aking opisina. Magtaka naman ako kung bakit ang tono niya ay parang pinipiga. “Sino?” tanong ko sabay tingin sa aking schedule na binigay niya sa akin. May meeting ba ako ngayon? Wala naman nakalagay dito ah? “S-Si Sir Geoff po, Ma’am. May ibibigay lang daw po” aniya sa nahihiyang tono. Napalunok agad ako at wala sa oras ako napa ayos ng srili. Shit! Bakit siya nandito? At ano ang ibibigay niya sa akin? “Okay. Wait lang may tinatapos pa ako” pagdadahilan ko at agad nataranta kung ano ang gagawin. Sinuklay ko ng mabilisan ang aking buhok at sabay tinignan ang sarili sa maliit na round mirror sa ibabaw ng aking lamesa. Inayos ko rin ang suot ko na damit at tsaka nag retouch kaonti ng aking make up. I finally sighed pagkatapos ko makontento sa aking sarili. “Sige, papasukin mo na siya” pagpapahintulot ko sa aking sekretarya. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa aking swivel chair at sabay pineke ang pagbabasa ng mga papeles. The door clicked open pero pinigilan ko ang sarili ko na tignan siya. Ayaw ko na isipin niya na excited ako sa pag bisita niya. “Mukhang bad timing ata ang pagdalaw ko dito, ah” aniya. Rinig ko ang kaniyang mga hakbang papalapit sa akin pero pinatuloy ko pa rin ang pagpapanggap sa pagbabasa. “Hmm. Hindi naman. Just make yourself comfortable, patapos na rin ako” pagsisinungaling ko. Eh kanina pa talaga ako tapos eh! Kulang na lang ako na mismo ang mag mop sa sarili ko na opisina. Natigil ako sa aking pagpapanggap sa pagbabasa nang may biglang tumahol galing sa aking harapan. Napa-angat ako ng tingin dahil do’n. Ngumiti si Geoff habang bitbit ang isang tuta sa kanyang dibdib. It was the pup he was carrying from the photo he sent last night. “Oh my, ang cute niya” tumayo ako agad sa aking kina-uupuan at inalo ang aso mula sa kaniya. “You like him?” tanong ni Geoff sa akin. Tumango-tango namana agad ako na parang bata sa harap niya. “Then he’s yours now” aniya. Napa angat naman ako bigla ng tingin sa kaniya para tignan kung nagbibiro ba siya. To my surprise, I could see no humor in his face. “Seryoso ka? Para saan naman?” tanong ko nang hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Kaarawan mo kahapon diba? Oh, and one more thing” aniya sabay talikod sa akin na mas lalong kinulobot pa lalo ng aking noo. May isa oang regalo? Damn, why is he giving me all these? Sa oras na iyon ay hindi ko maiwasang hindi mag assume na espesyal nga ang tingin niya sa akin. Or I don’t know. Baka assuming nga talaga ako. “Here” sabi niya sabay alok ng isang paper bag na may tatak ng isang mamahaling brand ng bag. Namilog agad ang mata ko dahil do’n. Ni kailanman ay hindi ako tumatanggap ng mamahaling regalo mula sa ibang tao o kahit mismo sa pamilya ko pero bakit pagdating sa kaniya parang hindi ko kayang tanggihan? I was all smiles nang tanggapin ko iyon mula sa kaniya. Grabe naman ang isang ‘to! Pag pinagpatuloy mo pa ito baka iisipin ko na gusto mo rin ako. “Sabi ni Neil pag hindi mo raw gusto yung bag papalitan niya lang daw ng iba. Sinabihan rin kami ni Thea na ayaw mo raw ng mga mamahalin pero walang maisip si Neil na pwede pang iregalo sayo” sambit ni Geoff sa kalagitnaan ng kinikilig kong estado. Bahayga naman napa-awang ang bibig ko dahil do’n. Does it mean kay Neil ito galing? Hay naku, feelingera ka talaga kahit kailan Tamara! “Okay lang. Ibebenta ko lang ‘to para mapakinabangan naman” pagbibiro ko sabay suri sa kabuuan ng bag. Napangiti naman si Geoff dahil sa sinabi ko na iyon. Ayan nanaman tayo sa ngiti eh! Sige ngumiti ka pa ulit at hindi ka makakalabas dito sa opisina ko ng buhay! I insisted Geoff to stay a bit longer so I could prepare him a snack pero hindi na siya nagtagal pa. He just came here para ibigay sa akin yung tuta at nagpaalam na agad. Pagkatapos umalis ni Geoff ay naiwan na lang ako at ang tuta na bigay niya. Yun nga lang ay sobra ito sa pagkakulit. Kaya napag desisyunan ko na magpabili ng dog food sa aking sekretarya. I suddenly remembered na hindi ko pa siya napapangalanan kaya nag-isip ako na pwede ko ipangalan sa kanya. At the end, I named him Max. Yun kasi ang pangako ko sa aking sarili na, kung magkakaroon man ako ng aso ay tatawagin ko siyang Max. I went home early that day habang bitbit ko si Max sa aking braso. Nabighani nga si Mommy at Daddy nang sabihin ko sa kanila na bigay iyon ni Geoff. Dahil do’n parang nagkaroon pa sila ng interes tungkol kay Geoff. Tinawana nga nila ako nang sabihin ko sa kanila na isang mamahaling bag ang binigay ni Neil sa akin. “Have you told them about the dinner, hija?” si Mommy nang pumasok ito sa aking kwarto. Kakatapos ko lang maligo at naghahanda na akong matulog. Max is just sleeping at my bed. Napagod rin siguro kakatalon kanina pa ng dumating sa bahay. “Wala pa nga po eh. Hmm. Baka bukas” sabi ko at tsaka tinapos ang pag blo-blow dry ng aking buhok. Umupo rin ako agad sa tabi ni Mommy at hinayaan siyang suklayin ang aking buhok. “Hmm, okay” she said in a low voice. Pagkatapos no’n ay pareho kaming hindi nagsalita. It was a peaceful moment for the both of us. Yun nga lang, dahil sa katahimikang bumalot sa pagitan namin ay nahimigan kong may gustong sabihin si Mommy sa akin. “What is it, Mom?” bahagya kong inanggulo ang aking sarili upang harapin siya. I saw her sighing in resignation pagkatapos ko’ng makuha na may nais iting sabhihin. “Hija” she sighed as she started talking. Pinagpatuloy niya lang ang pagsuklay ng aking buhok kahit hindi niya abot ang kabila parte nito. “Hmm, masaya lang ako para sa’yo. Ibig kong sabihin, nagkakaroon ka na nang oras para sa iyong sarili. Simula kasi na palagi wala ang Daddy mo ikaw na mismo ang kumuha ng lahat ng resposnsibilidad niya” aniya habang tinitigan ako na parang babasagin na gamit. Hindi ko alam kung saan lahat ng ito nanggaling pero hinayaan ko ang sarili ko na makinig lang sa kaniya. Mahina kasi ang pangangatawan ni Mommy kaya ayaw ko na siya ang mag asikaso ng kompanya. Nirekomenda rin kasi ng doctor na umiwas siya sa stress kaya nga halos ay ipinapatravel ko siya para makapag pahinga. Confident naman kasi si Daddy na kaya ko raw patakbuhin ang shipping lines namin kaya sa akin niya iniwan iyon. “Mom, pinag-usapan na natin ito diba? Hindi rin ako matututo kung hindi inasa ni Daddy sa akin ang kompanya” sabi ko sa kaniya. “Yes, alam ko anak. Gusto ko lang naman na ipaalala sa’yo na narito ako at Daddy mo na naka suporta sa’yo na hindi mo na kailangan mag sinunggaling sa amin. You can tell us anything. We’re your parents after all” aniya. Nagtaka ako ng kaonti dahil sa sinabi niya sa bandang gitna. “Ano ang ibig mo sabihin, Mom? Bakit naman ako magsisinunggaling?” ngayon hinarap ko siya ng buo. “Concerned lang kami ng Daddy mo, hija. Natural lang iyon kasi ikaw lang ang nag-iisang anak namin” I got her point pero yung hindi parin klaro ang ay ang pagsisinungaling. “Tungkol naman saan, Mom? Okay lang ako. Wala kayong dapat ikabahala” pagpapanigurado ko sa kaniya. She looks unconvinced though. “Boyfriend mo ba si Geoff?” si Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD