Kabanata 7

2605 Words
Tamara| “Maligayang Kaarawan, ate Tammy!” sabay-sabay na pagbati ng mga bata sa akin nang papasok ako sa kanilang kwarto. Hindi ko iyon inaasahan pero agad ako napangiti nang makita ko sila na nakasuot ng mga kani-kanilang gawa na party hats. Ang loob ng malawak na function hall ay nilagyan lahat ng palamuti. Animo’y may gaganapin talaga na isang children’s party sa loob. Merong mga origami na hugis mga ibon na nakasabit sa kisame at mga nakadikit na mga lobo sa dingding. Naka set-up na rin ang mga round tables sa gitna at nahagip ng mata ko sa dulo namau stage pa. “Thank you, kids” tugon ko sa kanila. Lahat sila nagpalakpakan dahil do’n. Pakiramdam ko tuloy tatakbo ako bilang mayor sa susunod na election. Lumingon din ako sa aking mga kasama at sila rin ay nagpalakpakan. Eksaherada nga ang pagpalakpak ni Thea kasama ang mga tauhan na kinuha ko galing sa kompanya. Geoff messaged me earlier na malalate daw sila ni Neil ng kaonti kasi may aasikasuhin pa daw sila. Okay lang naman iyon kasi bukod kay Thea ay marami din ako na recruit na mga volunteers. Hindi ko nga inexpect na ang dami nila eh. “Sana nagustuhan niyo ang surpresa ng mga bata, Ms. Harolds” si Mr. Lopez. Siya ang kasulukyang head ng foundation na ito. Kahit medyo bata ang edad niya bilang tagapamalaha ng foundation na ito ay hindi maikakaila na maganda ang pagpapatakbo niya rito. “Naku, nag abala pa kayo Mr. Lopez. Pero syempre nagustuhan ko rin naman ang surpresa. Salamat po” tugon ko kay Mr. Lopez. “Halika ka po. Ihahatid ka po namin sa inyong lamesa” iginiya kami ni Mr. Lopez kasama ang aking mga tauhan papunta sa table na malapit sa stage. Naku, mukhang mapapasabak pa ako sa isang speech ah. Kasabay ng pagpasok namin ay do’n din pinasok ang mga dala-dala namin na pagkain at mga regalo mula sa carter truck. Napangiti na lang ako nang makita ang mga bata na napapanganga dahil sa sobrang pagkasabik sa mga ito. “Grabe naman si Ms. Harolds. Maganda na nga, mabait pa. Naku, hindi kayo makakakita kagaya nito sa mga supermarket no” pagtutukso ni Thea sa akin. Inirapan ko na lang siya dahil do’n. “Ewan ko sa’yo” ani ko tsaka ko kinuha ang akibg cellphone mula sa aking maliit na purse nang maramdaman ko na may nag vibrate galing dito. Nilahad nito ang pangalan ni Geoff kasama ang kanyang isang text message. Agad ko rin iyon binuksan. “Sina Geoff na ba yan?” tanong ni Thea sabay tingin sa aking cellphone. Hindi ko siya sinagot at binasa na lang ang mensahe. [We’re already here outside. Papasok na ba kami?] Si Geoff. I immediately squinted my eyes at the entrance door para tignan kung andun na nga ba sina Geoff. Nagtaka naman si Thea kaya ginawa niya rin iyon. “Nandito na sila, Tammy!” nasasabik na sabi ni Thea. I already told Thea about what happened to her nang malasing siya. Namumula nga siya sa kahihiyan habang kinukwento ko iyon. At the end, nag-ipon soya ng lakas para humingi ng kapatawaran kay Geoff in person. Geoff didn’t mind it naman daw kaya mabilos rin nakapag move on si Thea. I smiled nang makita ko nga siya. He’s right. Andun na nga siya sa labas kasama si Neil habang nakapamaywang gamit ang isang kamay. He’s holding his phone as if he’s waiting for a reply. Ay oo nga pala, ang aking reply ang hinihintay niya. Hay naku, feeling ko tuloy jowa ko na siya. Ngumingiti ako ng mag isa habang natitipa sa aking cellphone. [Nag eexpect ka ba ng red carpet bago pumasok? Pumasok ka na] pagkatapos ko iyon isend ay nilingon ko sina Geoff ulit sa labas na ngayon ay tinitignan ang kanyang cellphone. Nakita ko siya na ngumisi dito bago iniyaya si Neil na tuluyang pumasok. Agad nila nakuha ang atensyon ng buong tao sa loob. Tinaasa ko ang isa kong kamay para makita nila kung nasaan kami. May lalapit pa sana sa kanila na isang social worket nang tinanggihan nila ang tulok at tsaka dumiretso sa amin. “Mga kaibigan ko po, Mr. Lopez. Sina Geoff po at Neil” pagpapakilala ko sa kanila nang makarating sila sa aming lamesa. “Nice to meet you po, Mr. Lopez” nakipagkamay si Geoff at Neil sa kaniya. “Ikinagagalak ko rin po kayo na makilala harap harapan, sir” si Mr. Lopez kay Geoff. Kumunot naman ang noo namin dahil sa sinabi niya. “Nakikita po kasi kita sa cover ng mga magazine, sir Geoff. Palagi ka nga na nasa front page sa mga sports magazine” paglalahad niya. Tumango naman kami pagkatapos malinawagan. Right, I sometimes forgot na ang famous pala nito. Kinabahan ako ng kaonti ng isali ni Mr. Lopez ang tungkol sa sport pero nang tignan ko naman si Geoff ay parang wala lang ito sa kaniya. “Ah ganoon po ba? Hindi naman siguro pangit ko na mga larawan ang mga nakalagay do’n sa magazine, Mr Lopez? ” pagbibiro ni Geoff kay Mr. Lopez. Humalakhak naman si Mr. Lopez sa sinabi niya. “Hindi naman, Mr. Montagnier. Nasisiguro ko na maganda naman ang pagkakakuha sayo do’n” si Mr. Lopez. Agad din kami nagsi-upuan pagkatapos iyon. Nasa iisang table lang kami nina Geoff, Neil, at Thea nang iniwan kami ni Mr. Lopez para asikasuhin ang programme. Talagang hindi ko inaasahan na ganito ka pormal ang children’s party na inulunsad ko. Umakyat na si Mr. Lopez sa stage kaya lahat ng atensyon ay nasa kaniya pwera na lang sa isa. Nahagip ng mata ko ang nakabusangot na si Thea habang nakatulala lang sa dingding. Pinagtakahan ko iyon pero agad naputol nang mag umpisa si Mr. Lopez sa paunang bati. Nagpalakpakan ang lahat ng matapos sabihin ni Mr. Lopez ang pasasalamat sa akin at sa aming kompanya. They even started singing a happy birthday song for me. “Hindi mo man lang sinabi na birthday mo pala ngayon. Sana nakapaghanda kami ng regalo para sa’yo” ani ni Geoff sa kalagitnaan ng pagkakanta. “Wag na kayo mag abala. I did this for the kids after all” I reasoned out. “Oo nga Geoff. Isa pa, mukhan hindi naman kailangan ni Tamara ng regalo kasi kaya niya naman iyon bilhin ang gusto niya” angal ni Neil sa kaniyang pinsan. “Hindi naman. Kung kaya niya bilhin ang gusto niya edi sana may jowa na ‘to ngayon” si Thea na biglang sumali sa aming usapan. Bahagyang napatawa sina Geoff dahil do’n. “Kahit na. Alam ko rin naman na ang kuripot mo insan eh” ani ni Geoff sa kaniyang pinsan habang pumapalakpak. Natapos na ang kanta nang biglang humabol pa si Thea na magsalita. “Edi bigyan mo kung mapilit ka” aniya sa makahulugang tono. I let my brwos furrowed to what she just said. Hindi na rin ako kumibo sa kaniyang sinabi nang tawagin ako ni Mr. Lopez para sa isang bati. Naku naman. Hindi ako nakapag handa ng speech! Daldal pa Tammy. Urgh! Kahit hindi ako nakapag handa ay umakyat parin ako sa stage para tanggapin iyon. “Good morning, kids! Gutom na ba kayo?” bungad ko sa mga bata. Everyone cheered for yes kaya napatawa kami na lang kami lahat dahil do’n. My speech went smoothly though. Thanks sa mga conferemce meetings na napuntahan ko, it helped me to be a quick-minded person. Matapos ko magbigay ng speech ay nagpalakpakan naman sila. Bago inabot ang mga dala namin na mga pagkain ay nagkaroon muna ng iilang intermission number galing sa mga bata. Muntikan na nga ako umiyak sa tuwa nang makita ang mga bata na sobrang bibo na sumasayaw sa stage at nasiyahan sa mga dala namin. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kanila dahil hindi nila iniisip na sagabal ang kapansanan nila. It’s more like they used this as a motivator to be better and not to shun themselves from doing something a normal person could do. Everyone filled up their tummies at pagkatapos no’n ay bigayan na ng mga dala namin na regalo para sa mga bata. Naghiyawan sila nang pinapasok namin ang isang malaking mascot na dala dala ang sako sakong regalo. Nagsitakbuhan ang mga bata papalapit sa mascot. Tumulong rin kami nina Thea, Geoff, Neil at iba pang mga volunteers sa pamimigay. Isa-isang tinanggap ng mga bata ang kanilang regalo na may ngiti sa kanilang mukha. Hay, ang sarap sa feeling na nakakatulong sa kapwa. “You really love doing this huh?” si Geoff habang binibigyang isang batang babae ng kanyang regalo. Sa paglahad niya ng regalo sa bata ay do’n ko nakita ang peklat sa kaniyang braso. Yan ba ang tinutukay ni Thea na operation niya? Mahaba iyon pero hindi na masyado kita ang iniwang marka ng pagkatahi nito. Bumalik ako sa aking wisyo nang hindi ko parin sinasagot ang kanyang tanong. “Oo naman. Nung nag 18th birthday ko nga eh dito ko nilaan ang budget para sana sa debut ko. Sayang rin kasi ng pera na pwedeng itulong na lang sa mga nangangailangan. Atleast nakatulong ka na, may sense of achievement ka pa” ani ko sa kaniya. “Hmm. I can’t argue with that” Lumingon ako sa kaniya nang makita na nakatulala lang ang batang babae sa harap niya habang nakakatitig lang sa kaniya. I know that feeling, alright. Pati ba naman sa mga bata patok rin siya. Hay nako Geoff, mahirap ba ang masyadong gwapo? “Thank you po, kuya-“ pagtigil niya sa pagsasalita na para bang nagbabaka sakali na malaman ang pangalan ng lalaki na kaharap nito. “It’s kuya Geoff, sweetie” sabi ko sabay haplos ng aking palad sa tuktok ng kanyang ulo. Tumango-tango at tsaka tinignan ulit si Geoff. “Thank you po, kuya Geoff” aniya sa nahihiyang tono. “You’re welcome, Ella” tugon ni Geoff nang tinignan niya nito ang nakadikit na name tag sa kanyang damit. Agad din ito umalis sa pila nang biglang pumula ang kanyang matatabang pisngi. “Ang cute naman niya. Infairness sayo mukhang crush ka ng bata” lumingon ako sa kaniya habang abala siya sa pamimigay ng regalo. I could already see beads of sweat forming on his forehead. “Kinabahan nga ako kanina eh. Akala ko tatawagin niya ako na Daddy” tumawa siya sabay pahid ng kanyang pawis gamit ang likod ng kaniyang palad. I immediately took my handkerchief out from my pocket. “Here” alok ko sa kaniya. Gusto ko sana na ako na ang magtanggal ng pawis niya pero nahihiya ako. Gosh, friends lang naman label namin! Tinitigan niya muna iyon bago tinanggap mula sa aking kamay. “Thanks” aniya at pinahid ang kaniyang namamawis na noo. Paano ba naman kasi, ang kapal ng tela ng kanyang damit. It was past noon nag matapos ang buong programme. Nagpahanda na rin kasi ako ng pang tanghalian namin lahat para mas lalong mabusog ang mga bata. Nagkaroon rin ng kaonting palaro para sa mga bata. Tumawa na lang ako nang biglang pinasali kami nina Thea, Geoff, Neil at iba pang mga volunteers sa larong sack race. It was a game between boys versus girls. Pareho kami ni Geoff sa huli ng pila. Kinabahan pa nga ako nang pinakita ni Geoff ang kaniyang game face. Pero dahil sa liksi ko ang aming team ang nanalo. Masyado din kasi malaki si Geoff para pagkasyahin ang sarili sa sako kaya siya nahirapan kakatalon. He looks cute in it though. It was so refreshing. Ngayon ko lang ulit naramdaman na maging bata sa tuwa. Iba rin kasi ang dulot na saya kapag may kasama ka na mga bata. “Paalam at maraming salamat, mga ate at kuya!” pagpapaalam ng mga bata bago kami umalis mula sa function hall kasama ang aming mga kasama. Pagod na rin kami lahat kaya napag desisyunan na naming umuwi na lang. May plano pa sana kasi kami na mag meeting pagkatapos nito para sa fund raising sa mga bata. Yun nga lang, bago pa mangayari iyon ay pinagod na kami kakalaro kasama ang mga bata. Sulit naman kaya okay lang. “Alam mo bakla, pansin ko lang na nagiging malapit kayo ni Geoff sa isa’t-isa. Did I miss something? Well, pwera na lang sa nalasing ako, meron pa ba kayo na moment na wala ako?” si Thea na katatapos lang magpunta sa banyo. Nauna nang umalis sina Geoff at Niel kaya kami na lang nina Thea at ng mga volunteers ang naiwan sa parking lot sa labas ng foundation. Paalis na rin kami pero ngayon pa ata gusto ni Thea makipag chikahan. “Alam mo bakla, ang malisyosa mo talaga” panggagaya ko sa kaniyang tono. “Oh come on, Tammy. Alam ko naman na may gusto ka kay Geoff eh. Wala din namang point kung itatago mo pa. So tell me, nagkikita ba kayo ni Geoff nang hindi ko nalalaman?” ipinagkrus niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang dibdib at tsaka niya tinaas ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin. Gusto ko sana tanggihan ang kaniyang paratang na gusto ko si Geoff pero alam ko na huli na ang lahat. Thea knows me too much kaya nahihirapan ako na magsinungaling sa kaniya. Lalo pa ngayon. “Hindi no! Ano ka ba, busy yung tao at isa pa infatuation lang nararamdaman ko sa kaniya. Mawawala rin ito” I tried to sound as normal as I could. Nagawa ko namab pero kabaliktaran naman ang ipinahihiwatig ng mukha ni Thea. “Sige, sabihin na natin na naniniwala ako sa’yo, which is of course hindi naman talaga. I’m just saying that based from my observations, nagiging malapit na kayo sa isa’t-isa. You even got each other’s numbers” aniya. “Ano ba ang gusto mong sabihin, Tei?” napasinghap na lang ako at tsaka siya hinarap ng buong atensyon ko. “I know you’re already thinking malicious things about him so I-“ my eyes grew in circle nang sabihin niya iyon kaya agad ko siya pinutol. “I did not! Never ko pa-“ dinepensahan ko ang aking sarili pero tinakpan niya naman ang bibig ko gamit ang kaniyang kamay. “I’m trying to help you, Tei. Kung gusto mo siya, tutulongan kita do’n. Just admit it to me na gusto mo siya” aniya. She then removed her hands from my mouth. Hindi agad ako nakapagsalita dahil do’n. Inaamin ko naman talaga kasi na unti-unti na akong may nararamdaman para kay Geoff. Hindi ko rin kasi maipaliwanang kung bakit sa ikli ng pagsasama namin ay ganito agaf ang nararamdaman ko. Ni kailanman hindi ako nagkakaganito para sa isang lalaki. Sa kaniya pa lang. “Well, hindi ko naman kailangan obserbahan ang iyong mga galaw para matukoy ko na gusto mo si Geoff. It’s your eyes that talks, honey” aniya sa maarteng tono. Unti-unti ay nararamdaman ko ang aking sarili na nahuhulog sa mga salita ni Thea. Paano ba naman kasi, pati si Geoff nilalapit ang kaniyang sarili sa akin, eh friends lang naman. “Alam mo, pagod na ako. Pagod ka na rin diba? Kaya umuwi na tayo, oo? Sige mauna na ako. Bye!” walang hinto hinto ko’ng sabi at tsaka binuksan ang pintuan ng aking sasakyan para makapasok. Thea simply rolled her eyes at tsaka umalis para puntahan ang kaniyang sasakyan. Napasinghap na lang ako ng malalalim na hangin at tsaka hinilig ang ulo sa bintana ng aking sasakyan. Damn! Ba’t parang gusto ko ang offer ni Thea?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD