Kabanata 2

2500 Words
|Tamara| Sa minutong napatulala ako sa kaniyang mukha ay do’n ko lang nabatid sa aking sarili na hindi pa ako kailanman nakakita sa buong buhay ko ng ganito ka perpektong mukha. He’s about 6 foot and 4 inches tall. Mas lalo lang na depina ang ang tangkad nito dahil sa liit ko. Mataas ang kaniyang ilong at pinaresan ito ng maninipis pero mapupulang mga labi. Inangat ko pa lalo ang aking mga mata. The thickness of his brows gave way just enough to emphasize the color of his eyes. They were like crystals with a mixture of blue and green hues. Para itong dagat na pag napatingin ka dito ay para kang hihilahin pailalim. Nakakalunod. His jaw is even perfectly chiseled! He was like a stone sculpted in a Renaissance period who came to life. I’m not exaggerating things, I tell you. It’s just how perfect he is! Nakasuot lang siya ng typical na pananamit para sa sport na ito pero nagmukha ito na parang minomodelo niya lamang ang mga ito. Pwede na nga siyang ilahok sa pageant, sa may sport’s wear competition. Damn, I’m sure he would win. Hindi pa ako tapos sa aking mga iniisip ay agad itong napasidhi na parang naiitan na rin. “It’s kind of extra hot today, isn’t it?” tanong niya habang nakatingin sa malayo. He’s also starting to sweat so he pulled the hem of his shirt at ginawa ito na parang pamaypay sa kaniyang katawan. Ano ba naman ‘to. Kahit mukhang iniihaw na siya sa sobrang init ang gwapo pa rin! Wala bang toyo malapit dito? Gusto ko na lang makisawsaw! Nakou! “Yes. . . Hot” wala sa sarili kong sagot sa kanya. He then turned at me. Hindo ko mabasa ang kaniyang exkspresyon pero agad na namilog ang aking mga mata dahil nahinuhang mayroong mali sa nasabi. “Ah, Yes! Ang hot nga eh, especially today. Whoo!” pag iinarteng bawi ko sa unang sinabi sabay pagpapaypay sa sarili ng labis. Baka kasi iba ang pagkaka intindi niya sa sinabi ko. Nahuli pa naman niya akong titig na titig sa kaniya. “Yeah. Hmm, I’ll just see you around then” ani niya at tsaka ako tinalikuran. Tinahak niya ang daan kung saan ang aking pinanggalingan, ang resturant. T-Teka, ano nga sinabi niya ulit? S-See you around? Parang babaliktad pa ata ang tiyan ko ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Does it mean I could be casual to him? Nilingon ko ulit siya at siya namang pagpasok niya ng tuluyan sa restaurant. I saw how people drifted their gaze at the man. Parang ngayon lang din nila ito nakita dito. Naramdaman ko ang biglaang pagtunog ng aking cellphone hudyat na may tumatawag. I took it out from pocket at nakita ang pangalan ni The na naka flash sa screen. I immediately answered it. “Tammy! Where are you?” pagtitili ni Thea sa kabilang linya. Napapikit ako ng kaonti at bahagyang nilayo ang hawak na cellphone dahil dito. “I’m just here near the restaurant. Why?” medyo naguguluhan kong tanong sa kaniya. I could hear the rolling sound of the tires in her background. I think she’s driving the cart. “Are you driving?” pagkukumpirma ko sa kaniya. “Yeah. Just wait me there. I’m on my way” I heard the tires screech just as she ended the call. Nagmamadali ata. I bet she heard some news and she can’t stop herself from not sharing it with me. Hay, mahirap pag ang daldal ng kaibigan mo. Walang bahagi sa buhay ko ang naging boring dahil sa kaniya. Lahat na lang ay may c****x. Hay naku. Napabuntong hininga na lang ako at inikot ang mga mata para makahanap ng kumportableng ma-uupuan. I saw a wooden bench nearby kaya do’n na ako pumunta para makapag muni muni habang wala pa si Thea. Lulubusin ko na ito bago pa niya gimbalain ang kapayapaang minsan ko lang matamo. Hindi pa ako nakaka-upo ng tuwid ay narinig ko na ang naghuhumerentadong boses ni Thea sa di kalayuan. “Baklaaaa!” sigaw niya sa malayo habang pinaparada ang sinasakyang golf cart sa bakanteng puno. Ba’t ang sigla naman ata niya ngayon? Habang kanina ay parang kulang na lang ipag suklaban niya ako ng galit niya dahil hindi ako naglaro at ngayon? Whew, ipupusta ko ang driver ko, malamang may nahagip naman itong gwapo. Well, ako rin naman. Pilit kong tinago ang ngiting sumibol sa aking mukha. Pero huli na nang makalapit ang nang uusisang mga mata ng aking kaibigan. “Ano yan? Ha?” sipat niya ng makitang nag ngingising aso akong mag isa. “Yung alin?” Pagsasawalang kibo ko sa kaniyang katanungan at sadyang pinakunot ang noo. She looks unconvinced by my acting pero binalewala niya ito at sinimulang sabihin ang pakay niya rito. “Whatever. By the way I heard some buzz” lumapit agad ito sa akin at umakto na parang top secret ang ibabalita niya. I lean my body forward so I could hear what she is about to spill. It must be really important para lang magpunta siya rito at itigil ang kaniyang laro. She’s playing in an 18 hole course. It would take hours to finish it kaya this must be very urgent. Sana man lang may mapupulot din ako ngayon mula sa kaniya. Puro kasi walang katuturan ang mga paandar ng kaibigan kong ‘to eh. “Tae ko pink” bigla niyang bulalas sa aking taenga. I immediately rolled my eyes upon hearing her what she just said. Humagalpak siya ng tawa kaya do’n ko na lang siya tinignan ng masama. Naku! Kung hindi ko lang ‘to kaibigan baka ipadampot ko siya sa mga doktor. Mukhang lumuwag ata ang kapit ng kanyang utok sa bungo. “Ah ganun” tanging nasabi ko sa kaniya. She’s still laughing like she has no plans to stop it anytime soon. “Girl, ang seryoso mo” nakuha niya pang magsalita sa kalagitnaan ng kanyang halakhak. “Ang mature mo rin ‘no?” pambabara ko sa kaniya. Dahil sa pagkakasabi rin ng iyon ay napatigil siya agad sa kakatawa. Hah! I caught her right on the spot! I gave her a smirk signifying my epic comeback. She doesn’t like it when I tease her how childish she could get. “You know what, ang sarap mo sampalin mga 10 times. Pwede pa try?” nahuli ko nga siya dahil sa naringgan kong inis sa kanyang boses. Gusto ko na lang talagang matawa pag ganito siya. “Ano ba kasi yon Tei?” agad kong pagsisimula sa na unsyameng balita na nakalap niya. “Buti na lang at hanggang Cavite ang pasensiya ko friend, dahil kung hindi mapapagastos pa ako ng iyong libing.” Sabi nito at agad kinuha ang hawak kong tubig. Tinungga niya agad iyon. Hindi na ako umangal sa kaniya at hinayaan na lang siyang ubusin ito. “Anyway, kanina ay may narinig akong usap-usapan. I don’t know if it’s true though pero ano bang mawawala sa’kin kung ikakalat ko rin, diba?” gusto ko na lang siyang sakalin sa kaniyang lohika sa buhay. “Tungkol ba yaan sa ano?” tanging tanong ko na lang sa kaniya. “The great Geoff Montagnier is here” pagpapatuloy niya sa naunang sinabi. She sounded like he’s someone famous. Kumurot ang aking noo dahil do’n. Sinong Geoff? Wala akong kilala na may Geoff na pangalan. Sikat ba ‘yon? Ba’t hindi ko kilala? “Geoff who?” kuryuso kong tanong sa kaniya. “Really? Did you just asked me who Geoff is?” she scoffed. She shakes her head as if na hindi siya makapaniwala sa nasabi ko. “Why? What is so interesting about him?” tanong ko hoping she would fill up my queery. “Listen you bonehead, siya lang naman ang kasalukuyang title holder ng mga four major awards sa golf championship. It was just last year nang maipanalo niya ang Masters at do’n niya nakamit ang grand slam. Girl you should know this!” she exclaimed. Parang kasalanan ko pa tuloy na hindi ko alam ang lahat tungkol do’n. Napa-awang na lang ang bibig ko sa lahat na narinig. Damn! That guy must be so good! Akalain mo ‘yon? To think na naka grand slam siya ay parang naging ka level na niya sa galing sina Tiger Woods. It’s the dream for every aspiring golfers around the world. To bring home those championship cups all at once is like heaven! I can’t even imagine myself winning those gold and silver cups, and gaining this world recognition? Just wow! How is it na hindi ko man lang ‘to alam! I should really meet this guy. “And for the dessert, ang gwapo niya sis!” biglaang tili niya mula sa aking gilid. Ba’t parang narinig ko na ang lahat ng mga ‘to? “When you said he’s here, you just don’t mean na nandito siya sa Manila, right? Like he’s totally here within the boundaries of Manila Golf and Country Club?” sabi ko sa kaniya na may pag-aasa sa aking himig. “In flesh!” tanging nasabi niya at agad akong nakaramdam ng excitement. To be able meet this guy o di kaya’y makita man lang ay napakalaking karangalan na para sa’kin. “Have you seen him?” tanong ko sa kaniya. Hindi na maiwasan na magkaroon ng interes sa lalaking ito. “That’s my problem. Hindi ko pa siya nakikita” nag-iba bigla ang kaniyang timpla at nagmumukha itong dismayado sa sarili. “Iyon ang rason kung bakit agad ako nandito” agad ko’ng nahula kung ano ang ibig sabihin niyang ‘yon. “Let’s go and hunt him!” hindi nga ako nagkamali ng prediksyon. After knowing all those information from her, kahit ako rin naman ay titigil sa paglalaro at hahanapin ang taong iyon. It’s like once in a lifetime experience. Naisip ko’ng unang puntahan namin ay ang stadium. Marami kasing mga tao kanina na nakapila, animo’y may hinihintay lumabas. Pero nang lingonin ko ulit ‘yon ay pa unti-unting umaalis ang mga tao palayo sa building. Ano kaya ang meron kanina do’n? Sakay ng aming golf cart ay pinasadahan namin ng aming mga mata ang buong paligiran. Ni isa ay walang pinapalampas. Para na nga kaming uto uto sa ginagawa. Pa hinto-hinto kami kapag meron kaming natanaw na hindi pamilyar na lalaki sa amin. Halos ata kilala na niya kaya dire-diretso ang kangyang pagmamaneho. “I just heard it habang naglalaro ako kanina” biglang pag open up niya sa kalagitnaan ng kaniyang pag-drive. Kumunot ang aking noo dahil do’n. Akala ko nabasa niya ito sa isang trusted article? O ako lang ba ang nag assume? “And you haven’t even confirmed it yet?” ngayon ay nagdududa na sa lahat ng pinanggagawa namin. Jusko. Ba’t ba ako agad sumama dito ni hindi man lang na kumpirma kung totoo ang nakalap niyang balita? Hays. “No I didn’t, hehe” without removing her eyes on the road ay ngumisi na lang ito sa akin. “Pero ayaw mo no’n? Tayo ang unang makakalapit kay Geoff pag nangyari ‘yon” sabi niya para pampalubag loob sa akin. I can’t deny that fact pero parang may kutob akong si Geoff nga ang pinipilahan ng mga tao malapit sa stadium. Dapat ba sinabi ko muna iyon kay Thea bago ako nagpatianod ulit sa kanya? Nilingon ko ang pinanggalingan namin. Medyo malayo-layo na pala kami. At doon ko na lang naalala na may dapat rin akong sabihin kay Thea. Masyado kasing napuno ang isip ko kay Geoff na yan at nakalimutan ko na pati ako rin ay may dapat ibalita sa kaniya. Naku for sure, Thea would forget about that Geoff kapag napakita ko sa kaniya ang na meet ko’ng lalaki kanina. Pero di ko man lang alam pangalan ng lalaking iyon. I should have asked his name. Wala namang problema iyon dahil sa kanyang bibig na mismo nanggaling ang mga salitang ‘see you around’. That means we’ll be seeing a lot often. I really should ask his name. It would be a wonderful blessing kapag may kaibigan akong ganyang kapogi! Additional factor pa ay iyong pagiging gentleman niya. My goodness! Sinubukan naming isa-isahin ang mga building. Pinasok namin ang bawat sulok nito pero wala kaming nilalang na nakita na tumutugma sa description ni Thea. “Basta matangkad siya at pogi” dagdag niya sa mga naunang paglalarawan niya. “Wala na bang ibang detalye? Matangkad lang at pogi? Yun na ‘yon?” angal ko kay Thea. Talagang mahihirapan kami pag iyon lang ang pagbabasehan namin. We’re now back on the road at siya parin ang nagmamaneho nito. “Just search it on the internet, Tammy. You have your phone right there with you right?” ani niya. Sinapo ko na lang ang aking noo dahil hindi man lang sumagi sa isip ko iyon. Urgh, just how stupid can I be? Hindi ko pa tuluyang nailalabas ang aking cellphone mula sa aking bulsa ay paulit-ulit na akong tinatapik ni Thea sa balikat gamit ang isa niyang kamay. “Girl! Baka andun ang hinahanap natin!” tinuro niya ang malapit na golf course na may mga nagkukumpulang mga tao. “Maybe? Sige puntahan na natin” hindi pa nga ako tapos na magsalita ay pinaharurot niya na ang pagtakbo ng cart. Without putting back the phone in to my pocket ay tinipa ko na ang buong pangalan ni Geoff. Tinanong ko pa nga si Thea kung ano ang full name at spelling nito. “It’s G. . . E. . . O. . . double F, then space, M. . . O. . . N . . . ay putek!” sabay kami ni Thea napamura dahil sa biglaang pagtigil ng cart. “Ano ba Tei, ayusin mo nga ang pag dadrive! Gusto ko pang magka asawa.” saway ko at sabay dinakma ang natapong cellphone sa paanan. Malayo ang pagkakatapon kaya halos gapangin ko iyon. “Tammy! Ang lakas mo naman kay Lord!” halos pabulong niyang sabi ng binaba nito ang katawan papunta sa akin. Nakitaan ko ito ng pinaghalong kilig at tuwa. “Huh?” kusang tumaas ang isa kong kilay. Ginapang ko pa ng kaonti ang aking kamay hanggang sa maabot ko na ang aking cellphone. “Girl! Si Geoff nandito!” sinampal niya ang aking braso ng paulit-ulit na patago. “Oo, nasabi mo na yan eh” bigla ko naman pinatuwid ang aking pagkakaupo at ganoon rin ang ginawa ni Thea. Namilog ang mga mata ko sa nakita. He’s just a few meters away in front of our cart. Pero umakto itong nagmamadali papunta sa amin. It only took him a few steps to reach my side. “I’m sorry! Are you both hurt?” pag-aalalang tanong niya bago magtagpo ang aming mga mata. “It’s you” ani nito sabay turo ng daliri sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD