|Tamara|
“Yes, it’s her” pagmamadaling sabi ni Thea pabalik sa lalaki. Sa una ay nagtaka ito sa iminungkahi ng lalaki sa akin but she just shrugged it off like it was nothing.
“. . . your wife” pabulong na dugtong nito. Mukhang ako lang yata ang nakarinig dahil ako lang ang napabaling kay Thea. Sinikmat ko siya agad gamit ang akong mga mata. Bwiset talaga ng babae to’ng oh at talagang naka isip pa agad ng banat.
“I’m really sorry for what I did” sabi ng lalaki mula sa aking gilid. Ano ba ang nagawa nito at bakit siya nagsosorry? Was he at fault at something?
“No! No! It’s okay. We’re totally fine. Really” kinaway -kaway ni Thea ang kanyang mga kamay na para bang ayos lang ang lahat at walang problema na nangyari. Thea cleared her throat.
Did I miss something?
“Omg, if I’m not mistaken. You’re Geoff Montagnier, right? ‘The’ Geoff Monatgnier? I’m a fan, a big fan” Thea said as she stretched out her hand towards the guy. Halos mapunit ang pisngi ni Thea sa sobrang galak sa lalaking kaharap.
My brows furrowed in an instant. Did she just assumed the guy as Geoff Montagnier? I can’t believe her! Oo at tugmang tugma ito sa paglalawrawan niya ng matangkad at pogi. Pero maging Geoff?
Pinasadahan ko agad ng tingin ang lalaki.
Hmm.
No, he can’t be. Kung totoong siya nga si Geoff then why is he alone? Shouldn’t he be walking around with the VIPs receiving some special treatments? Pati kanina ay mag-isa rin siya.
MY jaw drops in an instant nang tanggapin iyon ng lalaki. I could hear Thea’s screaming inside her mind. Wait, don’t tell me he’s actually-
“Yes, you’re right. I’m ‘the’ Geoff Montagnier” nahimigan ko ng pagtawa ang lalaki ng inulit niya ang pagkakasabi ni Thea tungkol sa pangalan niya. Ngunit nakitaan ko rin siya ng pagkakailang dahil do’n.
“Wait, you’re actually ‘THE’ Geoff Montagnier?” gulantang ko’ng tanong sa lalaki. Medyo may bahid ng panunuya sa aking tono. Totoo ba ‘to?! ‘Di nga?
“Uh-huh. What’s with the ‘the’ word, anyway? You could just drop it, you know.” he insist with a discomfort taste on his face.
“Okay, it’s Geoff then” Thea gave him a sweet smile. Biglang nag dilang anghel ang kanyang awra dahil sa tipid na ekspresyon at pormal na inayos ang pagkaka-upo. Kung magbibgay ako ng grado sa kaniyang pagpapanggap bilang conservative na babae, siguro perfect. Ang plastic eh!
“I’m Thea, Thea Sprouse. And this is my bestfriend, Tamara Harolds” I almost choke myself nang makita ko na hindi pa binibitawan ni Thea ang pakikipag-kamay kay Geoff. This sly b***h. Buti na lang at parang wala lang iyon kay Geoff.
“By the way…” sabi niya pero naudlot dahil sa isang tawag ng kanyang pangalan sa malayo. Napabaling din kami nito ni Thea dahil do’n. It was one of the girls who I heard talking with her friend this morning.
“Geoff! Ah!” pagtitili nito na may hawak pang flagstick. Tumatalon ito sa sobrang tawa at animo’y sabik na sabik kna na makalapit kay Geoff.
“Girls! He’s here! Dalian niyo!” deklara ng babae at puma-paypay sa mga kaibigan niyang nakatalikod sa kaniya. Agad din nila itong nakuha at hinarap ang direksyon namin, specifically kay Geoff. Mukhang madami siya nahikayat na sumali sa kaniyang sorority ah?
“Ah!” pagtitili ng mga babae.
My eyes grew in circle when they started screaming and running towards our direction. What the f**k? Para silang mga kiti-kiti na naibudburan ng asin at hindi mapakali.
“-about that, can you give me a ride?” medyo natatarantang sabi ni Geoff sabay lingon sa mga babae.
Agad naman namin iyon nakuha ni Thea ang kanyanh sitwasyon kaya mabilisang tumango si Thea para paghintulutan itong maki-sakay sa amin. Actually, he doesn’t need of any of our approval. It would even be our privilege. Sa mukha niyang ‘to kami pa siguro ni Thea ang magmamakaawa na sumakay sa amin.
Nagsabi ito ng kaniyang pasasalamat at nagmadaling tumalon sa backseat. Mabilis na pinaikot ni Thea ang cart at wala sa oras na pina-harurot ito. Hindi ito masyadong mabilis pero sapat na iyon para makalayo kami sa mga babae na naghahabol. For pete’s sake! Para sila mga zombies na sobrang gutom kay Geoff.
I don’t clearly understand why he’s running away from them pero napatawa na lang kami sa aming ginagawa. Lalo pa nang lumingon kami sa likod at nakita ang mga dismayadong mukha ng mga babae.
Thea maneuvered the cart with a few turns and suddenly the girls disappeared from our sight. Sabay kaming tatlo na napa-buntong hininga.
Thank goodness, naiwala rin namin sila or shall I say ‘pinagod namin sila at napasuko sa kakahabol. Kinabahan pa nga ako kanina dahil mukhang wala silang plano tumigil.
“Sorry for causing you trouble” medyo nahihiyang sabi ni Geoff habang hinahagod ang kanyang batok. Agad siyang nagsalita nang bumaba na kami sa cart. Nasa gilid na kami ngayon ng lawa kaya napag-isipan naming tumigil pansamantala muna sa tabi nito.
“Bakit ka ba hinahabol? Mga fans mo?” Thea asked the obvious. Hindi pa ba halata kung paano sila maka react nang makita si Geoff? Kulang na lang yata mag balandra sila ng tarpaulin na may mukha ni Geoff eh.
“I don’t know. Hmm, siguro?” ani ni Geoff.
Sa pagkakataong ‘yon ay do’n ko lang nalaman na hinarang pala ni Geoff ang aming cart, rason kung bakit biglang tinapakan ni Thea ang preno.
Naiirita daw kasi si Geoff sa mga babaeng iyon dahil para daw mga linta kung makadikit kaya niya tinakbuhan.
I pouted my lips. Aaminin ko, sa una ay akala ko babaero siya pero after knowing his opinions about those kind of girls ay napag-isip isip ko na baka nga hindi siya playboy, but rather a one-woman kind of guy.
Applause to this guy kung gano’n. Kung ibang lalaki kasi ang nasa posisyon niya they’d be willing to do anything just to entertain girls, hindi nila ito lalayuan.
But all these are just hunches. Malay mo babaero talaga ‘to at ganito talaga ang kanyang istilo.
“By the way, thanks for the help. You both saved me” natatawa niyang sabi bago bumaling ang mga mata niya sa akin. Bigla ako nakaramdam ng kaba. Hindi ito nagtagal nang may biglang umakbay kay Geoff. Ito yung lalaki na naka buzz cut na buhok na kasama niya kanina ng umaga.
“Bro! Finally, nandito ka lang pala. Akala ko tuluyan ka nang nilapa ng mga babae” sabi nito at agad nilipad ang mga mata sa amin. His brows shot up.
“Oh, bakit dalawa na lang ang natira? Nilapa mo?” may pagbibirong sabi nito sabay hinigpit ang pagkakasabit nito kay Geoff sa leeg.
“Oh shut up, Neil” si Geoff.
“Hello, ladies. I’m Neil, just Neil. Geoff’s cousin” he stretched out his hand like a gentleman. Tinanggap namin agad iyon. We also introduced ourselves to Neil after that. Hindi kalayuan ang kakisigan at kagwapuhan nito sa kanyang pinsan.
Everything went smoothly between Thea and Neil nang mapag-usapan ang tungkol sa golf. Neil inititated it kaya napasabak na rin si Thea. They were talking about their experiences at ang unang panalo nila nang nag uumpisa pa lamang sila sa larangan ng golf. Hindi ko nga inaasahang mapapantayan ni Neil ang kadaldalan ng kaibigan ko. They get easily along with each other.
Lumayo ng kaonti si Geoff nang tumanggap ito ng isang tawag mula sa kaniyang cellphone.
“No. I don’t have plans about that right now. My hands are full. . .” iyon ang huling narinig ko mula kay Geoff sa kanyang kausap bago ito tuluyang nakalayo sa amin. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pakikinig kina Neil at Thea.
It took him 10 minutes to finish the call nang makabalik na ito sa amin. His hands were already both on his waist as he pursed his lips while walking towards us. Nag slow-mo iyon sa aking paningin. Damn, his presence is surely not for the faint-hearted, especially when he looks this serious. Oh boy.
Agad din iyon nawala ng makitaan ko ng inis ang kanyang mukha. May problema ba siya? Infairness, mas lalo pa yata siyang guma gwapo pag ganito ang itsura.
“Uhm, sorry about that. May pagka kulit din kasi minsan ng uncle ko” Geoff explained.
“N-No, it’s okay. It must really be important.” I tried hard to sound casual and not to c***k.
Neil and Thea joined the conversation kaya matagal pa bago nagpasyang magpaalam sina Geoff at Neil na babalik sa course. Kanina pa kasi tumatawag ang kanilang tiyuhin. Malamang nag -aalala na ito kung saan saan na nagsuot ang dalawang ‘to.
Unang nagpaalam si Neil sa amin. Sinundan naman agad iyon ni Geoff. Akala ko ay tuluyan na itong aalis nang lingunin niya ulit kami. His eyes flew to mine. My heart skipped a beat because of that.
“Uhm, It’s nice seeing you again” ani niya bago tumalikod at naglakad palayo.
Ramdam ko ang biglaang pag-init ng aking mga pisngi at pagbilis na t***k ng aking puso. s**t, bakit ba kailangan niya pang sabihin iyon? Hihimatayin ako ng wala sa oras eh!
I was planning to tell Thea about how I first met him but given the situation awhile ago, I wasn’t able to. Nakaramdan nga ako ng hiya sa sinabi ni Geoff dahil hindi ko pa siya kilala sa unag tagpo namin.
“What?!” Thea hysterically exclaimed. Masyado siyang OA maka react kaya inirapan ko na lang siya.
We’re already on our way home sakay ng kanyang sasakyan kaya do’n lang kami nagkausap ng pribado. I decided not to call my driver na rin so I could spend time with my bestfriend more. Plus, may utang pa akong eksplenasyon sa kanya.
Nagtaka kasi si Thea kung bakit ganoon na lang ang sabi ni Geoff sa akin bago ito magpaalam sa amin. Pati rin ako nagulat pero alam ko naman kasi ang buong kwento. I told everything to her on how Geoff and I first met outside the restaurant. Hindi ko rin maiwasa na makarmdan ng kilig habang kinulwento ko ‘yon. It was like sharing my love story.
Parang nga siyang batang kinikiliti sa leeg nang ikwento ko sa kanya na si Geoff pa ang nagbukas ng aking tubig.
“Oh my! He’s like a hero that has saved your day”
“Boba! Takip lang ‘yon no! Wag ka ngang OA.” Saway ko sa kaniya.
“Whatever! Sinusuportahan na nga kita sa kaniya tapos ikaw pa nag aayaw? Pasalamat ka at may pinsan siya! Si Neil na lang yung akin. Mas fresh siya sa aking mata” sa sobrang pagbibiro ng kaibigan ko hindi ko na alam kung kailan siya nagsasabi ng totoo o hindi. I just hope hindi playboy si Neil kundi, ewan ko na lang talaga.
“Okay then, akin siya ha? Wala ng bawian” sumabay na lang ako sa kaniya sa pag aakalang mananahimik na siya. Pero do’n ako nagkamali, imbis na tumahimik ito ay mas lalo pa nag ingay.
“That’s right, Tammy! That’s my tiger, rawr!”
Patuloy niya akong tinutukso pero binalewala ko lang lahat iyon.
I was looking outside through the glass window of the car nang biglang sumagi sa isip ko ang imahe ng mukha ni Geoff na nakatingin lang sa akin.
Bwiset!
I suddenly blame Thea for teasing me to him. Hindi tuloy nawawala sa isip ko si Geoff.
Kumain kami ni Thea sa isang sikat ni steak restaurant bago kami tumulak pauwi. It was just around Makati kaya mabilis lang kami na nakauwi.
Lumabas agad ako sa sasakyan ni Thea nang mahatid niya na ako sa harap ng aming gate. I said my thanks at sabay awtomatikong nagsira ang gate. It took me quite a number of steps nang bumungad sa akin ang mansiyon namin.
“Ma’am Tammy, bakit hindi nyo po ako tinawag?” natatarantang tanong ni Kuya Albert habang papalapit sa akin. He’s my personal driver at nasa 40s na ang edad nito. Nagtatrabaho siya sa amin bilang driver simula noong maliit pa ako. Para ko na rin siyang tiyuhin kung tratuhin eh.
“Wag kang mag-alala Kuya Albert. Kasama ko naman si Thea kaya hindi ko na inabalang tawagin ka” rason ko kay kuya Albert para makapante ito. Lumakad ako at ganoon rin ang ginawa niya.
“Naku Ma’am, trabaho ko po ‘yon. Baka pagalitan ako ng Mommy mo”
“It’s really okay Kuya Albert. Ako na ang bahala sasagot kay Mommy pag nagtanong siya. Besides, you’re already like a family to us. Hindi niya magagawa iyon sa’yo, okay?” I gave Kuya Albert an assurance. Kung iisipin ko nga, ngayon lang talaga ako hindi nagpasundo kay Kuya Albert na walang sinasabi. Take note, walang sinasabi ha. I’m not the rebel type.
Hindi ko naman sinisisi ang mga magulang ko kung bakit ganoon na lang sila ka strikto sa akin when it comes to my whereabouts. Ako lang kasi ang nag-iisang anak nila which leads me to the only heiress to our business.
In fact, masyado nga ako sino-spoiled ng magulang ko sa lahat ng gugustuhin ko. They’re both pretty much willing to answer all my whims and caprices in life. Pero laking pasasalamat ko na lang na hindi ako gano’n na klase ng tao.
Yes, I was born in a very rich family. I can’t deny that. ‘Yung tipong isang kumpas lang ng kamay ay mabibili ko na ang gusto ko at isang sabi ko lang ay matutupad ang lahat ng iyon. It’s like the dream that everyone desires.
Palagai nga kami sinasabihan ng mga tao na ang ganda raw ng buhay namin, sobrang kumportable na raw namin at nakukuha ang lahat. Kahit pa raw igasta namin ang lahat ng pera namin ay hindi iyon mauubos. But little do they know that we are just like other families na nagkakaroon ng problema. It’s just too tiring hearing stereotypes about rich people. Hmps.
“Ate Lena, saan po si Mommy?” tanong ko kay Ate Lena nang makapasok ako sa wet kitchen. She was cooking something; probably for lunch. Nalanghap ko iyon at agad natiyak na masarap ang kanyang niluluto.
“Oh, nandito ka na pala Tammy. Nasa taas ang Mommy mo, sa study room.” Sabi nito sabay pinahid ang basang kamay sa suot na apron.
“Salamat. By the way nakakain na po ako ng tanghalian” I informed her so she’d cook just enough for Mom and them. Wala rin kasi si Daddy dahil may inasikaso sa ibang bansa.
Agad ko inakyat ang grand staircase ng bahay. Bubuksan ko na dapat ang pintuan nang makarinig na may kausap si Mommy. Dinikit ko ang aking taenga sa pintuan. Pamilyar iyon kaya walang pag-aatubilin ko ito na binuksan.
My eyes widened upon seeing a familiar face in front of Mom. Sa sobrang saya na nadarama ay wala sa oras ako na tumakbo papalit dito at hinagkan ng mahigpit. It’s been 3 long years since huli ko naramdamdam ang init ng paghawak niya.
Mangiyak ngiyak ko siyang tinignan sa mukha. Oh this old man of mine.
“I missed you sweetie” my Dad said and planted a soft kiss on top of my forehead.
“I missed you too, Dad” muli ko siyang hinagkan and this time mas mahigpit kaysa sa una.