Kabanata 10

2871 Words
|Tamara| Alas dies na ng gabi ng lumakad na sina Geoff at Neil pauwi. Napagdesisyunan ni Thea na dito muna siya makikitulog kaya narito na kami ngayon sa aking kwarto nagmumukmuk sa kama. Gusto pa sana ni Mommy at Daddy makipag-usap sa amin pero naunahan yata sila ng antok kaya hindi na namin nagawa. “Hindi ito pwede. I can’t believe it. How come I didn’t know about this? They should’ve told us about it” reklamo ni Thea mula sa aking tabi. We’re both sleeping in my bed. Ito na rin kasi nakasanayan niya simula pa noong mga bata pa kami. I heard her whine beside me pero hindi na ako umimik at sinubukang matulog. Wala rin naman kasi kami magagawa kung aalis nga sila, after all, narito sila for a vacation at isa pa hindi naman nila obligasyon sabihin lahat sa amin. Hello? Girlfriend ba nila kami? Eksaktong pipikit na sana ako nang biglang nag vibrate ang aking cellphonr mula sa ilalim ng aking unan. Dahan dahan ko iyon kinuha sa ilalim at tsaka nilingon si Thea. Nakatulog na ito kaya binuksan ko na ang aking cellphone. Nawala bigla ang antok ko ng makita ang pangalan ni Geoff na nag flash sa screen. [I just arrived home. Salamat nga pala sa dinner. Nabusog rin sa wakas ang mga bulate ko sa tiyan (] aniya. Napangiti naman ako dahil sa kaniyang mensahe. Okay, timang na kung timang. Bahala na. [Mabuti naman at na busog yu-] Magtitipa pa sana ako ng aking irereply ng biglang hinablot ang aking cellphone mula sa akin. Thea stood up at mabilisang binasa ang text message mula kay Geoff. Aagawain ko pa sana iyon mula sa kaniya pero huli na ako. “Aha! Nahuli si Malandi! Ganito na pala kayo mag message sa isa’t-isa ha? Mabilis ka ring babae ka” sabi ni Thea sabay balik niya ng aking cellphone. Padabog ko na tinanggap ang aking cellphone mula sa kaniya at tsaka bumalik sa aking kinahihigaan. Hindi na ako nakapag reply kaya itinago ko na lang ulit ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan. “Well, mabuti na rin iyon kasi kaonti lang ang tatrabahuin ko sa inyo ni Geoff. Good thing gumagalaw ka rin ng kusa” sabi nito na may halong pagka bilib sa kaniyang tono. “Matulog na nga tayo. Inaantok na ako” inis na sabi ko sa kaniya sabay talukbong ko ng aking sarili sa aking kumot. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Thea mula sa kaniyang kina-uupuan. “Hay naku, Tammy. You’re totally screwed” she remarked bago humiga ulit sa aking tabi. Hindi ko na iyon pinansin at inabala na lang ang sarili na mahulog agad sa pagkakatulog. ‘I know right. I really am screwed’ pag-uulit ko sa aking isipan bago ako tuluyan nahulog sa mahimbing na tulog. “Good morning, beauties. Breakfast is ready” bati ni Mommy nang makapasok na kami ni Thea sa dining area. Nakaupo na sina Mommy at Daddy. Nakahanda na rin ang lahat kaya naupo na rin kami ni Thea sa aming mga upuan. “Good morning tita, tito. Thank goodness. Nagugutom na rin kasi ako” si Thea sabay hilab ng kaniyang tiyan. Napailing na lang ako sa sinabi ni Thea at tsaka inumpisahan na kumain. “You know what. They’re both really nice. Your Dad and I like them both” si Mommy. Tumango naman si Daddy bilang pag sang-ayon kay Mommy. Thea and I were stuck in our minds for a few seconds nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy nila. “Y-Yeah, they’re really nice, Mom” tanging sagot ko sa kanila pagkatapos ko uminom ng tubig. “Sigurado ka ba na hindi nanliligaw sa’yo si Geoff?” biglang dugton ni Mommy. Inubo naman ako bigla sa kaniyang tanong habang si Thea naman ay hindi napaigilan ang paghalakhak ng todo. Masarap naman sana iyon pakinggan pero nakakagulat lang ‘to kasi si Mommy. “Mommy! Bakit ganyan ang tanong mo? He’s not okay? My gosh” eksaherada ako napasinghap ng hangin pagkatapos no’n. Sinubukan naman ni Thea na pigilan ang kanitang tawa pero hindi niya nagawa. “You just made my day, tita” ani ni Thea sa pagitan ng kanyang pagtawa. “Nanghihinayang lang kasi kami, anak, ng Daddy mo. Mabait naman si Geoff, matalino, matipuno, highly independent, at gwapo pa. That goes the same for you too. Nagtataka nga ako kung bakit kaibigan lang kayo eh. Not to mention that he gave you a pup” si Mommy sa di makapaniwalang tono. Kung pwede lang na ako manligaw sa kaniya, Mommy, edi sana nagawa ko na. Mabuti na lang at hinidi ako ganoon ka agresibo para gawin iyon. Hay, I just hope that I really won’t. “Alright. Let’s just stop right there, sweetie. Pasensiya na anak. You still have a lot to discover at ang pagmamahal ay hindi dapat minamadali. Kaya tama ka, dapat kaibigan lang muna. Siguro mga after 2 months ay pwede na” si Daddy. “Ang bilis naman yan honey. Make it 1 month” si Mommy nang sumabay sa kalokohan ni Daddy. Hihirit rin sana si Thea sa kalokohan nina Mommy at Daddy pero agad ko rin tinakpan ang kaniyang bibig. “Ang mature niyo. Promise” pagsasakarsmo ko sa kanila. Nagtawanan na lang silang lahat at hindi na bumanat pang muli. Inirapan ko na lang sila ng aking mga mata at pinagpatuloy ang aking merienda. Minsan talaga napapaisip ako kung ako ba talaga ang tunay na anak nina Mommy at Daddy. Pare-pareho kasi sila ni Thea mag-isip ng aking mga magulang. Siksik at liglig sa kakulitan. Hay naku. Makalipas ang ilang mga araw ay naging abala na rin ako sa aking trabaho sa aming kompanya. Ganoon rin si Thea sa kaniyang restaurant kaya hindi na ulit kami nagkita ng madalas. Tinatawagan niya lang ako tuwing gabi para humingi ng update tungkol kay Geoff. Na didismaya nga ako palagi kapag hihingi siya ng bagong kaganapan sa pagitan namin ni Geoff, kasi wala ako maibigay sa kaniya. Nakikipag interact naman si Geoff sa akin through chat yun nga lang ay pawang mga kalokohan ang kaniyang sinesend sa akin. Ewan ko ba kung ano ang trip nito kung bakit niya ako sinesendan ng mga nakaka bwiset na videos at memes. I just took it positively kasi mas mabuti na rin iyon na we’re keeping in touch kahit wala naman kabuluhan ang mga ginagawa namin kaysa naman sa wala talaga diba? Abala ako sa pag-iinspect ng mga passengers room sa aming cruise ship sa ika-apat na palapag nito kasama ang iilang mga personnel nang tumawag sa akin si Daddy. Bagong bili namin itong barko mula sa U.S. kaya ako mismo ang pumunta rito para tignan nang personal. I excused myself nang tanggapin ko ang tawag ni Daddy. Hinayaan naman ako kaya lumabas na rin ako agad patungo sa deck. Malakas ang hampas ng hangin kaya kailangan ko pang hawakan ang buhok ko para hindi ito guluhin at takpan ang magandang view ng dagat sa aking harapan. “Anak, nasaan ka? Tapos ka na ba jan kay Ariel?” tanong ni Daddy. Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. “Sinong Ariel, Dad?” pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. “Yung barko, sweetheart” Dad chuckled. Dahan dahan naman ako na tumango pagkatapos ko makuha ang sinabi niya na iyon. Simula kasi nang si Daddy ang namahala ng kompanya ni Lolo ay naging mapaglaro ito sa pagbibigay ng pangalan sa aming mga barko. We acquired 2 new ships last year at pinangalanan iyon ni Daddy bilang Sebastian at Flounder. Ngayon, hindi na ako nagulat pa kung bakit iyon ang pangalan na binigay niya sa bagong barko namin. Kaonti na nga lang makokompleto na namin ang mga cast ng Little Mermaid eh. Oh diba. Ang kulit talaga mag-isip si Daddy. “Okay. Ariel it is. Bakit ka nga pala napatawag, Dad? Kailangan mo ba ako sa opisina?” tanong ko kahit hindi niya naman ako kailanman tinawagan para lang puntahan siya sa opisina. “Hindi naman, anak. Gusto ko lang malaman kung na itanong mo na si Geoff tungkol sa mga lakad niya? Alam mo na, para hindi na siya maagaw ng ibang travel company” si Daddy. Bahagyang nakaramdam naman ako ng excitement dahil do’n. Ibig sabihin kasi nito ay malapit na lang ang mga araw na araw-arawin ko si Geoff, ay este. . . araw-araw magkasama. Akala ko nga hindi iyon matutuloy kasi hindi na namin iyon napag-usapan ni Daddy tungkol sa pag sponsor namin sa mga lakad ni Geoff. Laking pasalamat ko na lang na tulpy pa rin ata iyon. “Hindi pa, Dad. Tatawagan ko na lang siya mamaya pagkatapos nito, okay?” I said assuring him. Naging kampanyte naman si Dad kaya tinapos niya naman agad ang kaniyang tawag. Pasado alas tres na ng hapon nang tuluyan na kami matapos sa aming isinagawang inspection sa loob ng barko. Bagong bili naman iyon kaya wala kami nakita na problema. Pero dahil sa protocol ng aming kompanya ang pag dodouble check ng mga equipments at ng makina, kaya nga doon kami natagalan. Pumasok na rin ako sa aking sasakyan at doon ko na dinial ang numero ni Geoff. It’s my first time calling him kaya medyo kabado ako. “Uuwi na ako, Kuya Albert” sabi ko kay Kuya Albert na nasa drivers seat at tsaka niya pina andar ang sasakyan. Geoff and I have been friends for a month now pero hindi ko parin maalis sa aking sarili ang kabahin kapag kaharap o kausap si Geoff. It felt like that everytume I see him or hear him para akong nalulusaw. Namamanhid o di kaya’y nawawala ako sa normal ko na pag-iisip. Buong akala ko ay infatuation lang ang nararamdaman ko na ito pero mali ako. It was more beyond than being infatuated. I waited for him to answer my call pero hindi niya nagawa. His phone is just keep ringing. Tinawagan ko ulit siya pagkatapos no’n pero hindi niya parin sinasagot. Tinapos ko na lang ang pagtawag sa kaniya sa pag-aakala na busy siya. Maybe he is. Napa-isip na lang ako bigla kung ano ba ang mga ginagawa niya sa pang araw-araw na nandito siya sa Maynila. Wala ka naman talaga mapupuntahan dito maliban sa mga malls at parks, well, unless kung ganyan nga talaga ang trip nila ni Neil. Nasa kalagitnaan ako ng biyahe pauwi ng bahay nang biglang may tumawag sa cellphone. I saw Geoff’s name flashed on the screen kaya agad ko yun kinuha. I cleared my throat bago ko iyon sagutin. [Hello, Geoff?] I tried sounding like a lady. Napatingin naman sa akin si Kuya Albert galing sa drivers’ seat. Nahihiya man ay inignora ko na lang si Kuya Albert at pinokus ang sarili sa tawag. [What’s with your voice? Maayos lang ba ang pakiramdam mo?] Tanong niya. Bigla naman ako nahiya dahil sa ginawa. [Ahm, hindi nga eh. May sorethroat kasi ako. . .] palusot ko at sabay ubo para maiba ng kaonti ang boses ko. [Anyways, are you still up with my Dad’s offer?] Pagpapatuloy ko. Now I have to keep this fake voice I just made. Hay naku. Baliw ka na ata talaga, Tamara. [Oh, yeah. Good timing. I was about to call you but I guess you’re faster than me huh. Gusto ko lang humingi ng pasensiya kasi ngayon lang namin din ito napag-usapan ni Neil. . .] [Don’t worry. Just shoot] putol ko sa kaniya. [Okay. Uhm. So Neil just decided that na gusto niya pumunta sa Palawan bukas. Look, I know na gusto kayo ng Daddy mo na ipasama kayo ni Thea sa amin, well, kami rin naman, we would definitely love it if you’re coming with us. Pero I know this was a rush decision and we would understand na busy kayo kaya okay lang sa amin kung hindi kayo ni Thea makakasa-] [Sasama kami!] I shouted as I cut him off. [I mean, hindi naman kami busy k-kaya we don’t see any reason para hindi sumama, diba?] Pagbawi ko sabay pagsalita sa mahinahong boses. [Then that’s great. I’m sure this would be fun. Thanks, Tam] he said the last words like he jsust woke up from his bed. Darn him. [I’ll make the arrangements] I offered. [There’s no need, Tam. Kami na ang bahala ni Neil] [Alam mo naman na hindi iyan maguhustuhan ng Daddy ko ,Geoff] I insisted. [Okay, Ms. Harolds. Whatever your father pleased. Pero wag na kayo mag abala sa transportation] aniya. Ngumiti naman ako dahil napapayag ko siya. Wala sa oras na pinaharurot ni kuya Albert ang aking sasakyan pabalik ng kompanya. Walang pag -aatubiling pumasok ako sa opisina ni Daddy. Natigilan lang ako nang makita na may kausap si Daddy sa kaniyang lamesa. Napalingon naman sila sa akin dahil do’n. “Sorry, Dad” aamba na sana ako na umalis ng mapansin ang mistulang pamilyar na mukha ng isang lalaki na kaharap ngayon ni Daddy. I’m not sure kung nakita ko na siya noon pero it felt like I already did. Mas matanda nga lang ito kaysa kay Daddy ng ilang taon at parang kakagaling lang sa isang pormal na pagtitipon. He’s very neat at halatang habulin ng mga babae nooong mga kapanahunan niya. “Good timing, anak. Halika rito” tumango naman si Dad bilang pagpayag sa akin na pumasok at pumunta sa kanila. Pasimple ko inayos ang aking suot habang papalapit sa kanila. “Anak, I want you to meet an old friend of mine” si Daddy nang tuluyan na ako na makalapit sa kanila. Nasa harap ko na ngayon ay kausap ni Dad at hindi ko mapigilan na maihalintulad siya sa kilala ko. Hindi kaya- “He’s Raymund Montagnier, hija” si Daddy. Napaawang naman ang aking bibig dahil do’n. “Magandang hapon po, sir!” Natataranta kong bati sa kaniya. I immediately stretched out my hand to initiate a handshake. “Magandang hapon din, hija” he also reached my hand to accept my handshake. Oh my, I knew it. Yun pala ang dahilan kung bakit parang nakita ko na ang mukha niya. Him and Geoff resembles a lot to each other. “You must be Tamara? Napakaganda naman pala ng anak mo, Martin. She looks exactly like her Mom” Mr. Montagnier said. “Yep, definitely. Anyway, anak. Raymund wants to talk to you about something. Okay lang ba iyon sa iyo?” si Daddy. “S-Sure, Dad. Okay lang sa akin. Tungkol naman po saan?” pagtataka ko. Una pa lang kasi namin ito na pagkikita and I didn’t expect him na may sasabihin ito sa akin. Unless it’s about Geoff? Dahil sa tanong ko ay agad naman ako iginiya ni Mr. Montagnier na sa labas kami ng opisina mag-uusap. I led our way both outside the office hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Kukuha na sana ako ng aming oorderin na inumin nang pinigilan ako ni Mr. Montagnier. “There’s no need, hija. Mabilis lang ito” he said. Ang kanina na masiglang mukha ni Mr. Montagnier ay ngayon napalitan na ng puno ng pag-aalala. Tumango naman ako at hinintay ang kaniyang sasabihin. Do’n ko lang napagtanto nga baka nga tungkol kay Geoff ang pag-uusapan namin. “Alam po ba ng inyong anak na nandito kayo, sir?” I asked all out of sudden. Yumuko naman siya dahil do’n. Agad ko naman nakuha ang ibig niyang sabihin kaya hindi ko na dinugtungan ang tanong ko. I guess may problema sila sa isa’t-isa. We were both covered with silence until he started to speak. “It’s about my son, Geoff” pagsisimula niya. Hindi na ako nagtanong pa at hinayaan siya sa pagsasalita. Napaka importante siguro ng kaniyang sasabihin na siya pa mismo ang pumunta sa amin para sabihin ito. “I heard malapit kayo ng anak ko sa isa’t-isa, am I right?” tanong niya. He sounded so concerned that I only nod at him to respond. “Geoff is going through a lot right now, Tamara, at hindi ko na alam kung ano ang pinanggagawa niya sa buhay niya ngayon. I know he’s pretty devastated about what happened last year but I just-“ huminto siya para makahinga pa ng maayos. Unti-unti namumuo ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata. “Yung nangyaring aksidente ho ba yung tinutukoy niyo, Mr. Montagnier? At sa kaniyang tinamo na injury?” pagsulpot ko. Alam ko na hindi ito kumpirmado pero dahil sa sitwasyon ngayon ay hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili na tanongin iyon. His Dad came here to tell me all this kaya mas mabuti na rin na maging totoo ako sa kaniya. He then just looked at me with even more sadness in his eyes. I suddenly felt like I triggered something that was supposed to be buried. “Y-Yeah” he said as he deeply grasp for more air. His eyes were all red at ramdam ko ang kaniyang sakit at pagsusumamo para sa anak. “But it was more than that” aniya. “Ano po ang ibig niyo sabihin, sir?” I asked. “During that crash, hindi lang siya nag-iisa sa loob ng sasakyan”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD