|Tamara|
“What the f**k, Tei!” pabulong ko na pagmura kay Thea nang makaharap siya ulit. She’s grinning from ear to ear nang makuha ko ang atensyon niya.
“What? Oh, oo nga pala. Nakalimutan ko na iinform ka. Inimbita ko pala sila mag dinner ngayon kasama natin.” sinabi niya iyon na walang ka proble-problema.
“Are you serious? Hindi mo man lang sinabi sa akin” I sounded like someone who is fully unconvinced of herself.
“Hayaan mo na, Tammy. Just go with the flow. Dapat nga magpasalamat ka sa akin eh. Dapat kasi kami lang ni Niel mag didinner pero ayoko rin naman na ako lang ang magkaka lovelife kaya naisip bigla kita. So inimbita ko rin si Geoff. Thanks to me, right?” she gave me a meaningful wink.
Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kaniya o ipapasalvage ko siya sa mga kriminal. Nagmukha pa yata akong nangangailangan ng jowa. Ugh, balikwas talaga mag-isip ang kaibigan ko na ‘to!
At teka, si Niel ang gusto niya? Akala ko ba si Geoff?
“Kami ba pinag-uusapan niyo?” bigla ako nagulat nang marinig ang boses ni Geoff mula saking gilid. Nataranta ako dahil do’n at sabay paglunok ko nang mabilisan.
Nagkatinginan kami saglit ni Thea bago niya pinutol iyon at lingunin si Geoff.
“Hmm, actually yes. Masaya lang kami ni Tammy na kasama namin kayo mag dinner. Diba, Tammy?” Thea said politely. Makabuluhan niya ako kinindatan ng mata pagktapos niya sabihin iyon. Sinakmatan ko siya agad ng tingin. Baka ano kasi isipin nila Geoff.
“U-Uh, oo! Tama! Sige upo na kayo” pagtataranta ko sabay lahad sa dalawang bakanteng upuan sa kanila.
“Thank you. Akala ko naman pinag-uusapan niyo kung gaano ka gwapo yung ‘insan ko na ito. Mgaseselos pa naman ako” pabirong sabi ni Niel at tsaka sumimangot. Agad din sila umupo pagkatapos no’n.
The and I are just sitting adjacently to each other. Ganoon rin sina Neil at Geoff. Only that Neil is facing Thea which leaves Geoff, uhm hindi ko lang alam pero bigla na lang nagdiwang ang kaluluwa ko kasi kaharap ko lang naman si Geoff sa lamesa. Hay, parang mapapasarap pa lalo ang kain ko neto ha.
It was only for a few minutes when our orders arrived. Hindi ko alam kung ano ang inorder ni Thea since libre niya naman daw pero nang parating na ang waiter dala dala ang amin inorder ay namilog agad ang mga mata ko sa nakita.
My jaw dropped nang ilapag sa gitna ng aming lamesa ang isang higanteng red lobster. Meron din ito na nilagay na scallops sa palibot nito.
“What the heck? Ano ‘to? Mukbang?” gulantang ko na sabi pagkatapos umalis ng waiter.
Lahat sila nagtawanan dahil do’n. Hindi naman sa ayaw ko ng lobster. Actually gusto ko nga kasi sobrang gutom na gutom ako.
“Ayaw mo ba?” natatawang tanong ni Geoff habang nakatitig sa akin. Immediately, his sweet smile captured me. s**t! Hindi lang ata ang panty ang nahulog sa akin, pati puso ko ata rumulyo ng tuluyan sa sahig sa sobrang kilig.
“Gusto. . .” wala sa sarili ko na nabulalas galing sa aking bibig.
“Ano ulit ‘yon, Tam? Gusto mo yung ano? Di ko marining eh” biglang panggugulo ni Thea sa akin. Do’n ko lang napagtanto na nahuli ako ni Thea na nakatititig sa mga labi ni Geoff. Talagang tinutukso niya pa ako ha?
“Yung lobster, Tei. Ano ka ba, nakuha mo nga magpa reserve sa mamahaling restaurant tapos hindi ka man lang makabili ng cotton buds” pambabara ko pabalik sa kaniya.
She twitched her lips like a kid habang nakataas ang isa niyang kilay. Narining ko ang mahinahong halakhak ni Neil at Geoff dahil do’n.
“Alam niyo, ang cute niyo dalawa tignan pag nagtutuksuhan sa isa’t-isa” si Neil.
Nagulat na lang ako nang bigla ako hinampas ni Thea ng kanyang kamay ang aking binti. Aba! Kinilig pa talaga si malandi.
I was about to get the cracker nang biglang naunahan ako ni Geoff. Muntikan ko nang mahawakan ang kamay niya. Oh my. Ano kaya ang pakiramdam no’n?
“Ako na” he insisted. Wala rin naman ako nagawa dahil ayoko rin mapahiya baka kasi tumalbog kung saan saan ang lobster dahil sa kapalpakan ko. At talagang papalpak ako kasi madidistract lang ako sa kaharap ko.
“Sorry nga pala ha. Napa-aga ang dinner natin masyado. Baka na udlot pa yung mga dapat niyong puntahan dahil lang sa amin” si Thea na pa simple ako pinandalitan ng kaniyang mga mata bago ngumiti kina Geoff at Neil.
“Wag kayo mag-alala. Sa totoo pa nga, Geoff and I were just waiting for this dinner, diba insan? We got nothing else to do today, anyway.” ika ni Neil tsaka tumingin sa kaniyang pinsan at tinapik ito sa balikat.
“Pero yung mas totoo ay yung gutom na rin kami” si Geoff sabay himas ng kaniyang tiyan, abs rather.
“Yun naman pala eh. Lamon na lang pala ang kulang. Let’s eat?” unang kumuha si Thea ng parte ng lobster kaya sumunod na rin kami. Masarap siya kaya mas lalo ako nagkaroon ng gana na kumain. Not to mention na mukhang masarap rin ang kaharap ko. I giggled at my own thought.
Talagang may epekto nga si Geoff sa akin. Hay.
The dinner went smoothly. Dahil do’n mas lalo ko pa nakilala si Geoff. Kahit gaano pala siya kasikat sa larangan ng golf he always tries his best to keep a low profile. Well, effective naman kahit paano kasi kaonti lang yung pictures niya sa internet sabi nga ni Thea.
Geoff and Neil started playing golf noong 12 years old sila. Since then, palagi na daw sila sumamsama sa kanilang mga ama para maglaro during weekends. Yun nga lang, si Geoff lang ang nakitaan ng potential at talento sa psport na iyon kaya mas lalo siyang sumikap sa paglalaro. It was only for a few years nang marealize ni Neil na hindi niya passion ang pag gogolf so he diverted himself to try a different sport.
“So you were at the golf course yesterday because you’re practicing more, right? Kailangan mo pa ba no’n? Eh ang galing mo na nga eh” tanong ko sa kaniya. Natagalan pa bago siya sumagot.
“Hmm. Sort of” ngumisi siya at tsaka tumingin sa kaniyang pagkain. Kumunot ang noo ko dahil do’n. Ba’t biglang nag-iba ang kaniyang timpla? May nasabi ba ako?
Tatanungin ko pa siya ulit sana kung ano ang ibig niya sabihin do’n pero naudlot dahil sa biglang pagsali ni Thea sa usapan.
“Girl, gusto mo ‘to diba?” she asked me while pointing at the scallops. Without waiting for my answer, nilagyan niya agad ng sangka-terbang scallops ang aking pinggan.
“Hey, sobra sobra na yan Tei!” saway ko sa kaniya. She scooped one more from the dishplate at tsaka niya dinagdag pa sa aking plato bago siya tumigil.
“Hindi, Tam. Alam ko na gutom ka eh at gusto mo ‘to diba? Sige na, ubusin mo na. Nahihiya ka lang eh”
“Oo, gutom ako pero hindi ako ganyan ka baboy kumain no!” napasinghap na lang ako at inuunti-unti ang mga scallops. Nakakaumay pa naman ‘yon pag masyado na naparami ang kain. Uh!
The long and fun dinner ended. In fact, it was great. Sa maikling panahon na nakasama namin sina Geoff at Neil ay hindi ko maikakaila na sobrang bait at kalog nila. Kung ibang tao siguro ako hindi ko kailanman iisipin na sikat sila. They were both humble, yun ang mas lalo nagustuhan ko sa kanila.
“Bye! Mag-ingat kayo ha” si Thea na todo kaway kay Geoff at Neil na ngayon ay aambang papasok na sa kani-kanilang sasakyan. Kumaway rin sila pabalik kaya ganum din ang ginawa ko. Pero yung mga mata ko ay kay Geoff lang naka pako. Malayo sila kaya natitiyak ko na hindi niya alam na sa kaniya lang ako nakatingin.
“Bye Thea! Bye Tammy! Magkita tayo ulit ha” si Neil at tsaka pumasok na sa kaniyang sasakyan. Pumasok rin si Geoff at tsaka pinaharurot ang kaniyang sasakyan.
Tinanaw pa namin ang papalayong sasakyan nila bago lumingon si Thea sa akin. Nakapamaywang na siya at suminghap siya ng malalim.
“Bakla! Ano ka ba? Talaga ba na wala kang alam kay Geoff o kahit mag search man lang sa internet tungkol sa kaniya?” nag-alalang tanong niya. Kumunot ang noo ko dahil do’n. What’s with the sudden question?
“What do you mean?” tanging nasabi ko sa kaniya. May nasabi ba ako na mali kanina?
“Geoff had a car accident last year. Nag resulta iyon ng pagkabali ng kaniyang dalawang kamay. He underwent many surgeries just to keep his hands functional at sabi nila he could play golf just like before. Hindi ko alam kung totoo ang rumor tungkol dito pero sabi nila hindi na siya magaling katulad ng dati. Hula ko mayroon parin na problema sa kaniyang kamay” sunod sunod na pagkakalahad ni Thea tungkol kay Geoff.
Wala sa oras ako napahilot ng aking sentido at napapikit dahil do’n.
Did I just asked him a sensitive question?!
Seriously?! Ang tanga tanga ko naman para tanongin siya tungol do’n. I was so insensitive!
Do’n ko lang naalala kung paano siya nag-aalanganin na sagutin ang tanong ko kanina. Urgh, buti na lang at napigilan ako ni Thea kanina na tanongin pa siya ulit dahil kung hindi baka kung ano ano na ang mga sinabi ko sa kaniya. Nasabi ko pa naman sa kaniya na nabibiliban ako sa mga achievements niya tapos hindi ko man lang alam tungkol sa aksidente.
Malamang nagpa practice siya do’n para maibalik ang kondisyon ng kamay niya. Hindi naman kumpirmado iyon but you never know, right?
“s**t, Tei! Ano’ng gagawin ko? I should apologize to him, right? Sana man lang may briefing bago pa sila nakarating” hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa mga sinabi ko kay Geoff. Sigurado ako na nasaktan ko siya sa aking tinanong.
“I don’t know, Tam. Pero kung ako sa’yo, kung magkita man ulit kayo just let it go. Atleast, alam mo na ngayon ang mga hindi mo dapat tanongin sa kaniya. Hindi rin natin kasi alam kung totoo iyon kahit na may something sa reaksyon niya kanina sa tanong mo, I guess we shouldn’t judge quickly” pampalubag loob ni Thea sa akin.
Kahit paano ay nabawasan rin ang nararamdaman ko’ng guilt sa aking loob dahil sa sinabi ni Thea. Pero kahit ganoon ay may parte parin sa akin na nagsasabi na babawi ako kay Geoff. Hindi ko ngalang alam kung paano.
Eksaktong alas dies ng gabi nang makarating ako sa bahay. My mom was already at the couch reading some magazines. Dumiretso ako sa kaniya at nagbeso.
“Nakauwi na ako, Ma” I greeted her as I planted a soft kiss on her cheeks. She did the same.
“Oh, nandito ka na pala anak. Kumain ka na ba ng hapunan? I’ll just ask Lena to cook something for you” tiniklop niya ang binabasang magazine. Mag-aamba na sana siyang tatayo nang pinigilan ko siya.
“Hindi na, Ma. Tapos na ako kumain sa labas” pagpapaalam ko sa kaniya. She just smiled at me at bumalik sa kaniyang kina-uupuan.
“Okay. I assume na si Thea kasama mo. How is she anak? Matagal rin hindi nakapunta siya dito ah” umusog si Mommy ng kaonti para mabigyan ako ng espasyo para maka-upo sabay tapik nito sa kaniyang gilid.
“She’s fine, Mom. Naging busy lang ako kaya hindi na siya makadalaw dito” tugon ko sa kaniyang tanong. She just nod at me sabay suklang sa aking buhok na nakalugay sa aking likod. My mom always do this everytime I sit with her. Para sa kaniya kasi ako parin ang baby girl nila.
Biglang lumitaw si Daddy sa bulwagan kaya dumiresto agad ito sa amin. He’s already wearing his white pajamas.
“Anak mabuti at nandito ka na. May pag-uusapan tayo ng Mommy mo” si Daddy na nakangisi nang umupo sa tabi ni Mommy.
“Tungkol naman saan, Dad?”
“Your upcoming birthday. Ilang linggo na lang ay birthday mo na kaya kailangan natin paghandaan iyon anak” magiliw na sinabi ni Daddy.
“Dad, ilang beses ko ba dapat sabihin ito sa inyo. Hindi na ako bata at ayaw ko nga ng grandeng selebrasyon. Besides, I’ll just stick to doing charities. In that way, nakakatulong pa tayo.” pagpapaliwanag ko.
Every year kasi palagi nila ako kinukumbinsi na magkaroon ng emgrandeng kaarawan kahit isa lang sa buong buhay ko. Eh ayaw ko naman. Sayang din kasi ang pera na pwedeng idonate sa mga nangangailangan.
“Then atleast sa mga bata ka na lang magpaparty. Hindi mo pa nagagawa iyon sa mga bata, right anak?” Mom suggested. Napaisip rin naman agad ako do’n. Actually it’s a good idea.
“Papayag na yan” pagkikiliti ni Daddy sa akin. Hindi ko mapigilan kundi ngumiti sa kaniya. Parang bata lang ‘to si Daddy ah.
“Pwede naman” tanging nasabi ko.
“We’ll invite your friends para may katulong ka sa pag eentertain sa mga bata” si Mommy. Wala sa oras na pumasok sa aking isip si Geoff.
Talagang si Geoff pa ang una ko naisip kaysa kay Thea ha?
Kinabukasan ay sumama na ako kay Daddy sa trabaho. Wala na rin kasi ako magawa kasi may trabaho rin sai Thea so I decided to tag along with him in his office.
I got bored kaya lumabas rin ako. Napagpasyahan ko na mag ikot ikot at kamustahin ang aming mga emplayado. Pakiramdam ko kasi ilang taon ako nawala sa kompanya na ito. Sinalubong nila ako na may kasamang ngiti sa kanilang mukha pwersa lang sa isa. Walang pag aatubilin na pinasok ko agad ang head enginnering office.
“Ang suplado natin ngayon ha?” bungad ko kay Nikko naka toka lang sa kanyang laptop. Nakakurot ang kanyang noo habang nakatitig dito na para bang may malalim na problema na hindi maayos-ayos.
Si Nikko ang head engineer sa aming kompanya. Makulit siya kaya nagustuhan ko agad siya bilang kaibigan. Magkasing edad lang din kami kaya hindi na rin mahirap para sa akin ang makipagsabayan sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin kaya kinulit ko ulit siya.
“Ang cute din pala ng unggoy pag tahimik no? Na miss mo na ako agad? Aww ang sweet” tinukod ko ang aking ulo gamit ang aking kamay nang makaupo ako sa harap niya.
“Atleast cute diba?” aniya. Napatingin siya sa akin anang sabihin niya iyon.
“Ano ba problema mo jan ha at parang may kasalanan sa’yo ang screen?” tumayo ako at tinignan ang kaniyang laptop.
“Wala to. Just engineering stuffs” aniya at sabay sinarado ang kaniyang laptop. Bumusangot ang mukha ko dahil do’n.
“Ang sabihin mo nanonood ka lang ng mga malalaswang videos. Bawal yan dito hoy!” I playfully glared at him.
“Alam ko kaya download na lang” kinindatan niya ako at tsaka siya tumayo sa kaniyang swivel chair.
“Sira! Uy! Saan ka pupunta?” tanong ko na nakaupo pa rin sa harap ng kanyang lamesa.
“Arat na, coffee tayo. Libre ko” aniya. Bigla naman lumiwanag ang aking mukha dahil sa sinabi niya. May pantry naman sa opisina niya pero mas masarap kasi pag sa labas kami bibili.
“Yan gusto ko sa’yo eh! Sige sa paborito ko na coffee shop tayo” mabilisan ko kinuha ang aking hand bag at tsaka bumuntot sa kaniya. It was quick though, kasi may conference meeting pa siya na kailangan paghandaan.
Pagdating ng hapon ay nasa loob lang ako ng opisina ni Daddy para matulungan siya. Nagpalagay na ako ng sarili ko na table sa loob para hindi na rin makatanggi si Daddy. Mabuti na lang at hindi naman siya nagreklamo.
Lumipas ang mga araw at pare pareho lang ang routine na ginagawa ko pagkapasok sa kompanya. Somehow unti-unti ko nang na aadapt ang magaan na trabaho.
I was just simply looking over for the reports of our shipments for the past few days pero pakiramdam ko matatagalan ako dito ngayon1. Well, ayos lang naman sa akin iyon kasi wala rin naman ako magawa dito.
Nanggaling na kasi ako kanina sa port para tignan ng personal ang mga shipments to make sure na walang anumang delay sa scheduale.
Ang pangit kasi pag ganyan na nga lang ang maitutulong ko sa aming kompanya ay hindi ko parin magawa ng maayos.