Kabanata 1

2344 Words
|Tamara| I love him with all of me. Kaya kong umintindi, magsakripisyo, para lang maappreciate niya ako. Pero hindi ko alam kung bakit dito humantong ang lahat ng mga pinaghirapan ko. “Tammy! Bilisan mo!” Nagsimula ang lahat dahil sa kaibigan ko, si Thea. Pilit niya akong inaaya sa bagay na ayaw ko naman gawin. She was half-running toward my direction. Nakaputing polo ito, wearing a white cap and a black palda shorts. May nakasabit na aviator sa neckline ng polo at nakasuot ng mamahaling sneakers. “Sige na! Just try it!” anito habang hinihila ako paalis sa loob ng golf cart. “Ayoko nga sabi. This is a waste of my energy,” reklamo ko pero nagpapatinaod naman. “Just one swing! Tapos ‘di na kita kukulitin!” she bargained. Ilang beses na niya akong kinukulit. Naiiwasan ko naman n’ong una, lalo na kapag napupunta kami dito sa golf course with my family. My father loves golf at ganoon rin ang kaibigan nito, which happens to be Thea’s dad. Kaya hindi na nakakagulat kung palagi kaming nagkikita dito. “Please?” Pinaglapat nito ang mga palad, her aligned fingers pointing toward the sky as she bats her eyes. I rolled my eyes, at sa huli, ay pinagbigyan ang pakiusap nito. “Isa lang!” I said in defeat. Mabilis naman itong tumango, tila biglang naging masigla dahil sa pagpayag ko. I sighed heavily as I went out of the golf cart. Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa Tee Area dahil medyo mababa ito. Ng makarating doon ay binigyan ako ng golf club ng Caddy. Medyo May kabigatan iyon kaya naman ang pomosisyon ako. Even thou hindi ako naglalaro, kahit paano ay may alam ako sa basics. My dad loves playing golf, at halos lumaki akong nakasubaybay sa kanya. I angled the club in a right position. Tumingin ako sa ‘green’. Kahit alam kong hindi maabot iyon ng pwersa ko ay tinantiya ko pa rin kung hanggang saan ang kaya ko. Ilang segundo siguro akong nakatitig doon before I decided to swing my club. Agad na lumipad sa ere ang golf ball at huminto sa sa fairway, siguro ilang metro mula sa tee. Napatango ako, satisfied sa nagawa. “Wow! You hit like a pro!” komento ni Thea na biglang sumulpot sa tabi ko. I rolled my eyes at binigay na sa kanya ang club. “Oh. Okay na?” Ani ko. Mabilisan siyang tumango and this time siya naman ang lalaro. Nilingon ko ang sa bandang likuran niya kung saan ang mga sofa chair at coffee tables, merong ding maliit na bar. It’s the player’s alfresco area. Hindi ito kalayuan at iilang hakbang lang ay naroon na ako para makaupo. Binalik ko ang aking tingin sa akin kaibigan at nakitang eksaherdang gumegewang ng kanyang baywang habang tinatantiya niya ang kanyang pagtira. Hindi na yata normal ang kaibigan kong ito. Tss. Napailing na lang ako sa kanya at pinasadahan ng tingin ang buong field. Maganda ang setting kaya hindi rin ako nagtataka kung bakit pa minsan minsan ay magugulat ka na lang na makakita ka rito ng mga sikat na tao na naglalaro. Well, it’s basic naman talaga para sa mga social elites kagaya namin na magkaroon ng iilang hobby o sport. Katulad nito. Simula pa yata bata pa kami ni Thea ay iniinsayo na kami dito kaya pati mga sikat na tao ay hindi na namin masyado na aappreciate. “Totoo ba?” BIgla akong napa angat ng tingin dahil sa narinig na boses ng di kalayuan sa akin. Nanggaling iyon sa dalawang babae na nag-uusap. They were both sporting an all out golfer outfit. Kung babasehan ko sa pangangatawan at hitsura nila siguro mag kasing edad ko lang sila. “Yes girl! He’s a self-made millionaire!” the other girl said with full of conviction on her tone. “Oh my! And on top of that, ang yummy niya! Ah!” napatili siya sa huling sinabi. She giggled at herself like a three year old. Hindi ako pinalaking nakikinig sa mga usapan ng ibang tao ng aking mga magulang dahil basic etiquette daw ‘yon. Pero sa paraan ng pagkakalahad nila ng kanilang usapin ay di ko maiwasan na marinig ang lahat ng kanilang mga sinasabi. Sinundan ko ang kanilang tingin. Parang uhaw na uhaw kung maka arte ang ma ‘to. Hindi naman mahirap para sa akin na matukoy kung sino ang kanilang pinaglalawayan. Maliban kasi sa amin ni Thea at ng dalawang babaeng ito, may dalawa pang mga lalaki dito sa golf course. Kumurot ang aking noo. Di ko na maiwasang hindi mangusisa sa kanilang pinag-uusapan. Sino ba sa dalawa ang tinutukoy nila? Pareho kasi sila na nakatalikod sa amin. Matagal na akong pabalik balik dito pero ni kailanman ay hindi ko sila nakita dito. Bago ba sila dito? It seems that the guys are busy conversing with each other. Nakayuko lang ang naka buzz cut na lalaki habang nakikinig sa lalaking naka brush up ang wavy at mahaba niyang buhok. Seryoso ata ang pinag-uusapan at di man lang magawang paikutin ang kanilang ulo sa aming banda kahit saglit. Teka nga? Kailan ba ako nagka interes sa dalawang ‘yon? Napako ang mga mata ko sa kanila. They were both equal when it comes to height and physique. Pasok naman sa standards ko, infairness. Pero tumatak sa aking isipan ay kung sino ba ‘yong yummy na self-made millionaire sa dalawa. Siguro yung may mahabang buhok ang milyonaryo? I guess? Hmm, I really don’t know. Well, hindi naman bago sa akin ang salitang millionaire kasi kami mismo ay galing sa pamilya ng mayayaman. Kasama na roon ang pamilya ni Thea. Pero yung bihira sa akin ay ang salitang self-made. Just how hardworking can that man be? And by the looks of it, they’re both still young. Hindi naman siya siguro nagbebenta ng illegal drugs para maging mayaman ng ganyan kadali diba? “Bakit siya nandito kung gano’n?” pagpapatuloy ng babae sa pagtatanong sa kanyang kaibigan. “Hindi ko nga alam girl eh, why don’t we try approach him later?” masiglang mukha ang iginawaad niya sa kaniyang kaibigan dahil sa bigla niyang naisip. “Ang brilliant mo talaga! Sige join ako diyan” humalikpik ito at sabay tinanaw ang tinutukoy nila. Seriously? Babae pa talaga ang unang lalapit sa lalaki? Well, hindi ko naman sinasabi na hindi ito dapat pero sana naman wag silang magpahalata masyado na may gusto sila sa lalaki. Malay mo, they would take that as an advantage at paglaruan ka? Naku, it’s a big no for me. Nakaalis na ang dalawang babae pero tutok na tutok pa rin ako sa dalawang lalaki na ngayon ay nagtatawanan na. For pete’s sake ba’t ba bigla na lang ako naging interesado sa kanila? The guy with a buzz cut nods at his companion at unti-unting umatras palayo sa kasama to give the other guy a room. The long haired guy angled his body facing the course at nag stretching ng kaonti kasabay nito ang paghigpit ng kaniyang suot na damit. His muscles are smoldering under the hot rays of the sun. Kung may iniinom lang ako ngayon ay tiyak na masasamid ako nito. Ba’t kasi parang nag feflex ang dating niya sa akin? He lowered down his staff. Doon ko napagtanto na pang amateur amg kanyang gamit na club. Not to mention his stance, mukhang sanay na sanay sa sports na ito at wala man lang tee na ginamit. Paulit-ulit niya itong tinatantiya na tirahin. I was about to witness his shot when Thea suddenly emerged in front of me blocking my view of him. Nakataas ang dalawa niyang kilay habang ngumingisi sa akin. Panira naman to oh! “What?” tanong ko sa kaniya sabay sinubukang sumilip sa kanyang likuran. “Your turn” aniya at sabay alok ng kanyang hawak-hawak na club. Doon niya nakuha ang buo kong atensiyon sa sinabi niya. “No” mataman kong sagot sa kaniya. “Come on, don’t be such a bore Tammy!” pagpupumilit niya sa akin. “Ayaw ko nga. And besides isa lang ang usapan natin at pinagbigyan na kita roon” pagpapaalala ko sa kaniya. She only just stared at me for a few seconds and exhaled a quick breath. “Okay, fine.” She just dropped her shoulders in resignation. Salamat naman at hindi niya na ako pinilit. Akala ko kasi ‘No retreat, No surrender’ ang kaibigan kong ito. Matagal pa bago umalis si Thea sa aking harapan. But when she finally did ay wala na ang lalaki roon sa kaniyang kinakatayuan. Wala sa oras akong nagtaka. Saan siya nagpunta? Ang bilis naman ata niyang maglaro. Pati ang kanyang kasamang lalaki na naka buzz cut ay wala na rin. I just look at the green field in dismay. Pero sa ngayon, it’s the least of my concern kung saan sila nagsuot. I don’t even know them so I better stop sticking my nose to them. Dahil nakaramdam na ako ng pagkabagot sa kina-uupan ay nagpasya ako na magpaalam kay Thea na mamasyal sa paligid. Sa una ay nag-aalinlangan pa ito na hayaan akong mag isa na maglakad lakad pero sa huli ay napa oo na lang ito at magpatuloy sa ginagawa. “Just message me if you’re already done. I’ll be just around the corner” ani ko kay Thea sabay turo ko sa direksyon kung saan ako unang maglalakad. “Whatever, I’ll just finish this set and I’ll catch up with you” pag-iirap niya at tuluyan nang tumalikod sa akin. Uh! She and her excessive mood swings! I wondered how I was able to last long with her. Nag-umpisa akong maglakad at nilampasan na lang ang aming sinakyan na golf cart. I want to stretch my legs even just for a short while. Nakakabagot din kasi na upo lang ang ginagawa ko buong araw. Sa gitna ng aking paglalakad ay bigla na lang akong nakaramdam ng panuruyo ng lalamunan. Nauuhaw na ata ako. Biglaan naman ang aking pagsisisi dahil hindi ko man lang naisipang kunin ang dala kong tubig sa bag. Mabuti na lang at hindi pa ako masyadong katanga para iwan pati ang akin wallet. Bibili na lang ako ng ma-iinom sa restaurant nila dito. Good thing I was able to put it inside my pocket before Thea completely dragged me out from the cart. Hindi pa ako nangangalahati sa nilakad patungo sa restaurant ay nararamdaman ko na ang sipa ng init mula sa tanghaling araw. “Hindi siya mainit, promise.” Pagsasakarsmo ko sa aking sarili. Napahinto ako sa isang malapit na kahoy at nagpahinga saglit sa ilalim ng lilim nito. Pinalis ko ang mga namumuong butil ng pawis sa aking noo gamit ang likuran ng aking palad. Pati ba naman panyo ay wala ako? Urgh! Pagkatapos no’n ay nilakad ko ang daan patungo sa restaurant habang pinagsasawalang bahala ang init na dumadampi sa aking balat. Mabilisan ang paglakad ko kaya narating ko na rin sa wakas ang restaurant. “Good morning ma’am!” bungad sa akin ng babaeng staff pagkapasok ko pa lang sa pintuan. “Good morning” tugon ko sabay gawad ng ngiti sa kanya. May iilang customers ang nakapaloob sa restaurant. But quenching my thirst is my first priority right now. Wala akong time para isipin lahat ng tao sa loob. Uhaw na uhaw na ako teh! “I’ll just have a bottled water, please” ani ko pagkarating ko sa counter. “Isa lang ba ma’am?” tanong ng cashier sa akin. ‘Hello? Mukha ba akong may kasama?’ gusto ko sana itong isa tinig pero di ko na tinuloy. Epekto lang siguro ito ng init sa labas. I don’t want to give off some bad impressions rin naman eh. “Yes” huling sabi ko bago siya umalis sa harapan ko para kunin ang aking inorder. She told me the bill kaya binayaran ko na rin siya. “Thank you ma’am!” rinig kong sambit nito nang paalis na ako palabas ng restaurant. I’ll just find a spot kung saan ako makakapag relax at may magandang view. The glass door chimes as I went out the building. Luampit ako sa malapit na covered path walk para maka inom. I was trying to open the cap of my bottle nang mapansin ko ang mga nagtutumpok na mga tao sa stadium ng di kalayuan sa kinaroroonan ko. I squinted my eyes so I could clearly see what’s happening over there. Hindi ko alam kung ano ba ang kinaiba no’n pag ginawa ko iyon but I still did it. Nakapila ang mga ito sa labas na tila ba’y may hinihintay silang lumabas na sikat na tao mula sa pintuan. I was busy looking at the crowded people nang ma realize ko na hindi ko pa pala nabubuksan ang takip ng aking tubig. Sinubukan ko ulit ito buksan habang nakatingin sa malayo. Nakaramdam ako ng inis dahil sa hindi ko pa rin ito mabuksan. Sa pagkakataong iyon ay ibinalik ko ang buong atensyon sa aking tubigan at binigyan ng pwersa ang pagkakabukas. Urgh! Why is it so hard to open a f*****g bottle?! Sa pangatlong pagkakataon ay hindi ko man lang magalaw ang kaniyang takip. Urgh! “Let me” natigilan na lang ako sa baritonong boses mula sa aking harapan at agad ay kinuha ang aking tubig mula sa aking pagkakahawak. In an instant, I flew my gaze up in the front. My jaw dropped open when I saw who it was. Agad ko namang napagtanto kung sino ngayon ang kaharap ko. In a swift motion ay nabuksan niya ito kaagad. His veins naturally popped out from his skin when he did it. “Here” he gave it back to me with its loosen seal. “T-Thank you” hindi ko maiwasan ang pagkaka-utal. Tinanggap ko iyon mula sa kaniyang naka abang na kamay habang hawak hawak ang aking tubig. “No problem” ani niya at binigyan ako ng ngiti. His dimples immediately stood out. Shit! He’s really double f*****g handsome!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD