“You left your phone.” he said as I can feel him staring at me intently.
Ako naman ay nakaharap lang sa swimming pool namin at nakatitig sa kawalan. As he handed me my phone, I immediately grabbed it and held it very tightly. And yes, nandito nga si Connor para isauli ang phone ko. Gabi na pero nagawa niya pa rin akong puntahan dito sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon pero sana huwag niyang maisip ang kung ano man ang nasa isip ko ngayon. Argh! Malabo na ba ako? Kasi hindi ko na rin naiintindihan ang sarili ko.
“Sa tingin ko ay mali ang taong binibigyan mo ngayon. I have my phone with me.” pagsisinungaling ko.
Damn! Kung hindi lang sana ako tanga, hindi ko sana naiwan ang sarili kong phone sa bahay niya. And I know Connor is smart that he will figure out in just a second that I was there. And that I was the one who bought him the foods! Ano na lang ang iisipin niya?
“I don’t think I am.”
“You are.” I stood up at pinagpagan ang suot ko. “You can now leave. Wala dito ang may-ari ng cellphone na iyan.” I said as I walked straight towards the house. Na su-suffocate ako sa presensya ni Connor and this is not a good thing.
“You don’t even know how to lie.” napahinto ako dahil sa sinabi niya at humarap pabalik sa kanya. Dahan-dahang tumayo si Connor at seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.
“Ano naman ang kasinungalingan na sinabi ko? I just told you that I am not the owner of that phone.”
He sighed as he turned on the phone. Iniharap niya ito sa akin at kitang-kita ang wallpaper na inilagay ko.
“Then who the f*ck is this woman who is carrying Zeus? Do you have a twin? A ghost twin? Or what?” sunod-sunod niyang tanong at tumingin naman ako sa gilid.
Sh*t! Nakalimutan kong inilagay ko pala sa wallpaper ko ang picture naming dalawa ni Zeus. Now I am certainly doomed. Damn!
Lumapit ako sa kanya at hinablot ang phone ko. Malakas ko itong kinuha mula sa phone niya kaya mahigpit din ang pagkakahawak ko ngayon. Nang makuha ko na ang phone mula sa kanya, tumalikod ako ulit at nagsimulang maglakad. Matapos kong mabuksan ang pintuan, narinig ko ang boses niya.
“Don’t do it again.” he said that made me stop. No. Hindi ako huminto dahil may sinabi siya, huminto ako dahil sa tono ng pananalita niya. It feels like he is sad or desperate. “Don’t just enter someone else’s life.” pagpapatuloy niya. Mahigpit kong hinawakan ang knob ng pintuan bago mapait na ngumiti.
I guess that’s my cue.
I went inside leaving him there, giving what he wanted.
“You seem to be bothered?” my brother, who was waiting at the door, said to me.
What is he doing? Narinig niya ba ang pag-uusap naming dalawa ni Connor?
“None of your business bro. Pwede ba? Tumabi ka na. Kanina mo pa ako inaaway.” wika ko sa kanya at dahan-dahan siyang hinawi para makadaan ako.
“I guess I need to make kuya Connor stay here in our house.” wika niya na naging dahilan para mapahinto akong buksan ang pintuan ng kwarto ko.
“What?!” I asked almost shouting after I heard what he just said.
“I said I wanted kuya Connor to stay here. It’s been ages since we last play with each other.” saad niya at tumingin sa labas kung saan nakikita namin si Connor through the glass walls habang may kausap siya sa phone niya. Gaano ba talaga siya ka busy?
Nalaman ko rin kasi mula kay manang Esla na dahil sa pagkawala ng mga magulang ni Connor, maaga siyang namulat sa reyalidad na buhayin niya dapat ang sarili niya dahil walang ni isa ang tutulong sa kanya. Maaga siyang nakahawak ng napakalaking pera na sa tingin ko ay ginamit niya para mas maparami pa ito at iyon ang ginagamit niya ngayon para sa pag-aaral at mga luho niya. I mean, Connor is already rich ever since his parents aren’t married with each other pero the world will surely turn upside down kung hindi niya maayos na ginamit ang pera ng mga magulang niya. Because no matter how rich a person is or can be, kapag ginamit niya ang pera sa hindi maganda, wala talaga itong patutunguhan.
“Don’t bother him anymore Blake. Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan niya.” wika ko kay Blake habang nakatingin pa rin kay Connor na nakakunot na ang noo at nakahawak pa sa sentido nito. May problema ba sila ng kinakausap niya?
“Why? Do you know what he is going through?” tanong ng kapatid ko sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.
“Just don’t bother him.” I said as I opened the door of my room.
“Do you like kuya Connor?” my brother asked at agad akong lumingon sa kanya pabalik.
“I don’t like him but I don’t hate him either.” saad ko at sinundan kung saan nakatingin si Blake. And guess what? Nakapasok na pala si Connor at nakatayo lang doon sa pintuan namin. He is staring at me habang ako naman ay nakatitig lang din sa kanya. Narinig niya ba ang sinabi ko kanina? Kasi kung oo, nakakahiya!
I looked at Blake and he was smiling so widely while looking at me then to Connor. He really enjoyed teasing me huh?
I immediately went inside my room and closed the door. Alam kong nakatitig pa rin si Connor sa akin kanina kaya ako na mismo ang bumitaw sa aming dalawa at pumasok sa kwarto ko. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin niya. He was staring at me like I just said something that made him happy. Yet, his looks also said that he’s worried and he doesn’t even care. What I saw was a mixed emotions after he heard our conversation. Kung hindi lang kasi sana chismoso ang kapatid ko, hindi ko na sana pa nasabi ang mga iyon at hindi na sana narinig ni Connor. Tsk.
“Don’t mid her. She’s not in a good mood today.” huling narinig ko mula sa kapatid ko na sa tingin ko ay iyon ang sinabi niya kay Connor, bago ko narinig ang padyak ng mga paa nila paalis.
Huminga ako ng malalim bago umupo sa higaan ko. Agad naman akong tinabihan ni Zeus at humiga siya sa paanan ko. I just smiled at him and cuddled him for a while. Iniisip ko rin kasi kung uuwi na ba iyong si Connor pagkatapos ng pag-uusap namin ngayon. Ang sabi pa naman ni Blake ay dito niya papatulugin ang lalaking iyon. Tsk. Bakit pa kasi ako may kapatid na ang lakas mang-asar? Tsk.
Kakahiga ko pa lang sa kama ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Muli akong tumayo at si mommy ang bumati sa akin pag bukas ko.
“Po?” tanong ko habang bitbit ko si Zeus sa mga bisig ko.
“Can you help me prepare the guest room?” tanong ni mom at tumamlay ako sa sinabi niya.
Ano pa ba ang iba pang dahilan nang paghingi ng tulong ni mom sa akin para ihanda ang guest room? Malamang ay dito talaga matutulog si Connor. Kapag kung ano talaga ang gusto ng kapatid ko ay pagbibigyan niya.
“Dito po ba matutulog si Connor?”
“Yes. Just for tonight. Blake wanted to play games with him.” my mom explained as we started walking upstairs while I am still carrying Zeus.
“I thought you will make Blake study his lessons. The christmas vacation isn’t that long.” pagpapaliwanag ko naman kay mom.
Hindi ko na kaya pang makita na nag-aaway na naman silang dalawa ni mom at dad dahil sa nangyari kay Blake. Remember? He got almost expelled from his school because he defended someone and he was supposed to run for presidency next academic year. Dahil lang doon sa isang pagkakamali niya, ilang araw silang hindi nagkibuan ni mom at iyon ang ayaw kong mangyari. I know how spoiled Blake is and mom is the reason why kaya hindi ako sanay na makita silang dalawa na hindi nag-uusap sa isa’t-isa.
“It’s just for tonight Asher. And besides, Blake and I just settled for the misunderstanding last time. I don’t want your brother to get afraid of me.” my mom said smiling at me.
Oh? Just like me? Dahil sa mga salita na natatanggap ko kay mom mula noon, nagkaroon na ako ng takot mula sa kanya hanggang ngayon. Na sa simpleng pagkakamali na nagawa ko, halos mamatay na ako kakaisip kung ano ang magiging reaksiyon ni mom kapag nalaman niya. She’s strict and very demanding. Pero kahit ganun pa man, alam kong mahal ako ni mommy kaya ginagawa ko nalang ang lahat para sa kanya at sa pamilya ko.
Mom and I reached the guest room at pagpasok naming dalawa ay wala naman akong nakikita na kailangang ayusin.
“Are you sure this place needs to be cleaned?” tanong ko kay mommy habang napaikot pa rin ang tingin ko sa lugar. This was supposed to be my room but then, iyon nga, hindi ako pwede dito sa taas so this became our guest room.
“I’ll go check the toiletries while you go check the snack area.” utos ni mom sa akin. Ibinaba ko na muna si Zeus pero agad din siyang tumakbo palabas ng kwarto. Tsk. That cat really do what he always wanted.
Hindi na bumalik si Zeus kaya pinuntahan ko nalang ang snack area na nasa gilid lang ng higaan. There’s a cabinet in here filled with snacks at isa sa mga pintuan nito ay mini fridge. My dad designed this one for me pero maliit siya para sa akin kaya gumawa siya ng bago na mas malaki. Kaya itong maliit ang nilagay namin sa guest room.
It’s a cabined na hanggang baywang ko lang siguro at may tatlong pintuan. The two doors from the right are filled with snacks such as chips o ano pa na pwede e stock. While the last door here on the left are a small fridge. Binuksan ko ito at mukhang okay naman ang nasa loob. I checked the expiry dates of the drinks at next year pa naman ito mae-expired. May tubig, sodas, may milk at fruit juices din atsaka canned beer. You know mom, palagi talaga dapat kompleto ang lahat.
“Did you check that one already?” tanong ni mom matapos niyang makalabas mula sa cr.
“Yes. Okay naman po ang lahat. Wala nang kailangan.”
“The toiletries are okay as well. I guess we can tell Connor then.” tumango ako matapos marinig ang sinabi ni mom at akma nang lalabas ng silid. “Why don’t you tell him then?” she said and I stopped.
“Po?” wala sa sarili kong tanong sa kanya. “You want me to tell Connor what?”
“That his room is ready. He’s still at your brother’s room. They’re playing. Maybe you can call him for a while or just tell him where his room will be.” paliwanag ni mommy sa akin.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sundin ang utos niya. Nagpaalam na siya sa akin na bababa dahil may pag-uusapan pa daw silang dalawa ni manang. Ako naman ay dahan-dahan na naglalakad patungo sa silid ni Blake. Tsk. That boy really made my day into a mess! At kung hindi lang din kasi pumunta ang lalaking iyon dito, hindi sana ako nasa position na ganito ngayon. At kung hindi lang din kasi sana ako pumunta sa bahay nila, hindi sana siya pupunta dito para isauli ang phone ko. But it’s not my fault! Kung hindi humingi ng pabor si Marco sa akin para puntahan si Connor sa bahay nila, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Tsk.
*ring ring ring*
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang tumunog ang phone ko. I shoved it out of my pocket and Mira’s name was plastered on the screen. I gulped once before answering her call.
“Hello Mira?”
“WHAT THE F*CK IS WRONG WITH YOU!” mabilis kong inilayo ang phone mula sa tenga ko kasi kung hindi, basag na ang tenga ko ngayon.
“Can you please calm down?”
“HOW CAN I?!” she shouted.
“Bakit ka ba tumatawag? Para pagalitan lang ako?”
“YES! BECAUSE YOU ARE F*CKING INSANE GIRL! YOU FOOLED ME!”
“Ano ba ang ginawa ko?”
“You f*cking liar. Bakit si Marco ang pinapunta mo sa airport? At bakit siya ang kasama ko ngayon sa Japan?”
Oh right. I told Marco that they will travel maybe at four in the afternoon so I gave him the ticket and he should not worry about the expenses because everything is paid already. The trip from Manila to Tokyo is 4 hours and 15 minutes so since it’s past eight already, malamang ay nandun na silang dalawa. How nice would it be to tease Mira when they get back here?
“ANO NA ANG GAGAWIN KO NGAYON? ATSAKA, HINDI ALAM NI DAD NA SI MARCO ANG KASAMA KO! HIS GUARDS ARE HERE!” patuloy na pagsigaw ni Mira.
“Don’t worry. Sinabihan ko na si tito kung sino ang kasama mo.” agad naman akong napahawak sa puson ko kasi bigla akong nakaramdam ng kirot. “I told him that you are with your boyfriend.”
“What the f*ck?!” ngayon ay mahinahon na siya. Narinig ko din mula sa background niya na tinatawag siya ni Marco. Sweer!
“Don’t worry. Hindi naman kayo aabalahin ng guards ng daddy mo. Just act as if you don’t know them. Atsaka, hindi naman sila lalapit sa inyo. Nakabantay lang sila mula sa malayo.” napasandal ako sa dingding namin at huminto muna sa paglalakad para hintayin na mawala ang sakit ng puson ko.
“Argh! Sana mas sumakit pa ang puson mo!” sigaw ni Mira sa akin bago ako binabaan ng tawag.
I smiled after hearing her reaction. Kung si Marco na nga ang para sa kanya, then I will love myself even more dahil malaki ang naitulong ko sa kanilang dalawa.
Nang matapos ang pag-uusap naming dalawa ni Mira ay medyo nawala na ang sakit ng puson ko. I guess I am used to the cramps that I always experience every month. I mean, sino naman ang hindi diba?
When I reach Blakes door, hindi tuluyang nakasara ang pintuan kaya dahan-dahan ko nalang itong tinulak. Nang mabuksan ko ito, I stepped inside and saw the two of them talking while looking at the big screen in front of them.
“No. Sis may be that strict or more like, nerd but she knows what a relationship is. She’s with ate Mira always so I bet she knows what boyfriend or girlfriend is and what is kissing or whatsoever.” mahabang saad ng kapatid ko habang ako na nakatayo lang sa likod nila ay hindi makagalaw. What the f*ck are they talking about.
“You know your sister very well.” malamig na sabi ni Connor. Bakit ba gustong makipaglaro ni Blake sa taong ganito makipag-usap sa kanya?
“Of course. And I also know that she likes you.” what the f*ck! My brother then looked back at tumingin siya sa akin. How the f*ck did he know that I am here? “Right sis?” he asked while smirking at me.
I looked at Connor at tumingin na din siya sa likod. Hindi nagbago ang ekspresyon niya ng makita ako pero alam kong gusto niya din malaman ang sagot. F*ck you Blake!
Argh!