|Tamara|
“Are you well, sweetie? Kamusta ka ngayon?” tanong ni Dad tsaka niya ako binitiwan mula sa pagkakayakap.
“Come on, Dad. Ikaw yung nasa malayo nang ilang taon tapos ako tatanongin mo. Shouldn’t I be the one asking that instead?” ani ko sabay pinalis ang mga natuyong luha mula sa aking pisngi.
Ito ang unang pagkakataon na hindi nakauwi si Daddy sa loob ng 3 na taon kaya labis ang pagkakatuwa ko do’n. Kahit nag faface time kami halos araw-araw ay parang hindi parin sapat.
“I’m just concerned, hija. You know what, we have a lot of catching ups to do, starting with this” sinundan ng mga mata ko ang kaniyang kamay na tila may kinukuha sa kanyang bulsa.
A tiny green box wrapped with a gold ribbon came out from his pocket.
Uh, not again.
Hindi ko kaarawan ngayon pero naging kagawian na ito ni Daddy na magbigay ng kung ano-ano sa akin tuwing uuwi siya mula sa ibang bansa.
Hindi sa nag dedemand ako sa kaniya o ano it’s just one of his ways daw para mawala daw ng kaonti ang nararamdaman niyang guilt dahil palagi siyang wala sa bahay. Sinabi ko rin naman sa kaniya na hindi na iyon kailangan but he keeps on insisting.
“You know I’m not a fan of those things, hindi ba Dad?” napabuntong hininga na lang ako sabay tinanngap ang regalo na dala ni Daddy. It left me no choice dahil naghihintay ang kamay ni Dad na tanggapin ko ang hawak niyang regalo.
“Oo, alam na namin iyon anak. Nakatatak na iyon sa mga buto namin ng Mommy mo” nagkatinginan silang dalawa ni Mommy at tsaka nagtawanan. It’s nice seeing them this way. Sana palagi na lang dito si Daddy.
“Don’t worry. Your Dad made sure that it’s nothing fancy this time” ani ni Mommy at agad nilapitan si Daddy mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. She softly caressed Dad’s arm sabay hinilig ang kanyang ulo sa balikat ni Daddy. Ngayon, pareho silang nakatitig sa akin at tila naghihintay na buksan ko ito.
“Oh, tungkol pala do’n sweetheart. Masyado bang ‘fancy’ ang sasakyan?” nasa kalagitnaan ako ng paghuhubad ng mga ribbons nang biglang tanongin iyon ni Daddy kay Mommy. Agad na pumasok sa isipan ko ang imahe ng susi ng sasakyan sa loob ng maliit na box na ito.
“Don’t start, Dad” pagbabala ko sa kanya nang hindi tinatanggal ang mata ko sa regalo. Alam ko rin naman na nagbibiro siya do’n.
Tuluyan ko na nabuksan ang box at binungad nito ay isang silver na pendant necklace. Simple lang iyon at walang ganoong disenyo. The shape is like the half moon’s at kasing laki lang ng kuko ko sa daliri. It’s perfect for my size.
Binukad ko iyon at nakalagay do’n ang picture namin na tatlo. Kung natatandaan ko pa iyon, kinuha iyon noong ika 9th birthday ko.Napangiti ako do’n at binalik ang mga mata sa harapan.
“Nagustuhan mo ba anak?” tanong ni Daddy.
Nilapitan ko silang dalawa nang hindi sinasagot ang tanong ni Daddy. Agad na inipit ko silang dalawa sa pagkakayakap at dinama ang presensya nilang dalawa.
“Salamat, Dad, Mom” I closed my eyes tenderly as I cherish the moment with them. Ah, it feels so good that we’re complete again.
Pagkatapos no’n ay tinuloy namin ang pag-uusap sa hapag. Sina Mommy at Daddy lang ang kumain sa lamesa dahil busog ako mula sa kinain namin ni Thea sa labas.
Nakiupo lang ako do’n habang nakikinig sa usapan nina Mommy at Daddy. It’s kinda cute how Mom became more lively today. Nag mukha siyang bumalik sa pagkaka dalaga. Hanep talaga si Daddy.
Pati sa pagkuha ng pagkain ay si Mommy na ang gumagawa para kay Daddy. Somehow, may iilang moments sila na naririndian ko dahil sobra na ang pagka cheesy nila lalo pa nang ipinahid ni Mommy ang table napkin sa bibig ni Daddy.
Napailing na lang ako ng bigla nang sumagi sa aking isip ang imahe ni Geoff na nakabusangot nang subuan ko ng kanyang pagkain. It felt so dreamy-like.
Shoot, what the f**k? Did I just think of that?
Ako at si Geoff? f**k, nababaliw na ata ako sa mga iniisip.
Mabilis ko sinubukan na walain iyon sa pamamagitan nang pakikinig sa usapan nina Daddy. I even leaned closer to them just to so their words could fill up my ears and up to my brain. Nothing happened though. Damn it!
Evening came at sabay sabay ulit kami kumain para sa hapunan. It was a long one though. Talagang nileteral ni Daddy ang pag cacatch up namin. Well, palagi naman. Okay lang naman sa akin iyon pero malapit na kasi maghating gabi at hindi pa kami nakakaalis sa hapag. Sayang kasi, mukhang masaya pa naman si Daddy habang nagkukwento.
Bigla ako na alerto nang tumunog ang aking cellphone. Inexcuse ko na lang ang aking sarili nang makitang tumatawag si Thea. Good timing!
Hinayaan nila ako do’n at pinagpatuloy ang pag-uusap.
I even heard them talking about my upcoming birthday. It’s already on the 24th of May. It’s a month from now. Ugh, dapat hindi ko sila hinahayaan na mag desisyon tungkol sa kaarawan ko eh. I should be involved the next time they would talk about it. Ayoko ko kasi ng grande.
“Thank goodness you called!” nagpakawala ako ng malakas na hininga nang ilapit ko ang cellphone sa aking tenga.
“Bakit? Nakarating na ba yung Dad mo?” she said after her short silence. Hindi na ako nagulat sa tanong niya. Alam na alam niya kasi na ganito ang reaksyon ko kapag galing sa mahabang usapan mula kay Dad. It was since my elementary years nang una ako umayaw sa mahabang kwentuhan kasama si Dad.
Thea even named it ‘The Catching Up Phobia’.
It’s not that hindi ko gusto makasama ang Daddy or maka usap siya, it’s just that aabutin pa kami ng umaga at hindi pa rin siya nanagangalahati sa kanyang kwento.
“Yeah, and he’s at it again” nanghihina kong sinirado ang pintuan ng aking kwarto at agad dinaganan ang malambot na kama.
“So ibig sabihin ba no’n, mas marami na ngayon ang mga araw na wala ka ng trabaho?” tanong ni Thea na may bahid ng pagkakatuwa sa kanyang tono.
“Siguro? Ewan, hindi pa namin napag-usapan ni Daddy tungkol do’n” umikot ako sa kama at hinarap ang putting kisame ng aking kwarto.
Simula kasi noon naging madalas ang paglabas ni Daddy sa ibang bansa ay ako ang naging acting CEO sa aming kompanya, ito ay ang Seaborne Shipping Lines. Nasa ikatlong henerasyon na ito sa aming pamilya simula nang una itong ipinatayo ng Lolo ni Daddy. My lolo was a retired Marine Chief Captain na nagpasya magpatayo ng kaniyang sariling shipping lines.
Sa unang taon ko sa pamamahala ay aaminin ko na nahirapan ako lalo pa nang nasa labas ng bansa si Daddy ng mga oras na iyon. Makakatulong naman si Mommy pero mas pinili ko na isarili iyon at wag nang abalahin si Mommy. Ayoko bigyan si Mommy ng stress.
But experiencing it all did me good. Kalaunan ay natutunan ko na ang pagpapatakbo nito ng maayos nang hindi na umiiyak sa kwarto ko mag-isa. Grabe din kasi ang pinagdaanan ko na hirap para pag-aralan lahat ng iyon. Pinag-aralan ko rin naman yun noong college pero iba pala talaga pag nasa harap mo na ang mga ito at maraming tao ang umaasa sa’yo.
“Sana matagal pa bago umalis ang Daddy mo sa Pilipinas para maging bakante ka naman. Ang dami na natin hindi nagagawa na magkasama” sabi ni Thea sa nagtatampong boses. Suminghap ako ng hangin hdahil do’n. Totoo naman kasi na hindi na kami masyadong nakapag bonding ni Thea. Ako lang naman kasi ang problema, wala palaging time.
“Sana nga eh. Imagine mo, for 3 consecutive years, opisina lang at bahay namin ang alam kong puntahan? Urgh, kahit mall hindi ko man lang magawang puntahan. Nagtataka na nga ako kung ano na ang itsura ng mall eh.” Sabi ko.
Totoo naman iyon. Sa loob kasi tatlong taon, hindi na ako makahanap ng ibang mapag lilibangan maliban sa buong araw na pagtatrabaho. Lalo pa nang masira ang isa sa mga barko namin. Kulang na lang ay itulog ko ang lahat sa opisina eh just to check where it all started.
“Sino ba naman nagsabi na puro trabaho na lang aatupagin mo? Diba wala? Hay nako, tatanda ka na lang nang hindi nagkakaroon ng jowa” aniya sabay tawa sa huling sinabi. Wow ha? Sa kaniya pa talaga nanggaling iyon.
“Alam mo, kung may boyfriend ka ngayon, maniniwala na sana ako sa’yo eh. Pero wala eh” Pagtutukso ko sa kaniya pabalik.
“Ah, tungkol pala do’n. Magkakamali ka ata bakla” tugon niya. Kumurot ang noo ko dahil do’n.
“What do you mean? May boyfriend ka na ulit?” medyo gulantang tanong ko sa kaniya.
“Correction, magkaka-boyfriend pa lang ulit.” bawat pagkakasambit ay binigyan niya iyon ng diin. I rolled my eyes at the back if my head in disbelief.
“At sino naman itong minalas na lalaki ha?” I smirked.
“Secret lang muna. Anyway, pwede ka ba bukas ng gabi? Samahan mo ako mag dinner, please” biglang pagmamakaawa niya. Hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin nya do’n pero hindi ko na rin pinilit alamin pa tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend niya.
“Dinner? Hmm, sige imemessage na lang kita kung pwede ako. Baka kasi magpapahinga muna si Daddy bago bumalik sa kompanya”
“Tammy naman eh, simpleng dinner lang ayaw mo pa akong samahan. Sige ganyanan na lang? Gusto mo na bang tapusin pagkakaibigan natin? Sabihin mo lang” I could already imagine Thea wriggling on her bed right now out of frustration.
Sa huli ay napa oo na lang ako sa kaniya. Libre niya naman daw kasi at wala daw akong karapatan na mag inarte pa. Hay naku, iba talaga pag gumana ang kaniyang isip. Sobrang baluktot.
Agad namin tinapos ang tawagan nang makaramdam na kami ng antok. Bumagsak ang aking mga talukap sa mata matalos ko silipin ang oras. It’s already 12:34 at midnight or should I say morning? Argh! Mas napuyat pa ako yata nang siya ang kausap ko kumpara kay Daddy.
“Dad, papasok ka ba ngayon sa trabaho?” tanong ko kay Daddy nang makita ko siyang bihis na bihis sa kanyang pormal na suot sa loob ng study. It’s still 6 AM in the morning pero mukhang paalis na siya at tinatapos niya lang inumin ang kanyang kape.
“Yes, hija. Hindi ba ako halata na masyadong excited bumalik sa kompanya?” pabiro niyang sabi sabay lahad ng kanyang coat and tie na suot.
“Hindi naman, Dad. I swear. Hindi ko nga alam na pupunta ka ngayon do’n eh” pagsasabay ko sa kanyang biro.
Lumakad na si Daddy pagkatapos ko ibigay sa kaniya ang mga iilang papeles na kakailanganin niya. Ang sekretarya niya na daw kasi ang bahala mag review sa kanya ng reports sa huling 3 taon na nasa ibang bansa siya. Well, sigurado naman ako na walang problema doon sa kompanya kahit hindi ko inaasahan ang pagdating ni Daddy.
It was too early nang magising ako sa araw na iyon kaya napagdesisyunan ko na lang na isamantalahin ang pagkakataon na iyon. Nag jogging ako katulad ng kagawian ko dati araw-araw. Yun nga lang, nanibaguhan talaga ang katawan ko dahil do’n kahit nag warm up naman ako bago mag umpisa. Feeling ko nga magkakaroon ako ng leg cramps bukas eh.
I did nothing for the rest of the day though. Nakakabagot pala pag bigla ka na lang walang ginagawa. Merom pa rin naman akong trabaho sa aming kompanya. It’s just that all I have to do is to check the updates and surveys for the maintrnance ng mga barko. Hindi nga lang araw-araw at isa ito sa mga araw na iyon.
“Hoy Thea, nasaan ka na? Kanina pa ako dito naghihintay sa’yo” tinawagan ko si Tea dahil sa pagkakainip.
Thea already reserved us both a table in a restaurant in Makati kaya naging madali sa akin na makapasok agad. Kaotnti lang naman ang mga customers kaya pinayagan na akong maupo sa aming table.
Simple lang ang sinuot ko para sa dinner namin ni Thea. I’m wearing a brown blazer dress at pinaresan ko iyon ng aking black mules. Ito ang pinili ko na damit kasi wala na akong mas maayos na damit kaysa rito. Halos kasi corporate attire ang nasa closet ko. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang aking buhok sa aking mga balikat. Hassle din kasi mag ayos ng buhok and besides it’s a simple dinner with my bestfriend.
Supposedly ay 7 pa ng gabi pa kami magkikita pero sa sobrang bagot ko sa bahay ay alas singko pa lang ng hapon ay narito na ako sa restaurant. Mamamatay ata ako sa bahay pag nagtagal pa ako do’n nang walang ginagawa.
“Seryoso ka ba riyan, Tammy? It’s still 5:30 in the afternoon! ” aniya na hindi parin naniniwala sa akin.
“I got bored, okay? Maaga akong mamamatay pag andun lang ako sa bahay na walang ginagawa no!” I reasoned out. Totoo naman kasi. Si Mommy kasi ay pinuntahan ang kaniyang kaibigan sa Cavite. Ayoko rin naman istorbohin sina Ate Lena sa kanilang mga trabaho dahil lang sa wala akong magawa. Kuya Albert went with that kaya naiwan ako sa bahay na walang kausap. Ayoko rin naman umabot ako sa punto na pati halaman namin kinakausap ko na.
“Oo na, pupunta na ako jan. Manigas ka muna sa paghihintay jan” aniya at sabay putol ng aking tawag.
Kahit nakaramdam ako ng kaonting gutom ay tiniis ko iyon at matiyagang hinintay si Thea. Hindi rin kasi ako nakakain ng tanghalian dahil wala akong gana pero ngayon feeling ko kaya ko ubusing ang iilang plato sa buffet sa sobrang gutom.
She really made me wait though. Ugh! Kakainis! Sinasadya nya ata ito eh. She’s just a 10 minute drive away from here pero anong oras na.
I laughed at my own thoughts. Ako na nga ang umistorbo sa kaniya tapos ako pa ngayon ang galit dahil wala pa siya. Thea did not protest though, papunta na nga siya rito eh.
Kumukulo na ang aking tiyan at saktong na dungaw ko si Thea sa entrance door ng restaurant. Mabilisan siyang iginiya ng isang hostess patungo sa aming table. I squinted my eyes as I look at her. Nakasuot siya ng black peplum dress na pinaresan ng red hot heels. Masyado naman atang bihis na bihis siya para sa simpleng dinner namin ngayon. Hindi ba siya sa trabaho niya galing? Sigurado ako na hindi siya ganyan manamit pag nagtatarabaho.
“Baklang-bakla tayo ngayon ha? Ano’ng meron, sis?” salubong ko sa kaniya nang makalapit ito sa aming lamesa.
“Nakalagay ba sa batas na bawal magbinabae huh?” sabi niya at sabay upo sa aking harap . Padabog na nilagay niya ang kaniyang channel bag sa taas ng lamesa.
“Wala naman. In fact, ang ganda mo nga ngayon eh. Teka nga, ba’t ka ba ganyan maka bihis? May kikitain ka ba?” sabi ko sabay pag-uusisa sa suot niya.
“Aba! Syempre, dapat lang na maging maganda ako at bagong dilig araw-araw. Lalo pa na – Oh my, he’s here!” biglang putol niya sa kaniyang sinasabi at tsaka siya lumingon sa aking likuran. Kumaway-kaway pa ito kaya nagtaka naman ako do’n sa kanyang ginawa kaya napatingin na rin ako sa aking likuran.
Namilog ang aking mga mata sa nakita. Agad ko rin napag tugpi-tugpi kung bakit ganito na lang maka bihis si Thea.
Si Niel iyon na papasok na sa restaurant. Kumurot ang aking noo habang tinitignan si Niel. Kailan pa sila ni Thea naging close para mag ayaan na kumain sa labas? Bakot hindi ko ito alam?
My heartbeat instantly doubled nang bigla ko naisip na baka kasama ni Niel ang kanyang pinsan. Hindi kaya-wait, no!
‘Hindi naman sila siguro magkasama palagi’ pagpapaliwanag ko sa aking sarili. Somehow, may bahagi sa akin na gusto ko siya makita ulit at kalahati no’n ay hindi. Kailangan ko kasi mapaghandaan yon noh!
Pero ang pagkukumbinsi ko sa aking sarili na hindi sila magkasama palagi ay bigla na lang natibag. Half of me started jumping inside my mind. Pagkatapos ni Niel pumasok sa pintuan ay niluwa agad nito si Geoff na nakabuntot lang sa kaniya. s**t! They’re both dashing with their smart casual look! Pero bakit iba ang dating ni Geoff para sa akin?
Geoff is wearing a white polo shirt dress na nakatupi hanggang siko at pinarresan niya iyon ng brwon khaki pants.
Ugh! Dapat rin pala naghanda ako.
Wait, what? Talaga ba na naisip ko na magpaganda para kay Geoff?! Bakit ba naisip ko ‘yon?
I shrugged it out off my head pero hindi ko maiwasang hindi matulala sa kaniya. Parang lahat na sa kanyang paligid ay lumabo at siya lang malinaw sa aking mata. Oh my!
Bakit ba kasi ganito ang epekto ni Geoff sa akin? Nagkakawatak watak ang isip ko tuwing nakikita ko si Geoff. My goodness!