Kabanata 6

2932 Words
|Tamara| “Tammy! Bilisan mo na. Nauuhaw na ako” si Thea na kanina pa kumakatok sa pintuan ng aking walk-in closet. May pinag-usapan kasi kaming dalawa last week na mag clu-clubbing kami ngayon kaya siya naparito. Ewan ko ba kung bakit atat na atat siya uminom eh parang halos gabi-gabi naman siya palagi nasa club. “Maghintay ka nga. Nagbibihis pa nga yung tao eh. Madaming alak sa mundo, Tei. Hindi ka mauubusan no!” sabi ko sabay pagsuot ng aking black denim coat. Baka kasi lamigin rin ako sa labas eh. Simple lang ang suot ko. I’m wearing a white v-neck polo shirt dress and a slim fit ripped jeans. Pagkatapos ko magbihis ay nagpaalam muna kami kina Mommy at Daddy bago umalis ng bahay. I’m just wearing a simple outfit for tonight. Sa unang pagpasok pa lang namin sa bar ay sinalubong agad kami ng malalakas na tunog galing sa loob. Nagulat na lang ako ng makita ko ang loob na halos punuan ng mga tao. First time ko kasi ulit makapunta sa bar pagktapos ng tatlong taon na pagtatrabaho. Kahit kasi stressed ako hindi sumagi sa isipan ko ang magpunta sa bar. Instead, tinutulog ko na lang iyon. NIlibot ko ang aking mga mata at nakita ang mga iilang kaikilala ko. Nahagip agad ako nila ng kanilang mga mata kaya agad din sila sumugod sa amin. “My gosh, Tammy! Long time no see. Mabuti naman at nakita kita ngayon. How are you?” Bati ni Chloe sabay beso sa amin nina Thea. Napalingon agad ako sa kaniyang likuran at nakita ang mga taong sumsunod sa kaniya hawak hawak ang kanilang mga cellphone na ala mga stalker ang dating. Well, she’s a known actress after all. “Oo nga eh. Nakapag break na rin mula sa trabaho. Ayos naman ako. Ikaw? How are you?” tanong ko sa kaniya. Napapikit ako bigla ng may biglang nag flash na camera kay Chloe galing sa kaniyang likod. “Well, heto. Walang ka priba-pribado ang buhay ko. But I’m getting the hang of it” mabilisan siyang lumingon sa mga fans niya na naka buntot sa kaniya at tsaka inirapan ang mga mapanuyong mga mata nila. I guess they’re just fetching some news. “Hmm, I’m sure you do. Sige Chlo, mauna na kami ha?” si Thea. Hindi na hinintay ni Thea ang sagot ni Chloe ay agad niya ako hinila palayo. Wala na rin ako nagawa kaya nagpatianod na lang ako sa kaniya. Mabuti na lang ay may nakita pa kami na bakanteng couch na U-shaped kaya agad namain iyon pinuntahan. “Should I invite some boys, Tam? Masyadong maluwag ang couch para sa atin eh” ani ni Thea nang ilapag sa aming table ang aming inorder na inumin kapagkuwan. Tinignan ko siya agad ng masama. This was supposed to be our time to spend together. Ayaw ko kasi na may iistorbo sa amin lalo na kapag may kalandian lang na kinakasama. Kahit sa totoo ay maya’t-maya ay may mga lalaki parin siya na iimbitahin dito kahit ayaw ko. “Eto naman oh, hindi naman mabiro. Sige na, shat na tayo! Whoo!” aniya sabay taas ng isang bote ng beer. Ginawa ko rin iyon at tsaka binangga sa kaniyang bote. “Cheers!” The night is long kaya naparami-rami ang aking nainom. Who would’ve thought that I would enjoy this night very much? Uh! Ang tagal ko na palang baog. Unti-unti ay mayroong mga lalaki na lumalapit sa amin offering us company. Okay naman sa akin kasi kilala namin sila pero mabuti na lang si Thea na ang umaliw sa kanila. Talent niya rin kasi iyon. May tumatabi rin sa akin para kausapin ako pero binibigyan ko sila ng tipid na sagot. Alam ko kasi na gustong makipag landian ng mga lalaking ito. Lalo na ang papalapit sa banda namin ngayon. “Is this seat taken?” tanong ni Luke sabay tingin sa bakanteng expasyo sa aking gilid. Napasignhap ako ng hangin dahil do’n. He’s been courting me for 2 years pero hindi ko siya pinagbigyan. He’s hot alright pero hindi ko siya gusto. “Kung sasabihin ko na ‘oo’ uupo ka parin eh so why bother asking?” I said frankly without looking at him while tracing the rim of my glass with the tip of my finger. Napairap na lamang ako nang umupo siya sa tabi ko. “Thanks. You look gorgeous tonight by the way” aniya na nakatitig sa akin hat tsaka niya nilagay ang kanyang braso sa aking backrest. “Sana ikaw rin” sabi ko nang hindi siya tinitignan pabalik. I don’t mean to be rude pero naiirita ako pag kasama siya. Especially kung ganito siya ka pusrsigido na kulitin ako. He scoffed. “Oh come on, Tam. Hindi mo man lang ba ako kayang sabayan kahit kaonti? Just give me a chance. Like, hmmm, a 5th chance” aniya. Mas lalo lang ako nairita kaya tumayo agad ako sa aking kina-uupuan. Sinabihan ko muna si Thea na pupunta lang ako sa restroom bago ako tuluyang umalis. Sinadya ko rin ang pagtatagal ko sa loob ng banyo. Ayaw ko pa kasi lumabas baka andun pa si Luke. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking purse nang maramdamang may nag vibrate mula do’n. I opened it and saw Thea’s message for me. [Pinaalis ko na si Luke. Lumabas ka na riyan] “Hay salamat” napa dighay ako at agad ko rin binuksan ang pintuan upang makalabas. Medyo madilim ang sa parteng ito kaya hindi ko namalayan na may taong nakatayo do’n kaya ko nabunggo. Agad ko napansin ang nakakaakit niyang bango. “Uy sorry” wala sa oras ako napa angat ng tingin dahil sa pamilyar na boses galing sa aking nabunggo. Bumagsak ang aking panga dahil sa nakita. “Tamara?” si Geoff. Sa pagkakabanggit pa lang niya ng aking pangalan ay parang sumabog ang aking puso dahil sa iba’t-iba at halo-halong nadarama. Chinese Nee Year na ba? Puro putok lang ng puso ko kasi ang aking naririnig. “Oh. H-Hi Geoff” sabi ko na may pagkakautal. He’s wearing a black polo dress at naka unbutton ang tatlo niyang butones sa dibdib kaya kita ang kaniyang kumikintab na kwintas. It really suits him. Hay, parang lahat na lang bagay sa kaniya. Oh my, it’s been weeks nang huli ko siyang makita sa dinner namin. Akala ko iyon na nga ang huli namin na pagkikita. “Hindi ko alam na pumupunta ka pala sa mga lagur na ito. Sino kasama mo?” tanong nita at tsaka nilibot ang mga mata sa aming palibot. “The usual. Si Thea. Sa’yo? Kasama mo ba si Neil?” ani ko sa kaniya. “Uhm, hindi eh. He flew to Iloilo for a family gathering but he’ll be back soon. I guess” sabi niya at tsaka dinilaan ang kaniyang labi. Damn, ang hot talaga. Dry ba? Gusto mo dilaan ko? “Gano’n ba? Sige, pupuntahan ko lang si Thea. S-Se you around then” gusto ko pa sana siyang maka-usap pero nakakalimutan ko kasi huminga ng maayos pag siya ang kaharap ko. Ugh, pano nga ba? “Sige. Mag c-cr lang ako” tumango ako sa kaniya at tsaka umalis. Laking pasasalamat ko na lang na medyo may kadiliman ang aming pwesto kaya hindi kita ang aking mukha kung gaano ka gulantang. Hindi ko parin kasi akalain na magkikita kami ni Geoff ulit. “Saan na mga kalandian mo?” tanong ko kay Thea nang hindi pinapakita sa kaniya ang nanenerbiyis ko na mukha. Napatingin na lang ako sa marami-raming bote na nasa harapan niya. Inininom nita ba lahat ng ‘to? “Wala eh. Hindi ko type” sabi niya sa dismayadong tono. Wow, really huh? “Hala, anyare sa’yo teh? Mukhang pasok naman sa standards mo yung mga lalaki mo kanina ha? Kinulang ka ba sa alak? Ngayon ko lang narinig to sayo ha” “Ewan. Basta” Palusot niya. I shook my head in disbelief. Kilala ko kasi si Thea and I know her. I know something is off about her pero hindi ko rin pinilit pa. Patuloy lang kami ni Thea sa pag-iinom. Nakaramdam na nga ako ng kaonting hilo pero kahit ganoon ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid. Nandito pa kaya siya? If he is, nasaan siya? Bigla ko na lang gustong malaman kung sino ang kasama niya. Girlfriend? Hmm. Bigla ako nanghina dahil sa naisip. Damn Nasa gitna pa ako ng aking mga iniisip nang marinig ko magsalita si Thea. “Uwi…” nanghihina niyang sabi habang nakahandusay na sa couch. Hala siya, di ko na napansin na lasing na pala ‘tong isang to. Umulit oa sita ng isang malakas na dighay. “Thea gusto uwi” ulit niya. Napangiti naman ako sa kaniya. Para siyang bata. “Okay, uuwi na si Thea” tumayo ako at agad siya dinaluhan. Nilagay ko ang isa niyang kamay sa balikat at hinawakan siya sa bewang gamit ang isa ko pang kamay. Naghihikahos ako na buhatin siya sa umpisa pero mabuti na lang ay nakaya ko ang bigat niya. Merong mga iilang lalaki ang nag alok ng tulong pero hindi ko rin tinanggap. Baka bigla nila kasi itakbo si Thea sa kung saan saan o di kaya ay hihipo-an lang siya. Pa ika-ika ko’ng binuhat si Thea palabas ng bar nang bigla siyang gumaan sa aking balikat. “You seriously need some help, Tam” si Geoff na ngayon ay nakangiting binubuhat si Thea papunta sa kaniya. Shoot! Sana pala naglasing rin ako! Ang unfair Thea! Humanda ka sa akin pagkagising mo. Ano ba naman ‘tong si Geoff! Ang galing sumegway. Palagi siyang nariyan para tulungan ako. Hala! Sige ka! Baka sa susunod ay pati sa pagtanggal rin ng bra ko ay ipapagawa ko rin sa’yo! Ngumiti ako sa kaniya pabalik at hinayaan siyang tulungan ako. Okay aaminin ko na, ang bigat nga niya. Phew! “Teka, hindi jan naka park ang sasakyan ko” pagpipigil ko kay Geoff na dire-diretso ang lakad. “Ako na hahatid sa inyo. Baka ano pa mangyari sa inyo at pareho kayo naka-inom. Hayaan mo na ang mga drivers niyo kuhain yan bukas.” pang-anyaya niya sa akin. Talagang wala nang malay si Thea habang binubuhat ni Geoff. Shet! Ano kaya ang feeling ang makulong sa kaniyang bisig? Nababakla ako sa kaniya nang wala sa oras eh! Urgh! ‘Oo ba, kahit ideretso mo na ako sa iyong bahay, ay este sa aming bahay’ napangiti na lang ako dahil sa naisip. Naku, nahawaan na yata ako sa pagiging malandi ni Thea. “Sige, idiretso mo na” wala sa wisyo ko nasabi sa kaniya. Kumunot agad ang noo ko dahil do’n. Itatama ko pa sana ang naunang sinabi nang bigla siyang tumalikod sa akin at tsaka diniretso ang daan. “Yes, madam boss” aniya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang pala ang slow din ng lalaking ito. Tumigil ako sa kaniyang gilid nang may bigla ako na naalala. “Pano mga kasama mo sa loob? Iiwan mo sila?” I asked in a concerned tone. “Wag mo na sila alalahanin. Kaya na nila ang sarili nila” sabi niya at tsaka pinagpatuloy ang paglalakad. It was for a short while nang nasa kalsada na kami. Nasa shotgun seat ako nakasakay habang nakahiga lamang si Thea sa backrest ng upuan sa passenger seat. “Hindi ka ba naka-inom?” tanong ko sa kaniya. “Ano ba sa tingin mo?” he raised a brow at me bago niya binalik ang kaniyang nga mata sa daan. Ay, seen lang? Napapikit na lang ako sa kahihiyan ng biglang humilik ng malaks si Thea galing sa likod. Napasinghap na lang ako nang tinawanan lang iyon ni Geoff. “Don’t you have guy friends? Mabuti na lang at andun ako kung hindi sasakit lang ang ulo ng mga nobyo niyo, which is kung meron man” aniya. Oo at nagpapasalamat ako sa kaniya pero, Aba! Inu-underestimate niya ba ang lahi ng mga Harolds? Pero tama naman siya. Wala akong nobyo ngayon and also I only had 2 boyfriends in the past.. Hindi naman seryoso iyon. Hay. Pero sa paraan ng pagkakasabi niya parang mali pa ata na wala akong boyfriend? “Wala eh. They all end up, hmm I don’t know, courting me” sabi ko na may pagyayabang sa aking boses. Sinabi ko pa iyon habang nilalaro ang dulo ng aking kuko. Totoo naman kasi iyon, isa na sa mga patunay ko ay yung kay Luke. Nagulat na lang ako nang humagalpak sa tawa si Geoff. Wala sa oras kumunot ang aking noo dahil do’n. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Sigurado naman ako na wala. “Hindi naman masyado ka yabang ang dating” natatawa niyang sabi habang hinawakan niya ang kaniyang tiyan, ay abs pala sorry. “Totoo! Kahit tanongin mo pa si Thea” paghahamon ko sa kaniya. Talaga ba na iniisip niya na nagbibiro lang ako? Madami naman nagsasabi na maganda ako ah? “Then, try me?” biglang tumigil ang mundo ko dahil sa hamon niya. A-Ano ang ibig niya na sabihin do’n? In just a snap, nawalan agad ako ng sasabihin. Para bang kailangan ko ulit pag-aralan sa umpisa ang lahat ng alpabeto. “I’m just kidding. Baka sabihin mo na may gusto ako sa’yo kaya ako nakipagkaibigan. I’m totally not that type of person. Kapag gusto ko yung tao, paprankahin ko siya. Am I right, Ms. Harolds?” aniya. Wala sa oras ako napalunok dahil sa sinabi niya. Bakit parang bigla ako nakaramdam ng pait sa mga nasabi niya? Damn, ang sakit kahit nagbibiro lang siya. Kami? Friends? Hindi ko nga alam kung kailan kami naging magkaibigan. I know I should be happy about it pero may masakit eh. Hindi ko lang ma point out kung ano. “T-Tama! Dapat lang no! Ang lousy pag ganoon ang paraan diba?” sabi ko habang sinusubukang itago ang sakit na nadarama sa aking dibdib. “Uh-huh” si Geoff. Shit, just keep it together, Tammy. It was a long drive kaya paunti-unti ay nakaramdam ako ng antok. Gusto na sanag bumagsak ng aking mga talukap pero ayaw ko rin naman bastosin si Geoff. Lalo pa na sinira namin ang inuman niya kasama ang mga kaibigan niya. Sa huli ay napaisip ako kung ano ang pwede namin na pag-usapan. Dapat ay iwasan ko ang pag-uusap tungkol so golf baka may matanong pa ako sa kaniya na below the belt para sa kaniya. Hmm. What if. . . “Free ka ba sa Sabado, next week?” tanong ko sa kaniya. Kahit masakit aminin na kaibigan lang ang tingin niya sa akin, I should not let go of this chance to know him more, right? “I guess so? Bakit, ano’ng meron? Ipapakilala mo ba sa akin ang mga lalaki mo for proof?” nangingiting tanong niya. “Hindi ko kailangan ng pruweba no. It’s just that may gagawin ako na charity during that day. It’s for the children with disabilities sa isang foundation na tinutulangan ng kompanya namin. Magbibigay lang naman ako ng kaonting paparty sa kanila” I explained to him. “Aba, si heartbreaker ay mayroon din palang mabuting puso para sa mga bata. Hmm. Yeah, I think I’m free” tumango tango siya habang nakatingin lang sa harap. “Okay, thanks for accepting my invitation. . . and I’m not a heartbreaker” habol ko sa aking unang nasabi. Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita pa. Una namin hinatid si Thea sa kaniyang bahay bago sa amin. Tinawanan na nga lang siya ng kanyang kuya nang makita itong walang malay dahil sa kalasingan. It was already past midnight kaya mabilis lang ang biyahe namin mula sa bahay ni Thea papunta sa amin. Geoff parked his car at the front of our gate. “Salamat. And sorry talaga kung sinira namin ang gabi mo” sabi ko at tsaka bumaba na sa kaniyang sasakyan. “Don’t worry. Boring din naman do’n sa loob kaya I have no regrets” aniya. “I guess I’ll just see you on Saturday then?” sabi ko sa napapaos na boses. Pano ba naman kasi nakisabay pa ako sa mga hiyawan sa loob ng bar kanina. “Yeah, see you” this time he looked at me with his soft features. Alam ko na may bahid iyon ng pagkapagod pero I can’t help but to still adore his face. Damn! Ang angelic nang dating niya! Wala bang hindi perpekto sa mukha niya? I barely made a half step away from his car nang tawagin niya ang pangalan ko. Agad naman ako lumingon sa kaniya. ‘May goodnight kiss ba?’ Napakagat na lang ako ng labi nang isipon ko iyon. Naku naman, nasisisraan na yata ako ng bait dahil sa kaniya. “Bakit” tanong ko sa kaniya. “Okay lang ba na hingin ko number mo? So we could hang out sometimes. You know. . . you, me, Thea and Neil” he leaned closer to me as if he’s waiting for my approval. Syempre ang inner b***h ko ay agad naman gumalaw ng kusa at binigay sa kaniya ang number ko. Gosh, gusto ko sanang mahiya sa mga naiisip ko pero heto na yon oh! “Got it” tinaas niya ang kaniyang cellphone and saw my number already registered in his phonebook. Urgh, wag ka ngang ganyan Geoff! Aandar na talaga ang pagiging malandi ko, sige ka! Ikaw ang kawawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD